Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 276 - Chapter 16: Visit

Chapter 276 - Chapter 16: Visit

"Push!.." turo sakin ng nurse na nasa may paanan. I wanted to push harder pero ubos na ang lakas ko. Nanghihina na ang buo kong katawan kakaire.

Huminga ako ng sobrang lalim. Hinga na ngayon ko lang ginawa sa tanang buhay ko. "One more push ma'am.. it's getting there.." anunsyo pa nya. Feeling ko sinabi nya lang iyon para palakasin ang loob ko.

I pushed harder!

At isang iglap. Nawalan na ako ng malay sa lahat.

"Hey, if you need help. Call me, okay?.." presenta nitong si Ian. Kasamahan ko sa trabaho. At isa sa mga lalaking nagpaparamdam ng motibo pero di ko binibigyang pansin.

Kumuha ako ng part time job para may exercise pa ako lalo. Nasa kabila akong restaurant at server ako ulit doon. Ilang dipa lamang ang layo kila tita Martha. Open restaurant iyon. Walang bintana at pinto ang pagitan. Basta may mga upuan at lamesang pahingahan ng mga bisita.

Tinaasan ko ng kilay ang pagkindat pa ni Ian. Suskupo!. Sa lagay kong to!. Bat ako pa nilalandi mo?.

Kumuha ako ng order ng dalawang babaeng bagong dating at binigay sa may counter. Umupo ako doon sa upuang pinasadya ng may-ari para sakin. Naging kaibigan ko rin kasi ang nagpapatakbo nito. Bakla sya at lagi nya akong tinatawagan kapag may pinapakitang disensyo para sa kanyang planong negosyo. Ayaw nya sana akong tanggapin bilang serbidora ngunit nagpumilit ako. Gumawa kami ng kasulatan na di nya ako pinilit magtrabaho sa kanya. Pumirma ako doon at nagpahayag na gusto kong magtrabaho kahit malapit na akong manganak.

"Here.." inilapag sa harapan ko ang order nilang pasta at juice. Marahan akong tumayo. Tinuko ng malakas ang palad sa armrest ng upuan para makatayo ng maayos. "You sure you can handle this?.." nag-aalangan pang tanong ng nasa counter. Tumango ako't, "Yeah. I can handle this. See?.." pinagmayabang ko pa kung paano ko hawakan ng isang kamay lang ang dalawang plato. Napapailing lamang sya habang kinakamot ang ulo. "Don't worry. I'm strong enough just not like what you think.."

Pumihit ako paharap sa gawi ng mga babae na nagtatawanan sa kung anong pinag-uusapan nila. "Here's your order ma'am. Enjoy your meal.."

"She's flirting like she's not ugh!!.." dinig kong usapan ng dalawa. Lagi may ganyan na customer. Hinuhusgahan ako sa kung anong nakikita ng kanilang mata not knowing the true story behind it. Ugali na yata ng tao ang manghusga kahit di pa alam ang buong istorya. We people, has a freedom of speech. Free to speak and say what we really want. Free to express our true feelings towards someone. But not in a way that we have to judge someone else na para bang kilala na natin sila ng sobra. Lahat ng tao ay may pinagdadaanan. Be careful of what you are saying. Be kind and open minded to anyone who you encounter. Lahat ay may problema. Nakangiti lang ang iba para itago ang nadarama pero sa loob nila ay nalulunod na sa sariling luha.

Mapait akong ngumiti sa harapan nila. Mismong harapan nila!. Harap harapan eh!

"Enjoy.." yun lang at tatalikod na sana ako sa kanila ng makita ang mga taong nakatayo sa mismong harapan ko. Ilang dipa ang layo sa open restaurant.

Nasa unahan si kuya Lance na iminuwestra pa ang gawi ko habang nasa gilid nya si papa na diretso ang tingin sakin. Or I should say na tinuro talaga ako. Kaakbay nya si mama na tutop ang labi gamit ang dalawang palad. May luha sa kanyang mata. Katabi nya rin si kuya Mark na nagkagat lamang ng labi ng magtagpo ang aming paningin. Bumalik kay kuya Lance ang paningin ko ng patuloy sya sa pagsasalita. He's saying something to them pero di ko marinig.

Nangilid ang luha ko sa tanawin. Buo na sila. Buo sila kahit di ako kasama. Lalo ko lamang pinasakit ang loob ko sa sariling isipin.

Nakita kong binaba na ni kuya Lance ang kamay nyang kanina pa nakaturo sakin saka sya namaywang na para bang ang laki ng kanyang problema.

Kinuyom ko ang sariling mga palad. Anong ginagawa nila rito?. Tanong na di ko masagot kung di nila ako kakausapin.

Kumirot na naman ang puso ko. Lagi nalang ba akong iiyak ng ganito? Kailan kaya ulit ako ngingiti kasama ng taong mahal ko?.

Natanaw kong pare pareho ng kumikinang ang kanilang mga mata. Hula ko'y mga luha na nagbabadyang bumaba. Mariin kong kinagat ang labi saka ngumti ng pilit sa kanila. Kumaway pa sakin si kuya Lance na tinanguan ko lang.

"What are you still doing here?. Your spoiling our meal.." maarteng sambit ng isa sa mga babae. Inirapan pa ako ng nagbaba ako ng tingin sa kanila. May luha na saking mata. Wala na naman akong kailangan na gawin kundi ang ngumiti at tumango na lamang sa kanila. Kailangan silang igalang kahit hindi naman dapat dahil sa masama nilang ugali. Customer is always right daw?. Nasaan naman ang hustisya sa mga katulad ko?. Ang hirap!. Ang hirap timbangin ang tama sa mali. Nakakalito!

Muli akong sumulyap sa gawi nila at andun pa rin sila. Pinapanood ang ginagawa ko.

"What's your order ma'am?.." muli ay bati ko sa dumating. Inilahad nila ang kanilang order saka ko iyon sinabi sa counter at hinintay. Bahagya pa akong natigilan nang biglang sumakit ang aking tyan. Ian asked me at sya na ang nagdala sa customer ng pagkain nila bago ako inalalayang umupo sa gilid nya. "You okay?.." tanong nya. Nag-aalala. Nakapikit ako't dinama ang sarili. "Yeah. I'm okay now. Thanks Ian.."

Bago pa ako magmulat ng mata. Naamoy ko na ang pamilyar na pabango nila. "Anak.." muli akong napapikit sa pakiramdam na tinawag nila akong ganun. It feels so good to hear. Been months since then. Kuya Mark talked to Ian at di ko na yun napakinggan. "Are you okay?.. dalhin ka namin sa doktor.." Ani mama. Hinawakan ang likod ng kamay kong nakahawak sa umbok ng tyan.

Umiling akong nakapikit. "I'm fine.." mahinahon kong sagot kahit naghuhumirinda ang puso ko sa galit. Galit na di ko alam kung saan nanggaling.

Pinilit nila akong dalhin sa doktor pero nagmatigas rin akong ayos lang ako. Ewan ko ba kung anong nangyari sakin. Naging matigas na yata ako dulot ng iba't ibang sakit na di pa naghihilom.

"I'm okay.. " lagi kong sagot sa mga tanong nila. "I can manage.." sagot ko lang sa pag-aalala nila. "I'm used to it.." sagot naman sa tanong nila kung kaya ko bang mamuhay ng mag-isa. Kingina Bamby!. Ngayong andyan na sila, magmamatigas ka pa ba?. Until when huh?.

At hanggang sa nawalan na sila ng pag-asa at umalis nalang. Bagsak ang mga balikat.

Sa pag-alis din nilang iyon. Doon na pumutok ang patubigan ko't tinakbo na sa pinakamalapit na ospital. Without them!

Related Books

Popular novel hashtag