Ilang minuto nga ang lumipas. Dumating na ang inasahan naming mga bisita.
Maingay na pumarada sa garahe ang sasakyan ni papa kasunod noon ay ang iilan pa. Isang Porsche, Chevy at isang kulay puting BMW. Tanaw ko iyon sa cctv na nakaon sa tv namin ngayon. Sunod sunod iyong pumasok sa loob. Mabuti nalang pinasadya ni papa na lakihan itong garahe. Double purpose kasi. Garahe pag normal days. Tas pag may okasyon. Doon ang venue. Nilalagyan nalang namin ng disensyo para maging kakaiba.
"Let's go outside.." alok samin ni mama. Naunahan ang pagkontra ko. Nanghihina kasi ako't nanlalamig. Wala naman akong ibang kinain kundi yung pasta lang pero kakaiba ang naging epekto sakin. Hinawakan nya agad ang kamay ni Knoa saka lumabas. Sumunod sa kanila si kuya. "You okay?.." he asked before sya nagpatuloy sa paghakbang patungong labas.
Lihim kong kinuyom ang mga palad sa ilalim ng mesa. Kagat ko ang ibabang labi sa pagtango. "Hmm.. yeah.." iyon lang ang tanging nasambit ko dahil sa kaba na kulang nalang lamunin ang buong sistema ko. Nababangag ako sa lakas nito, na di ko malaman kung paano na kokontrolin ang aking paghinga.
"You are pale..." aninag nya sa mukha ko nang sabayan ko sya sa paglalakad. Hinintay nya rin kasi akong tumayo kanina kaya kami nagsabay ngayon.
I tried to control my heavy breathing but damn! I can't!
Pumikit ako upang pakalmahin ang sarili subalit hayun na sya't hinawakan na ang mga balikat ko. Dumilat ako at dumungaw sakin ang nag-aalala nyang mukha. "Relax okay.. bakit ka kinakabahan?.." ginawa ko na lamang ang iniutos nya imbes na sagutin ang nakakalito nyang tanong. Bakit nga ba ako kinakabahan ng ganito?. Wala namang binanggit si mama na pangalan o kahit na ano sa mga kasama ni papa. Anong nangyayari sakin at daig ko pa ang sasayaw sa taas ng entablado?. Kumakalabog talaga ang puso ko. Daig pa nito ang malakas na tambol. Nakakabingi!
"May inaasahan ka bang tao?.." didilat na sana ako pero pinili ko pa ring pumikit upang maiwasan ang mata nyang nagtatanong.
"No!.." isang salita na parang hindi sakin nanggaling dahil sa hinhin ng pagkakasabi nun.
Di sya sumagot. Di rin nya inalis ang kamay sa pareho kong balikat. Ramdam ko pa rin ang kanyang hininga. "Okay. sabi mo eh.." marahan nyang sabe. Nag-iingat. Saka nya tinanggal ang kamay sa balikat ko at ginulo ang buhok ko. "Relax. I got your back.." iyon lang at nauna na sya sa labas. Dinig na dinig ko na ang boses nina papa at Knoa na nagpapalitan ng batian.
Lastly. After a minute of inhaling and exhaling. To calm myself off. Nagkaroon din ako ng lakas ng loob para samahan sila sa may garahe. Di ko alam kung bakit wala akong maulinigan na himig ni kuya. He's so quiet at iyon ang pinagtaka ko. Pinihit ko ang spring na pintuan saka tahimik na lumabas.
Bumungad sakin ang likod ni mama habang kaharap si papa na karga sa braso si Knoa. Wala nga si kuya! Saan kaya sya pumunta?. Luminga ako. Wala akong makita na anino nya.
"Oh! Hi there Bamby!.." kaway sakin ni papa ng magtagpo ang aming mga mata. Naglakad ako patungo sa kanila. Binabalewala ang presensya ng tatlong lalaking nakatayo sa gilid din nila. Right side kung saan nakaparada ang sasakyan. Di ko sila tinapunan ng tingin dahil takot akong maanigan kung sinu sino sila. I have this feeling talaga na may kakaibang mangyayari ngayon. Di ko lang masabi o maexplain kasi mahirap iexplain kung ano.
"Good evening pa.." hinalikan ko sya sa pisngi nang lampasan ang mga taong kasama nya na ramdam kong nasa akin ang mga paningin. Damn!
Lumapit din samin si mama.
Niyakap nya ako't iniabot si Knoa. "You're so heavy na.. asan na kasi daddy mo?.." walang bahid ng biro ang pagkakasabi ni papa ng tanong. Naestatwa ako bigla. Di alam kung matutuwa ba o matatakot na.
Sinuway sya ni mama. Pero na kay Knoa na ang atensyon ng lahat ng nakatingala syang nagtanong sakin. "Mommy, where is daddy?.." DAMN IT! Nangapa talaga ako! Anong isasagot ko na naman?. Na darating na sya!. Na malapit na sya! Suskupo! Nagsasawa na akong magsinungaling sa kanya. Ayokong masanay sa bad habit na ganun. E anong gagawin ko ngayon?. Wala rin akong ibang choice kundi ang magsinungaling nalang.
"He's coming baby.." nanlalaki ang mata ni mama sakin. Sinusuway sa anumang sasabihin ko. "Your daddy is coming.." umawang ang kanyang labi ng tumitingin sakin. Talagang naexcite. Nanlaki pati ang mata maging ang butas ng ilong.
"I'm so excited po!. Mommy old. Daddy's coming.." niyugyog nya pa si mama habang sinasabi ang balitang gawa ng pagsisinungaling ko. Di matanggal sakin ni mama ang paningin. She's still thinking kung nagbibiro ba ako o hinde.
It really breaks my heart seeing him being excited for his daddy. Sana nga. Magkakatotoo. Dahil kung HINDE? Suskupo Bamby!! Ihanda mo na ang ilang balde mo dyan, paglagyan ng luhang iiyak mo na naman.
Sinakyan nalang ni mama ang sayang dulot nito sa kanya. I wonder kung natutuwa ba sya o hinde. Of course! She's not Bamby! You're a big fat liar to your lovely son! At sinong matutuwa roon ha?. No one!. Ikaw man, hinde!
Pinaunlakan namin ang mga bisita na noon ko lang din nakilala. Mga malalaki ang katawan na pawang mga modelo sa isang sikat na magazine. In short. Drowling hot and handsome!
Pinagsilbihan sila nina mama. Gusto ko sanang tumulong kaso humirit ang isa na manood ng cartoons. Kaya sinamahan ko na. "Baby, gusto mo ba talagang makita daddy mo?." parang tanga lang! Alam ko na nga tinanong ko pa! Ewan sa'yo Bamby! Magpanggap ka pa. Di ka ba naaawa sa anak mo?. He's longing for the love of his father. Give it to him before it's too late!
Tutok ang mata nya sa tv. Nakahiga sa lap ko. Side ways. Hawak ko ang braso nyang hawak rin ang remote control. "Opo.. I've been wishing for it since po.." natameme ako ng sobra... sobra...
Maawa ka Bamby!
Kinagat ko na naman ang ibabang labi upang pigilan ang maluha. "Gustong gusto ko po ng daddy mommy. Not Tito Mark. Not tito dad's either.. but a real one mom.. i want to meet who my daddy is.." natunaw ang puso ko sa narinig mula sa kanya. Naguilty ako ng todo. Tinago ko ang buong katotohanan sa kanya. Oras na rin siguro para malaman nya.
"Your daddy is---..." naputol ang akma kong sasabihin ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si kuya na may kausap.
"Pasok ka.." alok nya sa taong nasa labas. Iniawang ng todo ang pinto para sa kanya.
"What is my daddy, mom?.." tanong yan ni Knoa na natutuliro kong sagutin. Nakaabang ako sa taong papasok.
"Mommy!.." umupo na si Knoa. Saka tumayo sa may sofa at hinawakan ang dalawang pisngi ko. Iniharap ito sa kanya. Nawala sa may pinto ang aking paningin. Di ko tuloy nakita kung sino ang dumating na bisita. "Mommy, mommy, where is my daddy?.. I want my daddy.." he's ranting now! Go and talk Bamby! You got that!
"I love your daddy baby. I really do.." tuluyan na ngang nag-unahan ang mga luha ko sa mismong harapan nya. "But I don't know if.. he still.. loves me too.." tahimik akong umiyak at ganun din syang nanood sakin.
Gosh! Di iyon ang sagot sa tanong nya eh. Pero iyon lang ang tanging naisip ko na pwedeng sabihin sa kanya. Kumplikado kasi ang lahat. Baka maguluhan lamang sya.