Inunat ko ng mabuti ang buong katawan bago naligo at nagpasyang bumaba para maghapunan.
"Oh, there she is.." anunsyo ni kuya Lance mula sa sala. Abala itong manood ng di ko alam na movie. Basta bakbakan ganun.
"Why?.." tapik ko sa kanyang buhok na nakaayos. Mukhang may lakad na naman ang mokong. Kakauwi lang tas magnanight club na naman. Tsk!
I heard him growl. Of course! Dahil sa buhok nyang nagulo.
"Where's everyone?.."
"Party.."
"Kanino?.." kamot ang baba sa nalaman. Di man lang ako winelcome party. Nakakatampo!
Di ka na bata Bamblebie. Di na bagay sa'yo ang magtampo.
"Dunno.. just changed and will attend the party.."
"What?.. Invited ba ako?." umismid sya. Natawa pa ng mahina. "Of course. just change you know.. kanina pa ako bagot dito.."
"Bat di mo kasi ako ginising?.."
"Ayoko nga. Baka bangasan mo tong mukha kong perpekto.. psh!. Ginulo mo na nga buhok ko eh.. kainis."
Damn it! Lalaki ba talaga sya?. Bat ang dami nyang arte?.
Sinabi kong kakain muna ako bago magpalit ng naayon sa gusto nya. I wonder kung kaninong party naman iyon. Sana hindi business meeting ni papa dahil aantukin lang ako doon pag nagkataon.
Minadali ko ang kumain ng prutas bago pumanhik sa itaas. Ang dami nang rants nitong kapatid kong nakaupo lang naman sa sofa. Kung bat kasi di pa nya ako ginising eh?. Ang dami nya talagang arte kahit kailan.
Habang sinusuot ko ang kulay pulang dress. Off shoulder at hapit sakin. Gift ni papa noong Christmas ay biglang nag-init ang aking pisngi. Hinawakan ko ang labi habang nilalagyan iyon ng koloreteng pula. Isang alaala ang bumalik.
"May dumi ba ako sa mukha?.." bigla ay tanong nya sakin. Si Jaden. Kakatapos naming mamili. Tumitig ako ng mariin sa napakagwapo nyang mukha. Ang swerte ko pa rin talaga. He loves me too much.
Sinabi kong wala at gusto ko lang na titigan ang kanyang mukha. Hindi pa rin sya makapaniwala hanggang sa binuhat na nya ako sa kanyang kandungan at hinalikan. Nasa kusina lamang si kuya Lance ngunit ang halikang iyon ay parang wala nang katapusan. Naramdaman kong humaplos ang kanang kamay nya sa hita kong nasa magkabila nyang binti. At isa naman ay sa likod ko nakahawak. Suportado ang balanse ko.
Mabilis nag-init ang aking katawan ng ilang segundo lamang. Naramdaman ko ring ganun rin sya. Kung wala siguro si kuya Lance noon. Baka sa mas mapusok pa humantong ang lahat samin.
"Damn Bamblebie!!. Pupunta pa ba tayo o hinde na?!.." galit na talaga nyang hinampas ang kahoy na pinto ng aking silid.
"I'm done.." sagot ko saka isinuot ang sapatos na dalawang pulgada lang ang taas.
May jetlag pa ako eh. Bat kasing sinali pa ako sa party na yun? Pwede naman yatang di pumunta eh. Pinilit pa ako. Nakakainis!
"Bat kailangan mo pa kasi akong hintayin?. Pwede namang nauna ka nalang o iwan akong mag-isa... just like the old times.." binulong ko ang huling linya dahil sa takot na baka ibangga nya bigla ang kotse. Kaskasero yan eh.
"Kailan ba kita iniwan huh?. Sabihin mo nga?.." para akong nasampal pabalik doon. Oo nga naman Bamby. Kailan ka pa nya iniwan ha?. Kailan?. Maraming beses. Nguso ng kabilang isip ko. Subalit mas maraming beses nya rin akong sinamahan at di iniwan.
"Now what?. Wala kang maisagot dahil totoo diba?. Kung nauna ako sa'yo at sumabay sa kanila, malamang napag-iwanan ka na.. o di kaya'y lutang, katulad ngayon..."
Anong lutang?. Hindi kaya!
"Sinong lutang ha?.."
"Sino pa ba?.." ang hilig talaga nitong mang-asar tuwing bagong gising ang tao. Maswerte lang sya. Wala ako sa mood na sapakin sya. Sipain siguro sa ibaba. Pwede pa! Mukhang magandang ideya nga!.
Nagmaneho pa sya ng ilang oras kaya nakatulog na naman ako. "We're here.." tapik nya sa balikat ko. Minulat ko ang aking mata. Sa isang resort yata ito. I don't know it's name pero resort nga dahil sa pailaw at mga turistang nagsasayawan. Mula sa labas. Dinig ko ang maingay na tugtog ng musika. May party talaga.
Nauna syang bumaba bago ako sumunod. Inalalayan pa rin nya ako hanggang pagpasok. "For you.." isang lalaking binatilyo ang nag-abot skain ng isang kumpol ng bulaklak. Suskupo! Ano itong pakulo mo kuya?.
Akay pa rin nya ako hanggang sa loob ng isang hall. Madilim ang bumungad sa mata ko. Ngunit nang magsimula kaming maglakad ni kuya. Sa tuwing dinaraanan namin. Umiilaw ang mailit na kandila dahilan para matanaw namin ang daan. "Kuya, what is this?.."
"Just walk.." agap nyang bulong sakin. Hanggang sa pinaupo nya ako sa isang silya. Pagkaakyat namin ng tatlong baitang na hagdan.
Maya maya. Unti unti na ring nag-ilawan ang paligid at sa bawat ilaw na iyon ay ang mukha ng mga taong matagal ko ring hindi nakita. Nanlalabo na ang aking paningin nang lumiwanag na ang buong hall.
"Mama..." naiiyak kong tawag sa kanya. How I miss her beautiful smile.
Agad akong pinuntahan ni mama at niyakap. "Oh baby ko.." naiiyak nya ring yakap sakin. Humagulgol ako sa kanyang balikat. Hindi na ako nagsisisi na ginawa ko ang desisyon na ito. May naiwan man ako. May parte naman sakin ang muling nabuo. Na nawasak ng ilang taon rin.
"Pa?.." hinging paumanhin ko sa kanya nang yakapin nya ako ng mahigpit. Grabe! This trip is so worth it! Thank you babe! I wish you were here.
"My beautiful lady. How are you?.." garalgal ang kanyang himig. Lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.
"Congratulations!.." sabay nilang bati matapos akong yakapin. Ito raw ang pambawi nila sa di nila pag-uwi noong graduation ko. They also said na kahit nagtatampo sila sakin. Di pa rin nila ako matiis. At ako?. Damn Bamby! Tiniis mo sila ng ilang taon. Ngayon, kailangan mo talagang bumawi.
"Finally, you made it!." Ani mama sakin. Proud na proud. Binati ko na ang lahat. Kumakain na rin sila ngayon. Habang kami'y abala pa rin sa pag-uusap.
"Yes ma. sorry sa lahat.."
"O well. What's done was done. Wag na nating pag-usapan iyon.. gusto kong malaman ang balita tungkol sa'yo.. I heard..." she stopped. Binaba nya ang tingin saking mga daliri. Natuon ang mata nya roon sa singsing. "You're engaged?.." may guilty akong naramdaman nang makita ang lungkot sa kanyang mga mata. "Kung di pa sinabi ng kuya Mark mo, di pa namin malalaman.." it was a statement. Di sya tanong pero ang dating niyon sakin ay ganun.
"Ma, it was so sudden.. I have no any idea about it.." paliwanag ko.
"I know.. nakita ko sa video recorder.."
Nagtaka ako sa binunyag nya. Then she explained na, si kuya Lance daw ang kumuha noon. "Congratulations anak.." muli nya akong niyakap. "So when is the wedding?." tanong nya pa rin. Tahimik pa rin si papa sa tabi nya. Nakatitig lang sakin.
"Wala pa po.. gusto lang po ni Jaden na magpropsoe po.." tumango tango sya. Saka naging tahimik na, gaya ni papa.
Gusto kong magtanong pero kinakabahan ako. We'll catch up first bago ko siguro malaman ang opinyon nila. Sa ngayon. Kailangang ienjoy ko muna ang gabing ito.
"Babe, I miss you.." isang voice mail ang sinend sakin ni Jaden nang gabing iyon. Sinend ko rin sa kanya ang larawan ko at ang ginawang party para sakin. I'm so surprised!