Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

False Hope

Gianna1014
--
chs / week
--
NOT RATINGS
71.5k
Views
Synopsis
Nagising na lamang si Anjelous sa harap ng nagtatalo niyang abductors. Isang lalaki at babaeng kamukhang-kamukha niya. Buong buhay niya ay wala siyang nakikilalang kakambal. At hindi pa man niya naiintindinhan ang pagkakamukha nila ng babae ay inuutusa na siya nitong magpanggap bilang.. Siya! Mahirap lamang si Anjelous at nakatira sa Isla Verde. Nang mawala sa dagat ang nakakatandang kapatid ay nagkaroon naman ng sakit ang kanyang ama. Ulila na siya sa ina. Kaya nang alukin siya ng pera panggamot sa kanyang ama at panghanap sa kanyang Kuya ay tinanggap na iyon ni Anjelous. Ang magpanggap bilang Mrs. Anjelous Salvaterra. Ang may bahay ng Mayor ng Lemery, Batangas at nag-iisang rugged politician na nakilala niya, ni Wax Miguel Salvaterra. Her first love since she was seventeen..
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Prologue

Anjelous

Langitngit ng tila lumang pinto sa kinakalawang na bisagra ang aking unang narinig. Mainit ang pakiramdam ko at tumatagaktak ang pawis sa aking noo nang may naringgan akong mga boses. Sinubukan kong imulat ang mga mata pero tila may bakal na pumipigil sa aking pagkilos. Ni hindi ako makagalaw o maimulat man lang ang mga mata ko. Nasaan ako? Sinong kumuha sa akin?

Kalabog sa dibdib at panlalamig sa aking mukha ang bumuhos matapos kong maalala ang mga huling sandali bago ako nawalan ng malay. Ang tanda ko ay may nagbirong takpan ang ilong ko ng isang puting panyo.. nahilo ako matapos kong maamoy ang mabagsik na halimuyak mula roon at isang pares na mga braso ang sumalo sa aking nanghinang katawan.

I gasped mentally. Someone's following me. Nakitaan ko na iyon ng butas pero hindi ko sineryoso! Siya ba iyong lalaking naka-hood na itim? Siya ba iyong sumusunod sa akin mula nang dumating ako sa Ilijan? Kinidnap ba ako?

Pero anong dahilan? Hindi kami mayaman at mas lalong hindi sikat dahil nanggaling lamang ako sa malayong isla namin.

Chito's prank? Pero ang sabi niya ay magtutungo siya ng Lipa.

Or maybe.. this is Jenny's prank? But she's already dead! Kabaliwan. Pero tila may kinilabutan ako nang maalala ang kaibigan.

Sinubukan ko muling igalaw ang aking ulo.. sinubukan kong ibukas ang aking bibig upang sumigaw o makahingi man lang ng tulong pero ni isa ay hindi ko nagawa. Namamanhid ang buo kong katawan. Para bang nakahiwalay ang aking kaluluwa at hindi ko mautusan ang sariling katawan. Ang tanging aktibo ay ang isip kong nalilito pa. Anong ginawa nila sa akin? Nanghihina ako at parang lantang gulay.

Una ko nang napagtanto ang takot sa aking dibdib. Bumalong ang luha sa aking nakapikit na mga mata.

Nang lumakas ang mga boses, ang tangi ko na lamang kayang gawin ay pakinggan ang kanilang pag-uusap. Kasabay nang paunti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa nababanaag na takot.

"Who is she, Anjelous?! Bakit.. kamukhang-kamukha mo ang babaeng 'yan? M-may kakambal ka bang hindi mo sinasabi sa akin!?" pinaghalong galit at mangha ang nabanaag ko sa boses ng isang lalaki. "Inutos ko sa mga tao kong 'wag gumawa ng ikapapahamak mo!"

Hindi ko kilala ang boses na iyon at ni hindi ko pa narinig sa tanan ng buhay ko. O kahit mga kilalang dayo sa isla.

Ngunit tama ba ang dinig ko? Tinawag niyang Anjelous ang kausap niya? Kakambal? May kamukha ako at kapareho ko pa ng pangalan!

I heard a woman's growl in despair. Pumalatak pa siya na parang naiinis sa kausap.

"Hindi ko siya kakambal, okay? Saka kailangan natin 'yan para makatakas tayo. You've been asking me to leave Wax and be with you, Lawrence. Eto na 'yon! Ito na ang pagkakataon nating makatakas kahit sandali. At isa pa.. ayoko nang danasin ang makipagplastikan sa mga tao para lang ikampanya ang asawa ko. Ang tagal ko nang nagtitiis do'n. Ayoko na!" kombinasyon ng pagkairita at pandidiri ang tono ng kanyang magandang boses.

Ilang sandaling nanatiling tahimik ang dalawa. Ngunit pakiramdam ko ay nakatunghay sila sa akin at mariin akong pinagmamasdan. Ang pag-uusap ay tila limitado lamang ngunit puno ng matalinhagang mga salita.

"Hindi mo 'to ipinaalam sa akin. Ni pagsabihan ako na may iuuwi kang babae.. ni wala akong kaalam-alam na may.. n-na may nag-eexist na kamukhang-kamukha mo.. maybe she's your sister or.. arggh—I don't know! This can't be just a fluke, sweetheart. She's somehow related to you! Para kayong pinagbiyak na bunga--oh!" salita niyang nahihirapang huminga.

"I know I know, darling. Hindi ko kilala ang babaeng 'yan. But look, she can help us in our plan. She's the one we're waiting for. Bakit hindi natin subukan.. come on, Lawrence.. pag-isipan mong mabuti ito. Baka bukas lang ay magising na 'yan at mawala na ang bisa ng drugs na tinurok ko. Please.. cooperate with me. Ayokong magtagal na pamilyang iyon." She said begging. Her voice..

Sino ba ang mga taong ito? Anong kailangan nila sa akin? At bakit tila.. ang pakiramdam ko ay kilala ko ang babaeng nagsasalita. Pamilyar ang boses niya..

Sunod kong narinig ang pagtangis ng lalaki. May sinabi siyang hindi rumehistro sa utak ko. Siguro dahil nahihilo na naman ako at unti-unting hinihila ng antok..

"You're crazy. And you owe me an explanation, Anjelous.. hindi ito ang inaasahan ko.."

Hindi ko na natapos pa ang pakikinig sa lalaki dahil tuluyan na akong hinatak ng antok at naglaho ang mga tinig..

***

Isla Verde, Batangas. (7 years ago.)

"Ayan.. ayan na.. sungkitin mo na!" natatawa kong sigaw sa kaibigan kong si Chito. Tinaas ko ang hawak na basket para saluhin ang mga sampalok.

"Naiimbyerna ako sa kakaayan mo, Anj e! Nabibingi ako sa 'yo," naiinis na niyang sagot sa akin pagkatapos na bumagsak ang bunga sa basket namin.

Tiningnan ko ang laman ng aming basket. Siya naman ay tinusok sa lupa ang panungkit at maarteng namaywang, nagpaypay na maarteng prinsesa.

Tiningnan ko siya, "Hindi pa 'to ganun karame pero ayos na rin kaysa wala. Tara na sa bahay nang maging champoy na 'to. Dali!" sabay hila ko sa kanya.

"Dahan-dahan bruha ka at baka madapa ako! Anjelous!" matining niyang tili. Hindi ko siya pinakinggan at basta na lamang hinila.

Kailangan na naming ilaga, balatan at lutuin ang mga sampalok. Ginagawa namin itong champoy at binibenta sa mga dumarating na bisita sa Isla Verde.

Yakap-yakap ko ang basket at kinakalkula kung magkano ang pwede naming kitain sa mga champoy. Alam ko namang hindi iyon kalakihan pero makakatulong sa pambayad para sa toga namin ni Chito. Ga-graduate na kami ng high school. Nahihiya naman akong hingin lahat kina Kuya at Tatay ang pambayad kaya, ang sabi ko kay Chito ay magbebenta kami ng sampalok.

"Sa tingin mo ba kakasya 'yang lahat? Hindi biro ang presyo ng toga, Anj.." malungkot niyang sabi sa akin.

Isang beses ko siyang sinulyapan habang pinapausukan ang panggatong namin sa likod-bahay. Wala si Kuya. Si Tatay naman ay nagpapahinga sa kanyang kwarto.

Ngumiti ako. "Think positive ka lang, Chito. 'Wag kang dramatic actor dyan." biro ko.

"Eww sa dramatic actor. Actress kaya ako!" kontra niya sabay de-kuatro habang nakaupo sa sementadong barandilya sa labas ng pinto na nagsisilbing munting balkonahe ng bahay. Pero karaniwan na iyong disenyo ng mga bahay dito sa Isla Verde. Gawa sa kahoy at semento ang mga bahay.

Ang kaibahan nga lang namin mula sa mainland ay wala kaming kuryente. Ang buong isla ay hindi nakokonektahan ng serbisyo ng Meralco.

Natawa ako at malakas na pinaypayan ang gatong na nagsisimula ang umusok. Hindi na ako nakasagot sa kanya at isang beses siyang sinulyapan, hinahandan na niya sa tabi ang lulutuing sampalok.

Pinanganak na lalaki pero may pusong babae si Chito. Kasing-edad ko at kababata na rin. Sa iisang eskwela kami pumapasok at pareho palagi ng seksyon. Wala din naman kaming pagpipilian dahil iisa lang ang eskuelahan dito sa San Agustin Kanluran kaya ang mga kapitbahay namin na kasing-edad ay kaklase na rin at magkakakilanlan.

Subalit si Chito ang pinaka-close ko sa lahat. At si Jenny. Pero si Jenny ay hindi permanente rito sa isla dahil may mga buwan at taong lumuluwas ito patungong Batangas City. Hindi niya gusto ang buhay sa Isla Verde. Ayaw niya nang walang kuryente. Ang isla ay limitado lamang ang kuryenteng kayang ibigay mula sa generator ng mga resort. May oras sa gabi pagkatapos ay papatayin na. Ang ilang bahay na may kakayahang bumili ng solar panel ay ganoon din ang sitwasyon. At sa hindi kayang bumili katulad namin, wala talagang kuryente.

Ni wala kaming appliances na tulad ng TV, refrigerator at electric fan. Iyon ang palaging binibida sa amin ni Jenny sa tuwing dumadalaw sa isla. Nakakawala raw ng boredom kapag may mapaglilibangan tulad ng TV at cellular phone.

Kami ni Chito ay paminsan-minsang nakakahawak ng cellphone niya. Pero hindi namin ganoon na kagusto iyon dahil para sa amin ay wala kaming paggagamitan. Wala kaming kakilala sa mainland para tawagan o kausapin. At nangangailangan pa raw iyon ng load para magamit. Gastos lang din.

Mabait si Jenny sa amin. Maganda rin. Dumarating nga lang na pagkakataon na nagiging maldita ito sa iba na naiintindihan ko dahil siguro nai-intimidate sa kanya. Hindi siya maayos na napapakisamahan. Maganda siya at matalino rin sa eskuela. Sa isla ay kami lang ang talagang kaibigan niya.

Ang Kuya Charleston ko nga ay nagkagusto sa kanya at niligawan din siya. Sinagot din ni Jenny pero sa maiksing panahon lamang ang kanilang naging relasyon.

Sobrang nasaktan noon si Kuya. Hindi man niya sabihin sa akin pero nararamdaman kong magpahanggang sa kasalakuyan ay mahal pa niya si Jenny.

Hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob sa kaibigan nang makipaghiwalay ito sa kapatid ko. I saw them on their happy moments and the genuine smiles on their faces. Kahit ang ka-sweetan ni Kuya sa kanya ay nasaksihan ko rin. Sobrang na-in love sa kaibigan ko. Bata pa naman sila at marami pang pwedeng mangyari.

Isang araw bago ang graduation ay inabutan ako ni Kuya Charlie ng pera. Pambayad ko raw iyon para sa togang gagamitin.

Tinitigan ko ang mga perang papel sa palad ko at nangilid sa mga mata ko ang luha. May tig-iisang daanin at karamihan ay tigbebente. Napasinghot ako habang iniisip kung paanong pagtatrabaho ang ginawa ng kuya ko para makaipon siya ng ganitong halaga. Sa kanya kami halos humuhugot ng panggastos sa pang araw-araw. Ang baon ko at pangangailangan sa school ay sa kanya ko rin hinihingi.

Pinagtawanan niya ako at ginulo ang buhok.

"'Wag kang magdrama dyan hoy, hindi bagay sa 'yo, Anj." biro niya sa akin. Umupo siya sa harap ng mesa at binaba sa gilid ang gamit na puting tuwalya. Kinuha ang sandok at nagsalin ng kanin sa kanyang plato.

Ang Tatay ay nakangiting nakamasid sa amin.

Pinunasan ko ang ilalim ng ilong at maayos na tinupi ang pera sa aking kamay. Ngayon lamang ako nakahawak ng ganito kalaking halaga. At tila binibiyak ang puso ko sa pag-i-imagine kung gaano katagal at hirap ang ginawa niya para makabuo ng ganitong pera.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, naiiyak. Samantalang ang Kuya ko ay nakangisi pa sa akin.

"Promise kuya, babawi ako sa 'yo kapag ako naman ang nakapagtrabaho. Papasok ako sa isa sa mga resort dito pagkatapos na pagkatapos ng graduation namin." matagal ko ng plano iyon. Kami ni Chito. Lalo na at summer ngayon tiyak na may pupuntang mga turista para magbakasyon sa isla.

Nagtatrabaho bilang boatman si Kuya Charlie. Private boat ang kanya kaya medyo malaki-laki ng kitang naiuuwi niya. Sinusundo at hinahatid niya ang mga turista mula sa barangay Ilijan papunta rito sa Mahabang Buhangin kung saan ang daungan ng mga bangka. On-call sila pero madalas ding kinukuha ng serbisyo dahil may oras ang pampublikong bangka pabalik ng mainland sa Batangas.

Isang konsehal ang nagmamay-ari ng bangkang ginagamit niya. Ang paalam naman niya sa Tatay ay mabait ang may-ari at malaki magpasweldo. Nakakaipon din daw siya para pang aral sa kolehiyo.

Pangarap niyang maging isang seaman at makapagtrabaho sa barko. Pero walang kolehiyo rito sa Isla Verde. Kaya kapag dumating ang araw na nakapag-enroll na siya ay aalis siya ng isla para tuparin ang pangarap.

Pakiramdam ko ay ako na lang ang hinihintay ni Kuya na makapatapos ng high school. Hindi ko pa naman alam kung kailan ako makakatuloy sa kolehiyo. Kaya magtatrabaho muna ako, mag-iipon tulad ng Kuya ko bago mag-aral ulit.

Bumuntong hininga si Kuya at tiningnan ako. Nasa mukha niya ang pag-aalala sa akin at kay Tatay. Ngunit dahil sa aming sitwasyon ay tila kami ginagapos sa kahirapan.

"Hayaan mo.. maghahanap din ako ng trabaho sa lungsod para makapagbigay din ako rito sa bahay habang nag-eeskuela ako. Hindi ko pa rin kayo pababayaan." seryoso niyang pangako sa amin.

Lumamlam ang liwanag mula sa lamparang gamit namin na nasa hapag. Ang hampas mula sa alon ng dagat at ingay ng kuliglig ang musika ng kapaligaran. Napatingin kami kay Tatay nang sabay niyang tapikin ang aming mga kamay.

Pinanood namin ni Kuya ang detalye ng kanyang pagsenyas ng mga kamay.

'Wag kayong mag-alala mga anak, tutulong din ako at magtitinda ng champoy para makatulong sa pangkain natin araw-araw. Sasampa rin ako ng bangka at lalaot pang dagdag pa.

Tunog mula sa pagtama ng kanyang mga kamay ang tanging nagagawang ingay ni Tatay. Nginitian siya ni Kuya at sinagot na may kasamang kumpas ng mga kamay, "Mas gusto po naming nagpapahinga kayo rito sa bahay, tay. 'Wag na po kayong sumama sa laot, dito na lamang kayo. Binabagabag ako kapag umaalis po kayo."

Mabilis ang pag-iling ni tatay. Okay lang ako. Wala namang nangyari sa akin at malakas pa ako.

Tinaas pa niya ang isang braso at pinakita ang masel na nilipasan na ng mga taon. Tinaas ang isang kamay at sumenyas ng 'aprub' sign.

Napangiti ako maging si Kuya. Pero nasa mukha ni Kuya Charlie ang pag-aalala. Dahil noong huling namangka si Tatay ay bigla raw itong nahilo at kamuntik pang mahulog sa dagat kundi lamang agad na nasalo ng mga kasamahan sa pangingisda.

May malay na siya ng bumalik sa pangpang kaya hindi na namin nadala pa sa clinic. At kung sakaling madala ay hindi rin matitingnan dahil wala roon ang nag-iisang nurse ng barangay. Halos isang oras pa ang byahe ng bangkang de-motor kung pupunta sa mainland.

Nasa singkwenta na ang edad ni Tatay at nakikitaan na rin ng sakit ng katandaan. Dati itong tagapamahala ng inabandonang resort sa isla hanggang sa magsara. Doon niya nakilala ang Nanay. Dayo noon si Nanay nang makilala ang Tatay. Sa kabila ng kapansanan ay nahulog ang loob nila sa isa't-isa at nagpakasal.

Pipi at bingi si Tatay, ngunit mahusay magbasa ng galaw ng labi. At dahil sa kahusayan din sa pagtatrabaho ay nagtagal ito sa propesyon. Naging boatman din bago nagtrabaho sa resort noon. Habang si Nanay ay isang public school teacher sa Agoncillo. Nagbakasyon lamang sa isla kaya nagkakilala ang dalawa.

Mula sa lumang litrato ay napagtanto kong magandang lalaki rin ang Tatay ko noon. Matangkad at kayumanggi ang balat na mas pina-dark pa dahil sa buhay-isla. Maganda rin si Nanay, maputi kaya naman hindi kataka-takang magkahulihan ng loob ang mga magulang ko.

Noong nabubuhay pa si Nanay ay naalala ko kung gaano naging masaya ang bahay namin. Simple maging ang pagkaing nakahain. Ngunit nang magsara ang resort na pinagtatrabahuan ni Tatay, unti-unting naubos ang ipon namin. Hindi na rin nakabalik sa pagtuturo si Nanay dahil nagkasakit ito. Cancer of the blood. Nasa huling stage na nang matuklasan namin ang sakit niya. At ilang buwan na lamang ang lumipas ay tuluyan na kaming iniwan ni Nanay.

Hindi ko na mabilang kung ilang gabi kong nagigisnan si Tatay na umiiyak habang nasa kanyang dibdib ang litrato ni Nanay. Naghihinagpis sa namayapang maybahay. Nasa elementarya pa lamang ako noon at pinalano ko na ang magiging kapalaran balang araw.

At ngayong magtatapos na ako ng high school, ito na ang takdang panahon para makabawi sa paghihirap nina Tatay at Kuya sa akin.

***

Ilang beses kong sinutsutan si Chito sa kanyang upuan sa eskuela dahil kanina ko pa siyang napapansin na bumabagsak ang ulo sa antok. Nakahiwalay ang pwesto ng mga babae at lalaki kaya hindi kami magtabi. At bago ibigay ang aming diploma ay nagsasalita ang panauhing mayor sa eskuela.

Nang matapos at magpalakpakan ay doon lamang nagising si Chito at nakipalakpak kahit hindi alam kung para saan iyon. Napailing na lamang ako.

"Kailan na ang balik mo nyan dito sa isla?" nalulungkot kong tanong kay Jenny. Hinatid namin siya ni Chito sa pangpang bago ito sumakay ng bangka pabalik ng Ilijan.

Pagkatapos ng graduation ay aalis na raw ng isla ang kaibigan namin. Lilipat sa tiyahin na taga-agoncillo at ito na raw ang magpapaaral sa kanya sa kolehiyo.

Paghinto namin malapit sa sampahan ay humarap sa amin si Jenny. Sinamsam ang mahabang buhok na nililipad ng malakas na hangin. Nangingintab ang balikat dahil sa tindi ng sinag ng araw.

Nginitian niya kami, "Sa sabado babalik ako. Pero kung matagalang dalaw, sa bakasyon, Anj. Bandang october, semestral break. Kailangan ko rin syempreng dalawin ang lola ko rito."

Ngumuso si Chito at kinurot sa baywang si Jenny. "Hoy 'wag kang makakalimot ah! Baka kapag nasanay ka na sa mga kaklase mong kolehiyala ay hindi mo na kami makilala,"

Sabay kaming tumawa ni Jenny.

"Hindi ako ganu'n 'no! Ikaw pa e ang dami mong bilin sa akin."

Kumunot ang noo ko at napatingin sa bakla kong kaibigan habang nakaabrisete sa aking braso. "Tulad ng..?"

Kunwaring nagsalikop ng buhok sa likod ng tainga si Chito. Wala namang buhok dahil maiksi ang kanya. At maarteng ngumuso.

"Ihanap niya ako ng pogi do'n!"

Napangiwi ako at tinulak siya. Umarte naman itong tila babaeng natisod.

"Ay grabe siya oh.. nanunulak ng bakla 'te.." patampo niyang sabi sa akin.

"Ang mabuti pa dalawin niyo na lang ako roon. Sa susunod na linggo ay mamimyesta kami ni tyang sa Lemery. Manonood na rin kami ng dance contest doon. Punta kayo!" masiglang aya niya sa amin.

Halos mabingi ako ng biglang tumili si Chito at nagtatalon. Napatingin sa kanya ang ilang tao na nasa bangka.

"Oo! Oo! Tara punta tayo, Anj! Nang makabingwit naman ako ng mga gwapo roon!"

Medyo malakas ang pagkakasabi niya kaya ilang lalaki ang napatingin sa amin. Napakamot ako sa ulo. Si Jenny napatakip ng bibig at pigil na tumawang malakas.

"Alis na ko, Anj, Chito! Babalik ako agad sa sabado at kung pinayagan kayo, sumabay na rin kayo sa akin. Sige!" kaway at paalam sa amin ni Jenny bago sumakay sa bangka.

Nakangiti pa rin siya habang lumalayo ang bangka dahil si Chito ay tila nangisay na sa sobrang excitement. Habang pauwi ay kinulit ako ng kinulit para pumayag na sumama sa kanya.

Aaminin ko, gusto ko ring pumunta roon. Hindi pa ako nakakalabas ng isla. At kung sakali ay makakaapak sa bayang pinagmulan ni Nanay.

Kaya pagkauwi ay pinaalam ko iyon kina Tatay at Kuya Charlie. Nang malaman naman ni Kuya kung kanino kami tutuloy ay nasa pagitan siya ng pagpayag at pagtanggi sa imbitasyon ni Jenny.

Si Tatay ay nagbigay ng aprub sign at saka tinuro si Kuya. Lumapit ako kay Kuya at pinunasan siya ng pawis sa kanyang noo, mukha at leeg. Naalibadbaran yata at winasiwas ang kamay ko.

"Sige na, sige na. Pumapayag na ako." sagot niya sa akin.

Malaki akong napangiti at halos tumili sa saya. Niyakap ko pa siya. Marahan naman niya akong tinapik sa aking ulo. "Salamat, Kuya!"

"Pero Anjelous.." sumeryoso ang boses niya. "dalawang araw lang ah. Hihintayin ko kayo ng linggo sa Ilijan para sunduin. Matinong usapan 'yan ah?"

Mabilis akong tumango sa kanya. "Yes, Kuya. Pangako."

***

Humahangang sinundan ko ng tingin ang ilang kababaihang may makabagong pananamit. Hapit na hapit ang kanilang pantalon sa mga binti at hita. At ang blouse ay nililipad ng mabining hangin at lumilitaw ang kanilang mapuputi at makikinis na tiyan. Unconsciously, yumuko ako at tiningnan ang damit na suot. Straight cut old faded denim jeans at panlalaking T-shirt na malaki.

Tinaas ko pa ang isang paa at pagkatapos ay ang kabila. Napanguso ako. Hindi yata ako na-update sa bagong fashion ngayon.. napangiti na lang ako at nagkibit-balikat.

Maraming tao ngayon sa bayan ng Lemery. May dance contest kaming hinihintay na magsimula. Tumingila ako at sinuyuran ng tingin ang namumutiktik na trayanggulong banderitas na nakasabit sa itaas. Nasa lima at anim na hilera. Pink at white ang alternate na kulay.

Pati ang disenyo ng makipot na stage ay ganoon din ang tema ng kulay. Ang backdrop ay litrato at mukha ng kanilang kasalakuyang alkalde. Ang mga plastic na upuan ay okupado na kaya nasa likuran na lang kami para makapanood.

"Anj ice cream mo oh," tawag sa akin ni Chito.

Nakangiti kong inabot sa kanya ang biniling ice cream. Kulay pink ang apa at tatlong patong ng iba't-ibang flavor. Agad ko iyong dinilaan. Nagilalas ako sa unang lamig na naramdaman. Kailan ba ako huling nakatikim nito? Wala namang gumagawa ng ice cream sa isla dahil hindi permanente ang kuryente. Kaya tinuring ko kaagad na mahalagang pagkain ang ice cream na hawak. Hindi ko pinabayaang hindi masayaran ng dila ang natutunaw na ice cream.

Napaigtad na lamang ako sa gulat ng biglang tumili sa tabi ko si Chito. Hindi ko napansin ang mga taong biglang nagkagulo at nagkumpulan ilang dipa ang layo sa amin. Sinundan pa iyon ng maingay na musiko.

Napangiwi ako sa daluhong ng ingay. "Anong sabi mo?!" malakas na boses kong tanong sa kanya. Halos magtatalon na ang bakla sa gulo.

"Iiiiiihh! Nakakita yata ako ng anghel!! Ang gwapooo!" namimilipit niyang sagot sa akin. Itinuro pa ang kumpulan ng mga tao.

Sinundan ko ng tingin ang tinuro niya. Nabanaag ko ang ilang taong may pare-pareho ng polo short. Mapusyaw na kulay red at may pangalan ng kandidato na naka-imprint sa may dibdib. May nakasulat ding isang pangungusap. Hindi ko naman makita kung sino ang tinuturo niya.

"Ayan na 'yung gwapong anak ni mayor!" dinig kong sabi ng isang babaeng nasa unahan namin at kapareho ni Chito, halos hindi na mapakali sa paghintay. Tumakbo na rin doon kalaunan.

Tumingkayad ako at hinanap ang lalaking nakursunadahan ni Chito. Inilibot ko ang paningin hanggang sa lumapit ng lumapit sa amin ang grupong iyon. Nakita kong may namimigay ng pamaypay at nakabilot na kalendaryong gawa sa karton. Naabutan din ako ng pamaypay kung saan na nakadisenyo ang kalahati ng katawan ng tumatakbong mayor ng bayan ng Lemery na si Arsenio Salvaterra. Ang kanilang kasalukuyang alkalde.

"Malapit na siya sa atin, Anj! Ke gwapo! Nakuha na niya ang puso ko.." maarte niyang sambit sa tabi ko. Inipit ang isang pisngi ng palad.

Binalewala ko ang litanya at nilapit ang natutunaw ko ng ice cream sa bibig ko. Eksaktong nilabas ko ang dila at pataas na pinunas sa ice cream cone nang magtama ang mga mata namin ng isang lalaki mula sa grupong pinagkakaguluhan ng mga tao.

Nilunok ko ang laman ng dila habang nakahinang ang paningin ng lalaking estranghero na kung titigan ako ay para bang may ginawa akong masama sa kanya. Gumalaw ang makakapal niyang kilay.

Napansin kong matangkad siya. Siya ang pinakamatangkad sa mga kasama. Suot ang pulang polo shirt. Sa porma pa at itsura ay batid ko ng may kaya ang lalaking iyon kahit na ba ang tanging palamuti sa katawan ay ang relos niyang kulay itim. Malapad ang balikat at ang dibdib ay parang kasing-tigas ng adobe. Ang mga braso ay malaki pero hindi nakakatakot na para bang pinahumpak sa loob ng gym.

Natuyot ang lalamunan ko nang tumagal ang paninitig niyang iyon sa akin. Tumalon-talon pa sa tabi ko si Chito at bahagya akong hinatak sa braso kaya naputol ang titigan namin ng estrangherong lalaki.

"Dinaanan niya ako ng tingin, Anjelous! Hihimatayin ako.. hihimatayin ako sa... kiliiig!" pahisterya niyang tili.

Ngumiwi ako at siniko siya sa tagiliran. Bigla siyang tumigil sa pagtatalon at ngumiwi. Natuluan pa ng ice cream sa paa. "Nangangampanya 'yan kaya malamang 'di lang ikaw ang titingnan nu'n." which is true. Pero pakiramdam ko.. gusto ko na ring gayahin siya dahil pinabilis ng estrangherong iyon ng tibok ng puso ko. Kumalabog sa unang tagpo ng mga mata namin.

Napapareho na yata ako sa ibang babae rito. Kinikilig at nangingisay sa kagwapuhan ng lalaking iyon.

"Eto naman manang na manang ang dating. Wala ka man lang bang naramdaman ng magtitigan kayo ng anak ni mayor?! 'Kala mo hindi ko napansin? Chaka ka kung hindi 'no! Hmmp!"

Lihim akong napasinghap, "Hindi." pagalit kong sabi. Na sa huli ay unti-unti pa rin akong napangiti.

Pero nang ibalik ko ang paningin sa estranghero ay wala na roon ang lalaki. Nilagpasan na kami ng grupo nila at tinungo ang gilid ng makipot na stage.

"Anj! Chito!" tawag sa amin ni Jenny. Sa kanyang likuran ay kasama ng tyang niyang panay ang paypay mula sa kandidato. "tara rito kayo pumwesto.." aya niya.

Inubos ko na ang hawak na ice cream at tumabi sa pwesto nina Jenny. Nasa harap namin iyong mga taong nakaupo sa hinandang upuan kaya walang hadlang sa nakikita ko ang umaakyat sa stage.

Malakas na nagpalakpakan ang mga tao nang humiyaw ang lalaking emcee. Hindi ko malaman at nalilito ako kung bakit kumakalabog ang dibdib ko sa paghihintay ng sasayaw. Kanina pa ba ito?

"Bigyan natin ng isang masigabong palakpakan.. ang napakagwapong anak ng ating butihing alkalde.. Sir Wax Miguel Salvaterra!!" malakas na sinigaw ng emcee ang pangalang iyon na sinundan pa ng pagtugtog ng musiko.

At mula sa gilid.. ay umakyat ang estrangherong nakatitigan ko. Ang estrangherong nahuli akong dinidilaan ang natunaw na ice cream. At ang estrangherong nagpahurantado ng dibdib ko sa unang pagkakataon sa buhay ko.

Napaawang ang labi ko habang pinanonood ko siyang kumaway at tipid na ngumiti sa mga tao. Mahal ba ang ngiti mo? O talagang ganoon ka.

Doon ako nagkaroon ng malayang pagkakataong matitigan siya. He got a cold and hard features, a combination of that two. Kahit sa malayo ay namataan ko ang magandang niyang mga mata. hooded eyes and very mysterious. Para bang bihira lang siyang magsalita pero puno ng laman kung sakaling bumigkas. At para bang kailangan mong magbayad para makalapit sa kanya.

May sinabi siya sa emcee. Nakipag-usap sa kanya iyong kasama sa stage at sinuyuran ng tingin ang mga tao. Natigagal ako at mas lalong nagloko ang puso ko nang marinig ko ang boses niya. Malalim at malaki. Wala pa akong ganoong narinig na boses sa isla. Ang Kuya Charlie ko ay malalim ang boses pero hindi kasing kulog ng sa lalaking ito. Para bang dumidikit sa paligid ang uri ng boses niya. Ang boses na masigawan ka lang ay napapaigtad ka sa takot.

Hanggang sa dumeretso sa akin ang mga mata niya. Nagtagal. Naramdaman kong humahampas na ang puso ko sa tindi at makahulugang titig na iyon ni Miguel.

Miguel. Pati pangalan gwapo rin. Walang panget sa 'yo ano? Parang baliw kong tanong na para bang personal kaming magkakilala.

Napansin ng emcee ang direksyong tinitingnan ni Miguel. Napatingin din sa akin. Inaalam kung sino ang binibigyan ng pansin ng lalaki. May binulong sa kanya ang emcee na kinataas ng gilid ng kanyang dulong labi at saka binalik sa akin ng paningin. Siguro ang edad niya ay nasa pagitan ng bente singko at bente syete. Ang mature na niyang tingnan. O sa pananaw ko lang sa gulang na disisyete.

Pinisil ko ang mga daliri at baka nasa loob ako ng panaginip. Diniin ko pa at napangiwi ako sa sakit. Binalik ko ang tingin sa stage. Nagsasalita na siya ay nasa akin pa rin nakatingin. At kung aalisan ay muling ibabalik sa akin na parang binabantayan ako.

Hindi ko alam kung may nakakapansin ng iba—at hindi ko na rin maintindihan dahil tumutodo ang kalabog sa dibdib ko. Para siyang may hinagis sa aking granada at ako ngayon ay humahalapos sa gulat..

***

One year later.

"Kasal?! Nagpakasal na si Jenny?" gulat kong tanong kay Chito matapos niyang ibalita sa akin iyon. Nahinto ako sa paghuhugas ng plato at tiningnan siya.

Nagkibit balikat si Chito, "Kahit ako nagulat. Parang kailan lang, 'di ba..?"

Kumunot ang noo ko. "Wala namang sinasabi si Jenny na may boyfriend siya. Kaklase ba niya?" tanong ko at saka dahan-dahan na muling sinabon ang platong hawak.

"Ha! Ang chika ng lola niya.. ewan ko kung legit.. kay Tony daw."

"Ano?! Kay Kuya Tony?" gulat ko na namang tanong sa kaibigan.

Si Kuya Tony ay ang pinakilalang sa aking bagong kaibigan ni Kuya Charlie. Nagsisimula nang mag-aral si Kuya at nang magbakasayon dito ay may kasama na siya. Iyon nga ay si Kuya Tony. O baka may iba pang Tony na tinutukoy si Chito.

At hindi ko rin alam na magkakilala pala sina Jenny at Tony.

"Ang laki nga ng ngiti ni lola Miding habang pinamamalita rito ang tungkol doon. Kaka-debut lang yata ni Jenny pagkatapos ay pinakasal na iyong dalawa. Hindi naman daw titigil sa pag-aaral 'yung dalawa.."

"Pero bakit nagpakasal agad? B-buntis ba si Jenny?"

"Baka raw mabuntis. Siguro ay nahuli 'yung dalawa.. kaya ayun pinakasal na agad."

"Si Kuya? Alam na ba ni Kuya?"

"Hindi ba nabanggit sa 'yo ng Kuya mo?"

Umiling ako. "Hindi. Wala. Wala siyang sinasabi." Ang lungkot ko ay para sa kapatid. Magmula nang mag-break sina Kuya at Jenny ay hindi na ulit nanligaw sa ibang babae ang Kuya ko. Iniisip kong baka si Jenny pa rin ang gusto niya.

Hinihintay ko lang na magbalikan silang dalawa pero hindi na pala iyon matutuloy pa. Dahil napangasawa na ni Jenny ang kaibigan niyang si Tony.

Lumipas ang mga linggo na napagmamasdan ko si Kuya sa tuwing naririto siya sa isla. Hindi siya full loaded sa eskuela at iilan lamang ang kinuhang subject. Hindi yata ako marunong bumasa ng mukha dahil hindi ko siya nakikitaan ng lungkot magmula nang malaman kong nagpakasal na si Jenny. Ang tanging dasal ko na lang ay makatagpo siya ng bagong mamahalin.

Magmula rin nang tumapak ako sa Lemery ay hindi na nawala sa isipan ko si Wax Miguel Salvaterra. Naging instant crush ko siya pagbalik ko sa isla. Tuwing gabi ay siya ang iniisip ko habang pinapakinggan ang hampas ng alon sa dalampasigan. At may ngiti sa labi akong nakakatulog.

Hindi na matumbasan na kahit na ano ang excitement ko sa tuwing pumupunta kami sa mainland. Noong unang pakay ay para magbenta lamang ng champoy at ng gawa kong bracelet at kwintas sa Ilijan. At kapag may oras ay bumabyahe pa kaming pa-agoncillo para dalawin si Jenny sa bahay ng tyang niya. Pero lumipat na siya ng bahay sa Lemery magmula ng mapangasawa si Kuya Tony.

"Ito na yata ang bahay nila, Anj.." tinuro sa akin ni Chito ang isang maliit na gate.

Tiningnan ko ang nakasulat na address at ang numerong naka-emboss sa labas ng gate. "Ito na nga," nakangiti kong sabi. Lumapit ako at kumatok. "Tao po.. Jenny.." tawag ko.

Napatingin ako sa paligid. At wala sa sariling nangiti. Ito ang bayan ng mga Salvaterra.. ni Miguel.. nakaramdam ako ng pagpilipit sa tyan nang maalala ang gwapong estranghero at ang tagpong paninitig sa akin halos isang taon na ang nakakaraan.

Isang taon na ang nakalipas. Marami nang nangyari at malamang ay sa kanya rin pero hindi pa siya nawawala sa isipan ko.

"Sino ba 'yang---!"

Napatingin ako sa pinto. Nakita ko si Kuya Tony.. namimilog ang mga mata at gulat nang buksan ang kanilang pinto.

Bahagya akong nagulat. Maging si Chito ay natahimik nang salubungin kami ng galit niyang mukha.

Tumikhim ako. "Hello, Kuya Tony.." nahiya akong bigla. Wrong timing yata kami.

Sumilip sa loob si Kuya Tony at muli kaming tiningnan. Nang tumingin sa akin ay lumambot na ang mukha niya at ngumiti kahit papaano. Gumaan ang pakiramdam ko.

Lumapit siya sa gate at pinagbuksan kami.

"Kayo pala. Pumasok na kayo sa loob.. nasa loob si Jenny." Lumabas siya.

"Aalis ka, Kuya?" habol ko sa kanya.

Sinulyapan niya si Chito at tiningnan ako nang may pagmamadali. Tinanguan niya ako. "Oo. May lakad ako." at saka kami tinalikuran.

"Parang mainit ang ulo, Anj.." bulong sa akin ni Chito habang pinapanood namin si Kuya Tony na sumakay sa kotse nito.

Nagkibit balikat na lang ako at pumasok na sa loob ng bahay. Ngunit tumatakbong lumabas ng bahay si Jenny. Huminto at nagulat nang madatnan kaming papasok din.

"Jenny! Kamusta...ka na.." bumagal ang pagsasalita ko nang makita ang pangingitim ng gilid ng mata ng kaibigan. Inilang hakbang ko siya at tiningnang maigi ang parteng iyon ng mukha niya. "Na paano 'yan?" usisa ko.

Kasunod ko si Chito na tiningnan din ang kaibigan. Yumuko si Jenny na parang napahiya. Kibot kaming nginitian.

"W-wala 'to.. n-na.. nauntog kasi ako sa.. s-sa pasimano.. oo doon nga." Sabay iwas ng mukha. Tinakpan pa niya iyon ng bangs pero hindi na maitatangging pasa iyon.

Nagkatinginan kami ni Chito. Wala nang sumagot doon at tahimik na lamang na pumasok sa loob ng bahay nila.