Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 278 - Chapter 18: Care

Chapter 278 - Chapter 18: Care

Tuwang-tuwa ang aking pamilya na alagaan si Knoa. Hindi nila ito mabitawan. Kahit nga nagpapadede na ako ay andyan pa rin sila. Nakatakip lamang iyon. Hindi nila ako iniwan kahit sinabi kong pwede na silang umuwi. "Pano kami uuwi neto?. Andito ka pa, ang apo ko.." ani mama habang karga si Knoa. Pinapatulog ito.

"Ma, I'm fine here.." umiling sya sa aking sinabi.

"Hindi ka okay, okay?. We're not leaving you here.. alone.." may diin ang bawat pagkabigkas nya dito. Nanuot sa kailaliman ng aking puso. May kung anong humaplos doon. "We're not doing the same mistake again.." dagdag nya na naging dahilan ng pagkatulala ko ng ilang segundo. "We are family and none of us shouldn't left behind.." tumaba na naman ang tainga ko sa narinig.

Natulala ako ng sobra sa nakakasilaw nyang ngiti. Hindi ko alam kung paano sila napapayag ni kuya Lance na pumunta rito. Napilitan lang ba sila o kinaladkad nya. I don't know. Di ko pa sya natatanong dahil laging andyan sila mama at papa. Nagsasalitan ng tulog at pagbabantay kay Knoa. Di ko mahulaan kung galit pa ba sila sakin o hindi na. Di ko rin kayang itanong sa kanila ang tungkol doon. Masyado silang masaya para sirain ko nalang basta.

Lumipas ang dalawang araw at andyan pa rin sila.

"Alam na ba ito ni Jaden?.." kuya Mark asked nang kami lang ang gising. Gabi na at hula ko'y nasa pagitan ng alas otso o alas nuwebe ang oras.

Bigla na naman akong nanlamig. Pinagpawisan ang noo kahit malamig sa loob ng kwarto.

Gumalaw ako upang humarap sa kanya. Sa gawing hinihigaan ng walang malay kong baby boy. "Hindi.." kasabay ng isang iling. Masakit sakin ang sabihin iyon. Masakit sakin na wag sabihin sa kanya. Not because I don't want to but because I have to. Kailangan kong piliin ang mahirap kaysa sa madali. Kung masaktan man ako. It's okay atleast pinili kong palayain ang sakit na pilit akong hinihila pababa. Gustuhin ko mang kumapit sa kanya, hindi ko magawa. Hindi ko kaya dahil sa manipis kong tiwala. Sinabi kong malaki ang tiwala ko sa kanya bago bumalik dito. Pero kinain ko lang pala ang sinabi ko. Hindi ako kumapit sa manipis na tali ko at basta nalang sya iniwan ng walang paliwanag. He deserves my explanations. I am too. Naisip kong naging makasarili ako bigla. Iniwan sya ng walang paalam.

Hahayaan ko nalang siguro na oras na ang gumawa ng paraan para magtagpo muli ang aming kapalaran.

"Bamby, kailangan nya itong malaman.."

"Di ko alam kung kailangan pa ba nyang malaman ang tungkol dito.." bigla syang natahimik. Nagtaka siguro dahil iyon ang sinabi ko imbes na tumalon at maging excited sa pangalan nya. Laging ganun ang reaksyon ko dati kapag naririnig ang pagbanggit nila sa kanya. Isang tawag at sigaw lang nila ng pangalang Jaden, para na akong nabudburan ng sili sa pwet at di na mapakali. Di alam kung uupo ba, tatalon o magtatago nalang sa silid para di nya makita ang pamumula ng mukha ko. Para di nya marinig ang tambol ng aking dibdib. Malakas lagi. Kulang nalang tumalon palabas mula saking katawan ko papunta sa kanya. Mas pinipili kong sumulyap nalang mula sa malayo. Nakayakap sa hamba ng pinto.

"Anong nangyari?..." maingat nya itong tinanong. Sobrang ingat na kapag nagkamali sya baka di ko sya sagutin o bigla nalang umiyak sa harapan nya. Mahina pa naman ako pagdating sa kanya. At alam nya iyon dahil naging saksi sya sa mga panahong umiiyak ako dahil sa kanya. Sya ang dahilan kaya naging marupok ako't madaling bumibigay sa lahat ng bagay. "Kaya ba mas pinili mong umalis ng walang kahit anong bakas?.. Hindi ka nagpaalam. Naintindihan ko iyon dahil alam kong nagtatampo ka samin.. sakin.." mahina nyang inihabol ang huling salita. "Iniiwan mo ang cellphone mo na alam mong tatawagan ka talaga namin nang nalaman na nawawala ka.. o umalis talaga.." tinitigan nya ako. Nangungusap ang kanyang mata. Humihingi ng kapatawaran. "We freaked out nang bigla kang hanapin samin ni Lance.." mabagal syang huminga. Nagbaba ng tingin sa paggalaw ni Knoa saka binalik sakin ang mata. "Pinag-alala mo kami ng sobra... sobra.."

"Sorry.." ang unang salita na lumabas saking dila. Sadya ko man ang pag-alis. Pinagsisihan ko rin ng bahagya dahil pinag-alala ko sila.

"No!.." itinaas nya ang kamay saka inaayos ang buhok na tunakas sa pagkakatali ko. Inipit iyon sa likod ng aking tainga. Sweet side of him. "Kami ang dapat magsabi sa'yo nyan, hindi ikaw." tumigil sya't nag-isip. "Yes, nung una kong narinig iyon ng di sadya sa usapan nila mama. Nagalit na ako sa'yo. Nagtampo at gustong tanungin kung bakit mo ginawa. Bakit mo nagawa ang bagay na hindi mo pa muna gawin hanggat di ka pa kinakasal.. Gustong gusto kitang tanungin ngunit pinangunahan ako ng galit at inis.. dahil duon, di ko magawang tumingin sayo. Kahit pa ang kamustahin.."

"Naiintindihan ko.." mababa kong sambit.

"Pero nagsisisi ako ng malamang umalis ka na ng di namin nalalaman.. umiyak ako't pinagalitan ang sarili sa katangahan. Di ko inisip ang kalagayan mo. Inuna ko pa ang pride ko. "

"Kuya.."

Tumayo sya't niyakap ang ulo ko. Dinala sa kanyang dibdib. "Ako dapat ang unang nakaintindi sa'yo.. pero I'm sorry, kuya's so fucking rude na nagawa kang balewalain na parang di ka nabubuhay sa mundo.. I'm so sorry my little Bamblebie.. kahit mommy ka na..baby pa rin kita.." pinunasan ko na naman ang naglandas na luha galing saking mata. Ang sarap lang pakinggan na he really cares for me. At iyon ang di ko nakita bago ako umalis. Inisip kong wala syang pake sakin. Na wala lang ako para sa kanya. But deep inside, tama ang obserbasyon ko na galit talaga sya at kailangan nya lang mag-isip at timbangin ang tama sa mali. He's been like that. Lahat kailangan pantay sa kanya. "Kahit ilan pa maging anak mo, always remember. You're still my little Bamblebie.. my little sister.. but please.. wag mong ipagkait sa bata ang makilala ang tatay nya.." habol nya sa huling linya. "He deserves that Bamby. Knoa deserves your other half.." tahimik nalang akong tumango. Alam ko naman. Di ko naman sinabing porket di ko gustong sabihin ay ayaw ko ng makilala nya si Jaden. Nagbabago ang feelings. Lalo na ako pagdating na sa kanya.