Everyone congratulated us but not her kuya's.
Matapos ang gabing naging masaya ang lahat. Bumalik na naman sa normal. Busy.
"Wala kang nababanggit samin boy?.." ani Mark isang araw ng dumalaw ako sa kanila. On going na ang review namin at weekend lang kami kung magkita dahil in house nga.
"Alam ko pare. Masyado ba akong nagmadali?.." tanong ko tungkol doon sa proposal.
"Ewan ko.." tugon nya saka tinungga ang bote ng alak. Nasa ilalim kami ng punong mangga. Nasa kabilang dako rin sina Lance at Jacob na di ko matukoy kung naglalaro ba o nag-aasaran. "Basta ang alam ko lang ngayon ay masaya ang kapatid ko.. di ko pa sya nakikita na ganun kasaya. Abot mata ang kanyang ngiti. Walang katumbas ang sayang nadarama nya ngayon.."
Tahimik ako. Gusto kong itanong kung tutol ba sya samin o hinde.
"Hindi ako pwedeng tumutol. Wala ako sa posisyon para tutulan kayo. At sino naman ako para hadlangan ang kaligayahan ng kapatid ko?...." di ko na pala kailangang sabihin. Nasabi na nya ang gusto kong marinig mula sa kanya. "Di naman na kayo mga bata.. actually, nagsisimula na nga kayong gumawa ng inyong pangalan. Noong una. Syempre nagulat ako. Medyo may galit at tampo. Subalit naisip kong doon din naman ang patutunguhan ng relasyon nyo. Oo. Sa isip ko. Ayokong pang matali ang kapatid ko. Pero di ko naman naibibigay lahat nang kaligayahan nya." sa haba ng kanyang sinabi. Parang nabunutan ako ng malaking tinik sa lalamunan. Di ko aakalain na iisipin nya kung anong makapagpapasaya sa kapatid nya. Doon ako humanga.
"Ngayong engaged na kayo. Kailan nyo balak magpakasal?.."
"Matagal pa siguro.. kailangan ko pang maipasa yung exam at makahanap ng trabaho para ibigay sa kanya ang kasal na pangarap nya.." di sya tumugon. Kaya nagpatuloy ako. "Di ko naman sya minamadali. Kung may balak pa syang magpakabihasa sa larangan nya. I'll let her.. susuportahan ko sya sa kung anong gusto nya.. andito lang ako maghihintay sa kanya..." tatlong tapik lang ang ginawa nya sa balikat ko at di na sya nagsalita.
Lumipas muli ang dalawa at kalahating buwan bago natapos ang aming exam. Nagplano ang buong tropa na magroad trip. Pumunta kami ng Ilocos Norte. Hindi sumama sina Mark at pamilya nya maging si Lance. Asikasuhin daw nila ang papeles pabalik.
Nagsand drift kami at sumubok magsurf. Lahat na yata ng extreme adventure ay sinubukan na namin. Gabi nalang kami nagpahinga.
"Babe??.." tanong nya. Nakahiga ako ngayon sa kanyang mga binti habang nilalaro ang medyo basa ko pang buhok.
"Hmmm?." sagot ko matapos ang isang mainit at mapusok na naganap sa banyo ng hotel.
"Nakausap mo pala si mama?.."
"Months ago pa yun babe. Bakit?.."
"Wala lang.." anya. Bago tumingin sa kawalan.
"Anong balak mo na ngayon?. Humiling na si tita sa'yo.."
Matagal bago sya tumugon. Patuloy lang sa paglalaro ang kamay nya sa buhok ko.
"Di ko nga alam eh. Gusto kong pumunta pero ayokong umalis..."
"Dahil ba sakin?.." nagbaba sya ng tingin saka tumango. "Babe, kung anong magiging desisyon mo, ayos lang sakin.. Susuportahan kita kahit ano pa yan.."
"Pero babe, malalayo ako sa'yo.." malungkot nyang sagot. "Mahirap ang malayo sa piling mo.."
Hinawakan ko ang kamay nyang nasa buhok ko sak sinakop iyon ng aking palad at dinala sa bandang labi upang bigyan ng isang halik. "Pupuntahan naman kita doon eh..." Paniniguro ko.
"Naisip ko nga babe eh. been years ko na palang sinusuway gusto nila. Nagalit sila sakin ngunit patuloy pa rin nila akong sinusuportahan.. Oras na rin siguro para pagbigyan ko rin sila.."
"Hmmm... magulang mo sila kahit ano pa ang mangyari.." tumango sya at sinabing sasama raw sa mga kuya nya.
Sa totoo lang. Ayokong malayo sa kanya. Subalit kung makakasama nya naman ang magulang nya, maging ang kapatid nya. Buo ang pamilya nila. Ayos na rin sakin. My time will come.
At sa huling araw namin doon. Umulan ng alab at apoy ang kwartong tinutuluyan namin. Pareho kaming pagod at inaantok pagkatapos ng ilang ulit na round.
Kinabukasan. Huli kami sa lahat na bumyahe pabalik sa kanila.
At sa loob din ng mga araw na lumipas. Bihira kong nakakausap si Lance.
"Okay na?.." he asked one time nang nasa sala kaming tatlo. Tungkol sa pag-alis pala nila ang tinutukoy nya.
"Yes kuya. ikaw?.." Bamby asked in return.
"Anong ako?.."
"Ayos lang ba na sumama ka?.."
"Why not?.."
"Talaga?. Walang iiyak?.." tukso nitong katabi ko.
"Sino naman?.." nagtataka ako sa mga sagot nya. Anong ibig nyang sabihin?. Wala na ba sila ni Joyce?.
"Wala na kami.." iyon lang at nagwalk out na sya. Pareho kaming natulala ni Bamby.
Kaya pala noong celebration ko at ni Bamby. Di na sya pumunta sa imbitasyon. Kaya pala lagi nang tulala at busangot ang mukha nya. Kaya pala parang broken hearted sya. Pareho kaming nanghinayang sa kanilang dalawa. Matagal na sila. Bakit kaya sila naghiwalay?.
Hapon ng ihatid namin sila sa airport. Magkahawak ang aming kamay kahit noong nasa bahay palang nila.
"Mamimiss kita babe.." nanlalambing nyang sambit. Lihim kong kinagat ang labi sa pagpipigil ng luha. Shit!. Ngayon palang. Namimiss na kita.
"Mahal kita.." bulong ko na bahagyang garalgal pa ang boses ko. Niyakap nya ako ng kayhigpit at paulit-ulit na hinalikan sa ilong at labi. "Mahal na mahal din kita.. mag-iingat lagi ha.. wag magmotor pag lasing.." hinalikan ko sya sa noo bago pinunasan ang luha sa kanyang pisngi. "Yes po.. ikaw din.. I love you.."
Sa huling minuto. Niyakap ko pa sya ng mahigpit saka hinalikan.
Kayhirap pagmasdan ang pag-alis nya. Milya milyang dagat at kalupaan na naman ang pagitan naming dalawa. Magkaibang mundo pero iisa ang hangarin. Ang mahalin ang isa't isa kahit nasa malayo pa.
Hinintay ko pa munang lumipad ang eroplang sinasakyan nya bago ako umuwi na may luha saking ngiti.