Kinarga agad ni kuya Lance si Knoa ng magising ito umaga na.
"Do you want to play?.." iyon ang bungad nya. Di makausap ang bata dahil kakagising nya nga. Sumunod na rin akong bumangon. Tumagilid paharap kay kuya.
"Tito pogi wants to play.. let's play later." pangungulit nito pero humikab lang ang anak ko sa mismong mukha nya. Ngumiwi ako sa itsura ng mukha nya. Di nagustuhan ang naamoy!
"Ask my mommy first.. I don't want her to get mad.."
Di na ako nagtaka pa kung saan nya nakuha ang salitang sinabi nya. Siguro tumatak na talaga sa kanya ang galit kong mukha sa tuwing may ginagawa syang di maganda. Gaya ng kahapon. Syempre ako. Di ko maiwasang magalit. Para naman iyon sa ikabubuti nya.
Lumipas ang isang oras. Doon lamang nakunbinsi si Knoa sa pangungulit nya.
"Tito, what if mommy will get mad at me, again?.." ngumuso sya doon. Pinandidilatan ako ni kuya ng sulyapan.
"She won't.. I'm with you, so don't worry.." pero kahit anong sabihin nya dito. Hinintay pa muna nya kung anong aking sasabihin.
"Go ahead.." tango ko nalang para matapos na ang sagutan nilang dalawa. Halata namang gustong gusto nyang maglaro kasama ang kanyang tito pero nagpipigil lang dahil sakin. Kung takot sya dito, mas lalo sakin.
Nagliwanag agad ang mukha nya ng sila na ay bumaba. Sumunod din naman ako kahit di pa nakapag-ayos ng buhok.
"Good morning, hija.. breakfast is ready.." salubong samin ni mama sabay halik sa tumatatakbong Knoa palabas ng bahay. Sa may bermuda grass.
"Thanks ma, later nalang po pagkatapos ni Knoa maglaro.."
"Tawagan mo na muna para kumain.. mamaya na ang laro." di ko na kailangan pang ulitin ang sinabi ni mama dahil bumalik ulit sila sa loob at agad naupo ito sa upuang katabi ko.
Himala!
Ngayon lang ginanahang kumain.
"Sinabi kong dapat kumain muna sya bago sakyan ang nakaparada sa may bermuda.." Ani kuya samin. Nakapamulsa ito at pinapakitang he can control my son. Just now, for sure!
"Si papa po pala?." nilinga ko ang buong kusina pero wala sya.
"May urgent meeting sila with the new engineers.." Ani mama. Maaga raw itong umalis ngayon dahil may pupuntahan pa silang site at ang sabi nya'y mahaba ang byahe mula sa bahay.
Tinanguan ko lamang si mama. Saka bumaling na kay Knoa na abala nang nakikipag-usap sa kanyang tito. Curious sa nakitang sasakyan. "Sino pong bumili?.. It so cool po tito dad's.." puri nya dito. Manghang mangha sa nakita.
"Yeah.. and I'll be happy if you'll eat your food now.. I'm watching baby boy.."
"I'm not baby anymore tito.." nguso nya sa kausap.
"Still, you are boy. so eat.. faster para makapagride na tayo.." anya. Saka sya nagsubo ng nagsubo. Hanggang sa naubos nito ang laman ng kanyang plato.
"I'm done po!.." itinaas pa ang buong plato. Agad umalalay dito si mama. Baka mahulog raw nya kasi.
"Be careful baby.."
"Mommy old, I'm not baby anymore po.."
kumbinsi nya rito. Akala mo talaga binata na sya. Not too fast baby!
Piningot ni mama ang kanyang ilong saka umiling. "Who said that?. Baby ka pa kaya.." dungaw nya sa kanya.
Tumulis na naman ang nyuso nya. Humihingi ng tulong saming dalawa ni kuya.
Pareho lang kaming walang imik. "You're still my baby, Knoa.. Not until your tito Mark either tito dad's or your mommy will have my baby again.. then that's the only time na you're not a baby na.."
"Ma.." kontra ko sa sinabi nya. Halos sabay pa kami ni kuya. Suskupo!. Wala pa ngang asawa si kuya. Baby agad?. Lalong ako! Tsk! Meron ngang magiging asawa pero naglaho na yata na parang bula. How I wish bigla syang dumating sa pinto at suot ang usual nyang ngiti. Iyon baka sakaling, pwede pa. Sa galit nya. Baka di na nga mangyari.
Jaden naman! Di mo ba ako namimiss?. Tatlong taon na't kalahati, di ka pa rin nagpaparamdam. What now?. Should I let you go na ba? Or I'll just stay?
Hay! Bamby! Konting hintay pa!. Baka malapit na!
"Mommy!.." noon lamang ako nagitla nang sumigaw itong si Knoa. Sakay na sya nung kart. Hawak ang manibela nito at ready nang magpatakbo.
"Kuya!?.." sa kay kuya Lance ako nagreklamo dahil di nya dapat ito isinakay muna doon. He's too young for Pete's sake!
"What?." siring nya pa sakin kahit na kay Knoa na ang paningin.
"Delikado. Ano ba?.." nilapitan ko sya't pipigilan sana kaso umandar na ang sasakyan palayo. Natatawa si Knoa habang papalayo na sa amin. Nasa labas kami ng bahay. Sa may kalsada. Umalis na kanina pa si mama. Pinatawag ng amo nya.
May isang oras ding nagbabad sa pagmamaneho si Knoa. Pawisan na ito at hinihingal nang umalis sa kart at pinalitan ni kuya.
"Sabi ko naman sa'yo.. tama na eh.. yan tuloy napagod ka.." di ko maiwasang pagsabihan na naman sya habang pinupunasan ang pawis sa kanyang likod at leeg.
"Atleast, worth it po mom.."
Iyon lang! Tama nga sya. Nag-enjoy sya yun ang importante.
Hapon na ng nagpahinga kaming tatlo sa may sala. Nagluto ako ng popcorn para sa movie marathon na gustong gawin ni Knoa. Naglabas din ako ng soda ni kuya at juice para saming dalawa ng anak ko.
Dumaan pa ang oras hanggang sa inaantok na kaming natapos ang movie. Alas syete na siguro at wala pa sina mama.
"Uuwi ba si papa?.." I asked kuya. Baka sakaling alam nya. Umiling sya. Gaya ko di rin alam.
Tinulungan ko nalang syang maghanda ng hapunan. Pasta lover si Knoa at iyon ang request nyang pagkain.
"Bamblebie, may ideya ka na ba kung sinong nagpadala ng kart kay Knoa?.."
bigla akong napaisip. Hanggang ngayon, tanong pa rin iyon na di ko masagot sagot.
"Wala e. Napapaisip nga ako.."
"Anyone?.." anya. He sounds like pertaining to someone na kilala ko, namin.
Natulala ako kasabay ng pagkablangko ng isip.
May taong kumikiliti sa isipan ko na baka sya pero di ako naniniwala eh. Parang imposible naman kasi. Di sya nagpaparamdam tapos magpapadala ng ganun. Imposible talaga.
"Wala talaga.." pagsisinungaling ko kahit meron naman.
Nagkibit lamang sya ng balikat.
Lumipas pa ang kalahating oras at dumating na si mama. Binati nya kami lalo na si Knoa na inabot agad ang pasalubong na Lego. Spoiled masyado sa lola.
Tinanong ko sya kung uuwi ba si papa at sinabi nyang, oo raw at may kasama pang mga bisita. Engineers daw na kasama nya sa bagong site sa pinapatayong building.
May kung anong bumagabag sakin. Di ako mapakali sa di malaman na dahilan.
"Kilala nyo po ba kung sino yung mga kasama nya ma?.."
Napaisip sya. "Hinde hija eh. Basta ang alam ko, magagaling daw silang engineer.."
Okay. Heto na naman ako. Umaasang sya yung tinutukoy na engineer.
Maya maya. Tumunog ang cellphone ni mama. Pinaalam na parating na raw sila. Nasa hapag kami at kasalukuyang kumakain. Nilagyan ko ulit ng pasta ang plato ni Knoa dahil humirit sya ulit. Pero sa totoo lang, kabado na ako simula kanina pa. Kaba na di ko maintindihan.