Ganun din ang nangyari, kinaumagahan. Again in dinner at hanggang umabot na ng isang linggo. Kumakain kami ng sabay ngunit di nila ako pinapansin o kinakausap. Unti unting namamatay ang puso ko. Gusto kong magtampo sa kanila. Magalit at mainis, subalit. Anong karapatan ko?. Sila nga dapat ang magalit sakin diba?. Anong karapatan ko na kwestyunin ang trato nila sakin ngayon?. Anong karapatan kong magtanong sa galit nila?. Anong karapatan kong, magtampo sa mga mata nilang hinuhusgahan na ako?.
Palagi akong tahimik na umiiyak tuwing aakyat ng kwarto. Pinipisil ang aking tyan upang palakasin ang loob ko. "Sorry baby.. wala ka pa dito sa mundo. pero galit na sila sayo... I'm so sorry.." di ko mapigilang maluha.
Nagpacheck up sa ob gyne kahapon. At ang sabi nya. Dalawang buwan na raw akong buntis. I cried with smile. Di ko inexpect na ganun sya kabilis lumaki.
She said, na kailangan alagaan ko ng mabuti ang sarili ngayon. Kumain ng masustansya at palagiang pagchecheck up. I just nooded at her and smile bitterly. "Oh!. Why are you crying?..." tanong nya sakin bago ako inalo. Umiyak lang ako. Wala akong magawa kundi yun lang. Ang umiyak.
Blessing daw ang pagkakaroon ng baby dahil di lahat ay nabibiyayaan. Tulad nya. Niyakap nya ako at binilin na wag mawalan ng pag-asa. Alagaan ang anak sa sinapupunan at palakihin ng tama. Di ko alam kung pano ko nasabi sakanya ang lahat. Kailangan rin siguro iyon para gumaan ang aking pakiramdam.
Naisip ko nang gawin ang bawal subalit mariin nya akong pinaalalahanan.
Saka ko narealize na, bakit ko gagawin ang isang bagay na lalong makakasakit sakin?. Ginusto ko ito at paninindigan ko sa ayaw at gusto ng ibang tao.
Nagdesisyon akong gawin ang tama at ipagpatuloy ang pagbubuntis ko.
Bumalik ako ng bahay at agad hinagilap ang bag pack. Nilagyan ko iyon ng iilang mga damit. Kinuha ko rin ang piggy bank sa ilalim ng drawer ko at binilang lahat. Sapat na ito para makapag-umpisa. Hindi lang iyon ang ipon ko simula ng magtrabaho ako. Iba pa ang ipon ko sa mga padala nila mama noon at sa pinagpaguran ko mismo. Isinilid ko iyon lahat sa bag pack ko. Maging ang mga gamot na binigay ng ob kanina.
Kung ang pag-alis ko lang ang paraan para matahimik silang lahat. Maging ako. Aalis ako. Gagawin ko ito para sa sarili ko at sa magiging anak ko. Alam kong di to madali pero para sa kanya. Magpapakatatag ako. Para sa kanya, pipilitin kong maging matapang para sa ikabubuti nya at ng lahat.
Gabi na at maya maya ay andito na silang lahat. Nagluto ako ng ulam na chopsuy at naghiwa ng mga prutas. This is my last dinner with them. Kahit mahirap saking gawin to. Gagawin ko pa rin. I know. This is the best way to ease the pain na nararamdaman nila. Sinong di masasaktan kapag sinuway ka ng anak mo't nabuntis pa?. I know. Mahirap yung tanggapin. Kaya nga. Aalis nalang ako.
Tahimik ang hapag. As usual this past few weeks.
"Eat more Bamby.." laging si kuya Lance lang ang nag-bibigay sakin ng atensyon tuwing kumakain. Sila?. Nevermind. Time will come. Marerealize din nila lahat. At sana kapag dumating nga ang oras na yun. Sana lang, di pa huli ang lahat.
After dinner. Ako ang naghugas ng napagkainan. Di ko na alam kung saan na sila pumunta. Kung bumalik ba ulit ng trabaho o nagkulong na sa kani kanilang kwarto.
Pinunasan ko na lamang ang luha na dumaan saking pisngi.
Hinihiling na sana, kausapin na naman nila ako. Baka sakaling magbago pa isip ko. Pero hindi. Di nila ako kinausap that night. Magpapaliwanag naman ako kung magtatanong sila. Kahit pa di na sila magtanong basta kausapin lang nila ako. Sasagot ako.
"Good night Bamblebie!.." nagulat ako ng biglang sumulpot ang bulto ni kuya Lance sa gilid. Palabas ng dining area. Ginulo nya ang buhok ko saka inunahan na akong umakyat ng hagdan. Di ko alam kung nakita nya rin maging ang pagpawi ko ng luha.
I don't know what to say.
Masaya ako sa pinapakita nya ngayon. It means a lot to me.
Siguro nga. Iba iba ang pananaw ng bawat tao. Yung tipong masakit pero di dapat pinapahalata. Si kuya Lance yun. Nakangiti pero di abot mata. Si kuya Mark, na oo, nasaktan mo ako. Give some time please. Ganun sya. Kailangan bigyan ng space para makapag-isip isip. Si mama naman. Yung klase ng tao na kapag galit. Galit talaga. Ipaparamdam nya talaga sa'yo ang galit nya. Just like now. Galit na galit sya. And I deserved her anger. Si papa, alam kong nasaktan ko sya ng sobra dahil dumoble ang pananahimik nya. He's not like that. Tahimik sya pero hindi sobrang tahimik na aakalain mong, wala kang kasama kahit andyan naman sya.
Natulog akong may ngiti sa labi.
This day on. Magiging matapang na ako. Hindi na mahina at mahihiya.
Bumangon akong alas dos ng madaling araw. Naligo ako't nagbihis ng komportableng damit. Isang t-shirt lang na plain white at pantalon na hindi gaanong hapit. Kasama noon ay ang sneakers na regalo ni mama sakin last year. Isinabit ko na ang bag saking likod. Lahat na ng kailangan ko ay nasa loob. Pera ang importante. Damit, gamot at tubig. Kumuha ako ng sticky notes saka sumulat doon ng simpleng "Sorry.." saka idinikit sa likod ng cellphone kong nakadapa. Muli kong nilibot ang paningin sa loob bago pinatay ang ilaw saka dahan dahang bumaba.
Kumakalabog ang puso ko sa bawat paghakbang ko pababa. Tanging lamp shade lang sa may altar ang naiilawan. Dumaan ako saglit doon bago tuluyang pinihit ang saradura at lumabas ng bahay.
Malamig na umaga ang sumalubong sakin. Niyakap ko ang sarili bago isinuot ang hood ng suot kong jacket.
"I need to do this. Alone." Huminga ako ng malalim bago nag-umpisang maglakad upang humanap ng masasakyan.
Di ko alam kung saan pupunta. Ang gusto ko lang ngayon, ay sa malayo. Far away from pain.