"Naintindihan nyo ba class?.." anunsyo samin ng aming guro. Malapit ng mag-alas nuwebe at oras na iyon para sa aming recess.
"Yes ma'am!.." sabay sabay naming lahat. Niligpit nya ang mga gamit nya na nakalagay sa mesa. Tinanggal ang manila papae na nakadikit sa board bago sya nagpaalam na.
Gutom ako dahil hindi ako kumain ng almusal kanina. Nagmamadali naman kasi si ate. May exam daw sila ngayon. Kaya no choice ako. Di naman nya kasi ako ginising. Kakapanood ko ng cartoons. Mahirap na sakin ang magising ng maaga.
"Boy, tara na.." tawag sakin ni Ryan. Nauna nang nagsilabasan ang iba. Bumili ng makakain sa may canteen. Sinadya kong magpahuli para sa isang dahilan. Alam mo kung ano yun?. May natitipuan kasi akong kaklase namin. Hindi ko naman masabi agad dahil mahiyain nga ako. Kumbaga, torpe sa madaling salita at mas malinaw pa sa tubig dagat.
"Mamaya.. iligpit ko lang to.." pagpapanggap ko. Kunyaring kinuha ang notebook na may mukha ni Rukawa doon saka isinilid sa loob ng bag. Pati sana yung librong nasa armrest nang pigilan ni Ryan ang aking braso.
"Anu ba boy? Wala namang kukuha dyan.. gutom na ako.."
"Ilalagay--..." di ko na natapos ang sasabihin ng kaladkarin na nya ako palabas ng room. Susmaryosep!. Di ko pa naman naisarado yung bag ko. Tsaka, andun pa yung baon ko.
"Teka tol. Di ko dala pera ko.." palusot ko pero di nya ako pinakinggan. Imbes, hinila nya na talaga ako sa loob ng maingay na canteen.
"Ako nang bahala sa'yo.." anya sabay order ng aming lugar. May kasama iyong nilagang itlog. Maging ako ay natakam ng ilapag sa aming mesa ang umuusok pang lugaw.
"Kanina ka pa balisa boy.. may problema ka ba?. Gusto mong samahan kita sa cr.." agad kong sinarado ang kanyang bibig dahil nasa loob kami ng canteen at nakakasuyang pakinggan ang bagay na ganun pag kumakain ka.
"Wala akong problema.. baka ikaw.."
Nginisihan nya ako. "Anong ako?. Wag mo ngang iligaw ang usapan. Meron noh?.." sinipa pa ako sa ilalim ng mesa. Mabuti at di sa gitna. Susmaryosep!
Umiling ako saka sumubo muli ng lugaw. "Ano nga kasi?. sige ka!. Pag di mo sinabi.. sasabihin ko sa lahat dito na may gusto ka kay Bamby.."
Napigil sa ere ang aking huling subo. Nakayuko ako para diretso sana ang subo pero sa narinig mukhang hindi nainitan man lang ang tyan ko. Kumalam pa ito ng napakalakas, dahilan para lumingon sa gawi namin si Winly. Barkada ni Bamby!
Susmaryosep Jaden!!
"Anong sinabi mo!?.." kumakalabog na ang puso ko sa kaba. Natatakot sa huli nyang banta. Gagawin nya ba talaag iyon?. Teka!. Paano nya naman nalaman?.!
Tumataas baba ang dalawa nyang kilay ng mag-angat ako ng tingin sa kanya. Salubong ang kilay sa pagtataka. "Relax boy!!.. hahahaha.." nagagawa nya pang tumawa. Susmaryosep!. Sya kaya nasa posisyon ko!.
Pinanood ko lang syang pagtawanan ako. Iiling tapos tatanguan ako na parang humithit ng pinagbabawal na gamot. Baliw na yata!
"Wag ka ng magtanong pa.. halata kaya kita.. hahaha.." lalong nagsalubong ang makakapal kong kilay sa patuloy nitong pang-aasar.
Kailan nya rin kaya nalaman?. Paano nya nalaman?. Tsaka, ganun ba talaga ako kahalata?. Seryoso ba sy o pinagtritripan na naman nya ako?.Ang daming tumatakbo skaing isipan ngunit ni isa noon ay hindi lumabas dahil mabubuking lang ako kung itatanong ko ang mga iyon.
"Joyce, saan na si Bamby?. Jusko!. ang prinsesang iyon.. lagi nalang lutang.." dinig ko pang asik nitong si Winly sa kaharap na si Joyce.
"Gurl, iniwan ko sya sa room.. wait lang. balikan ko.." binuksan ni Winly ng napakalakas ang pamaypay nya saka buong pwersang pinaypayan ang sarili kahit may electric fan naman.sa taas nya. Di ko na ulit sya pinansin at ibinaling nalang muli kay Ryan ang paningin. Noon ko lang natanto na nakatitig pala sakin ang loko. Suot pa ang nakakalokong ngisi nito. "Bakit?.." I asked curiously.
"Sabihin mong di mo sya gusto?. Ipapaalam ko talaga sa lahat.."
"Tsk.. bat ba ang ingay mo?.." kulang nalang paikutan ko sya ng mata. Humagalpak ito ng tawa. Tapos na kaming kumain at pabalik na kami ng room. Hinila ko na. Baka, totohannin pa ang biro nya eh. Mahirap na!.
"Sabihin mo muna sakin. Gusto mo sya noh?.." pangungulit nya. Huminto pa kami sa gitnang daan patungong room para lang sabihin nya yun.
Luminga ako. Clear. Walang taong malapit samin. Humugot ako ng malalim na hininga bago namaywang. Kinakabahan talaga ako! Susmaryosep!!
"Fine.. oo na. Gusto ko sya.." mahina ko itong sinabi pero pakiramdam ko, dinig ng buong campus. Sikreto ko to na nabunyag. At sa tanang buhay ko. Ngayon lang ako nagsabi ng totoo sa mga kaibigan ko. Ewan ko. Torpe nga talaga ako. Tulad ng kanilang bansag. Ayoko mang aminin. Pero sa pagdaan ng mga araw. Ramdam kong, totoo nga. Di lang ako torpe kundi napakalaki ko pang torpe.
"Anong balak mo ngayon?. sasabihin mo ba sa kanya?.." Mabilis akong umiling.
"Hindi ko alam. nahihiya ako.." totoong wala akong lakas ng loob na umamin sa harapan nya. Baka mautal lang ako o kumaripas ng takbo palayo sa kanya. Torpe nga ako diba?.
Pinanood nya ako ng bahagya bago nilapitan at inakbayan. "Tara na. Akong bahala.."
Habang naglalakad. Sinabi nya sakin ang kanyang plano. Papalabasin raw naming si Ryan ang may gusto sa kanya na ang totoo naman ay ako. Susmaryosep! Iniisip ko palang, parang mamamatay na ako sa kaba.
"Ano deal?.." tanong nya sakin. Tumango nalang ako. Wala akong masabi sa lakas ng pintig ng aking puso. Nakakabingi ito!
Sa bawat room na nilalampasan namin ay para itong may tunog ng piano. Habang papalapit kami, unti unting lumalakas ang tibok ng aking puso. Siguro kung may asthma ako neto. Baka nasa clinic na ako.
Mula sa malayo. Tanaw ko ang kalahati ng kanyang mukha. "Nasa pintuan sya boy.. mukhang hinihintay ka.. hahaha.." sa kaba ko. Siniko ko na lamang sya sa tagiliran nya. Umaray naman ito. Ginulo nya ang buhok ko. "Ikaw ang magsasabi ng, 'Bamby, may sasabihin lang kami', boy naririnig mo ba ako?." niyugyog nya ako. Nakatanaw kasi ako sa gawi nya. Kahit ilang kilometro pa ang layo nya. Ang ganda nya pa rin.
Kinutusan pa ako. Doon lang din ako nabuhayan.
Hanggang sa may room. Nagjoke pa sya dahilan para matawa ako kahit sobrang kaba na.
"Ready?.." siko nya. Huminto kami sa mismong harapan nya. Noong una, di nya kami tinapunan ng tingin pero ng di kami umalis sa harapan nya. Nagtaka sya siguro. Doon!. Susmaryosep!! Pati ang mga mata nyang agad dumapo sakin. Ang ganda! Bagay na bagay sa maliit at cute nyang mukha. Chinita!
Kunyaring naglinis ng lalamunan si Ryan bago ko ginawa ang plano. "Bamby, may sasabihin lang kami.." Susmaryosep boy!! Kaya mo yan! Wag kang mahimatay!
Nagbuga ako ng hangin sa aking isip sa tindi ng kaba.
"Bakit?.." medyo suplada nyang sagot. Tumaas pa ang pino ngunit makurba nyang kilay. Ang cute mo!
"Si Ryan... gusto ka raw nya..." di ko alam kung bakit ako natawa. Siguro para pagtakpan ang totoong nararamdaman ko nang makita ang reaksyon nya. Nagulat talaga sya at parang binuhusan ng malamig na tubig. Si Ryan yun ha?. Ako kaya, ganun din ba ang magiging reaksyon nya?.
Kung di pa ako hinila ni Ryan paalis sa harapan nya. Paniguradong, tatakbo na talaga ako. Diretsong uwi dahil sa hiya. Kahit di naman ako ang umamin, pakiramdam ko. Ako na talaga iyon. Ibang pangalan lang ang ginamit ko. Tsk! Torpedo ka talaga Jaden!
Ang akala ko. Ako itong patay na patay sa kanya. Iyon pala. Pareho kaming dalawa. And I'm so damn lucky dahil she crushed me back!