"Ma, pwedeng pumasyal muna ako kay Knoa?.." tanong ko ng bumaba ako sa bagong gawang hagdan. Kakalipat namin dito sa subdi nila. Ilang bloke lamang ang pagitan ng bahay namin kila Bamby. Pero dahil nga may tradisyon na bawal magkita ang ikakasal bago ang kasal. Heto at namumuti ang mata kong nakatanaw sa bintana. Sa parteng kinatitirikan ng kanilang bahay.
Huminto ako sa may paanan nya saka sya pinanood sa pagtutupi ng damit nila ate. "Jaden, wag matigas ang ulo. tawagin mo nalang kung gusto mong makausap.."
Napakamot ako sa ulo. Walang magawa kapag si mama na ang nagsalita. "Kung gusto mong matuloy ang kasal.. wag kang makulit dyan.. tulungan mo nalang kaya ako rito.." sulyap nya sakin saglit bago binalik sa mga damit ang mata.
"Pero ma, si Knoa naman ang pupuntahan ko doon, hindi ang papakasalan ko.." sige ipiliit mo pa boy!
Tahimik nyang tinapos ang isang damit bago ako binalingan. "Ipasundo mo nalang sa papa mo.. Jaden, wag matigas ang ulo.." sinamaan na ako ng tingin. Kaya stop na boy! Baka mabatukan ka pa!
Sa kagastuhan ko ngang makita ang anak namin. Ipinasundo ko nalang sya kay papa gaya ng suhestyon ni mama. Mabuti na rin iyon. Malay ko nga sa mga pamahiin. Wala namang mawawala kapag naniwala ako. Sundin ko nalang para sa Bride ko.
Malapit naman ang bahay kaya bike lang ang ginamit ni papa. Nasa may garahe na ako. Mismong tabi ng gate na nakabukas. Inaabangan ang pagdating nila. "Daddy!!." mula sa malayo. Dinig ko na ang tili nya. Lumabas ako sa gate at kinawayan sya mula sa ilang pulgada ng layo nila. Mabilis pinaharurot ni papa ang bike patungo sa pwesto ko.
"Daddy! Daddy!!." masayang kanta nya ng ibaba ni papa. Tumakbo na papunta sakin. Nakaupo ko syang sinalubong at binuhat sa may bandang kili kili saka itinaas sa ere. Tumatawa ito.
"I missed you daddy.." humalik ito saking pisngi. Napakasweet na bata. Mana sa mommy. Nanggigil ako't hinalikan din sya sa pisngi ng sobrang dami. Humahalakhak na ito sa kiliting dulot ng aking balbas. "I missed you too baby.. how's Mommy?.."
"Mommy said, she misses you too.." puntahan ko na kaya sya!
"Gusto nya pong pumunta dito but papa old said that it's bawal po.."
"Hahahahaha.." di ko mapigilan ang kilig sa narinig. Susmaryosep!!. Pareho pala kami ng gusto! Baby, wait for me! Dalawang araw nalang naman mula ngayon. Akin na talaga kita!
Nang gabing iyon. Pinaalam kong, samin muna matutulog ito. Mabuti naman at pumayag sila lalo na itong si Lance. Dinig kong katabi nya raw ito minsan kapag natutulog. Gustong gusto sya ni Knoa. Di naman sa pag-iinggit. Natural lang naman iyon dahil nasa iisa silang bahay at simula pa noon, andyan na si Lance. Di tulad ko na ngayon lang bumabawi sa kanya.
Kinaumagahan. Tawag agad nya ang gumising sakin. "Hello.." she said in a low voice.
Nilinis ko ang lalamunan bago nagsalita. Tumayo para di magising si Knoa. Binuksan ko ang mahabang kurtina sa sliding door saka isinunod iyon. Sumalubong sakin ang bahagyang malamig na simoy ng hangin.
"Good morning baby.." medyo paos ko pang bati. Di ko alam kung bakit sya biglang natawa. "What's with the giggle hmmm?.."
"Nagising yata kita.. hehe.."
"Hindi naman. Eksaktong pagkagising ko noong tumawag ka.." I said in a sweet tone. "Nakatulog ka ba kanina?.." patuloy ko.
"Hinde eh.. iniisip ko si Knoa... pati ikaw.." habol nya sa huli nyang linya.
Parang tanga na naman akong nakangiti ngayon. Kagat ang labi sa kilig. Susmaryosep Jaden!
"I miss you too baby.. puntahan kita dyan.." nakapikit kong bulong. Pakiramdam ko, nasa tabi ko na sya sa lamig ng haplos ng hangin saking balat.
"Babe, wag makulit.. isang araw nalang, okay.. kaya natin to.."
"I know..hmmm.. okay baby.. kakayanin natin to.." nag-usap kami about kay Knoa. Sa kulit nito at habits na nakuha sa aming dalawa. Nagulat nalang ako ng may kumalabit sakin sa likod at sya na pala iyon. Gising na at kinukusot ang mata. Tumawa si Bamby, dahil ganyan daw sya. Maliit lang na kaluskos o ingay ay magigising na.
Nang araw na yun. Hinatid muli sya ni papa sa kanila. Kailangan na naming maghanda para bukas.
Araw na ng aming kasal. Abala ang lahat. Maging ang bahay ng aking bride. I called her a lot bago ako natulog kagabi. Ngayong, inaayos na ang buhok ko. Kausap ko pa rin sya.
"Oy ha!.. ikakasal na't lahat.. kinikilig pa rin.. Sana all!.." anitong si Winly at ang dalawang nyang kasama. Part time din nito ang ganitong mga okasyon. Ang daming raket.
Tinawanan ko sya. "Di ko mapigil eh..hehe.."
"Ay!.. Isa ngang Jaden dyan!.." patuloy nya. Yumuko sya. Kunwaring nilalagyan ng foundation ang ibabang panga ko. "O di kaya'y, si papa Lance nalang.. uy, pareto naman. " tunog pang-aasar nito. Nilingon ko si Lance na nasa tabing upuan ko. Ibinulong nya ito kaya paniguradong di nya dinig.
"Hahahaha.. baka bugbog, gusto mo?.." bulong ko rin. Nakikisama sa kanya.
"Ang sama!.." irap nya. Nagbiro pa ng di maganda tungkol sa kasal. Sana daw di pumunta si Bamby. Ang dami pang sinabi. Binatukan ko. Kj talaga!. Nagreklamo sya bago tinuloy ang ginagawa.
"O ayan! Gwapo na nga. Mas lalong naging gwapo pa!. Hay Bamblebie!!. Sana all nga!!.." iyon rin ang opinyon ng kasama nya.
Nagpictorial muna kaming mga boys bago pumanhik sa simbahan. "Kinakabahan ako bro.." Sabi ko saking katabi. Seryoso at walang imik. Si Lance. Sya ang bestman ko.
"Normal lang yan bro.."
"Bakit, kinasal ka na ba dati?.." makanormal?. Biro ko iyon pero sineryoso nya talaga. Alam mo yung, parang ikinasal na sya dati. Ganun. Tsk!
"Joke bro... hahaha.. ang seryso mo eh.."
"Akala ko ba kinakabahan ka?. Nagagawa mo pa talagang magbiro.."
"Pampawala lang nang kaba.. hehehe.." pero ang totoo.. Hindi pa rin nawala ang kaba ko. Kahit noong bumaba kami ng sasakyan at pagpasok ng simbahan. Hindi na nawala. Lalo pang nadagdagan ng palapit na ang oras. Hindi ako mapakali na para bang may ipis sa loob ng sapatos ko. Kinikiliti ako.
"Relax, okay.. parating na raw sila.." tinapik ako nitong si Lance sa balikat. Kinausap ako ni Mark kanina at binati ng sinsero. Napakasaya nya raw dahil finally, our wishes will come true. Alam kasi nitong matagal na akong may gusto sa bunso nila. Di nya lang masabi sakin verbally noon dahil sa bata pa raw kami. At kanina nya lamang iyon sinabi. An unshed tears escaped again. Pinunasan ko iyon. Tears of joy!
"Get ready.. Andyan na sya.. bro.." tinapik nya rin ang balikat ko bago umalis papunta sa kanyang pamilya. Natuwa ako sa huli nyang bansag. Bro, ngayon palang ang unang beses kong narinig iyon mula sa kanya, Simula noong magplano ng kasal. Di naman sya tutol o kontra samin. Sadyang, tahimik lamang sya kapag may nakikitang kakaiba.
Nagsimula nang maglakad ang ilan papunta sa altar. Sumunod ako at si Lance.
"Smile, little boy!.." Ani Lance sa sobrang cute naming si Knoa. Nagthumbs up sya dito saka na dumiretso sakin at humalik. "Congrats daddy.. mommy, is there na.. don't cry po.. hehehe.." pinisil ko ang pisngi nya. "Yes baby.. we will live happily ever after.."
Nagsimula nang tumunog ang key ng piano. Kasabay ng kumakantang lalaki.
Here we stand today.
Like we always dreamed,
Starting out our lives together.
Bumukas ang napakaling pintuan at ibinungad ang nakakasilaw nyang ganda. Umawang ang labi ko sa di mapigil na emosyon. Nag-unahan ang luha ko pababa. Hinawakan na naman ni Lance ang aking balikat saka pinisil. "Finally, she's yours now.. ingatan mo sya ha. baby ko pa rin yan kahit asawa mo na sya.."
Napipi ako bigla. Walang masabi sa dami ng nasa isip. Tinanguan ko na lamang sya saka nginitian kahit puno ng luha ang aking mata.
Night is in your eyes,
Love is in our hearts.
I can't believe you really mine forever.
Nagpatuloy ang kanta. I really can't believe na aabot talaga kami dito. Ang akala ko, hanggang panaginip ko nalang iyon. Noong di nya ako tinatawagan o nirereplyan. Akala ko katapusan na. Iyon pala. Daan lang iyon para mas lalong mapagtibay ang aming pagmamahalan.
I've been rehearsing for this moment all my life.
So don't act surprised.
If the feelings starts to carry me away.
Nginitian nya ako sa kabila ng belong nakatabing sa kanyang mukha. Ganunpaman. Tanaw ko pa rin ang nakakalaglag panga nyang ganda. Kasabay ng kanyang mga magulang. Huminto sila sa mismong harapan ko.
On this day,
I promise forever.
On this day,
I surrendered my heart.
Here I stand, take my hand,
And I will honor every word that I say
On this day.
Iniabot ni tito sakin ang kamay nya. "Salamat po pa.." niyakap nya ako bago iyon. Tinapik ang likod ko. Ganun rin ang ginawa ni tita. "I love you both.." anyang habol ni tita samin bago ko pinagsalikop ang aming mga palad.
Not so long ago.
This earth was just a field,
Of cold and lonely space without you.
Now everything's alright.
Now everything's revealed.
And the story of my life is all about you.
Noon pa man. Ramdam ko ng, sya na ang the one ko. Wala na akong ibang hiniling kundi ang makasama sya habang buhay.
So if you feel the cold winds blowing, through your nights.
I will shelter you.
I'm forever here to take your fears away.
Simula ngayon, gagawin ko ang lahat para sa aming dalawa. Para sa aming Knoa. at sa parating pang iba pa. I will forever treasure you, baby..
On this day.
I promise forever.
Forever, I will love you the way you loved me.
On this day,
I surrendered my heart.
I already surrendered my heart to you since then. Now, fully and totally.
Nagsimula na ang seremonya. Iisa-isahin ko sana ang lahat kaso masyado akong nasisilaw sa sobra nyang ganda. Wala akong masabi. I'm damn stunned and speechless.
"Babe.." Susmaryosep! Pumiyok pa ako. Nakakahiya!
Hawak ko ang kamay nya at sa dulo noon ay ang isusuot na singsing. "Simula sa araw na ito.. magiging responsable na ako aa lahat ng gagawin at sasabihin ko.. alam ko.. marami akong pagkakamali noon.. sa'yo at kay Knoa.. pangako.. magiging mabuti akong asawa at ama sa mga magiging anak natin.. you're my number crush since elementary days and until now.. I love you. " saka ko isinilid ang singsing sa kanyang palasinsingan.
"Crush pala ha.." bulong pa nya iyon kaya bahagyang nagtawanan ang iilang tauhan sa bandang harapan.
"Boy Jaden.." Kinindatan nya ako. Susmaryosep!! Paano ba pigilan ang kilig?.
Tinanguan ko sya. Hawak na nya ang kamay ko at sa dulo din nun. Nakahanda na ang singsing.. "Pangako ko lang sa'yo.. mahal kita.. at mamahalin pa hanggang sa huli kong hininga.. marami sana akong sasabihin.. nasa listahan ko oh.." nguso nya sa hawak na papel. "Pero naisip kong sayo ko nalang ibibigay mamaya..tutal ikaw naman ang mapapangasawa ko.. hahaha.." Nagtawanan ang mga tao. "Mahal kita.. at sapat na siguro iyon para isuot ko ang singsing sa kamay mo.." nang sabihin nya iyon ay sabay ng pagdausdos ng singsing sa daliri ko. Tumango ako na kagat ang labi. "Mahal din kita.." bulong ko.
"You may kiss the bride.." anunsyo ng pari matapos ang ilan pang ganap.
Itinaas ko ang belo saka ginawaran sya ng isang matamis na halik. I miss kissing her this way. Nagpalakpakan ang lahat. "Mommy, daddy!.." tili ni Knoa saka tumakbo na papunta samin. Kinarga ko agad sya at sabay na hinalikan ni Bamby sa magkabila nyang pisngi.
Mahabang pictorial ang naganap bago kami tumulak sa reception. Kumpleto ang buong tropa. Si Ace, na best friend ni Bamby ay di nakarating. Abala raw kasi ito sa trabaho. Ganun rin si Joyce. Nagpadala lamang sila ng mainit na congratulations samin.
"Nakakapagod babe.. pero ang saya.." nakahiga na kami ngayon. Parehong pagod. Alas kwatro na ng madaling araw.
"Hmm... sobrang saya ko kasi kasama na kita.."
"Talaga?.." nagbaba ako ng tingin sa kanya. Nakahiga kasi sya sa dibdib ko. Habang ang braso ko naman ay gianwa kong unan. Tumango sya. Gumalaw ako bahagya upang mayakap sya.
"Hmm..Lalo na si Knoa.." speaking of.
"Hmm..babe.."
"Bakit?.."
"Kailan natin susundan si Knoa?.." napaayos sya ng higa saka ako tiningala. "Kakatapos ng kasal natin, iyon na nasa isip mo?.." di makapaniwala nyang tanong. Kinindatan ko sya kaya isang palo ang natanggap ng dibdib ko. Di naman malakas. Sa totoo pa nga ay, parang nakiliti ako sa rahan ng hampas nya.
"Syempre babe.. iyon naman ang next diba?.. hahaha.." sinamaan nya ako ng tingin. Nialabanan ko iyon hanggang sa unti unti kong nilapit ang labi ko sa labi nya. Pinatakan ko ng paisa isang halik ang labi nya hanggang sa sya na ang naghabol sa labi ko. "Akala ko ba, hindi muna?.." sutil ko. Inirapan nya ako.
"Namiss kita eh. pwede ba.. hahaha.." Anya saka ako muling hinalikan sa labi. Mapusok iyon at mapaghanap. Agad naglakbay ang aking kamay sa likod nya at sa isang iglap. Nagpalit na ang posisyon naming dalawa. Dahan ko na sya at pinapaulan ng maraming halik.
This is us now. And forever. We will make love and plan to have a big family.. We will live happily ever after with each other's arms.
Hanggang sa muli... -- Bamby and Jaden!