Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 264 - Chapter 4: Daily Routine

Chapter 264 - Chapter 4: Daily Routine

Madaling araw na kami nakauwi. Uminom ako pero kaunti lang. May parte pa rin kasi sakin ang di magawang magpakasaya gayong nalayo sa taong mahal ko. Oo. May sarili kaming buhay ngunit di ko pa rin maikakala na parte na sya ng buhay ko.

"I'm happy for you.." reply nya sa sinend kong video at mga larawan doon sa party.

Pagod akong umupo saking kama pagkauwi at tinawagan sya. Nagriring lang ngunit di nya sinasagot. Nakatatlong tawag yata ako na ganun pa rin. Saka ko lamang iyon pinatay nang maisip na baka may ginagawa sya.

Tumayo ako't dumiretso ng banyo. Habang naliligo. Naalala ko na naman ang pangyayaring di ko na yata makalimutan.

"Babe, bat di nalang tayo sumama sa kwarto nila?.." tanong ko ng naiba ang aking kwarto sa hotel nang bumyahe kaming buong tropa patungong Ilocos Norte. Wala noon si Kuya. Abala sa Thesis nya.

"Gusto kitang solohin babe.." parang may kuryenteng dumaloy saking batok ng ibulong nya sakin iyon sabay hapit saking baywang.

Siniko ko sya. "Babe naman. Baka kung anong isipin nila.."

"Hindi naman na tayo mga bata babe.. tsaka ganun din naman sina Kian at Karen. Si Billy at Jane.." Suskupo!. Kinumpra pa kami. Napapailing nalang ako sa takbo ng isip nya. Na gusto ko rin naman.

"Babe, kain na muna tayo.. gutom na ako.." pagsisinungaling ko upang wag ituloy ang binabalak nya.

Hinahalikan na nya ang gilid ng tainga ko pababa saking panga. "Hmmm..." ungol lang ang tanging tugon nya.

Kumontra pa ako sa ginagawa nya ngunit nang magsimula nang silaban ng apoy ang aking katawan, kasabay nya. Wala na akong nagawa kundi gawin na rin ang gusto ng aming katawan.

Binuhat nya ako papuntang banyo at doon muling hinalikan ang aking labi. Kinawit ko ang mga braso sa kanyang batok saka gumanti ng halik. Lalo nya rin akong idiniin sa kanya.

Gumagawa na kami ng ingay kahit hindi pa nagsasanib ang aming pwersa.

At sa puntong iyon. Di lang isang beses ang pinagsaluhan namin. Umabot yata ng tatlo o apat. Matugunan lang ang aming pangangailangan.

Napailing ako para iwaksi ang mainit na tagpong iyon. Ngunit huli na nang nakagat ko ang labi nang dumaan ang aking palad sa pribadong parte ng katawan. Saka napapailing na parang ewan.

Mabilis kong tinapos ang pagligo saka lumabas na ng banyo. Nag-init ang loob noon kahit wala naman akong ginawa kundi ang maligo lang.

Naabutan kong namatay ang ilaw ng screen ng cellphone ko kaya tinignan ko agad iyon. He's calling.

Dinadial ko palang sya ng lumitaw na ang kanyang pangalan sa screen. "Babe.." bungad nya habang inaayos ang camera.

Pinulupot ko ang twalya saking buhok saka umupo sa harap ng salamin.

"Hmm.. I've been calling you.." sabi ko sabay nguso.

Hinagod nya ang buhok patalikod bago umupo at pumirmi ang mata sa camera. "Yeah.. sorry.. kakatapos kong maligo.."

"Ah. akala ko busy ka.." akala mo lang yun boy.

"Hindi naman.. how's party?. Ayos ba?. I'm glad sinurprise ka nila.."

"Nagulat din ako babe. Di ko inexpect na sasalubungin nila ako ng ganuong kabongga.."

"See?. Mahal ka talaga nila.."

"Sila lang ba?.." humaba pa ng bahagya ang aking nguso. Tinaas ang paa upang ipatong sa inuupuan.

Suskupo Bamby! Di ka na bata.

"I love you more.. miss na miss na kita.."

"Miss na miss na rin kita babe.. kailan mo ako pupuntahan dito?.." sabay pa kaming nagtawanan sa katotohanang bago lang ako doon at ang ideya kung kailan sya pupunta dito ay parang biro nalang dahil alam ko naman na matatagalan pa ang pagpunta nya rito.

Nakatulugan ko na ang pakikipag-usap sa kung anu anong ginagawa nya ngayon. Ang sabi nya. Nag-aaply raw sya ng cashier sa isang fast food habang hinihintay ang resulta noong board exam nya. Kailangan nya raw kasing tumulong sa gastusin sa bahay.

Kinaumagahan. Napag-isip isip ko na ganun rin ang gawin. Lumabas ako at naghanap ng trabaho. Pinagtatawanan pa ako ni kuya Lance dahil baka di ko raw kayanin ang magtrabaho sa isang fast food. Kakayanin ko. Ako pa!. Di kaya ako tulad nya na party lang ang alam.

"Babe, may trabaho na ako.." masayang balita ko sa kanya nang tawagan ko sya. Dalawang gabing lumipas.

"Wow!. Pareho pala tayo babe.." masaya rin nyang balita. Di na nagtagal pa ang usapan namin dahil pareho kaming pagod.

"One fries. One burger please.." order ng isang babaeng matangkad at balingkinitan ang katawan. Kumuha ako ng order nya. Noong iniabot ko na sa kanya. Inilingan nya ako. Hindi raw iyon yung order nya. What the hell! Gustong gusto kong murahin sya kaso bawal. Kaya kinalma ko ng todo ang sarili bago sinabing iyon naman talaga ang binanggit nya kanina.

What the fuck!

Sa lutong ng kanyang mura. Wala akong ibang isagot kundi yumuko nalang at akuin ang kasalanan. Bale ang nangyari. Kaltas na iyon saking sahod. Tinabi ko nalang saka kinain pagkatapos ng shift.

"What a bad day babe. Minura ba naman ako ng isang customer.. nakakainis.." Ang sabi nya. Normal lang daw ang ganun sa mga customer.

Pero paanong naging normal ang tratong ganun?. Tao din naman kami diba?. Kung ginagalang namin sila bilang mga customer. Dapat ganun rin sila samin. Kung customer is always right?. Asan naman ang right ng mga tauhan?. How unfair diba?.

"Masasanay ka rin babe.. it's part of the experience.." Anya pa. Puro mga tanong at bulalas ang nasabi ko sa kanya sa gabing lumipas.

Ang sabi pa nya. Ganyan talaga ang tao. Hindi lahat ay abot ang expectations mo. Hindi lahat ay mabait. At hindi rin lahat ay masungit. Lahat may uniqueness. Isipin ko nalang daw na baka may pinagdadaanan yung customer kaya ganun. May punto naman sya.

Kaya nang lumipas pang mga araw na may naeencounter na ganung customer. Tiis nalang. Wag patulan at be patient.