"Kuya Lance, hug me please.." habol ko sa kanyang kwarto ngunit binagsakan nya lang ako ng pinto. Mabuti nalang at di ako nauntog doon.
Ang arte nya!. Yakap lang naman hinihingi ko eh, hindi pera o luho. Yakap para maamoy ko ang pabango nyang kinababaliwan ko ngayon. I don't even know kung anong nangyayari rin sakin. Basta ang alam ko, gusto kong laging nakikita si kuya at naaamoy.
"Kuya please, just a second. " kumatok pa ako minsan subalit hindi nya talaga ako pinagbigyan. Imbes, "Ano bang nangyayari sa'yo?. Nababaliw ka na ba?.." sigaw nya mula sa loob. Parang baliw akong ngumiti sa harap ng pinto nya at tumango. Baliw na yata ako. "Am I?. I don't care. yakapin mo na kasi ako, saglit lang naman eh.." pilit ko. Nagmamakaawa.
"Ayoko nga! A. Yo. Ko.." diniin nya pa ang mga katagang iyon.
Bumagsak ang kamay ko at maging ang aking balikat. "Go away!. Tawagan mo nalang boypren mo!. Sya yakapin mo. Wag ako!." lalo akong nanlumo sa inihabol pa nyang sinabi.
Bwiset!. Kaya ka siguro iniwan ng bestfriend ko dahil sa kabaklaan mo!. Manigas ka dyan!.
"Tsk!. idiot!. paano ko naman yayakapin si Jaden kung ilang milya ang layo naming dalawa?. Tsk!.. tsk!." bulong ko. Napapailing akong tumingin sa pintuang nakasara bago naglakad papasok ng sariling silid.
Lunes ngayon. Holiday. Papasok sana ako kaso tumawag yung boss ko at di raw sila magbubukas ngayon. Eksaktong pagbangon ko naman kanina ay bumaliktad ang sikmura ko at dumuwal. Dumiretso ako ng banyo sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Wala naman akong ibang kinain kahapon eh kundi mangga at ice cream lang. Bakit ako naduduwal ngayon?. Uminom lang ako ng tubig saka humiga ulit. Hinihimas ang parte ng puson. Kinuha ko ang cellphone na nasa tabi ng larawan namin ni Jaden saka kalahating humiga at chinat sya.
"Babe, anong ginagawa mo?.." sinend ko iyon habang may luha saking mata. I really miss him. Gustong gusto ko na syang makita at mayakap ng mahigpit.
"Damn Jaden!. Kailan mo ako pupuntahan dito?.." frustrated kong tanong na nakatingin sa profile pic nya sa messenger. Tinipa ko iyon subalit bunura rin kalaunan. I don't want to demand. Makakaya ko naman sigurang maghintay sa pagdating nya rito. Sana lang kayanin ko!
Di ko malaman kung ilang minuto akong nakatitig lang sa larawan nya. Nagulat kasi ako sa isang taong kinakalabog ang pinto.
"Bamblebie!!.." atat nyang katok na para bang may nangyaring hindi maganda.
Kumalabog tuloy ang puso ko sa bawat paglapat ng kamao nya sa pintuan. Ang oa nya minsan!. Nakakainis!
Tamad akong bumangon at pinagbuksan sya. "What!?.." inis kong tanong.
Nakangiti sya na parang ewan. Hawak ang cellphone habang iniiscroll. "Ano?!. Psh!. Inaantok pa ako eh.." isasarado ko na sana ang pinto ng iharang nya ang kamay nya doon. "Come here. I want to hug you.." nangapa ako sa biglaang request nya.
Ngayon naman, sya na ang may gustong yakapin ko sya. What a sudden change of mind?. Ano kayang dahilan ng mokong na to!?
Kumurap kurap lang ako sa harapan nya. Ngumiti sya at inilahad sakin ang mahahaba nyang mga braso upang yakapin ko sya. "Faster. Baka magbago pa isip ko.." kahit wala pa akong mumog o suklay ng buhok ay humakbang ako papalapit sa kanya at niyakap.
Ugh!. Gaganda na naman araw ko neto!
"Congratulations Bamblebie!.." bulong nya saking tainga ng yakapin nya rin ako. Nagtaka ako. "Huh?!.." walang malay kong sambit.
"Congrats Architect Bamby Eugenio.." inilayo nya ako ng kaunti at binanggit ang isang bagay na pinapangarap kong marinig.
"What?!.." nalilito. Nagugulat pa rin ako.
Is he joking or pranking me?. Kung alin man sa dalawa, sige panalo na sya! Naniniwala ako.
Pinandilatan nya ako ng mata. Nalaman nya sigurong di ako naniniwala.
"Hahahaha... yes Bamblebie!. I'm not joking.." naluluha nyang sabi sabay pisil saking pisngi.
"Yes hello ma?. Yes po.. she's certified architect na ma.." Tumatango tango pa nyang sinagot ang maingay nyang cellphone. Pagkatapos nyang ibaba ang tawag ni mama. Si papa naman ang pumalit. "Pa, you're dreams came true.. she's architect now.." nginitian nya pa ako kahit nagpupunas na ng luha sa gilid ng kanyang mata.
Really!?. Hindi nga sya prank o biro!. Totoo sya! Waaa!!.....
Isa na akong architect!!
Mama!. Pa!. Jaden!!. Babe!!.
"For real?.." bulong ko na akala ko'y di nya maririnig. Binaba nya ang tawag. Di ko na maulinigan kung sino na ang kausap nya ngayon. Pakiramdam ko, nakalutang ako kahit nakatayo sa harapan nya. "Yes Bamblebie. For real!.." nilapitan nya ako at muling niyakap ng mahigpit. "They're all heading here.. congrats bunso.." kinurot kurot nya pa ang pisngi ko hanggang sa mamula ito.
"Bamby!!.." mula sa ibaba nanggaling ang boses ni mama. Agad akong tumakbo pababa. Sinuway pa nila ako na baka madapa ako pero wala akong pakialam. Gusto ko lang silang yakapin lahat. Humagulgol ako kay mama na ganun din ang ginawa. Niyakap din ako ni papa. At ni kuya Mark na kakagaling lang ng duty.
"Congratulations anak.."
"Congrats Bamblebie!. Ang galing ha.." halos sabay nilang puri.
"Thank you po.." namamaos kong pasasalamat sa kanila ng buong puso. Di ko makukuha ang bagay na iyon kung wala ang suporta nila kahit nasa malayo at medyo may tampuhang namagitan samin. I'm so grateful na sila ang pamilya ko. Hindi nila ako kailanman pinabayaan.
Nagtatawanan sila. Niloloko nila si kuya. "Lance, what are your plans now?.." biro sa kanya ni papa. Humagalpak sina mama at kuya. Di ko rin mapigilang sumali sa kanila. "May titulo na ang bunso, kailan ang sa'yo?.."
"Pa naman?. Pinepressure mo naman ako eh.."
"Ahahahaha.." si kuya Mark.
"Konti lang naman. Aba!. di ka na bumabata anak. Tumatanda ka na, aware ka ba?.." pang-aasar pa ni papa.
"Pa naman.." kmaot nya ng ulo. Yan kasi!. Ligaw pa more!.
"Bwahahahahaha!!..." halakhak namin nila mama. Humaba na ang nguso nya. Naaasar.
"Ahahahaha.. biro lang anak.." bawi din agad ni papa sa kanya saka sya nito hinila at tinapik sa ulo. "Biro lang. alam ko namang ginagawa mo ang lahat para matupad din ang pangarap mong maging isang doktor.." Ani papa sa kanya. Kaakbay na nya ito habang nginingitian ako. "Take your time.. di ka namin pinepressure.. you know.. hahaha.."
"Tsk.."
"Nak, alam naming mahirap yang kurso mo, kaya wag kang mapressure.. wag mong isipin na nasa kumpetisyon ka.. just do whatever you want to do.. andito lang kami para sumuporta.." pang-aalo ni papa sa nakayuko nyang ulo.
Kinalabit ako ni mama. Lumapit ako saka niyakap muli at binulungan ng, "I'm so proud of you hija.." anya at hinalikan ako sa sentido.
Nakakaproud naman talaga ang magkaroon ng titulo. Pero mas proud ako sa pamilyang meron ako. Iba sila kung sumuporta.