Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 280 - Chapter 20: Jacob

Chapter 280 - Chapter 20: Jacob

Madaling araw na naman akong natulog kinabukasan. Nagbabantay naman sila mama pero di lagi. May trabaho kasi sila at tuwing gabi na lamang nila nakakarga si Knoa. Si kuya Mark naman ay umuuwi sa kanilang bahay. Pumapasyal lang kapag di nila duty ni ate Cindy o iniiwan samin si Jacob na malaki na ngayon.

"Tita, can I carry Knoa po?.." minsang request nya ng gabi pa ay wala pa sina kuya. Kaming dalawa lang ni kuya Lance ang nagbabantay. Tutal off nya ngayon sa school kaya on duty sa mga pamangkin.

"Jacob, Knoa's too young for you to carry.. paglaki nalang nya.." si kuya ang kumausap sa kanya. Tumulis ang kanyang nguso. Nakaupo sya sa floor mat at naglalaro ng mga kalat nyang sasakyan. Si kuya naman ay sa screen ng tv nakatutok ang mata. Ayaw paabala sa pinapanood sa Netflix. Ako naman, nakasandal sa upuang nasa gilid ng kama. Paharap sa may tv at kay Jacob. Karga si Knoa habang natutulog.

"Tito please please po.." tumayo pa si Jacob. Binitawan ang hawak na laruan. Nilapitan sya na di man lang tinapunan ng tingin ang bata. "I won't let him fall.." pilit ng aming pamangkin. Tumabi pa sa kanya subalit wala pa ring epek.

Nilingon nya saglit ito.

"It's a no no, Jacob..." parang nasaktan naman ako sa nakikitang panlulumo nya. Bagsak ang dalawa nyang balikat at malungkot ang matang lumingon sakin. Kulang nalang umiyak sya.

Hindi na ako nagsalita pa. Basta kinumpas ko na ang aking kamay para pumunta sya sakin.

Noong una. Nagdalawang isip pa sya. Natatakot sa tito nya. Pero when I assured to him na okay lang. Ngumiti na sya't lumapit na samin. "Baka po magalit si tito?.." binulong pa nya ito sakin. Bahagyang nanginig ang boses. Takot talaga kay kuya.

Kung spoil ito sa kanyang mga magulang at sakin rin pati sa lolo't lola. Not to his Tito Lance. As it is. Lagi nyang kinokontra pagbibigay namin ng lahat ng gusto nya. He said na lalaki raw ulo nya't kalaunan ay magiging brat na. Sa ganung paraan raw matututong magpasaway ang mga bata paglaki. They think raw na lahat ng bagay ay madali nilang nakukuha. Na madali lang ang buhay. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit ganun sya mag-isip pero di na pala kailangan dahil minention na nya ako. Suskupo Bamby!!.. Oo nalang!.

"Tsk!.. Here we are again.." pagpaparinig na nya ng matunugan ang ginagawa namin ni Knoa. Pinaupo ko ang bata sa upuan at ako ang tumayo. "Kuya, pagbigyan mo na.." sagot ko kahit na nakatalikod sa gawi nya. Ramdam ko ang paninitig nya sa gawi namin. "Tita, he's mad now.." takot na bulong ni Jacob sa harapan ko ng dahan dahan kong ilapag ang natutulog na si Knoa sa kanyang kandungan. "Don't look at him. Just stay put to Knoa's sleeping time.." pakalma ko para di na kabahan pa.

"Kaya sumasagot na eh." dagdag pang pasiring nya. Umirap ako sa kawalan.

Umayos ako ng tayo ng tahimik kong nilagay sa lap nya si Knoa. Tinitigan ko sya. Kulang nalang di sya humihinga. "Relax Jacob.." gulo ko sa buhok nya bago binalingan na ang kapatid kong sa tv nakatutok. "You're scaring him bruh." naglakad ako ng ilang hakbang papalapit sa kanya ng di inaalis ang mata sa kanila "I know. And I meant it.." gusto kong matawa sa pagiging strikto nya. Tapos na sya sakin. Tas ngayon, ipapasa nya sa mga pamangkin. Hay!. Di na ba sya magbabago?. I'll see pag sya naman nagkaroon ng anak. Baka sakaling doon sya magbago ng pananaw.

Sa amin rin. Di naman namin kinukunsinti lahat ng gusto nya. Sadyang kung maibibigay man namin. I mean kung afford man o andyan at nakikita nya at gusto nya, bigay agad. Basta, may paalam. Iyon ang turo namin. Di sya pwedeng kumuha nalang basta ng walang kahit na anong pahintulot ng may-ari ng gusto nyang bagay. Yes we spoil him but he should carry first the term, GMRC. Good manners and right conduct. Hindi porket spoil sya ay dapat masama na ugali nya. No!. It's a big big no iyon samin!!. Lalo na kay Kuya Mark. Tinuro samin noon nila mama na maging mabuti sa kapwa. Wag mapanghusga. Maging mapagbigay. Unahin lagi ang paggalang at maging malawak ang pang-unawa sa lahat ng bagay. Dala namin iyon hanggang ngayon at ipapasa na rin namin saming mga anak.

Di nalang ako nagsalita ulit dahil baka pag-awayan pa namin ang tungkol sa maliliit na bagay. Pagod ako at ayoko ng ganun.

"Anong pakiramdam?. ." pabulong na tanong ko kay Jacob ng lapitan ko. Kanina pa sya tahimik sa pagkandong kay Knoa. Nag-angat sya ng tingin sakin. Suot ang napakagandang ngiti. Lumalabas ang dimple nya sa dalawang pisngi. Lalo iyong nagbigay kulay sa pogi nyang mukha. Manipis na labi. Katamtaman na tangos ng ilong. Makapal na kilay at maningning na mata. Pakiramdam ko, palagi akong masaya kapag tumititig doon. Kaya madalas, di ko na namamalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. "It feels so good po tita.. thank you po.."

"You're always welcome dear Jacob.." kurot ko sa bilugan nyang pisngi. Ngumiwi sya. "Gusto ko na pong magkaroon ng baby brother.." natigilan ako ng bigla nya itong sabihin. Marahan kong kinarga si Knoa saka hinele para di tuluyang magising. Wala pang isang oras ng natulog sya.

"Then tell it to your mommy.." asik ni kuya. Ang bait nya talagang tito!. Sarcasm!

"I will po.. absolutely, they're already doing it po.."

Napaawang ang pareho naming labi sa narinig. Seriously!?. Kuya Mark!. What the hell dude!!

"You saw what?.." nabibiglang tanong ni kuya Lance na napatayo. Humarap pa sa gawi namin. Nakataas ang isang kilay.

"I saw---.."

"Kuya!??.." mabilis kong agap para putulin ang kung anu mang sasabihin ng bata. Suskupo!!. Holy cow!!

Matagal bago kumalma ang high blood kong kapatid.

"Holy shit Bamby!!. you heard that?.. He saw them!. Ang bata nya pa para dun. " histerya nyang sabi sakin. Nasa labas na si Jacob dahil kakarating lang ng mga magulang nya.

"Kumalma ka nga kuya!. You are over reacting.."

"Tsk!.." siring nya saka nagkamot ng batok at nagpabalik balik ng lakad.

"Can you please calm the heck out of you kuya. Nakakahilo ka na. " reklamo ko sa di matigil na paglalakad nya. Saka lamang sya huminto at sumalampak ng upo sa sofa. "I'll talk to your brother later.. tsk. tsk!. So careless!.." iiling iling pa nyang bulong sakin.

Ilang minuto pa bago sya tuluyang kumalma. Lumabas sya't iniwan akong nagbabantay.

Hay!. Bakit ganun sya magreact?. Painosente ang loko!.

Nasa malalim akong pag-iisip ng tumunog ang cellphone na nasa loob ng drawer. Ilang araw ko na palang di nagagalaw iyon simula ng ako'y manganak.

Sino kaya ang tumatawag?. Naglakad ako ng di nilalapat ng madiin ang tsinelas sa sahig. Tahimik ko ring hinila ang hilahan ng drawer saka iyon binuksan.

Babe's calling. . .

Yan ang caller ID na lumitaw sa screen.

Napako na naman ako sa kinatatayuan ko. Di makagalaw at makapag-isip ng tama.

Related Books

Popular novel hashtag