Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 255 - Chapter 25: Mad

Chapter 255 - Chapter 25: Mad

"Babe, matamlay ka. May masakit ba sa'yo?.." sinapo pa nya ang bandang noo at leeg ko para icheck kung may lagnat ba ako.

Ilang araw na rin kasi akong balisa. Di alam ang susundin ko ba ang gusto ni Veberly o hinde. Kingina!. Wala naman ako siguro akong ginawang masama noong past life ko. Pero bakit ganito ang kapalaran ko?. Naiipit. Paulit ulit nagtatalo ang puso't isip ko.

"Wala babe. Ayos lang ako.." pagsisinungaling ko saka sya inakbayan at niyakap. Kita ko pa kung paano nya ako suyurin ng tingin. Para bang inaalam kung totoo ba ang binibigkas ng labi ko sa sininisigaw ng mata ko.

Susmaryosep!!. I am torn!

Naisip kong, kapag ginawa ko ang gusto nya, maaaring di na ako patawarin ni Bamby. At sigurado akong sasaya sya. Pero anong gagawin ko?. Kung sakali kasi na di ako pumayag sa gusto nya, masasaktan si Bamby. Malalaman ng lahat. Mapapahiya ako. Ano bang dapat kong gawin?..

Pilit isiinisigaw ng puso ko ang sabihin nalang kay Bamby ang totoo. Isang linggo yata akong lutang sa harap nya. Di ko na nga alam kung anong iniisip nya sa tuwing magkasama kaming puro bangag ako.

Mabuti nalang isang linggo. Tinawagan ako nitong si Ryan. Hihingi raw sya ng favor. Magpapadrawing iyon malamang. Istilo nya iyon para makatakas sa girlfriend nyang di sya pinapaalis kahit saan. Kulang nalang itali sya nito sa baywang nya. Ayoko sana ipaalam sa lahat ang pinagdaanan ko kaso masyado nang mabigat. Na maski pagtulog ko ay naisusugal ko na. Kinwento ko sa kanya ang buong nangyari.

"Pare, habang di nya pa alam. Kailangan mo talagang sabihin sa kanya. Mahirap magalit ang mababait. Mapanakit ang mga yan.."

Kulang pa yata ang payong binigay nya sakin kaya maging si Kian at Aron ay tinawagan ko para makipag-inuman. Kailangan ko talagang ilabas to para hindi ako sumabog bigla.

"Ano!?.. Magpinsan ba talaga sila?.." hiyaw ni Kian na para bang di naniniwala na pinsan nina Lance itong tinutukoy ko. Mabuti nalang sa isang bar kami nag-inuman. Dahil kung sa bahay. Malamang narinig na yun ni ate. Ako ang pagagalitan. Ang malala pa ay, magtatanong sya hanggat bibigay ako.

"Oo pare. Pinsang buo.."

"E bakit ganun nalang yung Veberly na yun kay Bamby?.." tinungga ni Aron ang nasa kanyang baso saka tumingin sakin . Naghihintay ng aking isasagot.

"Ang alam ko lang. Nakwento sakin noon ni Bamby na talagang di sila close nito dahil sa ugali.."

"Kaya pala.. Kung ganun, kausapin mo si Bamby, wag mong hintayin na unahan ka ng iba.." tumango ako kasabay ng pag-angat ko ng bote bago ko iyon tinungga ng dire diretso.

Gabi niyon. Naglakas loob akong pumunta sa bahay nila. Nagtaka pa sakin si Lance nang lasing akong kumatok sa gate nila. "Oh Jaden!. Gabi na ah."

"Gising pa ba si Bamby?.." umiikot pa ang paningin ko. Kingina!. Sana di ako mahiya bukas paggising ko sa ginagawa kong to.

"Nasa taas na sya. Tsaka, lasing ka na. Umuwi ka nalang muna.." anya. Akmang isasarado ang gate. Pinigilan ko iyon ng buong pwersa kahit nanghihina na ako sa kalasingan.

"Kahit saglit lang pare.." nagpumilit pa ako pero hinde talaga nya ako pinapasok. Kaya dismayado akong umuwi ng bahay. At eksaktong paghinto ko naman sa may garahe. Andun na si ate. Nakatayo habang nakahalukipkip na nakatingin sakin ng masama.

"Saan ka galing?.." istrikta nyang tanong. Iwinasiwas ko lamang ang kamay ko. Sinasabing dyan lang sa tabi tabi.

"Alam mo bang nanggaling dito kanina si Bamby?." inangat ko ang umiikot kong paningin sa kanya at sunod sunod na umiling. Mas lalong nagsalubong ang tumataas nyang kilay. "Hinahanap ka.. saan ka ba galing ha?.. Hindi mo man lang raw sinasagot tawag nya?.." natataranta kong kinapa ang cellphone pagkatapos nyang sabihin iyon. "Umayos ka Jaden ha. Umayos ka!.." banta nya sabay turo sakin bago ako nilayasan. Susmaryosep!!!.. Ano bang ginagawa ko?.

Nang nahanap ko ang cellphone ko. Nakita kong nakasilent pala iyon kaya di ko narinig ang mga tawag nya. Malapit nang mag-isang daan ang tawag na di ko nasagot. At higit dalawang daan ang text nya. Susmaryosep!!. Paktay ako neto.

"Patay ka nga boy!!.." humalakhak pa ako sa kalabog na ng aking dibdib. kingwa!.. Baliw na yata ako.

Naglakad ako patungong upuan. Likod ng pintuan. Umupo ako doon at dinial ang numero nya. Ngunit, nadismaya ako ng todo ng out of coverage na ito. Di ko alam kung sinadya nya bang patayin iyon o baka lobat lang. Doon ako kumapit sa pangalawang dahilan. Iniisip ko palang na ayaw nya akong kausapin. Nasasaktan na ako. Wala pa man ang lintik na problema ko ay lumalala ako. Nagiging praning sa mga mangyayari kahit wala pa naman.

Pinalipas ko ang kalahating araw muna bago ako nagpasyang kausapin sya. Hindi kami ngayon abala dahil patapos na ang buong sem. Naipasa ko na ang lahat ng kailangang ipasa kaya may oras ako ngayon para magpahinga.

"Pare, si Bamby?.." agad itinuro ni Lance sakin ang terasa sa itaas. Natanaw ko sya doon na may kausap yata sa cellphone. "Puntahan mo na." iyon lang ang hinihintay kong hudyat para puntahan sya.

Mabibigat na hakbang ang bawat pag-akyat ko ng hagdanan. Maingay rin maging ang paglunok ko. Muntik pa akong mahulog nang may makitang dalawang paa sa huling baitang nito. Akala ko na kung sino. Kaya kabado akong nag-angat ng tingin. "Babe..." muntik pang nagbuhulan ang aking dila. Susmaryosep ang tindi ng aking kaba!.

Hindi sya nagsalita. Mataman nya lang akong pinanood na para bang nakukulangan sa sinabi ko. "Tinatawagan kita babe.. patay yata cellphone mo.." nanginig maging ang dulo ng dila ko sa kaba.

Hindi pa rin sya nagbigay ng opinyon. Napabuntong hininga lang sya saka naghalukipkip.

"Pumunta ka pala sa bahay.. Sorry, nakipag-inuman ako kila Kian.." nakita ko kung paano nya itikom ng mariin ang kanyang labi. Kapag tahimik talaga sya. Kailangan nya na ng matinding paliwanag. Kaya magpaliwanag ka na boy!.

"Seriously guys!.." Bigla ay sigaw samin ni Lance. Pareho namin syang nilingon. O ako lang yata ang tumingin sa kanya upang maibsan ang kaba na kulang nalang wasakin ako sa pagtambol nito. "Doon nga kayo sa terasa Bamby. Mahulog yang si Jaden, sige ka!.."

I like how people really care for us. Si ate kay Bamby. Si Lance sakin. O guni guni ko lamang iyon.

Tinanguan lamang ako ni Lance. Noon ko lang rin napansin na wala na sya sa harapan ko. Kagat labi akong naglakad patungong terasa na nila. "Anong pakiramdam nang di ko sinasagot mga tawag mo?." anya nang nasa terasa na ako. Sinadya nya pala. Pero ayos lang. Kasalanan ko rin naman.

Nakayuko akong nagkamot ng ulo. "Sorry babe.. nasilent ko.."

"Bakit?. Ayaw mo ba akong makaistorbo sa inyo?.." umiling ako. Di na nagsalita kahit ang dami ko sanang gustong ipaliwanag.

"Sorry babe.."

"Puro sorry nalang ba ang sasabihin mo?.. Naghihintay ako ng paliwanag Jaden.."

Kabado pa rin akong humugot ng malalim na hininga bago nagpaliwanag sa kanya. "Hindi ko iyon ginusto babe.. sya ang humalik, hindi ako.." nakinig lamang sya sa dami ng paliwanag na aking sinabi. Pinakita ko pa sakanya yung larawan na sinend sakin ng kanyang pinsan. Tinitigan nya iyon... ng matagal.

"She kissed you again that night?.." di ko matukoy kung tanong ba nya iyon o nasabi nya lang. "Kuya, saw it!.." dugtong nya. Kusang nabunot ang mga tinik saking lalamunan nang sa wakas ay magsalita sya.

Kingina!. Nagpapawis na ang palad ng paa ko sa kaba. Mabuti nalang nakita ni Lance iyon. Kung hinde, di nya pa rin ako kakausapin ngayon.

Wait!?. Kung alam nyang nakita ni Lance iyon. Then, ibig sabihin. Matagal na nyang alam. Shit!.. O sheet lang!!..

"Sorry for saying sorry again babe. You knew all this time?. Bakit hindi ka nagalit sakin?.."

Tumango sya kahit salubong na salubong ang kanyang kilay.

"Nagalit ako, oo. Pero naisip kong hintayin nalang ang paliwanag mo. Ayokong gumawa ng bagay na pareho tayong masasaktan.."

Shit!

"Babe.." dahan dahan akong umupo sa tabi nya.

"Kung di pa kita hinanap sa inyo. Di ko pa malalaman na wala ka sa bahay nyo.. At kung di ko pa pinatay cellphone ko. Baka di mo pa rin.. magawang pumunta rito.." nangapa ako ng isasagot sa kanya. Tama naman sya. Dahil sa patay ang cellphone nya. Di ko matawagan. At nag-aalala na ako. Nagawa kong pumunta rito. Para magpaliwanag at magsabi ng totoo.