Chapter 1
Anjelous
"Sa tingin mo.. sinasaktan ni Tony si Jenny? Pisikal?" bulong sa akin ni Chito habang pareho kaming nakatanaw sa karagatan. Nasa byahe pabalik ng Isla Verde.
Nilingon ko siya. Halos nakapikit na dahil sa malakas ng pagtama ng hangin sa mukha. Ang mukha naman niya ay halos hindi maipinta dahil pareho pala naming iniisip si Jenny.
Hindi ko masabing 'baka' o 'baka hindi' dahil wala namang inamin ang kaibigan namin. Knowing her, Jenny is very vocal pagdating sa buhay niya. Madalas niyang kinukwento sa amin kapag nagkikita ang mga napupuntahan at nabibili niya maging ang love life.
Nagkibit-balikat ako, "Ayokong manghusga, Chito. Ang sabi ni Jenny ay nauntog lang siya.. hindi naman niya kailangang itago sa atin iyon kung sakali. Tayo ang tunay niyang kaibigan," sansala ko sa kutob niya. Ramdam kong ganoon din ang konklusyon ko. Pero mahirap magsalita ng tapos lalo na at mag-asawa iyong dalawa.
Binuksan ni Chito ang bag na nasa kandungan, "Anong malay natin at baka nga napagbubuhatan ng kamay ni Tony ang asawa niya. Ni wala nga tayong alam na sila ang magkakatuluyan sa huli. Pero ramdam mo ba? Para silang wala sparks sa isa't-isa.." sabay labas ng compact powder at sinilip ang mukha sa pabilog na salamin.
"Anong sparks?"
"Sparks. Iyong nagko-connect sa dalawang tao kapag may pag-ibig, Anj. Kapag nagdikit, para kang nakukuryente. Tapos pabibilisin nu'n ang tibok ng puso mo. Paralisado ka na kakaisip sa taong iyon. Ganern." Sabay irap sa akin at iling.
Ngumiwi ako sa kanya. "Hindi naman siguro lahat ng tao ay makakaramdam no'n, pero sila pa rin sa huli. At saka ano bang malay natin kung nagkakakuryentihan na silang dalawa. Sila lang ang makakaramdam no'n hindi tayo."
"Tange! Makikita natin 'yun sa ningning ng mga mata nila at kilos. Alalahanin mo si Tony noong nakita tayo, galit na galit ang mukha. Malamang kagagaling lang nila sa matinding away at pinagbuhatan ng kamay si Jenny. At baka sa lalaking 'yon masira ang ganda niya!"
"'Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Mukha namang nagmamahalan 'yung dalawa,"
"Nakuu.. feeling ko, napilitan lang magpakasal 'yung dalawa. Kasi nahuli sa hindi kanais-nais na eksena. Galing pa sa mayamang pamilya si Tony at kilala sa bayan nila. At kapag may nakalabas na litrato o video iyong dalawa, ikasisira ng reputasyon ng pamilya nila 'yon. Taong-simbahan pa naman ang in-laws ni Jenny. Hindi na kataka-taka.."
Malalim akong bumuntong hininga at tiningnan na lang ang karagatan. Nakakaramdam din ako ng pag-aalala sa kaibigan. Pero wala naman siyang sinasabi o nababanggit kahit titigan ko siya.
Iilang beses ko lang na nakasama sa Isla Verde si Kuya Tony. Pinagluto at sinamahang ipasyal sa lugar namin. Wala rin naman akong nakitang kakaiba sa ugali niya dahil sa ilang beses niyang pagbisita ay puro magagandang asal ang pinapakita niya sa amin. Matiisin din kahit na matulog ng walang ilaw o electric fan o aircon na kinasanayan nito. Hindi rin maselan sa pagkain. Kahit anong ihain ay kinakain naman niya.
Ngunit sa huli.. syempre, hindi pa iyon sapat para sabihing kilala mo na ang isang tao. It will take time and effort para tuluyan mo silang makilatis. Sabi nga ng matatanda, mas makilala mo ang isang tao kapag nakasama mo na sa loob ng iisang bahay. Parang sa pagsasama ng mag-asawa. Doon pa lang magsisimula ang deeper version ng 'getting to know each other' stage.
***
Makalipas ang anim na taon..
Napaungol ako dahil sa pagkirot ng aking ulo. Para akong pinupukpok at sa sakit ay napapadaing ako. Marahan at dahan-dahan kong minulat ang mga mata kasabay ang paghawak ko sa aking ulo.
Puting kisame na may mantsa ng naninilaw na bahagi na tila may namuo roong tubig. Natuyo at napabayaan. Ganoon ang klase ng kisameng may butas na bubong at tumatagos ang tubig sa loob ng kwarto. At isang fluorescent light sa tabi nito.
Pinikit ko ulit ang mga mata at muling dinilat. Sa pagkakataong iyon ay ramdam ko na ang uhaw at pagkatuyot ng dila ko. Nagugutom na rin ako. At halos mapabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang maalala ang huling pangyayari bago ako nawalan ng malay.
Kinidnap ako! May isang lalaking sumalo sa akin at binuhat ako!
Unang angat pa lang din ng katawan sa kama ay napahiga ako ulit. Muli akong nahilo at umarangkada ang kirot ng ulo ko. Nasaan na ako? Saan nila ako dinala?
Si Tatay! Walang kasama ang Tatay sa bahay! Kaya ako pumunta sa Ilijan ay para mabili ang mga gamot niya. Kailangan ako ng Tatay!
Napadilat ako ng husto nang marinig ang isang pagtikhim.
"The First lady has awake.." malalim na boses ng lalaki ang unang kong naulingan.
Hinahanap ko ang boses at natagpuan ko siyang nakahalukipkip at nakasandal sa pader sa tabi ng nakasaradong pintuan. Nakatunghay siya sa akin na para bang kanina pa ako pinagmamasdan base sa kanyang pwesto.
Sinubukan kong magsalita pero walang boses ang umalingawngaw sa akin. Ilang segundong nanatiling nakabukas ang labi ko hanggang sa mapasinghap na lang sa huli. Ngumisi ang lalaki at umalis sa pagkakasandal sa pader. Malayang naglakad palapit sa lamesitang nasa tabi ng kama at sinalinan ng tubig ang naghihintay na baso.
Isang beses niya akong sinulyapan habang nagsasalin ng tubig, "You must be very thirsty by now.. and hungry." ang salita sa matatas na ingles.
Binaba niya ang pitsel at inabot sa akin ang baso. Tinitigan niya ako.
Bumangon ako at tiniis ang pagsagitsit ng kirot ng ulo. Tama ang lahat ng sinabi niya. Uhaw na uhaw na ako at nagugutom na. Sumandal ako sa bakal na headrest ng kama at kinuha ang inalok na tubig. Sandali pa akong nagdalawang-isip kung iinumin iyon dahil hindi ko siya kilala. Pero iyon ang hinihingi ng katawan ko kaya.. uminom ako sa basong inalok niya.
Sa ring ng baso ay natunghayan kong halos walang kalaman-laman ang kwartong nagisnan ko. Talagang wala maliban sa kama at lamesita ay wala ng ibang gamit sa silid. May isang bintana sa kanan ko pero may bakal na rehas ang labas nito. Walang kurtina. Base sa lamig at hangin ay tantiya kong mag-uumaga pa lang. May natitira pang asul sa mga ulap.
Nasaid ko ang laman ng baso. Binaba ko iyon sa lamesita at binalingan ko ang lalaki, "N-nasaan ako?" bumakas ang takot sa boses ko. Kahit na mukhang mahinahon ang lalaki ay hindi pa rin dapat ako makampante.
Ang lalaking ito ay matangkad at may malapad na balikat. Nakasuot ng pantalong maong na humahapit sa mga hita. That made his legs look so full. Ang T-shirt na suot ay bumabalangkas sa balikat na tila kapag bumangga ka ay mapapaatras pabalik. Makinis ang balat at medyo maputi. Ang maikling buhok ay mamasa-masa pa mula sa pagkakaligo. And his squared jaw looks so prominent and calculated. He's a good looking guy with a calmed and hard at the same time. That match his deep voice.
At ano ang sabi niya kanina? The First lady has awake..
Bahagyang kumibot ang mga kilay niya at tinitigan ako. Pinagmamasdan ako. Walang parte ng mukha ko ang hindi nadaanan ng mga matang iyon.
Humatak siya ng upuang may pulang cushion at pinagpatuloy ang paninitig sa akin. Curiosity filled my lungs.
"You really look like her.. but yours.. your beauty is.. so natural.." hindi makapaniwala niyang sambit.
Nakipagtigasan ako ng titig sa kanya. He look mesmerized. Pero kung kanina pa siya rito sa loob ng kwarto at tinitigan din ako ay bakit kailangan pa niyang mamangha ng ganyan?
"Sagutin mo ang tanong ko. Nasaan ako at bakit niyo ko dinukot..?" bahagya kong nilakasan ang boses at nilapatan ng tapang.
He tilted his head. "Sa litrato ay maganda ka. Higit pa pala sa personal.." dagdag niya. Binalewala ang litanya ko.
"K-kilala mo ba ako?" hindi niya ako sinasagot. Pero ramdam kong nakikilala niya ako base sa nakikita kong reaksyon sa mukha niya.
Bago pa niya sagutin ay bumukas ang pinto at pumasok doon ang nagpalaki ng mga mata ko.
Tila ako nakakita ng multo nang matitigan kong maigi ang babaeng dumating. Kahit natatapalan ng makapal na eyeshadow at matingkad na red lipstick ang labi, hindi ko maaaring ipagkamali ang mukha ng babae.
Dahil kamukhang-kamukha niya ako!
Napaawang ang labi ko. Ang babae ay nagkibit-balikat pa. Nakataas ang dulo ng labi. Dere-deretsong nilapitan ang lalaki at siniil ng halik sa labi. Pagkatapos ay pinunasan ng hinlalaki ang labi nito para tanggalin ang dumikit na lipstick.
"I'm ready, baby." Sabi niya sa lalaking hinalikan.
Bumuntong hininga ang lalaki at binalingan ako. "Start with her." pautos niyang tugon sa babae.
Umayos ng tayo ang babae. Ang suot na skinny jeans ay hapit na hapit sa payat at mahaba niyang mga hita. She's wearing a white halter top paired with black leather jacket. Ang boots na may matulis na takong ay mas lalong nagpatangkad sa kanya. Kulot ang bawat dulo ng kanyang buhok. She styled it by some rollers.
Nakakatitig kami sa isa't-isa. Ngunit kung sa lalaki ay curiosity ang nakikita ko, ang sa kanya ay pagkairita, inis at galit ang nababanaag ko. Lantaran niyang pinapakita sa akin na hindi niya ako gusto.
Pero sino ba siya? Ni hindi nga kami magkakilala.
She sighed with disgust. "I want you to work with us. Er, nakakaintindi ka ba ng english?" may halong panunuya niya.
Sa huli ko na naintindihan ang panunuya at napatango ako.
"Good." Tinaasan niya ako ng kilay. "We want you to replace myself back home,"
Nagsalubong kaagad ang mga kilay ko. Tinabig ko ang kumot at walang sabing tumayo. Napaatras ang babae nang bahagya akong makalapit. "Sino ba kayo?! At sapilitan niyo akong dinala rito!" binuhos ko ang lakas na natitira. Tinuro ko ang babaeng kamukha ko. "At ikaw.. k-kakambal ba kita.." hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik pa.
"Hindi kita kakambal and you'd never be! Dinala ka lang namin dito para pansamantala akong palitan sa iiwan kong posisyon."
"At anong karapatan niyong gawin ito sa akin?! Krimen ang kidnapping at iyon ang ginawa ninyo sa akin!"sa mataas na boses kong sagot.
Tumayo ang lalaki at lumapit sa akin. Hinawakan ako sa magkabila kong balikat. "Huminahon ka muna. Gusto ka naming kilalanin,"
Tinabig ko ang mga kamay niya. "Sino ba kayo? Kanina pa ako nagtatanong pero 'di niyo sinasagot,"
Malalim siyang bumuntong hininga at nag-isip. Tumaas-baba ang aking dibdib dahil sa pinaghalong kaba at matinding takot.
"My name si Lawrence Salcedo.. may I know yours?"
"L-lucienne.. Anjelous Corpuz.." hindi ko alam kung anong tumulak sa akin at deretso kong sinagot si Lawrence. Estranghero sila sa akin at dapat na hindi ako nagsasabi ng totoong detalye ko pero kusa na lang lumabas sa bibig ko. But this man really look kind and calmed. Natural na lang na lumalabas ang sagot sa akin kapag tinatanong niya ako.
Pagkatapos kong magsalita ay tumiim ang pagkakalapat ng kanyang labi. Tinitigan ako na may kaunting galit sa mga mata. Nakaramdam ako ng takot at napatingin sa sahig. Hindi ko naintindihan kung bakit bigla siyang nagagalit.
"Ninakaw mo sa kanya ang identity mo?" may bakas ng nagpipigil na galit sa kanyang boses. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nasa babae na ang atensyon niya.
Nairita ang babae at painis na inalis ang buhok sa balikat. "Tsk! Pwede bang pag-usapan na lang 'to sa pag-alis natin? I promise, I will tell you everything about me and her. Besides, she's just a nobody. You'll know why. Mas kailangan nating ipadala na siya sa mga Salvaterra. I want my freedom back!"
Hindi muna nagsalita si Lawrence at tinitigan siya. Titig na tila hinihiwa na ito sa isipan niya.
"What about Anjeline?" bigla ay nahulan ng concern ang boses niya. Lumambot din ang mukha pagkasambit sa pangalan.
I caught the woman rolled her eyes at him.
"She's going to be fine! Trust me. Kahit noong naroon ako ay bantay-sarado sa yaya niya 'yung bata. There's nothing to worry about that child. All we need is that woman." Sabay lingon sa akin. Ngunit irap ang binato.
Mabigat na bumuntong hininga si Lawrence at marahan akong tiningnan. Nananatili akong nakatayo. Siya naman ay tumahimik. Ilang sandali pa ay napahilot sa batok at tumingala. He looked down at looked at me.
"Miss Anje---"
"Don't make it hard, Lawrence! Bakit ba parang ikaw pa ang hirap na hirap dyan?! Hindi ba dapat ako? Sarili ko ang nilalagay ko sa alangin!"
Marahas niyang nilingon ang babae. "You lied to me and I'm picking up the mess you made, Anj. This is not the plan I expected. I didn't know na may ganitong babaeng nag-eexist."
"So, ano ngayon ang iniisip mo? Aatras ka na? Pakakawalan mo 'yan at babalik na ako sa mga Salvaterra gano'n ba?!" she scoffed sarcastically. "sweetheart.. you can't live without me. So don't fuss about this. Nasimulan na natin."
Noong mga oras na iyon ay hindi ko alam kung saan ako lulugar. Ang dalawang taong estranghero at estranghera ay nagtatalo sa harapan ko nang hindi ko alam ang dahilan. At kung bakit dapat ko iyong saksihan. Ang tanging malinaw ay kinidnap nila ako at may kailangan sila sa akin. May ipapagawa sila sa akin.
Ang confrontation ng dalawa ay humihiyaw kapag silang dalawa ang magkausap. Madaling mairita iyong babae, lalo na kapag napapatingin sa akin.
Ngunit ilang sandali lamang ay tuluyan ko nang napagtanto ang nais nila sa akin. Gusto nilang.. magpanggap ako bilang.. ako..?
Nilapag ni Lawrence sa lumang lamesa ang mga litrato ng sinasabing pamilya ng babae. The Salvaterra family. Una niyang pinakita sa akin ang mag-asawang Arsenio at Natividad Salvaterra.
"This is Senator Arsenio Salvaterra and his wife. She's your parents-in-law. Hindi sila nakatira sa bahay ninyo at 'di rin madalas na dumadalaw dahil sa maynila na sila nakadestino," he explained like some kind of an inspector.
Hindi ako kumibo. Kumukuyom ang aking mga kamao habang isa-isa niyang pinapakita ang iba pang litrato ng kamag-anak nila. Wala namang pumapasok sa isip ko dahil sa nananatiling labag sa loob ko ang ginagawa nila. At bakit ko iyon gagawin? Umaasa ba silang papayag ako sa panlolokong iyon? I am still in shock na may kamukha akong tao!
"This pretty girl is Roze Anjeline. Your daugther.. a four year old little girl.."
Nag-angat ako ng tingin mula sa litrato ng bata nang marinig ang suyo at lambot ng kanyang boses. Sa lahat ng pinakilala ay sa bata lamang siya bahagyang nagbaba ng boses.
"Ang this.. is your husband, Mayor Wax Miguel Salvaterra ng Lemery.."
My eyes automatically dropped and stared at the last photo he shown to me. Parang may kidlat na dumaan at dumagundong ang dibdib ko. Matagal kong tinitigan ang litrato.
Wax Miguel Salvaterra.. napaangat ang likod ko mula sa pagkakasandal at tiningnan pang maigi ang makisig na lalaki sa litrato. Nakasuot ng kremang barong tagalog. Nakatayo sa podium na tila kinunan habang nagsasalita sa harap ng mga tao.
Wax Miguel Salvaterra.. for seven years.. pasulpot-sulpot ang pangalan na iyon sa isip ko. Mula noong una ko siyang nakita sa Lemery, sa kampanya ng ama niya ay para siyang tato sa balat. Sa loob ng halos tatlong taon ay siya ang laman ng isip ko. Kahit na hindi ko na siya nakita pang muli.
Magmula nang magsakit ang Tatay ko ay hindi na ako nakakarating pa sa Lemery sa tuwing babyahe para magtinda sa Ilijan. At isa na pala siyang mayor ngayon sa bayan nila.
Ang pantasya ko ay hindi ganoon katatag. Siguro dahil alam ko namang malabong magkita pa kami. Mula siya sa mayamang pamilya samantalang ako ay nakatira sa isang islang malayo sa kabihasnan. Kaya paanong hindi mapuputol ang pagpapantasya ko?
Pero ngayong nakita ko siya ulit.. nalaman kong kaya pa rin niyang pakabugin ang dibdib ko. Pabilisin ang tibok ng puso ko mula sa simpleng dungaw sa litrato niya. At nang marinig kong muli ang pangalan niya ay para akong nilipad at dinala sa ibang dimensyon.
Nang bigla ay lumapit sa gilid ng lamensa ang babae at malakas na birang binagsak ang mga palad sa lamesa na siyang kinaigtad ko.
"I can see the glittery in your eyes, woman." She said mocking at me.
Sandali akong nakaramdam ng pagkapahiya. Na tila natuklaw ng ahas. Her presence is like a bomb.
Napapikit ako at buntong hininga. I glared at her. "Akala mo ba ay mapapapayag mo ako rito? At isa pa.. ginamit mo ang pangalan ko sa pagpapakasal sa mayor na 'yan." May diin kong sabi matapos pumasok sa isip ang pangyayari.
Dahil kung mukha at pangalan ko ang gamit ng babaeng ito, ibig sabihin ay kasal din ako kay Wax.
Umayos siya ng tayo at tumaas ang dulo ng labi. "I didn't expect you own a tongue like that. Spi..cy.. and sort of, a little bit of being smart." Tumaas pa ang balikat.
Matalim ko siyang tinitigan. "Kung sino ka mang babae ka, nagkamali kang dalhin ako rito. Pinakita mo lang ang sarili mo sa akin para isumplong ka sa mga pulis. Ninakaw mo ang pagkatao ko." halos lumabas ang pagtatagis ng bagang ko. Kung nagliyab man ang mga mata ko ay nahaplusan na ang babaeng ito.
Pero imbes na kabahan o maalarma at malakas pa siyang tumawa. Tawang may halong insulto sa akin. Umiling-iling at tinaas ang kamay.
"Great. Great. You'll be a good asset to me, woman." Bigla siyang tumigil at naging seryoso. "But you'll be needing my help too. I did my research and I found out na may malubhang sakit ang ama mo, 'di ba?"
Natigilan ako at namilog ang mga mata ko.
Nang makita ang reaksyon ko ay tumaas muli ang dulo ng labi niya. "At hinahanap mo rin ang nawawala mong kapatid.. what's his name, darling? Is it Charleston Corpuz, yeah?" sa mahina at kaakit-akit na boses na sambit sa pangalan ng Kuya ko.
Napatid ang paghinga at hindi ako nakagalaw nang banggitin niya ang mga mahal ko buhay. Totoo ang lahat ng sinabi niya. May sakit ang Tatay. Ang sabi ng sumuri sa kanya ay lumalaki ng puso niya. At mas nadagdagan pa ang dagok nang mawala sa karagatan si Kuya Charlie.
Halos isang linggo na ang nakakaraan nang makatanggap kami ng balitang natagpuan ang bangka ni Kuya na palutang-lutang at wala nang sakay. Noong huli kaming nagkita ay may kasama siyang babaeng turista na interisado sa Verde Island passage. Kinuha niya ang serbisyo ng Kuya ko at nag-alok ng malaking halaga na hindi matanggihan ng kapatid ko.
At magmula no'n ay hindi na nakabalik pa si Kuya Charlie. Hindi rin ako naniniwalang wala na siya hangga't walang katawan na narerekober ang pulisya. Malawak ang karagatan. Malakas din ang kutob kong baka inanod lamang sa ibang baybayain o isla ang kapatid ko. Hindi iyon agad na nagpapatalo sa hirap o anumang digmaan.
Umaasa ako at nagdarasal na babalik siya sa amin ni Tatay.
Nanginig ang napapinid kong labi. Ang luha ko ay unti-unting natitipon sa gilid ng mga mata ko. Now that she mentioned my family.. saka ko naramdaman ang kakulangan, ang hirap at pagod sa akin.
Kailan ba ako huling umiyak matapos ang lahat? Hindi ko iyon ginagawa sa harap ni Tatay. Makakadagdag pa iyon sa dinaramdam niya. Ayokong ipakita kay Chito dahil nagpapakatatag ako sa mga pangyayari sa buhay ko. Pakiramdam ko kasi, kapag umiyak na ako ay tuluyan ding babagsak ang balikat ko at mawawalan ng pundasyon ang kakarampot na pag-asa.
Hindi naman daw masamang umiyak, pero ayokong gawin dahil lalabas ang kahinaan ko at mahihirapan akong umahon. But this heartless woman made me realise that I have this shallow part of my heart. My family. Kaya't nang matumbok niya ay para lobong may laman na tubig ang mga mata ko na tinusok ng karayom.
There are pain, loneliness, defeat. Umapaw lahat sa mga mata ko.
Iritableng inismiran ako ng babae. "See? I am right. You need us more than we need you, woman."
"Stop it, Anj." May babalang sabi ni Lawrence.
"Whatever!" sabay lakad at lumabas ng bahay.
Naiwan ako na pilit pinapahinto ang paghikbi. Tinakpan ko ang mukha. Napapasigok na ako sa labis na iyak at sakit ng lalamunan.
"Hey.."
Hinawakan ni Lawrence ang mga kamay at pilit na nilalayo sa mukha ko. Pinatigas ko iyon pero mas madiin niyang hinawakan ang mga kamay ko.
"A-ano ba..!" pagtataboy ko sa lalaki.
"Hey listen.." malamyos niyang sabi.
Iniwas ko ang mukha nang magtagumpay siyang alisin ang mga palad ko sa mukha.
He sighed heavily, "Alam kong labag sa loob mo ang pinapagawa namin sa 'yo, A-anjelous.. but I promise you, malalagay sa tamang pasilidad ang father mo at ipapahanap ko ang kapatid mo sa lalong madaling panahon. We just need your cooperation.."
Napasinghap ako. Hilam ang mukha ng luha ko siyang tiningnan. "B-bakit niyo 'to g-ginagawa sa akin..? B-bakit ako..?" nanginginig ang boses ko sa labis na sakit at pagod. Ang lahat ng ito ay hindi normal para sa akin. Simpleng buhay lang naman ang hinihiniling ko pero.. iba ang dumarating sa akin.
Lumunok siya at pinakatitigan ako. Malambot ang mga mata niyang nakatunghay sa akin. "I'm sorry. I'm deeply sorry. Wala akong sagot ngayon para sa tanong mong 'yan. I'm still finding it. Ang tanging maipapangako ko lang ay ang pangangailangan ng pamilya mo. If you'll agree, the plan will run smoothly."
Tinitigan ko siya. Umagos ang luha ko pero tinitigan ko siya. Inisip ang magiging kapakanan nina Tatay at Kuya.
"P-paano ko masisigurong tutupad kayo sa pangako niyo?"
"You have to trust me."
"M-may iba pa bang pagpipilian ako..?"
Umiling siya. "No, ma'am. This is only thing I can offer.."
***
Sa loob ng ilang oras ay nagbago ang buhay ko. Nakasugpo ako ng mga taong makakatulong sa pangangailangan ko. Kabaliwan man marahil pero ganun din kalabo ang sagot sa mga paghihirap ko.
Pinangako sa akin Lawrence ang medical at financial na kailangan sa Tatay ko at pagpapatuloy ng paghahanap kay Kuya Charlie. Kahit doon man lang ay nakakagaan ng loob sa mahirap na pinapagawa nila sa akin.
Nang araw na rin na iyon ay may pinapunta silang ilang tao sa lumang bahay. Tahimik akong inayusan, binihisan na katulad na katulad sa nagnakaw ng pagkatao ko. That strange woman na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit kamukha ko at gamit pa ang pangalan ko.
Ginupit nila ang buhok ko at kinulayan ng tulad sa kanya. But her hair look so natural kaya halos hindi halata ang kulay na iyon. And the makeup and dresses, para akong mangangati sa makapal na eyeshadow at masikip na pantalon na mismong iyong huwad ang pumiling suotin ko.
Inutusan nila akong kabisaduhin ang mga pangalan na nakatira sa bahay ni Mayor Wax.
"But don't worry, hindi kami nagsasama sa iisang kwarto ng asawa ko. Kaya makakahinga ka ng maluwag kung iniisip mong gagampanan mo ang tungkulin ko bilang maybahay niya." may babala niyang paalala sa akin bago ako iwan dito sa terminal ng bus. "He's as cold as an ice. Halos hindi na niya ako pinapansin at kinakausap kung 'di rin lang tungkol sa anak namin. Nando'n ka lang para palitan ako at para hindi sila maghinala. Act like a queen, woman. That's my profile in the house at hindi tayo magkakaroon ng problema. You get it?"
Hindi na nawala ang kaba sa dibdib ko. Ang sinabi niya ay nagpadagdag lang ng kabang nararamdaman ko. Kamuntik ko na iyong makalimutan! They are married and ofcourse may tungkulin siya sa asawa niya.
Kumirot ang puso ko. He's married now. Ilang taon na nga. Pero ang isiping maaaring hingin niya sa akin ang pangangailang pangkatawan ay gumuguhit ng kakaibang init sa dibdib ko.
Tiningnan ko si Lawrence pero busy pa ito sa pakikipag-usap sa cellphone.
Madilim na pero nakasuot pa ng sunglasses ang babaeng ito at may balabal na nakabalot sa ulo.
"K-kailan kayo babalik?" tanong ko. Nanlalamig ang mga palad ko.
"Hindi ko pa alam kung kailan. Tatawagan kita kung sakali. You have my cellphone, dear." Sabay tingin sa handbag na hawak ko. It is her bag and personal things. Kasama na roon ang cellphone niya.
Nang matapos si Lawrence ay nilapitan niya kami. Inakbayan ang babae. Nginitian ako.
"We need to leave now, Anjelous. Is everything alright?"
Kung magtanong ay akala mo ba ay magbabakasyon silang normal ang lahat. Hindi ako sumagot.
He sighed. "Okay. Aalis na kami. May nakakita na ng sasakyan ni Wax papunta rito," imporma niya sa babae.
Malakas itong napasinghap. "Let's go!" pag-aapura niya.
Dumagundong ang dibdib ko. Doble sa lakas nito kanina lang. Nilingon ako ni Lawrence at nginitian bago sumakay ng sasakyan at paandarin iyon.
Sinundan ko ng tingin ang sasakyan nila hanggang sa makaliko. Nang mawala at mapag-isa ay parang gusto ko na lang umalis at tumakas.
May iilang taong paroot parito sa terminal. Iilang bus na lang ang nagsasakay ng mga pasahero. Nilingon ko ang pila ng mga tao. Ang iba ay busy sa kanya-kanyang ginagawa at ang iba ay nakatingin sa akin. Agad akong umiwas ng tingin at naupo sa mahabang kahoy, katabi ang kulay violet na maleta.
Hindi ko naman sila masisising pansinin ako. Namimigat ang mga talukap ko sa makapal na eyeshadow sa mga mata ko. Ang labi ko ay parang kumapal sa lipstick. Nahihirapan pa ako sa high heels niya.
Ang lahat ng suot ko ay pag-aari ng babaeng iyon. Halos magka-size pa kami at sumakto sa akin. Pero hindi ako sanay sa ganitong mga damit. Pakiramdam ko ay nahububaran na ako.
Ilang minuto pa ako roong naghintay hanggang mapansin ko ang pagparada ng isang puting Range Rover sa mismong harapan ko. Mula sa driver seat bumaba roon ang matangkad na lalaki. Isang sulyap ay nagawa nitong pahintuin ang ingay sa paligid ko at maging ang ikot ng mundo ko.
Dahan-dahan akong napatayo. Nilapitan niya ako. Pero kasing dilim ng langit ang mga mata niyang nakatitig lang sa akin.
Napaawang ang labi ko. Laking gulat nang bigla niyang hawakan ako sa braso. May diin at parang bakal ang kamay niya. Hinila ako at binuksan ang passenger seat, "Sakay." May diin na utos sa akin. Mahina ang boses pero hindi mo gugustuhing taasan pa iyon.
Isang salita pa lang ay napasinghap na ako pagkarinig ng malaki at buo niyang boses. It is cold as an ice. And maybe as cold as the pouring rain—but I startled when something electrifying shock ran in my veins—in my arm that he's holding!
Litong napatingin ako sa kanya. Naabutan kong nakatitig pa rin siya sa akin. Mabilis na dumaan ang amusement sa mga mata niya. Still, that hooded eyes but dim right now.
Pumasok ako sa loob. Napaigtad ako at pikit ng malakas niyang isara ang pinto sa gilid ko. Mas lalo akong nilamigan at nanginig dahil aircon ng loob ng sasakyan nito.
Paglingon ko sa labas ay kinuha niya ang maleta at nilagay sa likod. At saka umikot sa driver seat. Pinaandar ang sasakyan ng pahagibis.