Malakas ang loob kong hanapin ang bulto ni Lance sa gitna ng kumpulan ng tao ngunit nahilo lamang ako. Hinawakan ko ang ulo saka bumalik sa upuan kung saan kami nag-iinuman. May mga babae nang andoon pero hindi ko sila tinapunan ng tingin. Kinuha ko ang basong nasa gitna ng mesa. Nagsalin ng alak saka mabilis na tinungga.
Matapang ang loob nyang gawin nalang ng ganun ang gusto nya kahit alam nyang may masasaktan syang iba?. Ang malala pa. Kadugo nya mismo. Pinsang buo. Wala ba syang puso o malasakit man lang?. O di kaya'y, di man lang ba sya naawa kay Bamby?. Kung iisipin kong mabuti. Gulo ang gusto nyang gawin sa amin. At pati na rin sa kanilang pamilya. Masama ang kutob ko
Isa lang naman ang pinangarap ko. Yun ay ang makapiling ang babaeng mahal ko hanggang sa aking pagtanda. Oo, nasa isip ko na ang future naming dalawa. Magkasamang bubuo ng pamilya. Masayang nagsasama habang hinaharap ang parating na bukas. Hindi ang ganito. Hindi ang mainvolve sa pagitan ng dalawang tao.
Ganun ba talaga ang buhay?. That life is full of surprises?. That you can't be sure of anything in life?.
Siguro nga.
Baka din.
Marahil rin.
"Bro..." muntik nang masubsob ang mukha ko sa sandalan ng sofa ng biglang matumba itong si Lance sakin. Nawala ang malalim na pag-iisip ko. Marahil, nabura sa alak na ininom ko. Sana nga. Sana sa paggising ko. Mabura na ang alaalang ginawa nya sa gabing ito.
Umiikot na ng bahagya ang paningin ko kaya inakay ko na rin ang kasama kong umuwi na. Subalit ang malaking problema ko ngayon ay ang motor ko. Di ko yun pwedeng iwan diro. E paano naman yung kotse ni Lance?. Mas lalong di ko pwedeng iwan yun. Baka ako bangasan nya bukas pagkagising nang di nakikita ang mahal nyang sasakyan. Hinablot ko ang cellphone sa ilalim ng bulsa saka tinawagan si Kian. Mabuti nalang rin at gising pa sya. Ala una na ng madaling araw. Hindi ko nalaman na ganun pala kabilis tumakbo ang oras sa loob ng bar.
Salamat talaga sa kanya dahil nakauwi kami ng ligtas. Tinawag nya pa si Aron upang maidrive nito ang sasakyan ni Lance. Si Kian ang nagmaniobra ng motor ko dahil umiikot na talaga ang paningin ko. Tinanong nila kung saan nila ako ibababa. Sabi kong sa bahay syempre. May tatapusin pa ako eh. Sabay silang nagkamot ng ulo. Bakit di nalang daw muna ako matulog sa bahay nina Lance tutal andun naman na daw ako Nakamot ko nalang rin ang noo. Naiwan ang motor ni Aron duon kaya kailangan nilang balikan. Tinanguan ko na lamang sila. Pinagtulungan nilang iakyat si Lance. Tulog na yata si Bamby. Patay na ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay. Tanging ilaw nalang galing sa poste sa labas ang nagbibigay liwanag dito
"Ikaw boy?. Saan mo gusto matulog?.." pilyong tanong nitong si Kian. Sinipa pa ako sa may paa. Kaya bahagya akong napadilat. Nakahilata na ako sa mahabang sofa. "Ulul!. Dito nalang.." ngisi ko kahit na nakapikit. Alam ko ang tumatakbo sa isip nila. No way!. Di ako ganung klaseng tao.
Kinaumagahan. Sakit ng ulo ang bumati sakin. Hinilot ko ang parteng aentido upang maibsan ang sakit subalit ganun pa rin. Parang nabibiyak na nasusuka ako. Kinusot ko ang mata at dumiretso sa kusina. Ang akala ko nasa bahay ako. Andito pa pala kung saan nila ako hinatid. Minadali kong uminom ng malamig na tubig. Hinanap ang orasan. Pasado alas otso na. Kailangan ko ng umuwi. Basta nung lumabas ako ng bahay nila. Wala pang gising. Gusto ko sanang umakyat para tingnan si Bamby kaso baka tanungin ako kaya wag nalang. Pinaharurot ko ng mabilisan ang motor patungong bahay. Kinumusta ko sina Kian at Aron. Wala kasi akong ideya kung paano sila nakauwi. Ang kwenti nilang dalawa. Sumabay raw si Kian kay Aroj pauwi. Nabunutan naman ako ng tinik.
Pagkarating ng bahay. Naligo ako't nagbihis para makapasok na. Di sana ako papasok kaso finals na namin kaya kahit may hangover pa. Kailangan kong magmadali.
Di ko nakalimutan ang nakagawian ko kay Bamhy. Sinundo ko sya't hinatid muli. Lumipas ang araw na yun na parang wala lang. Maayos ang lahat pero itong isip ko. Di mapirmi. Iniisip pa rin yung ginawa ni Veberly. Hindi sa nagustuhan ko. Sadyang iba lang ang kutob ko doon. Pakiramdam ko may masama syang balak.
Dumaan pa ang mga araw na tahimik ang lahat. Tahimik kahit si Veberly. Di ko alam kung bakit. Masama ang kutob ko. Sana wala syang binabalak o gawin sa parating na bakasyon.
"Babe, saan mo gustong mag-ojt?.." tanong minsan ni Bamby nang lumabas kami para manuod ng sine. It was a sudden date. Wala. Naisip lang namin. Out of country sana kami kaso kulang budget ko. Mahirap mangutang sa panadaliang saya. Dapat kung may plano man kayong dalawa. Yung masaya talaga kayo. Walang iniisip nang babayaran pagkatapos ng bakasyon. Ganun dapat. Maging praktikal minsan.
"Dyan lang siguro sa malapit. Ayokong malayo sa'yo.." lambing ko. She just ignored me then start mentioning names of companies that I can be part of. Sinasagot ko naman mga sinasabi nya nang, 'We'll see soon. Let us enjoy first our date..' kindat ko pa.
We enjoyed that day.
But time past by. Nightmare came so fast.
"Hey, see this?.." isang mensahe ang natanggap ko kinagabihan nung galing bahay nila Bamby. Hinatid ko sya after nung date.
"Damn you!!.." mura ko sa kay Veberly nang makita ang larawang kasama ng kanyang mensahe.
"Don't curse my name Jaden.. Nagustuhan mo naman yan hindi ba?.."
"Fucking hell!!. Sinong nagsabi sa'yo nyan?. Nababaliw ka na ba ha?.."
"Hahaha.." tumawa pa. Gago!. "Matagal na kaya akong baliw sa'yo. Di mo ba alam?.. O kailangan ko pang iparamdam sa'yo sa ibang paraan?. Try me baby.."
Mahigpit kong naikuyom ang palad sa galit. Nagmura ako ng nagmura na kulang nalang pumutok mga litid ko sa lahat ng parte ng katawan ko. Ano bang gagawin ko para mawala ka na sa mundo ko ha?. Hindi kita gusto. Hindi mo ba iyon naiintindihan?.
Wala akong ideya sa larawan. Did she planned it?. Oh hell!. She is. Una palang plano nyang kuhanan kami ng larawan. Para saan?. Freaking shit!!!..
"What now Jaden?.. Think. Isang pindot ko lang sa cellphone ko. Send na yun sa mahal mo.."
Damnnnn!!!...
"No way!. Stop blackmailing me Veberly."
"Nah uh?. I'm not kaya. Nagsasabi lang ako ng totoo. Diba hinalikan mo naman talaga ako?.."
"Fuck off!.. Wag mong hintayin na mawalan ako ng respeto sa'yo!!.." nakatayo na ako sa upuan tabi ng bintana. Parang may nakabara saking lalamunan dahilan para di ako makahinga ng maayos. Kingina!!.
"Who cares?.. be ready baby.. Good night.."
Doon na ako kinabahan ng sobra. Nagalit na sakin si Bamby ng minsan dahil sa kanya. Wag naman sanang maulit pa. At ayokong humantong na naman kami sa hiwalayan sa bagay na wala namang kahulugan.