Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 290 - Chapter 30: Baby

Chapter 290 - Chapter 30: Baby

"Really po, daddy?.." inihabol pa nya ang huling salitang sinabi nya. He's longing for it for a long time. Paulit ulit nyang sinasabi, tinatanong kung nasaan na ang daddy nya. Nalulungkot akong sabihin na di ko alam. Iyon naman talaga ang totoo. Pinakatotoo sa lahat. Kilala ko ang daddy nya pero wala na akong balita tungkol sa kanya.

Umawang ang labi ko sa ngiting iginawad nya sa anak ko. "Hmmm.." malambing nyang sambit saka ginulo ang buhok nito. Humagikgik si Knoa saka masayang niyakap ang leeg ng kanyang ama. Sa pagkakaalam nya. Nagpapanggap lamang si Jaden na maging daddy nya. Little does he know. Ito ang kinasasabikan nyang tagpo. Ang mayakap ang hinahanap nyang ama.

Nakita ko ang pananabik rin ni Jaden nang yakapin nya ito. Nakapikit sya at talagang dinama ang higpit ng yakap nila. Ako kaya?. Kailan mo ako bibigyan ng mainit na yakap?. Grr!. ASA!. Umasa ka nalang muna Bamby. Let them enjoy their moment na ipinagkait mo sa kanila sa loob ng ilang taon. Sobrang guilty ko sa naisip. Totoo naman hindi ba?. Pinagkait mo sa kanilang pareho ang nakikita mo ngayon. Tsk! Oo na! Mali na ako! E anong magagawa ko?. Past is past. At di na mububura pa ang nakaraan. Ang tanging magagawa ko na lamang ngayon, ay ang kasalukuyan. Kaye eto. Ibibigay ko na ang matagal na nilang gusto. At aaminin ko rin. I am happy to finally see them hugging each other.

Ang sarap nilang panoorin. Na kahit di nya pa ako tapunan ng tingin, ayos lang sakin. "Baka matunaw ha!.." bulong iyon ni kuya Lance. Pinapaalalang di tama ang paninitig ko sa likod nila.

Nasa dining area na kaming lahat. Nakaupo si papa sa punong bahagi. Nasa kanan nya si mama na katabi ako at si Knoa. At kung di pa nirequest ang bata na tumabi ito sa kanya. Di talaga sya uupo sa kaliwang bahagi ni Knoa. Sa dulong bahagi rin si kuya na nasa kanang harap si Jaden. At ang mga bisita na ay kaharap na namin.

They are busy talking about construction sites and random businesses. Di ako sumasali dahil kinakapos ako sa hininga. Para nga akong robot na gumagalaw ng di nag-iisip. Nilalagyan ko ng pagkain ang plato ni Knoa gamit ang nanginginig na mga kamay. Damn!

Di ko aakalain na ganito pa rin ang epekto nya sakin. May pagitan naman saming dalawa pero pakiramdam ko, wala talaga. Sarado iyon at makipot dahilan para di ako makahinga ng maluwag.

."Mom, my plate is full.." reklamo nitong si Knoa habang pinipigilan ang aking kamay na papunta sa kanyang plato. Doon ako napakurap. Oo nga! Gosh! Ramdam ko ang biglang pag-init ng mukha ko sa hiya. Nakatingin sila sakin lalo na si Jaden. My goodness Bamby! Breathe!

Pigil ang aking ngiti. Nahihiya sa kapalpakan.

Mabilis kong inalis ang kamay at tinago na lamang sa ilalim ng mess. Taas noong ngumiti na parang walang nangyari. Pero ang totoo! Gusto ko ng tumakbo at magtago sa mga mata nilang tumatawa sa akin.

Kinausap ako ni mama na samahang kunin yung desert sa may lababo. Dahan dahan pa akong tumayo dahil itong binti ko, natutunaw. Nanginginig sa titig ng pamilyar ng pares ng mata.

"Are you okay?.." siniguro ni mama na maayos ako bago kami bumalik sa may hapag. Nagtatawanan sila sa kung anu anong tanong ni Knoa.

"What about you daddy, is mommy beautiful for you?.." napako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang dulo ng kanilang usapan. Gosh!. Knoa!!

Walang umimik sa mga nakakatanda. Hinintay ang isasagot nya.

"Of course. Your mommy is beautiful baby.." mahina ngunit dinig ko ito. Shit! Nasa langit na ba ako?. Sa ganda ng pagkakasabi nya, inaantok na ako.

"Talaga po?. You like her po?.." iyon na ang di ko inasahan. Talagang nilagyan na ng semento ang paa ko sa sahig dahilan para di ako makalapit sa gawi nila. Gusto mo pa ba ako?. Tanong ko rin sa aking isip. Naghihintay rin ng isasagot nya.

Knoa!. Gusto ko syang pigilan at ilayo nalang sa hapag pero nawala bigla ang boses ko. Nagtago sa paraang wala talagang makakarinig!

"Knoa, your mommy will get mad again.." sita sa kanya ni kuya perp balewala lamang iyon dahil nagpatuloy pa rin sya.

"Why po?. I'm just asking lang po tito dad's.." inilingan nito ang bata. Gustong pagalitan pero nahihiya sa harapan ng mga bisita.

Nagpatuloy pa rin ang question and answer portion nila subalit nabangag na ako sa sinabi ni Jaden kanina lang.

"Don't worry baby.. mommy is still beautiful.." anya. At hanggang pagkatapos na ng hapunan. Nasa guest room na ang tatlong bisita. Di pa rin ako makausap ng matino.

Mommy?. Whoa!. Asan yung "Your mommy?"

"Mommy, I remember.." kinawit sa leeg ko ng mahigpit ang maliliit nyang braso. Paakyat na kami ngayon sa aming kwarto. Si Jaden?. Di ko alam kung nasaan sya. Lumabas siguro o umuwi na. May katawagan kasi syang Nicole ang pangalan. I wonder kung kasintahan nya ba o asawa.

Hay!. Sige pa Bamby! Saktan mo pa sarili mo!

"Hmm.. what is it baby?.."

"Sa grocery store po mom.."

Tumango ako. Sinusubukang alalahanin ang binabalikan nya. "What about there?.."

"I think, the guy who gave me lolipop is daddy..." Natigilan ako pero di ako huminto sa paglalakad. Nangatog na naman ang mga binti ko pero nilabanan ko iyon. I knew it!. May pakiramdam ako noon na parang may nakasunod lagi samin na mga mata. Ang akala ko, guni guni ko lamang. Totoo pala. Surreal!

"Paano mo naman nalaman?.." I asked. Gusto kong malaman kung paano nya nga nalaman.

"I saw his face po.. his smile and his eyes.. like mine po.."

Tumigil ako sa bukana ng aming pinto. "Knoa.." bakit di mo agad sinabi sakin?. Idudugtong ko sana iyon ng matanaw ang papalapit na bulto ni Jaden galing sa pangalawang guest room. He's wearing board short at sleeveless na sando. Mas nadepina ang ganda nang katawan nito.

My goodness Bamby!. Yang labi mo, umawang na naman! Itikom mo nga!

"Daddy, where are you sleeping po?.." Shit! This is not good! Kailangan ko na talagang pigilan ang labi nya.

"Knoa?.." sinamaan ko sya ng tingin habang takip ang kanyang labi.

"Where do you want me to sleep?.." baritonong balik tanong nito. Nginitian si Knoa pero nang dumapo saking ang kanyang mata. Napalitan ito ng isang nakakalokong ngisi.

Oh great!. Ano bang ginagawa nya?.

"Sa kwarto po namin.." sagot iyon ni Knoa kahit malabo. Naintindihan pa rin nya. Tinanguan nya ito at nginitian.

"Knoa!.." inis kong pigil.

Nagsalubong na naman ang kanyang mga kilay. "Jaden, it's okay.. Ako nang bahala sa kanya.." sabi ko ng di sya tinatapunan ng tingin. Tinulak ko anh pinto para pumasok na sana kaso natigilan kami ng kanyang mga yabag.

Humakbang pa sya palapit samin. Ngayon, nalulunod na naman ako sa taglay nyang bango. Hinihila ako sa higaan at parang hinehele.

"Ayos lang din naman sakin.. nagpaalam na ako kila tita. Pumayag naman sila.."

"What?.." gulat kong tanong. Bahagyang napaangat ng tingin. At eksakto iyon sa kanyang labi. Di ko kayang tumitig sa mata nya. Nahihilo ako!

"Wag kang mag-alala.. di ako gagawa ng masama..." nang-aakit nyang himig sa gilid ng aking tainga. Damn! Hinabol nya pa ang salitang "baby" na akala nya'y ikatutuwa ko. Hmm!. Baby ka dyan! Tse!