Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 275 - Chapter 15: Baby

Chapter 275 - Chapter 15: Baby

Di na ulit bumalik si kuya just like he promised before he left. Pinaintindi kong maayos lang talaga ang kalagayan ko rito. Na kaya ko ang magtrabaho kahit nahihirapan ako. Atleast nun, galing sa mismong pawis ko ang lahat ng perang nagagastos ko. Yung ipon ko noon galing sa mga bigay nila nang nag-aaral pa ako ay di ko pa rin nagagamit. Siguro pag talagang gipit nalang ako. Doon ko kukunin.

"What!?. All I thought he's your fiance?.." gitil na tanong sakin ni Martha ng tanungin nya sakin kung sino yung lalaking kasama ko one time sa bahay. Nagkamot sya ng ulo ng sabihin kong kapatid ko sya at pinapauwi na ako.

"Why don't you--?.. Jesus Bamby! Your pregnant and days from now on is your due." sinabi pa nyang dapat talagang sumama na raw ako kay kuya.

"Yeah. I also want to but it's hard.." sagot ko. Gustong gusto ko naman na talagang umuwi sa piling ng pamilya ko pero hindi ko alam kung tatanggapin pa ba nila ako o hinde. Lalo na ngayong naglayas ako ng bahay ng walang paalam at walang kontak sa kanila. Sigurado akong nag-alburoto ang galit nila. Iyon ang isa sa dahilan kaya takot akong umuwi. Takot akong masaktan sa katotohanang maririnig mula sa kanila. Masyado akong mahina pagdating sa mga ganung bagay ngayon. I don't know why?. Basta ko nalang naramdaman nang ang huling nakausap ko sa cellphone ni Jaden ay si Veberly.

Sobrang sakit sa parte ko ang marinig na may ibang babae syang kasama. Habang ako, heto. Mag-isang namomroblema sa pareho naming ginawa.

Hindi ko pinagsisihan ang pagbubuntis. Ang pagkakaroon ng anak. Nasasaktan lang ako na sa kabila ng isang biyaya na 'to, ay hindi nila lubos na matanggap. Posible pala yun?. Na kahit gaano pa kalaki ang biyayang natanggap mo kung ang mga taong nasa paligid mo ay di masaya. Apektado ka rin pala.

Sino namang sasaya sa biglaan Bamby?. Ginulat mo sila. They didn't expect you to do this at an early age. Pero darating naman ako doon hindi ba?. Doon naman din ako pupunta. Ang bumuo ng pamilya at magkaroon ng mga anak. Why now?. Dahil ba sa hindi pa ako kasal?. Dahil ba sa expectations nila na di ko naabot?. Damn!. Bakit di nila sabihin para sana alam ko kung anong aayusin ko. Para alam ko kung saan ulit ako mag-uumpisa at hahakbang papunta sa gusto nila.

"You should tell it to your fiance.." pilit sakin ni Martha habang kami ay nagpapahinga isang hapon. Nasa dilaw na kalangitan ang aking paningin. Nililipad ng hangin ang buhok ko habang suot ang isang ngiti. Ngiting di aabot saking mata. Tamang ngiti lang para sa kanyang tanong. No more words to explain. Just a plain smile. Pinagpahinga nila akong mag-asawa dahil masyado na raw mahirap ang gumalaw sakin ngayon.

Hapon ding iyon. Naglakad lakad ako sa may dalampasigan. Hawak ko ang pouch na pink. Nagdadalawang isip kung oras na ba para malaman kung anong laman nya o ipagpabukas ulit.

Kumakagat na ang dilim. Pababa na rin ang haring araw sa malayong dulo ng dagat. Mga panahong parang kailan lang nung nagroad trip kami ng Ilocos at pinapanood ang araw na lumubog. Bumalik na naman sakin ang araw na pinakasaya sakin kasama sya. Naging malaya kami noon at ang bunga ng lahat ay isang biyayang di matutumbasan. Kinagat ko ang labi sa nagbabadyang luha. Natanaw kong nag-aalisan na rin ang ilang turista sa pangpang habang ako ay nagmumuni muni. Nababasa ng tubig dagat ang laylayan ng maternal dress na suot ko. Bahagya ko iyon itinaas upang di tuluyang mabasa.

Kailan kaya matatapos ang paghihirap ko?. Si Jaden, kamusta na kaya sya? Hinanap nya rin ba ako tulad ni kuya o hinayaan na parang sina mama?.

Nasa malalim akong pag-iisip ng biglang tumunog ang cellphone na nasa loob ng pouch na hawak ko. Humigpit ang hawak ko doon. Maging saking dibdib dahil sa kaba. Kinakabahan ako sa kung sinong tumatawag.

Naglakad ako sa may pangpang at dahan dahan iyong binuksan.

The moment I saw the caller name. Nanlamig ako't nanlabo ang paningin.

Shit Bamby!! He's calling!!

I silently screamed!. Sigaw na sa ilang buwan kong tiniis na huwag gawin. Paulit ulit kong gustong tawagin at isigaw ang pangalan nya sa may dalampasigan pero di ko magawa. Para saan pa di ba?. Di nya naman maririnig. Magmumukha pa akong baliw sa iba.

May kumurot saking puso. So he's worried!.

Noon ko na nabuksan ng tuluyan ang cellphone na hawak. Tumigil na ang tawag. Nanginginig pa rin ang daliri ko sa pagpindot ng screen.

Shit!.

Isang malutong na mura ang napakawalan ko ng makita ang text messages at tawag na di ko na nasagot. Libo libo dude! At sa isang tao lang galing ang lahat ng yun. It's him!.

"Jaden.." my tears fell like a majestic falls. Nag-unahan ang mga itong bumaba. Mga luhang matagal nagtago at ngayon lang naisipang lumabas para sa isang dahilan. Nag-iisang tao na maaaring makapaghilom ng sugat na meron ako. "Malapit na akong manganak.." hiling kong andito ka. Samahan ako sa pag-aalaga. Isiping para sa panaginip nalang siguro mangyayari.

Iniiscroll ko pa ang mga mensahe. Isa doon ang nagpakalma sakin. "Babe, been four months. I've been calling you. Why are you not answering?. Malapit na akong mabaliw rito. " it's a voicemail na pinasa nya. Apat na buwan makalipas.

"I asked your kuya's but they're too silent about you. May nangyari ba?. Tell me baby, please!.." gumaralgal ang boses nya rito. Nagbara na naman ang lalamunan ko sa pagpipigil na humikbi. "We're going to have a baby, baby." sagot ko sa voicemail nya. Hindi ko nirecord. Naluluha lang ako suot ang isang tunay na ngiti.

"Nakita ko sa post ng papa mo na isa ka ng ganap na arkitekto. Kailan mo naman ako babatiin ng congrats?. Nakapasa ako babe.." tuluyan na syang humikbi sa kabilang linya. Matapos ang ilang minuto. Pinatay na nya iyon.

"Congrats.." bulong ko nalang sa hangin habang pinatutuyo nito ang luha na dumaan saking pisngi.

I never thought na ganito ang magiging epekto nya sakin. Lalong lumalim ang pagmamahal ko sa kanya kahit ilang ulit pa nya akong saktan ng di nya nalalaman.