Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 272 - Chapter 12: Start

Chapter 272 - Chapter 12: Start

Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa lugar na pupuntahan ko.

Luckily, babae ang driver ng taxi. Magaan ang loob ko sa kanya kaya kahit di pa sya magtanong. Nasabi ko na ang iba kong problema.

Yung phone ko. Iniwan ko rin sa bahay. Aalis ako at ayokong may makaalam kung saan man ako. Not even Jaden.

Sinabi kong kapag wala pa syang reply o paramdam ng ilang araw. Then, we are finally done. I don't need his god damn explanations. Magsama sila ng kung sinong babaeng gusto nya.

The lady, asked me kung saan ba ako talaga pupunta. Then sinabi kong gusto ko lang lumanghap ng sariwang hangin in a way na maiintindihan nya. She nodded at alam nya na raw kung saan.

Sa pagtakbo ng sasakyan. Sumagi na naman sa isip ko kung hahanapin kaya nila ako?. O hahayaan nalang tulad ng pagbabalewala nila noong andun ako?. It really breaks my heart knowing that the second thought of mine would possibly be they do. Hindi sa nag-iisip ako ng negative. Sadyang di ko lang mapigilan simula ng umalis ako ng bahay.

Bakit di nila ako hinayaang magpaliwanag o pakinggan man lang?. Bakit, sinabi ni mama na she won't judge me?. Pero baliktad naman nun ang ginawa nya. Is it because of anger?. Might be.

"There you go.." anang ale ng makarating kami sa lugar na binanggit ko. Kinalas nya ang kanyang seatbelt saka lumabas at nag-unat ng katawan. Dali dali ko ring kinuha ang dalang bag saka kinapa ang pambayad sa kanya.

"Thank you ma'am.." sinsero kong pasasalamat. Tinignan nya ako ng bahagya bago binaba ang tingin sa kamay kong nakalahad ang pera sa harap nya.

"That's too much.." Anya sa perang bayad ko. I genuinely smiled at her. At sinabi kong kulang pa iyon dahil sa layo ng byahe namin. Alas sais na ng umaga at sumisilip na ang haring araw. Kinuha nya iyon ngunit ibinalik muli ang iilan. "This is enough.." wagayway nya sa hawak nya. Alam nya rin kasing umalis ako ng bahay and the reason behind it. "Be safe here okay. Take good care of your baby.." paalam nya sakin bago pinaandar ang sasakyan paalis.

Nakangiti kong sinalubong ang malamig na hangin na nanggagaling sa dalampasigan. "This is it Bamby!. Umpisa ng pagiging responsable mo.." Tiningala ko ang araw at nagpasalamat sa init na pagtanggap nya sakin dito.

Naglakad ako pababa at nagtungo sa iilang restaurant doon matapos ilapag ang gamit sa rest house na nirentahan ko. Nagtanong tanong ako kung kailangan ba nila ng helper. Kahit katulong pa ang pasukin ko. Ayos lang. Magkapera lang ako.

"You can start tomorrow.." Sabi ng matandang lalaki. Sa restaurant ito na pinagkainan namin noon ni kuya Lance nung nag-unwind kami. Magsisimula ako bilang server.

Nagpasalamat ako't bumalik ng nirentahang kwarto at nagpahinga. Naglalagay ang isip ko kung kamusta na sila. Paulit ulit kong tinatanong kung hinahanap na ba nila ako ngayon?. Isang mapait na ngiti na naman ang kumawala sakin. "Nagtanong ka pa eh. Galit nga sila sa'yo diba?. hay naku Bamby.." kinakausap ko na ngayon ang sarili sa kawalan ng taong mapagsabihan ng problema.

Kung sana---.. Hay!

Kinabukasan. Nagsimula na nga akong nagtrabaho sa kanila. Di iyon naging madali dahil mahirap magserve lalo na kapag mali pa ang naiserve mo.

Linggo muna ang dumaan.

Paulit ulit pa muna akong napagalitan bago natuto.

Mas naging mahirap sakin ang magtrabaho dahil sa kondisyon. Nagulat pa ang may ari ng restaurant dahil unti unti nang lumalaki ang tyan ko. Di sila makapaniwala at ng kanyang asawa na buntis ako. Sinabihan nila ako kung kaya ko bang magtrabaho o hinde. Nakangiti akong tumango. Anong kakainin ko kung di ako magtatrabaho?.

"Be careful Bamby.." mga paalala nila na sa pamilya ko sana gustong marinig. Nakakatawa lang isipin na sa ibang tao ko pa naririnig ang mga salitang kailangan ko. Nalulungkot akong marinig ang salitang nakakataba ng puso na galing pa sa iba.

Noon ko lang nalaman na. May Isa raw pala silang anak. At noong nagkaroon na ng pamilya. Nagpakalayo layo na raw ito at ang bumisita sa kanila ay di na magawa. Nalungkot ako't dinamayan sila sa pangungulila.

Tinuring nila akong bilang anak. I'm so thankful na kahit pala sa kadiliman ng iyong buhay. May liwanag ka pa rin palang makikita. Akala ko magdurusa ako ng mahaba. Magiging alipin o pulubi. Pero akala ko lang pala iyon.

Sinasamahan pa nila akong magpatingin sa doktor every month. Ika-limang buwan ko na ngayon at hanggang sa araw na to. Wala pa rin akong balita sa kanila. Paano mo naman malalaman kung iniwan mo ang nag-iisang kontak mo sa kanila?. Natawa na lamang ako sa isiping iyon.

I hope that this coming days. Maging maayos pa rin ang lahat.

"Baby, I'm so excited to see you.." haplos ko sa umbok ng aking tyan. Bahagya pa yung gumalaw kaya napatili ako. Ganito pala ang pakiramdam ng may anak. Excited na naiiyak. Nakakamangha!