"Mommy, someone gave me this.." kanina pa iginigiit yan ni Knoa. Nasa amusement park kami ngayon. Request nya. Gusto nya raw sumakay sa ferris wheel at makakita ng ibang mukha dahil nagsasawa na raw sya sa mukha ko at ng kanyang tito daddy. Natatawa nalang ako sa tuwing humahantong sa pagtatalo ang dalawa. Daig pa ni kuya ang isip bata kapag si Knoa na ang kasagutan. Ang hirap nyang ispelengin ngayon. Ang sabi nya, wag ko raw ispoildin. Eh sya naman ang nang-iispoil dito. Tsk!.
"Who is that someone?. You knew the person who gave you that?.." naupo ako upang pantayan ang kanyang paningin. Niluhod ko ang kanang tuhod at ang isa ay sumuporta dito upang di ako tuluyang matumba.
Umiling sya kasabay ng pagkagat sa hawak na ice cream. "I don't know po.." he said while licking the side of his reddish lips.
Napahawak ako sa noo sa frustration. Lagi kong bilin sa kanyang wag basta kukuha sa mga bigay ng di nya kilala. At eto na nga't nangyayari na. Isang araw kasi. Lumabas kami para bumili ng grocery sa bahay. Di maasikaso ni mama kaya ako ang inutusan nya. Busy silang lahat maging si kuya Lance kaya kami lang dalawa ang bumili. Kay hirap dahil sobrang likot nya. Nasa loob kami pero halos habulin ko ang bawat puntahan nya. Saka lamang kami natapos sa habulan ng ilagay ko sya sa loob ng cart kasama ng mga goods. Nang nasa counter na kami, binaba ko sya sa tabi ko. Pinahawak ang laylayan ng aking jacket at hawak ang isang kamay nya. Sa pagkaabala sa mga napamili. Di ko namalayan at nakita kung sinong nag-abot sa kanya ng isang bukas na lolipop. Nasa labi na nya iyon at nilalantakan. Nasasarapan.
Gusto ko syang pagalitan pero pinigilan ko ang sarili. Marami kasing tao at ayokong umiyak sya doon. Mas lalo akong mahihirapang kargahin ang lahat ng dala. Imbes, lihim kong hinanap ang tao yun. Nagpalinga linga. Tumitingin sa kahina-hinalang tao. Pero wala akong makita!
Sino ka?.
Natutuliro ko ng tanong ulit ngayon. Someone's bothering us and I don't know who it is.
"Baby, di ba sinabi ko sayong wag kunin ang pagkain pag di mo kilala yung nagbigay?.." he just pouted. Kinurot ko ang mamula-mula na nyang pisngi sa init. Tinuruan ko rin syang magtagalog para di sya mangapa kung sakaling uuwi kami ng Pilipinas. My family agreed to that.
"But mommy, I want ice cream.."
"Bakit di mo sinabi sakin?.."
"Kasi po... baka di po kayo bibili.. tito dad's not here po.." yan na nga sinasabi ko eh. Sino ngayon ang nagbibigay ng luho sa kanya?. Psh!
"Kahit na baby ko.. bibili naman si mommy pag gusto mo.." mas humaba lang ang kanyang nguso. Di na nya muling kinagatan ang ice cream dahilan para unti unti na itong natutunaw.
Huminga ako ng malalim. Natatakot na naman sya. Hinaplos ko ang kanyang buhok ng marahan. "It's okay baby." tinanguan ko sya at nginitian. "Eat your ice cream now. Natutunaw na oh.." nguso ko dito. Doon lamang sya kumurap at nagbaba ng tingin doon. Umabot na sa kanyang mga daliri ang tunaw na ice cream. "You're not mad mommy?.."
Aw!. I'm so guilty!
Umiling ako habang may ngiti sa labi.
"I'm not baby.. eat na.." saka ko sya hinalikan sa noo. Pinunasan din ang dumi na natira sa gilid ng kanyang labi kanina. "You want more?.. mommy will buy.." napalitan ng isang magandang ngiti ang malungkot nyang mukha kanina. Tumango sya habang tinatakam ang ice cream. Pinunasan ko ang kanyang mga daliri bago kinuha iyon at sabay kaming naglakad sa nagtitinda ng ice cream. Sa maliit na stole sa may park.
Sabay kaming kumain noon dahil namiss ko ring kumain ng ice cream. After the extreme rides umuwi na kami. Tulog na sya ng nasa daan palang kami pauwi.
Pagkatapos igarahe ang sasakyan. Binuhat ko sya. Natigilan lang ako ng kunin agad ni papa sakin si Knoa. "May bagahe ka pala.." Anya na ikinagulat ko ng todo.
Bagahe?. Saan naman galing?. Kanino galing?.
"Po?.." gulat tanong kong talaga. Wala akong inaasahan na bagahe sa kahit na sinuman. Sino naman kaya?.
"Nasa silid mo na. Iniakyat namin kanina.." kasabay ng paglalakad nya paakyat nya ito sinabi, upang ipanhik sa taas ang pagod na si Knoa.
"Kanino raw po galing?.." I asked curiously.
Nagkibit lamang sya ng balikat. Atsaka di na muling nagsalita.
Gosh! Kinakabahan ako. May naiisip akong posibleng tao pero imposible naman. Napakaimposible nun na kulang nalang tawanan ko ang sarili sa naisip.
"Walang nakalagay na pangalan anak.. basta nakapangalan sa'yo.." ani papa nang ilapag na si Knoa sa higaan namin. Sya ang unang pumasok at sumunod lang ako. Nakapagtataka talaga. Seryoso ba?. May naglalaro sa isip ko na sya nga. Pero agad ding binabakuran ng hindi naniniwalang pride ko. Itinuro ni papa ang side kung saan nakatayo ang malaking box nga! Likod iyon ng pintuan. Sa may lagayan ng laruan ni Knoa.
Umawang ang labi ko sa pagkabigla. So weird! Kanino naman galing ang bagaheng yan na malaki. At ano kayang laman nyan?. Bomba?. Marami ng kung anu anong pangit na bagay ang pumasok sa isip ko bago ako tinapik ni papa.
"Mauna na ako.." paalam nya na agad kong pinigilan.
"Pa, ikaw nalang po magbukas. Baka kung anong laman nyan.." kabado kong sambit. Di alam kung kanino galing eh. Kaya di ko rin masisi ang sarili sa negatibong pag-iisip sa pwede nyang laman.
Tinignan ako ni papa. Tinatantya kung totoo ba ang sinasabi ko o biro lang. Hindi ako nagbibiro pa!
"Okay.. Lance!. come here.." nagparescue pa kay kuya. Takot rin ata. Hek!
At dumating nga rin si kuya. Nagtataka pang tumingin sakin bago tinulungan si papa sa pagbubukas ng bagahe. Di ko sila nilapitan. Takot akong baka nga... bomba! Malay ko nga naman!
"Ohh!.." sabay silang napasinghap ng makita kung anong nasa loob. Agad akong tumakbo at dinungaw iyon.
"This is so cool!.." puri pa ni kuya. Isang maliit na sasakyan iyon. Hula ko'y mamahaling kart iyon. I don't know the true brand of it. Kulay itim ang tapakan, upuan at manibela at puti naman na ang gilid ng hanggang sa steering wheel nito.
"Pa, ang astig nito.." masayang puri ni kuya habang inilalabas ito sa malaking kahon.
"Hmm... cool nga.." maging si papa, di na rin maitago ang pagkamangha dito.
Nakatayo lang ako sa tabi nila. Tinatanaw ang pag-aasemble nito dito.
"Teka.. may sulat na nakalagay oh.." magiliw na sabi ni kuya. Dinampot iyon sa loob mismo ng kahon. Nawala bigla ang atensyon ko sa ginagawang ni papa. Nalipat kay kuya na binubukoat na ang papel.
"To Knoa.." basa nya roon. Hinintay ko pa kung may karugtong iyon pero nagkamot na sya ng ulo at nagreklamo. "Hay!. Akala ko na kung anong laman..psh!. Sino kayang nagpadala dito pa?..." Anya sabay abot sakin ng sulat at naupo sa harap ni papa. Tinulungan muling asembolin ang sasakyan.
"Di ko rin alam. Baka admirer ng kapatid mo.."
"Psh!. Paanong sya e para kay Knoa raw tong bagahe.." Nagtataka ring tanong nya. Naisip ko rin yan. Kung ganun, sino kayang nagpadala?. Posible bang sya yun?. Di ko alam.
Sinilip ko ang likod ng papel. Umaasang may nakasulat pa roon pero nanlumo lang ako dahil blangko na iyon.
Di ako naniniwala na isang estranghero ang nagpadala dito. May kutob ako pero nagdadalawang isip pa ako. Ayokong kumpirmahin. Natatakot ako.