Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 289 - Chapter 29: Gosh!

Chapter 289 - Chapter 29: Gosh!

"Why are you crying mommy?.." tinakpan ko agad ang mukha sa hiya. Di ko alam na bumigay ako ng bigla sa harapan nya. It was so sudden at ni hindi ko na namalayang humahagulgol na pala ako.

"Tito dad's.. mommy is crying.. Is she mad at me?.." inosenteng tanong nito sa kausap. Wala na sa isip ko ang taong kausap kanina ni kuya. Naglaho ang isiping iyon ng napunta sa usapan si Jaden. Matagal na panahon na ang lumipas pero iba pa rin ang epekto nya sakin. Natutuwa ako na kinakabahan kasabay ng takot. Kumplikado ang nararamdaman ko sa tuwing sya ang nasa isip ko. Pakiramdam simula noong unang kita ko sa kanya noon.

Hindi ko narinig si kuya. Lalo ko lang tinakpan ang mukha sa kahihiyan. Ramdam ko ang takot at pangamba ni Knoa. Sinisilip ako sa baba tapos tatayo ulit at hahawakan ang likod ng aking palad na nakatakip sa buo kong mukha.

"I'm not gonna ask anymore about daddy po.. stop crying na po mommy.." napakaswerte ko naman sa batang to. Ang talino. Na ultimo hindi ko sinasabi ay nahuhulaan nya. Kanino kaya sya nagmana?.

"I'm not mad baby.." sinabi ko iyon sa pagitan ng mga hikbi at iling ko. Di pa rin kayang tumingin sa kanya. Suskupo Bamby!. Ayan na nga ba sinasabi ko sa'yo! Umayos ka nga!

Unti unti nyang tinanggal ang mga daliring nakaharang saking mukha. Nang nagtagumpay sya sa pagtanggal. Binaba nya iyon ng dahan dahan. Puno pa rin ng luha ang aking mga mata. Nanlalabong nakatingin sa kanya.

"Sorry baby. Nagsinungaling ako sa'yo.." haplos ko sa kanyang mga pisngi patungo sa kanyang buhok. "Nagsinungaling ako dahil baka masaktan lang kita.. pero.. hahaha..." sarkastiko akong tumawa. Agad nagsalubong ang makakapal nyang kilay. "I didn't meant to hurt you.."

"What's sinungaling po?.."

"Pero di mo na namamalayan. Nasasaktan mo na sya..." halos sabay kong narinig ito galing kay Knoa. May kung anong bagay sakin ang bahagyang nanginig. Ang boses na lalim at ang laki. It reminds me of someone.

Andito ba sya?. My inner self asked without looking around.

Sa mata lang ako ni Knoa, nakatitig. Nagtatanong ito at talagang nilalamon ng kyuryosidad.

"Paglaki mo anak. I'll explain it to you.."

"But mom?.." pilit nya na naman. Masyado syang interesado sa mga bagong bagay o salita na first time nyang marinig.

"Let me explain it to you..." ang akala ko. nananaginip lang ako. Pero hindi talaga kasi kumukurap pa ang mata ni Knoa. Gising na gising talaga ako. But saan galing yung pamilyar na boses na yun?. Lagi kasi akong lutang nitong nakaraan dahil sa pag-iisip kaya di ko na matukoy kung nasa reyalidad ba ako o panaginip lang.

"Tito dad's, who is he?.." Doon lamang ako nagising. Naniwala na, di pala ako tulog.

Nakalingon na si Knoa sa gawi nina kuya na kanina pa yata nanonood saming mag-ina. Suskupo Bamby! Nakahihiya ka!

Tahimik. Walang nagsalita. Kahit ang maingay na boses ni kuya. Nakakapagtaka. Ang boses lamang galing dining area ang naririnig ko.

"Mom, you knew whose with tito?.." sakin nabaling ang tanong na iyon ng bata. Gusto kong kutusan at sigawan ang kapatid ko sa katamaran nyang magsalita sa ngayon.

"Hello! What is your name po?." magalang na bati nya pa rito ng di ko sya tugunan.

Nakayuko pa rin ako kung kaya't di ko pa makita ng tuluyan ang may ari ng pares ng paa sa tabi ni kuya

"Ask your mommy. I think, she knows the answer.."

Damn! Di nga ako nananaginip! Sya nga! O my gosh! Really!?

Dahan dahan kong iniangat ang mukha. Sa kaba na nangyayari sa puso ko, Damn! My goodness!. Sorry! I'm damn speechless!

"Ask your mom if she still knew me.." patuloy na sambit ng malamig na boses na iyon. Mula sa kulay itim nyang boots pataas sa maong nyang pantalon. Mariin akong napalunok sa pagitan ng mga hitang iyon. Kailangan ko pa talagang pumikit ng mariin upang maipagpatuloy ang pag-angat ng tingin pataas sa kanyang katawan. Yung walang laman na katawan nya noon. Shit!. Sumisigaw na ito sa ganda. Halata na iyon sa hapit nyang kulay gray na polo. Nakatupi iyon hanggang sa kanyang siko dahilan para mapalunok akong muli. Nakakaakit ang mga ugat doon na tanaw ko mula saking kinauupuan.

"Hmm.." may tumikhim pero di ko iyon pinansin. Nagpatuloy pa rin ako sa pagpantansya sa katawan ng tao. Forgive me! Di ko mapigilan! Shit lang!

Muling naglakbay ang aking paningin sa dibdib nya hanggang sa leeg at sa kanyang baba. Pataas ulit sa labi nyang mamula mula na, dati ay mapusyaw pa. Walang kurap na tumitig ako doon. Walang pakialam sa nakakakita. Sya man o ang bata saking tabi. O goodness Bamby! Wake up you flirt!

"Mom, what are you doing?.." noon ko lang naramdaman ang kahihiyan. Sa puntong ding iyon. Natagpuan ko na ang kanyang mata. Nakakagulat. Wala itong kinang. Hindi na sya kumikislap di tulad noon.

Masakit akong lumunok. Naikuyom ang mga palad sa kaba kasabay ng takot.

"Mommy.." yugyog sakin ni Knoa ng marahan pero di ako natinag. Di ko binitawan ang titig nya. Kapag kasi bumitaw ako. Talo na!

"Tito, is he my daddy?.." mas lalong naging mahirap sakin ang huminga ng tanungin ito ni Knoa out of curiosity.

Nakanganga na ako!

DAMN!

"Why did you asked?.." Doon lamang sumagot ang taong napipi yata. Gosh!. Akala ko ba, you got my back?. What now huh?. Ugh kuya!!!

"Kasi po, I just felt it po.." mahinang bulong ni Knoa. Bumaba na para puntahan ang taong nakatitig pa rin. "Daddy?.." tiningala nya pa ito nang sabihin iyon. Saka lamang kumurap si Jaden at nagbaba ng tingin sa kanya. "Can I call you daddy po?. Kasi sabi po ni mommy ko. My daddy is coming soon po. And I don't know po when is that soon po.." napaawang na naman ang aking labi sa daldal nya.

Mahinang humalakhak si kuya sa tabi. Tumaas pa ang sulok ng labing nakasulyap sakin. Shit!

"Of course!. I can be your daddy from now on.." magiliw nyang sagot dito nang pantayan ang paningin ng bata. Nagtakip ng labi si Knoa. A few seconds. Tumalon na ito sa tuwa.

"Yehey!. I have my daddy na. Mommy, daddy, yehey!!.." sa di maipaliwanag na dahilan. Natulala na naman ako sa tanawin nila.