Dumaan ang dalawang linggo bago kami tuluyang umuwi ng Pilipinas. Kailangan pa kasing ayusin ni Jaden ang nasa site bago iwan ng pansamantala. Nauna sina kuya Lance kasama sina ate Cath at ang buong pamilya nito. Si kuya Mark. Baka susunod rin samin after. Parehong abala kasi sa ospital. Sina mama at papa ay sumabay na sa amin.
"Whoa!. sobrang namiss ko to!.." nilanghap ko ang hangin na mainit na sumalubong saking mukha. Pababa na kami ng van. Buhat ni Jaden si Knoa habang nauna naman na si mama sa loob. Naiwan si papa na nagbaba ng mga gamit namin.
Tiningala ko ang aming bahay. Kaytagal ko ring di nakita ito. Wala pa ring pinagbago. Ang pintura lang siguro. Mukhang bago ito dahil sa linaw at walang bakas ng kalumaan. Gosh!!
Madaling araw kaming nakarating kaya dumiretso rin kami ng tulog dahil sa pagod sa byahe. Binati lang namin si Manang na naghintay rin samin kasama ni kuya Lance sa may sala.
Parang kailan lang noong umalis ako dito. Tapos ngayon, may Knoa na akong bitbit.
"Inimbitahan ko lahat ng tropa.." Ani kuya sakin ng umaga. Naghahanda ako para sa aming almusal kasama si Manang.
"Yeah, of course.." agap ko. Pero di ko inasahan ang hinabol nya. "With Veberly.." noong una. Parang iba pa ang dating ng sinabi nya sakin.
"Bamblebie, it's been a long time.. forgive and forget.." walang syang nakuhang opinyon sakin about kay Veberly. Oo naman. Tama sya. Dapat ko na syang patawarin but to forget?. Hmmm... pag-iisipan ko pa. Di na siguro mawawala pa sakin ang lahat ng ginawa nya. Di madali iyon noh. But I'll try. Not telling that I do, but I'll try tho.
Alam ko na marami syang kasalanan sa akin.. sa amin ni Jaden.. Ganunpaman, kung ang pagpapatawad ang daan para magkaroon ng masayang buhay. Then, I'll forgive her. Basta ba, di na nya uulitin. Dahil kung hinde?. Magkalimutan na talaga kami.
"Mommy, what are you staring at?. parating na po ang mga bisita.. daddy said.." kinalabit ako ni Knoa sa binti. Nakaupo ako sa harap ng tokador. Nag-aayos para mamaya. After naming magluto kanina ng almusal. Kumain kami't bumili ng mga kailangan para sa reunion na gaganapin.
Jaden, texted Kian, Aron and Billy to inform na nakauwi na sya, kasama ako. Kwento nya. Pinagtawanan daw nila ito dahil sobrang tanga daw nya. Paano raw ako mabubuntis kung mailap ako sa mga lalaki.. Tumatawa pa sya habang binabalikan ang nakaraan nyang palpak raw. I told him na hindi naman palpak. Sadyang, hindi lang siguro iyon ang tamang oras para sa lahat.
Trust that your right time will come.
Sinamahan din kami ni kuya Lance para mas mabilis.
Hapon ding iyon. Naging abala na ang lahat. Nasa airport na sila kuya Mark. Sinundo nina papa habang ako naman ay abalang nakikipag-usap kay Ace through face time. Nasa Hawaii pa rin sya kasama na ng kanyang sariling pamilya. May isa na rin silang anak. Babae iyon. I invited him sa kasal pero hindi raw sya makakaattend. May trabaho raw kasi sya. Bilang isang mekaniko sa isang kumpanya doon. Pinaabot nya na lamang ang sinserong pagbati nya samin ni Jaden. Kahit papano, naging masaya ako para sa kanya. Finally, he found his half. Not literally me, but to his wife now.
To Joyce naman. Kinausap ko si kuya about her but just like the past years. Wala na syang interes dito. Kaya naisipan kong kamustahin sya through chat. Isa na pala syang registered nurse at nakaduty sya ngayon. Inimbita ko sya sa reunion pero malabo na talaga syang makarating. She said na masaya sya samin ni Jaden and excited too to meet our little Knoa.
"Uy, may Australian!. Kausapin natin dali.." dinig kong boses ng isang bakla. Di na ako nag-angat pa ng ulo dahil alam ko na kung sino sya at ang kasama nya.
"Artista yata.. ang ganda!!." namamanghang dagdag pa nito ng malapitan na ako. Tumayo saking harapan at mukhang namaywang.
"Hey!. Long time no see.." bati ko sa kanilang dalawa ni Karen. Tumayo ako para yakapin sila. Nagpout itong si Winly bago nya ako yakapin pabalik. "Grabe dramahan mo gurl.. pwede nang ipadala sa MMK.." bulong nya na mahina naming tinawanan ni Karen.
"Tsk.. hahahaha.. ang drama mo rin gurl.. baka makita ka ni Lance.. Hmmm.." pang-aasar nya. Tuloy agad nya akong tinulak palayo at inayos ang sarili. Tsk!. Tsk!.
"Gurl, pareto sa brother mo hah?.."
"Ahahahaha.. asa!.." panloloko pa ni Karen. I miss this kind of things. I hug them both again. Now tighter.
We catch up. Nalaman kong sa restaurant nagtatrabaho si Winly. At si Karen ay isa na ring butihing maybahay na. Gosh!! Tumili ako sa kilig ng malaman iyon. Ang sabi nya. Roller coaster din daw ang rides nila ng kanyang asawa bago umabot sa kasalan. Atleast, they ended up together after those extremely rides.
Lumabas na rin kami ng dumating ang iba. Nagbatian ang lahat. Nagkamustahan ng bahagya.
"Mommy, I want some pizza.." abala kaming lahat na binabalikan ang nakaraan ng dumating si Knoa saking gilid. Hawak ang isang babasaging plato at isang fork. Iniabot nito sakin. Lahat ng tao sa mesang inuupuan ko. Laglag ang panga. Wala kasi sya kanina. Sumama kay papa na nagsundo kila kuya. Tsaka, di ko rin namention sa kanila ang tungkol sa kanya.
"Daddy, please.. I want pizza.." bumaling sya kalaunan kay Jaden na nasa kabilang mesa. Likod ko lang. Kay Knoa na ang mata ng lahat. Sabay sabay na napapasinghap. Lalo na itong si Winly.
"O. M. G!.." nakanganga pang nakatitig sa bata. Tumayo sya kalaunan upang silipin pa ang ginagawa nila ni Jaden. Kumukuha ng pizza. "Ang gwapo gurl!.." tumili pa sya ng todo. Tinawanan sya ng iba.
"Carbon copy bro!.." si Ryan. Nakangiti.
"Halong Bamby at boy Jaden.. pogi!.." Ani Poro. Ngayon lang sya nag-atend ng ganitong gathering samin. Madalas wala noon eh.
"Si Bamby ang kamukha.." dinig kong ani Karen.
"Halong boy Jaden at Bamby.. kaya talagang gwapo yan.." Ani Kian sa kay Karen.
Nang alalayan sya ni Jaden papunta saking mesa. Hinila nya yung inuupuan nya kanina saka binigay sa kay Knoa na nilalantakan na ang cheese na nasa taas ng pizza. "Baby, use your fork.." sabay abot ko ng kubyertos sa kamay nya. Kinuha nya iyon at tinuhog agad saka kinagatan ng malaki. Ngumuya na parang walang mga matang giliw na giliw na nanonood sa kanya.
"Mommy, why they're starting at me?. Is my face dirty?.." humarap sya sakin. Nakatingala. Pinunasan ko ang gilid ng kanyang labi na may sauce saka nginitian sya.
"They're staring because you are so pogi.." ngumuso sya sa aking sinabi.
"Just like daddy po?.."
"Hmm... just like your daddy.." at wala pang isang minuto. Dinagsa na nila ito ng yakap at halik sa pisngi at mukha. Binuhat sya ni Aron saka itinakbo palayo sa kanila. Hinabol nila ito hanggang sa umiyak na ang bata.
Ang sarap ng ganito. Masaya ang lahat. Walang bakas ng problema at galit at inis. "Sorry, I'm late.." there you go. Ang taong naging problema ko noon.
Maarte itong naglakad palapit samin. Sabay kaming tumayo ni Jaden at agad nyang pinulupot ang braso saking baywang saka hinapit. "Hi couz.. it's been a while.." sa akin sya unang tumingin bago kay Jaden.
"Hmm.. it's been a while Veberly.." casual kong sabe. Walang galit o poot.
"Ah.. sorry about the past.. baliw lang ako noon.." ngiti nya. Lumipad agad ang mata nya sa maingay na kumpulan nina Aron. "Babe, this is Knoa.. Bamby and Jaden's son.." sigaw din ni Aron ng magtagpo siguro mga mata nila. Maya maya. Nilingon nya kami. Sa unang pagkakataon. Sinsero ang nakita kong ngiti mula sa maganda nyang mukha. "Congratulations.. I heard na malapit na kayong ikasal.. imbitahan nyo ako huh.."
"Of course.. ikaw pa.." sinsero ko ring sabe. Humakbang sya't niyakap ako sa unang pagkakataon ng totoo. Hindi plastik.
"Thanks couz. Sorry for everything too. You know, hehe.." bulong nya habang kami'y magkayakap. I just nodded at her without saying anything. Pinatawad ko naman na sya at ipinakita ko iyon sa pamamagitan ng mahigpit na yakap.
Ang gabing ito ang isa sa pinakamasayang araw ko. Kumpleto ang lahat. Pamilya ko at ni Jaden. Mga kaibigan namin. Kami ni Jaden at si Knoa. Wala na akong mahihiling pa.
Truly, if you want things last longer. Don't rush. Be patient and have faith. -Bamby Eugenio
Hanggang dito na lamang. Salamat at sa huli. Hindi lang ako crush ng crush ko. Sya na rin ang magiging asawa ko at magiging tatay ng mga anak ko.
Hanggang sa muli...