Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 277 - Chapter 17: Knoa

Chapter 277 - Chapter 17: Knoa

Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Nanlalabo iyong tumama sa ibabaw ng puting ilaw. Napapikit pa ako bago muling nagmulat. Noon ko lang naramdaman ang paggalaw ng gilid ko.

"Congrats Bamby. Here's your handsome cutie baby.." inagaw ni Barb ang aking pansin. Binuhat nya ang balot sa puting tela at may maliit na sumbrero sa kanyang ulo.

Kagat ko ang labi sa pagpipigil na umiyak. Ngunit kahit gano ko pa kagustong di umiyak. Nag-unahan na ang aking luha pababa.

"Don't cry. He's so healthy.." pagpapatahan nya. Pinunasan ang tubig na nasa aking pisngi.

Di ko alam kung paano ko sya ngayon pasasalamatan. Binantayan nya ako't siniguradong ligtas ang anak ko.

Tumagilid ako sa gawi kung saan nya maingat na nilapag si baby. "What's his name?.." hinila nya ang upuan sa gilid at tinitigan ang bata na para bang anak nya. How I wish na andito sya para bantayan kami.

"Knoa.." bigkas ko sa unang pangalan na naisip ko. It sounds like Noah.

Tumatango tango syang nginitian ako. "Nice name. It really suits him.." puri pa nya.

Tahimik kong pinakatitigan ang mukha nya at pinaghalong mukha ko at Jaden ang nakikita ko. Sa kilay at pilikmata na medyo makapal. Kay Jaden nya nakuha. Sa ilong na pino at matangos at labing mapula ay sakin. At sa kabuuan, ay kay Jaden na.

Di ko na namalayan na nakatulog ako.

"Shhhh.." naalimpungatan ako. Nang iminulat ko ang aking mata. Nabigla ako sa mga bisita. Ang aking buong pamilya. Karga ni mama ang anak ko habang dinudungaw sya ni papa at ng dalawa kong kuya.

How did they knew?. Natanto ko lang na nakalimutan kong ibilin kila tita Martha na huwag sabihin kung nasaan man ako .

"Hey!. Ma, gising na sya.." magiliw na anunsyo ni kuya Lance mula sa kinatatayuan nila bago naglakad papalapit sa hinihigaan ko. "Hey!. Congrats.." ngumiti sya ng napakaganda ng dungawin ako.

"Hmm.. thanks.." Paano nyo nalaman?. Tanong ng isip kong di ko magawang sambitin. Nanghihina pa ako at masakit ang parteng nasa baba.

"Anak.." sambit ni papa habang papalapit sakin. Nangilid na naman ang aking luha sa pagtitig sa kanyang mata. Pumikit ako upang pigilan iyon. Nagulat nalang ako dahil sa mainit na presensya nya sa tabi ko. "Congratulations!.." ngiti nyang umaabot sa singkitan nyang mata nang ako'y dumilat. Lalo pang lumiit at kulang nalang di makita iyon sa ganda ng pagkakangiti nya. Saka sya yumuko at pinaulan ng halik ang aking noo. "I'm sorry anak.." tumulo na naman ang luha. "We're very sorry.." patuloy nya. Tinutukoy na silang lahat. "Patawarin mo kami dahil di ka namin pinakinggan.. sorry for making you feel worthless.."

"Pa..." gumaralgal ang aking tinig. Inihilig nya ang aking ulo sa kanyang dibdib. "Kami sana ang karamay mo sa paghihirap mo eh imbes na ibang tao.." patuloy nya. Hinahaplos ang aking buhok. "Patawarin mo kami dahil pinabayaan ka namin.."

"Anak..." si Mama. Kalong ang aking anak. Nangingiliran na rin ng luha. "Bakit hindi mo sinabi samin na may masakit na pala sayo bago kami umalis?. Kung di pa kami tinawagan ni Barb ay di pa namin malalaman.."

What?. Si Barb?. Paano nya nalaman ang numero nila?.

Noon ko lang rin naalala yung pink na pouch na dala ko kahit saan. Nakita nya siguro yung cellphone doon at tinawagan sila.

"Congratulations... salamat sa malusog naming apo.." ngiti nya saka hinalikan ang ulo ng anak ko.

"Salamat po.." magalang kong sambit. Totoo at walang halong kaplastikan. Natutuwa ako dahil dumating sila sa oras na kailangan na kailangan ko na sila. I thought, mag-isa na naman akong mag-aalaga sa kanya. Mag-isang magpupuyat at mag-isang magpapalaki sa kanya. Thanks to Barb. Paulit ulit nya mang sabihin sakin na I need my family. My own family to help me pero di ko yun pinakinggan. Now, he opened my eyes widely to realize that pamilya pa rin pala ang matatakbuhan ko kapag gipit na at wala ka ng ibang makapitan o mahingan ng tulong kundi sila.

"Anong pangalan nya?.." excited na tanong ni kuya Mark nang laruin nya ang kamay nya. Karga ko na sya saking bisig at marahang hinehele. Mulat ang maliit at kumikinang nyang mata. Di ko mapigilan ang saya sa pagkurap ng kanyang mata. "Meet your tito Mark, Knoa.." magiliw kong himig. "Your tito Lance, and Lolo and Lola.." mahina ngunit sapat na para marinig nila.

Agad nila akong nilapitan at niyakap. Mainit na yakap na ilang buwan kong di naramdaman. "Welcome to the family Knoa. I am your pogi tito Lance.."

"What are you?.." angal pa ng aming panganay. Pinandidilatan ng mata ang isa. Inaasar.

"Pogi naman ako ah. May angal?.." tumulis ang nguso ni kuya at nagkibit ng balikat na para bang di sang-ayon sa sinabi nya.

"Meron, dahil mas pogi na sa'yo si Knoa. Diba mommy Bamblebie.."

Tahimik akong humalakhak. "Ano sa tingin nyo lolo paps?.." humingi pa ng tulong kay papa. Natatawang tumango na lamang sya kahit di na maipinta ang mukha ni kuya Lance.

Nagpakawala sya ng hininga bago bumawi. "Fine.. mukhang dumating na nga ang bagong favorite ng pamilya. What else do I expect?.." arte pa nya.

Nagtawanan sila. Kasama na rin ako. "Give up bruh!.. hahaha.." tawa pa ni kuya.

Nagtaas sya ng kamay at ibanaba rin kalaunan. Pinapakitang sumusuko na nga sya. "As you wish.. Knoa is the new pogi.."

"Ahahahaha.." hagalpak naming lahat.

Ang sarap pala sa pakiramdam ang tumatawa ng kasama ang pamilya. Di ko na ito inaasahan eh. Ang nasa isip ko na noon ay mag-isang bubuhayin si Knoa. Not knowing na darating pala sila sa panahong kailangan ko.