Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 261 - Chapter 1: Day One

Chapter 261 - Chapter 1: Day One

"Huy!. Anong iniiyak iyak mo dyan?.." dinunggol ako nitong aking katabi. Si kuya Lance. Kanina pa ako lihim na humihikbi. Rinig nya pala. Nasa tabi ako ng bintana ng eroplano at sa mga madilim na kalangitan, nakatanaw.

"Sa Australia lang naman tayo pupunta... tas makaiyak ka dyan, psh!. Daig mo pa nakipaghiwalay.." asik nya. Inikutan pa ako ng mata.

Sinamaan ko lamang sya ng tingin. So?. Umiiyak ako dahil namimiss ko na sya. Umiiyak ako dahil malalayo na naman kami sa isa't isa. Hindi ako tulad nya na mukhang timang. Kahit nasasaktan na, nagpapanggap pa rin syang malakas at matapang. Pinipilit maging masaya kahit ang totoo, ay hindi naman.

"Ang korny talaga.." bulong bulong pa nya. Nakakainis!.

Ano lang kung umiiyak ako?. Ayaw ba nya?. Bakit?. Dahil may naaalala sya?. Psh!!.. Kung nalaman ko lang kaagad ang nangyari sa kanilang dalawa. Baka ako pa ang nang-aasar ngayon sa kanya. At hindi ang kabaligtaran sakin.

"Bruh, can you please stop murmuring. Jacob's sleeping.." kinailangan pang dumungaw ni kuya samin upang maibulong iyon.

Nagtaas sya ng dalawang kamay.

Nakahinga na ako ng maluwang ng tumahimik na sya. Nang tumila ang aking luha. Inayos ko ang buhok na nakalugay at inipit iyon upang wag mapunta lahat sa mukha ko. Kinuha ko rin ang unan saking kandungan saka nilagay sa bandang ulo ko. Sumandal ako at pumikit na.

Ang buong akala ko na tatahimik na ang mundo ko. Nagkamali pala ako.

"So, when is your wedding day?.." kulit nya. Di ko alam kung saan nya ba nakuha ang balde baldeng enerhiya nya ngayon. Walang tigil kakatanong.

Speaking of wedding. Una. Hindi ko inexpect na aalukin nya na talaga ako ng pormal na kasal. Sa totoo lang. Di naman ako nagulat eh. Paulit ulit nya rin kasing binabanggit sakin ang bagay na iyon. Na he wanted to marry me. To have family with me. To grow old with me and so on. And I, also do want to marry, have a family and grow old with him but not this early. Kaya siguro sinabi nyang hihintayin nya ako ay dahil alam nyang di pa ako handa. Kasi naman. Nangako ako sa pamilya ko na maghahanap muna ako ng trabaho bago bumukod at bumuo ng sariling pamilya. I wanted it so bad to be with him. Ang pakasalan sya ngunit ayokong tuluyang madismaya sakin ang pamilya ko. I love him so much. And I love my family too. Kung makakaya nyang hintayin ang araw na ibibigay ko. Then, we're really meant to be.

"Wala pa kaming napag-usapan.." pumiyok pa ang boses ko dala ng iyak ko kanina. Kusa na ring tumigil ang luha ko. Nahiya siguro sa mga nakakarinig.

"O anong nangyari?. Pareho kayong sabik magpakasal, nawala na ba yung spark?.." gusto ko na talagang bigwasan ang pagmumukha ng mokong na to.

Bitter lang sya eh. Bat nya kami dinadamay?. Tsaka anong sinasabi nyang spark?. Iyon ba ang dahilan kung bakit sila naghiwalay?. Hay naku! Ewan ko sa kabaliwan nilang dalawa. Pareho lang nilang sinasaktan ang isa't isa kahit ang totoo ay, higit pa sila samin kung magmahalan.

Di ko nalang sya sinagot. Baka magtalo pa kami. Mas nakakahiya sa aming nasa harapan at likuran.

Ang dami daming gumugulo sa isip ko upang pagtuunan ng pansin ang pang-aasar nya. Di mawala sa isip ko ang mukha ni Jaden na nakangiti habang lumuluha ang kanyang mata. Mahirap syang iwan. Ang totoo sa lahat. Ayoko syang iwan. Kaya nga sinuway ko ang mga magulang ko para sa kanya. But he said naman na kung anong dapat at nararapat kong gawin sa ngayon. He'll support me. Umiiyak ang puso ko sa iniuutos ng aking isip. Ilang ulit na sinisigaw ng isip kong bumalik na ng Australia, na lagi namang kinokontra ng puso kong wag umalis dahil andyan si Jaden. Andyan ang taong dahilan kung bakit ako umuwi rito. Nagtagumpay ang isip ko dahilan para utusan nito ang puso kong iwan na muna sya para tuparin ang mga pangarap na gusto naming abutin. Gusto naming tumulong muna sa pamilya bago bumuo ng sarili. "Babe, maghihintay ako kahit matagal.." Parang sirang plaka na yan sa pandinig ko mula sa kanya. Nadudurog nga lang ang puso ko dahil di ko pa maibigay ang gusto nya, ako. Namin.

One day. Magkakaroon din kami ng oras para saming dalawa. Not today. Not too soon. But yes, it's soon!.

Mahabang oras ang nilakbay ng eroplano bago namin narating ang bahay. Pagod at antok ang namutawi saming lahat kaya pare pareho kaming dumiretso ng tulog.

"Babe, we're here na. Matutulog lang ako saglit. I'll call you later. I miss you.." sinend ko iyon bago tuluyang humilata.

Unang araw palang na nawala sya sa paningin ko. Hinahanap ko na sya. Pati ang panlalaki nyang pabango. Nakakamiss na. I really miss you babe. May biglang gumuhit na lungkot saking puso nang maalala ang lumipas na taon kasama sya. "Suskupo!. Babe, puntahan mo na ako rito. Miss na kita."