"Pahinga ka na muna.." tinapik ako ni kuya Lance sa likod. Nasa tabi ako ng crib ni Knoa at nakatitig lang sa kanya habang natutulog.
Ikatlong araw na rin simula noong lumabas kami ng ospital. I tried to convince them na sa nirentahang bahay na kami didiretso but they insisted na sa bahay na talaga kami tumuloy. Wala akong nagawa nang ang sinasakyan namin ay pauwi nasa amin ang tinatahak. Pinaliwanag kong kailangan kong magpaalam kila tita Martha at kay Barb bago tuluyang umuwi. Malaki ang naitulong nila sakin noong panahong wala ako. Panahong mahina at mag-isang lumalaban. Gusto kong magpasalamat sa lahat. Simula sa pagbibigay nila sakin ng trabaho sa kabila ng kalagayan ko hanggang sa pagturing nila sakin bilang kanilang pamilya. They never treated me as an stranger. Imbes pinaramdam nila sakin ang kakulangan na hinanap ko noon sa tunay kong pamilya.
"Nakausap na namin sila hija. Nagpasalamat kami sa lahat ng naitulong nila sa'yo.." paliwanag din ni mama. I get their point. Pero iba pa rin ang mismong ako ang magpasalamat sa kanila. I owed them a lot. Wala ako sa kinalalagyan ko ngayon kung wala silang nagbibigay ng abiso sakin tuwing bumababa ang tingin ko saking sarili. They thought me how to fought the pain that kept dragging me and survived every single day. Marami akong natutunan mula sa kanila. Simula sa hirap at sakit hanggang sa luha na may ngiti. "Tawagan mo na lamang sila hija.. Hiningi ko ang numero nila ni Barb.. masyadong malamig sa beach para kay Knoa. Baka magkasakit sya.." si papa naman ngayon ang nagsalita. Dagdag paliwanag sa desisyon ni mama.
Tahimik akong tumango. Sa bahay ko nalang sila tawagan. Iimbitahan ko sila sa nalalapit na binyag nya.
"Matulog ka na.. ako na muna dito. " pinisil nya pa ang hawak na balikat ko.
Nahuhulog na talaga ang talukap ng mata ko. Hindi na kasi kumpleto ang oras ng tulog ko. Madalas madaling araw na lamang ako naiidlip tapos magigising rin pag nagising na sya para magdede.
"Kaya ko naman.." humihikab kong sambit.
"Sige na.. ako na dito.. matulog ka na.." hinila pa ang braso ko upang tuluyang tumayo sa kinauupuan kong stool.
"Why are you awake?. Alas kwatro palang?.." nagtataka kong tanong. Takip ang sariling labi sa patuloy na paghikab. Umayos sya ng upo sa stool bago humarap sakin. "Di ako makatulog. Now go to sleep.." may tunog pagbabanta ang kanyang himig. Kaya nakapikit akong nagkamot ng pisngi saka tumango. "Fine. Thanks.. wake me up pag nagising sya ah.." isang thumbs up lang ang ginawad nya nang dumilat ako dahil tahimik na syang nakatingin sa natutulog na si Knoa. Tahimik akong natawa. Dumiretso sa kama na magulo. Kinuha ko ang kumot na di ko maasikasong tupiin. Pati ang unan na nasa bandang paanan. Nilagay ko lahat sa ayos bago umakyat roon at tahimik nang natulog.
"Shhhh.. Knoa, Knoa.." mahina kong naririnig iyon. Pabulong pero dahil sa katahimikan, dinig na dinig ko.
Noon ko na narinig ang kanyang iyak. Dali dali akong bumangon kahit inaantok pa.
"What happened?.." nag-aalala kong tanong kay kuya na karga na sya. "Kanina pa umiiyak. Gutom na yata.." Anya pa habang pilit na hinehele para tumahan.
Binilang ko ang oras at lagpas na nga simula ng magdede sya.
Agad akong umupo sa kama at maingat nya ring binigay sya sakin. "Shhhh.. it's okay baby. Mommy's here.." pagtahan ko saka sya pinadede.
Tumalikod si kuya sakin simula kanina. Kinuha nya yung towel na white na nakasabit sa crib saka iniabot sakin patagilid. Tinakpan ko ang di nya dapat makita saka sya humarap sakin ng sabihin kong okay na. Part of respect.
"Matulog ka na ulit.." ngiti ko sa kanya habang pinapanood kami ni Knoa ngunit inilingan nya lamang ako. Abala si Knoa sa pagkain habang ako ay pinapalis ang buhok na di na masuklay suklay saking mukha.
"Where's your bond?.." hanap nya sa pantali ko ng buhok. Itinuro ko ang tabi ng higaan. Taas ng mesang kinalalagyan ng lamp shade. Mabilis syang naglakad papunta roon at bumalik sakin para itali ang buhok ko.
"I miss doing this thing huh.." tudyo nya. Sya kasi lagi ang nagtatali ng buhok ko noong grades school ko. Tamad akong magsuklay at mag-ayos ng buhok. E naiirita sya pag nakikita akong ganun. Para raw akong multo. Kaya nakaugalian na nya hanggang first year high school ako. Natigil lamang noong nalaman na nyang may gusto ako kay Jaden. Simula noon, di na nya ako sinusuklayan. Ngayon lang ulit.
"I miss it too.. hahaha.." halakhak ko ng bahagya. Nagpatuloy sya sa pagsuklay hanggang sa napagod na at itinali na lamang ang aking buhok. Doon ko nakuha ang ideyang baka bakla sya pero biro ko lang naman iyon. Pang-aasar sa kanya. Madali kasi syang mapikon eh.
"So, ano nang balak mo ngayon?.." tanong nya nang maupo sa isang malambot na upuan sa gilid ng higaan. Harapan ko mismo.
"About what?.." I asked back. Di ko naman alam kung tungkol saan ang tanong nya.
"You and Knoa?.."
"Di ko pa alam.. basta ang mahalaga lang sakin ngayon ay lumaki sya ng malusog.."
"What about his happiness?..."
"Of course!. Ibibigay ko lahat. Maging masaya lamang sya."
"Paano kung hilingin nya sa'yo ang daddy nya?. ibibigay mo ba?.." natahimik ako't biglang napaisip. "Nag-away na naman ba kayo?. Bakit?. Si Veberly na naman ba?.." walang preno nyang tanong. Matagal na iyon eh pero bakit binabalikan pa rin ako ng bagay na lagi kong tinatakasan?. "Di mo man sabihin sakin. Alam ko.. pero wala ka bang tiwala sa magiging asawa mo?.." umawang ang aking labi sa ginamit nyang bansag. Magiging asawa ko?. Shit!. Parang ngayon ko lang ulit natanto na engaged na pala kami simula nang bumalik ako ng Australia. Suskupo Bamby!!
"I don't know. I'm too torn between trusting him again and not to.."
"Bamby, hindi ka matatahimik hanggat di mo sya kinakausap.. he's been calling you since then.."
"Give me some more time kuya. I'm thinking.." Isa sa totoong nasa isip ko, ang mag-isip. Iniisip kung ano bang dapat kong gawin. Sundin ang pride ko o paganahin ang puso kong sya pa rin ang tinitibok nito.
"Time is running lil sis. You have to think quickly.." paalala pa nya.
Opo!. Ginagawa na nga eh. Just a little more time. I need to think wisely.