"You should keep your promise"
What Light told Maalouf before he disappeared is a set of puzzle that kept on resounding into my head. But the most disturbing thing about this, is that I don't have any single piece of that puzzle to put it all together in my head.
Yun lang ang sinabi nya bago nya ako iniwan sa pangangalaga ng iba.
Pero kahit anong pilit kong isipin ay hindi ko parin maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin nun at kung ano ba ang pangakong yun na kailangan kong tuparin?
He's so unfair.
He left me all alone and he gave me a set of puzzle which is so hard to solve especially now that he's gone missing.
Hindi pa ba sapat na parang mababaliw na ako sa iisipin palang na nasa puder parin sya nina Raven at kailangan pa nyang dagdagan ang mga iniisip ko?
Bakit kailangan nyang gawin sa akin 'to?
Light, you're being too much.
Napahinga nalang ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang pag-iisip ko habang mag-isa akong nakatayo sa hallway na iyon. The wind is blowing and the petals of the red roses that surrounds Cytherea is dancing around.
Nakikita kong maaliwalas ang panahon pero hindi yun nakakatulong sa mga bagay na iniisip ko.
I took a deep breath and looked at the surroundings again.
Light...where are you?
Sobrang nag-aalala ako sa kung ano man ang pwedeng gawin sa kanya ng mga Aarvaks. Pero wala akong ibang magawa kundi ang tahimik na hilingin na sana ay magpakita sya sa akin.
I've completed the seven stones of death. But what now?
Para saan ba talaga ang pagsasakripisyo nya para makumpleto ko lang ang seven stones?
Para saan ba ang lahat ng ito?
The Elders and the Arcadian Knights are doing everything to find Light and the Aarvaks. Pero sa nakalipas na mga araw ay hindi parin nila mahanap ang pinagtataguan ng mga ito. At nakadagdag ang iisipin na yun sa sobrang pag-aalala na nararamdaman ko.
"What do you mean that we can't wake the master?"
Bigla akong natigilan nang marinig ko ang boses na iyon ni Lucian mula sa loob ng kwartong katabi ng hallway na iyon.
Oo.
Ngayon ay nagpupulong ang mga Elders kasama ang ibang kasamahan ko sa loob ng kwartong iyon. Lumabas lang ako ng panandalian para maikalma ang utak ko pero sa narinig kong galit na boses ni Lucian ay halatang hindi na sila nagkakaunawaan mula sa loob.
At master?
Sino ba ang pinag-uusapan nila?
"You know very well that it will not pleased him once he woke up into this mess" ang sabi ng isang Elder na sa pagkakatanda ko ay Margareth ang pangalan.
She looks so young at sa tingin ko ay sa mundo ng mga tao ay maihahambing ko sya sa isang highschool student. But don't bother to ask of how old is she. You will just be shocked if I told you.
I never understood vampires age system anyway.
Napalundag pa ako nang biglang suntukin ni Lucian ang mesang kaharap nya. Sa sobrang lakas nun ay nahati pa ang malaking mesang iyon and that stunned me even more.
Lucian or what I've known him as Dylan never loses his temper. Sa dalawang taon na naging boyfriend ko sya ay never ko syang nakitang magalit. Kahit na napaka-pasaway kong girlfriend sa kanya noon at kahit minsan ay hindi pa ako nakikinig sa kanya.
But I think what Elders told him must have pushed him into his limit.
Kitang-kita ko ang sobrang galit na nakabaha sa mukha nya mula sa kinatatayuan ko. At iyon ang unang beses na nakita ko ang emosyon na yun sa mala-anghel nyang gwapong mukha.
Nakikita ko rin mula sa kinatatayuan ko sina Maalouf at Bea na mas pinili nalang na makinig. Nakaupo rin sa malaking table na iyon ang magkapatid na sina Hildegarde at Cedric at mukhang nag-iisip din sila ng malalim.
"I've sacrificed the lives of my men just for this..." he said through gritted teeth. "...and you're telling me now...that we can't wake the master?"
Biglang tumayo mula sa kinauupuan nya ang isa pang elder na si Karlos at galit na humarap sa kanya.
"You insolent fool!" Karlos yelled at him. "How dare you question the decision of the elders---"
"THERE'S A WAR COMING AT US!!!" Lucian finally lost it. "Hanggang kailan ninyo ba pauunahin ang pride ninyo sa pamumuno ng Cytherea?! YOU KNEW VERY WELL THAT ONLY THE ORIGINAL MASTER CAN STOP ALL OF THIS!"
"BLASPHEMY!" Marica, one of the elders stood up. "HOW DARE YOU RAISE YOUR VOICE ON US!!!"
There was a silence.
Samantalang hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko.
Hindi ko alam kung kailangan ko bang pumasok sa pag-uusap nila o hayaan nalang silang i-settle down ang issue na pinag-aawayan nila.
The Elders are known to be the highest judge in everything. Naiwan sa kanila ang pamumuno at pagpo-protekta sa Cytherea nang mawala na ang mga magulang ko. Ang lahat ng bagay na sasabihin nila ay nagiging batas para sa aming lahat.
Yes. I'am a Titanian.
But I'm still not ready to rule this world and so all the rulings are left to them.
Pero halatang hindi masaya sa pamumuno nila si Lucian. Halatang hindi sya pabor sa mga batas at mga desisyon na ibinibigay ng mga elders.
"Ayaw naming gisingin ang master sa mga ganitong sitwasyon..." Margareth spoke again in that calmer voice. "...ayaw lang namin---"
"Ayaw ninyong ipakita sa kanya ang kakulangan ninyo ng pamumuno habang wala sya..." Lucian spoke sarcastically. "...tama ako diba?"
Agad namang sumagot si Marica.
"Everything that the elders are doing are only for the good---"
"Only for your own good. Only to save your faces from shame in the eyes of the master" Lucian cut her off.
And after that, everything went so fast.
Like a flash, Karlos attacked Lucian.
I felt the cold chills that run up into my spine when I saw the elder grasp my beloved mate's neck and pinned him into the wall.
Agad na nanlaki ang mga mata ko sa takot at namalayan ko nalang na napasigaw na ako mula sa kinatatayuan ko.
"STOP!!!" I screamed in horror.
Karlos may be look like to have the same age like us but he is one of the first knights that fought hand in hand with the original vampire ancestor through centuries.
Pero hindi natinag mula sa pagkakasakal si Lucian. His eyes are cold while glaring back at the elder.
Doon ko narin nakita ang dugong unti-unting tumulo sa leeg nya nang dahil sa tulis ng mga kuko ni Karlos na sumakal sa kanya sa wall na kinasasandigan nya.
"You should be grateful that you are important to the mistress..." Karlos said through gritted teeth. "...because if not...we won't even think twice in beheading you right in this room"
Then he let go of Lucian's neck at dinilaan ang dugong nasa daliri nya.
Samantalang nanatiling malamig lang ang titig sa kanya ng nanggagalaiti sa galit na si Lucian. Pero alam naming lahat ng nasa loob ng kwartong ito na walang sinuman ang may karapatang kumalaban sa mga elders. Maski pa ang leader ng Arcadian Knights.
Agad namang lumingon sa akin si Karlos at nag-bow sa direksyon ko.
"Forgive me, my lady" he said saka sya naglakad na pabalik sa kinauupuan nya.
Samantalang mabilis naman akong tumakbo patungo kay Lucian at nag-aalalang hinawakan ang magkabilang pisngi nya.
"Are you okay?" ang sipat ko sa mukha nya.
He looked up.
And when he saw me ay doon ko nakita ang biglang pagkakawala ng galit sa mukha nya at unti-unting gumuhit sa labi nya ang matamis na ngiting iyon. Then he took my hand and tenderly kissed it.
And while holding my hand, he looked at me and spoke.
"I'm fine..." he whispered.
Napahinga nalang ako ng malalim.
Kahit ano pa man ang mangyari ay mananatiling may nag-uugnay sa aming dalawa. Alam ko yun. Alam ko yun sa paraan na pagbilis ng takbo ng dugo ko nang makita kong sasaktan sya ng mga elders.
Lucian is so precious to me that I could die from the slightest pain that he would feel.
Yes. This is the curse of being bloodmates.
And I can't do anything but to be enslaved in this kind of emotion.
Nasa ganoon lang kaming posisyon nang biglang...
Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na nangyari.
H-hindi...
Sabay-sabay kaming mabilis na napalingon sa labas nang biglang pumasok ang mahinang ihip ng hangin na iyon sa buong kwarto.
At hindi kami pwedeng magkamali...
These familiar scents...
Light!
In a blink of an eye, I just found myself running so fast out from that place.
Ganun din ang ginawa ng iba at ngayon ay sabay-sabay na kaming tumatakbo sa direksyon ng pamilyar na mga vampire scents na iyon.
Hindi ako pwedeng magkamali...
Ang mga vampire scents na ito...
Alam ko kung kanino ang mga pamilyar na amoy na ito...
And then we stopped from running.
And what I saw next froze me and widened my eyes with shock.
Those six vampires are now sleeping unconsciously in the middle of the red roses.
Andromeda.
Rika.
Zeke.
Cornelius.
Jared.
Bogs.
Yes. They are the Arcadian Knights.
Kung ganun....
Kung ganun...
Mabilis akong napataas ng mukha at mabilis na nagpalinga-linga sa paligid.
Just the thought na nandito nga ang lalaking yun ay pakiramdam ko ay parang may pumipiga ng dibdib ko at para akong sasabog sa pinaghalong kaba at excitement.
Hinanap ko sya sa paligid...
While the scent of him continued to fill my lungs with this overflowing emotions in my chest.
But then I stopped from running.
Because his scent slowly faded away and I couldn't do anything but to cry from where I stood.
Light...
**********
The silver haired girl is sitting all alone in the middle of that endless field of red roses while the wind kept on blowing her beautiful hair.
Dahan-dahan syang nagbaba ng tingin at ang nakita nya ay ang gwapong binatang iyon na may puting buhok at magagandang kulay asul na mga mata na tahimik na nakahiga lang sa hita nya.
Niyakap sya ng binata sa bewang nya samantalang napatitig nalang dito ang malululungkot na mga mata nya.
She gently touched his white hair and run her fingers through it. While the white haired guy just stayed holding her so tight.
"You never loved me..." the white haired guy whispered.
The silver haired girl just kept on running her fingers into his hair.
"I've loved you..." the silver haired girl whispered. "...but you were never satisfied with that love..."
Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ng binata sa bewang nya.
"Maybe I should have just killed him back then..." he whispered.
Doon na naramdaman ng dalaga ang isa-isang pagpatak ng mga luha sa magkabilang pisngi nya.
"Its not too late to stop this..." she whispered.
But the white haired man just stood up and started to walk away.
"No" he said while walking away. "I'll kill them all until you have left with no choice but to love me back"
And then he disappeared out of sight while the silver haired girl was left with her tears on the middle of that field of red roses.
to be continued...