Naniniwala akong, tiwala ang isa sa pundasyon ng kahit na anong relasyon. Sa pamilya man, kapatid, kaibigan o higit pa sa ating minamahal.
Minsan na akong nagkamali. At base sa pagkakamaling iyon. Natutunan kong wag agad maniwala sa sinasabi ng mga tao. Higit tayong maniwala sa kung paano sila kumilos. Iyon ang salitang di kayang bigyang kahulugan ng ating labi. Na kung saan. May halaga ang bawat galaw kaysa sa salita.
Nananigip ako isang gabi. Nasa tabi ko si Bamby pero pakiramdam ko hindi ko sya maabot. May luha sa kanyang mata. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit sya umiiyak. Pilit kong hinuhuli ang kamay nya ngunit palayo na sya ng palayo. Ramdam ko ang pagkawasak ng aking puso nang maalala iyon pagkagising. Tulala ako hanggang school. Di ko nga alam kung napansin nyang tulala ako o hinde. Lutang ako. Walang pumapasok sa isip ko kundi ang mukha nyang puno ng luha.
"Babe, wag mo akong iiwan ha.." nilambing ko sya isang hapon matapos ang aming klase. Nasa isang park kami. Nakaupo sa damuhan habang pinapanood ang naglalarong mga bata. Yakap ko sya patalikod. Nakapatong ang aking baba sa kanyang balikat. At ang mga kamay ko naman ay nakapulupot sa kanyang tyan. "Oo naman babe. Masyado kaya kitang mahal.." she assured. Ang sabi nya. Weird daw ako nitong nakaraang araw. Kinapa pa ang noon kahit wala naman akong lagnat. "You sure you okay?.." tinaasan ko lamang sya ng kilay tapos itinuro ang aking pisngi. She knows what I want. A kiss. Mabilis nyang idinampi ang labi sakung pisngi saka kinirot iyon. "Ikaw, sumusobra ka na. " pinanggigilan na naman ang mukha ko.
Kontento ako sa nagdaang araw. Walang Veberly na nangungulit. Di ko na inalam kung bakit sya wala. Wala rin yun classmate nyang asungot. Masakit raw. What a lucky day hindi ba?.
"Jaden, bro. Pwede bang pumunta ka rito?.." tumawag itong si Lance. Ang sabi nya. Nasa isang bar raw sya. Gusto nyang uminom at magpakalunod sa alak. Hindi ito alam ni Bamby dahil marami syang nirurush na blueprint. Gusto ko sana syang tulungan kaso nahimigan kong lasing na si Lance sa kabilang linya. Kaya nagpasya akong lumabas. Itinabi ko ang lapis na gamit pangguhit saka hinila ang jacket na itim na nakasabit sa likod ng pintuan. Mga alas syete na ng gabi. Di na sana ako magpapaalam nang makita pa ako ni papa.
"Gabi na ah. Saan punta mo?.." anya. Nasa bulsa ang kanang kamay habang ang isa ay hawak ang binabasang libro. Kakatapos naming maghapunan nang nagpaalam na akong gagawin ang mga plates.
Hindi ko kailangang magsinungaling sa kanya. "Kay Lance po.."
"Sa bahay ba nila?.." umiling ako. Naningkit ang kanyang mata. Parang may gustong idagdag pero sinarili nalang nya.
"Hindi po. Sa isang resto bar Pa. Dyan lang sa malapit.."
"Kung ganun. Wag masyado sa alak." mahigpit pa nyang bilin. Sinabi kong may pasok pa ako bukas kaya bahagya syang nakahinga. Tinanguan na lamang nya ako bilang pagpayag.
Pinaharurot ko ng mabilis ang motor para agad makarating sa lugar nya. Bago pa ako makapasok sa loob. Nagvibrate na ang cellphone saking bulsa. "Babe, tapos na ako. Kumain ka na ba?.." laman ng kanyang mensahe. Nireplyan ko muna sya. Tumayo ako sa gilid ng pintuan saka sumandal doon. Ilang tanungin muna ang sinagot ako bago tuluyang humarap kay Lance.
"Ang tagal mo naman. Shot na!.." agad nyang isinalubong sakin ang isang basong puno ng alak na mamahalin. Di ko masyadong saulo ang pangalan ng mga alak na iniinom nya. Di naman kasi ako basag ulo. Simpleng empe lights lang. Solve na ako dun. Pero sya?. Brandy. Iba talaga pag mayaman.
"Alam ba ni Bamblebie na andito ka?." mapupungay na ang mata nyang nagsasalin ng inumin sa baso.
Kinuha ko ang iniabot nya saka tinungga. Nanuot sa aking lalamunan ang mainit na hagod nito. Parang napaso na ewan. Sana di ako malasing neto. Mahina pa naman tolerance ko sa mamahaling alak. "Hindi ko sinabi.."
"Good. Baka sumugod yun dito pag nagkataon.. Alam mo na.. hahaha.." gumewang ang ulo nya habang humahalakhak.
Hindi na sya nagsalita pa makalipas ang ilang minuto. Talagang tinotoo nyang magpakalunod lang ng alak ngayon. Gusto ko sanang magtanong kung anong problema nya. Pero natatakot akong baka magwala sya. Kaya hinayaan ko nalang syang uminom.
Nang lumalim na ang gabi. Lalong naging wild ang galaw ng mga tao sa paligid. May naghahalikan. Maraming sumasayaw na para bang wala nang bukas. "Tara doon.." anya pero agad natumba pabalik ng upuan. Pinigilan ko syang pumunta sa gitna at sumayaw ngunit nagpumilit pa rin sya. Wala akong magawa kundi sundan nalang syang palumba lumba.
Sa gitna ng mga taong nagsasayawan. Nawala na sya sa paningin ko. Tumingkayad pa nga ako para hanapin sya pero nakakahilo ang ilaw sa paligid. Lalo na ang mga tao.
"Hi.." may isang babae ang biglang sumayaw saking harapan. Di ko sya namukhaan. Noon ko lang nakikila kung sino sya ng ikawit nya ang braso saking leeg. Amoy alak na ito. "Di ko alam na mahilig ka palang magbar.." ani Veberly. Oo sya nga. Sa lawak ng mundo. Bakit lagi nalang nyang natatagpuan ang lugar ko?. May gamit ba syang gps para mahanap ako?. Nakakapagtaka na masyado.
Inalis ko ang kamay nyang nakakapit sa leeg ko saka sya tinalikuran. Subalit, kingina!! Sumunod pa rin sya.
"Jaden, isayaw mo naman ako..please.."
"Leave me alone Veberly.."
"Kahit isa lang.. Di naman malalaman ng pinsan ko eh.."
What the fuck!!..
Napapamura ako sa kulit ng babaeng to. " Pwede ba?!.." inis kong sambit. Hinarap ko sya. Nauntog pa ang ulo nya saking dibdib. Damn!!. "Lubayan mo na ako. Ayoko ng gulo.. At gusto ko ng tahimik na buhay.."
"E pano kung gusto nga kita?.. may magagawa ka ba?.."
Problema mo na yun. Bat mo pa ako dinadamay?. May mahal na akong iba. Hindi mo ba iyon nakikita?.
Nagpakawala ako ng buntong hininga. Nauubusan ng pasensya sa taong kaharap. "Kasintahan ko ang pinsan mo. Konting respesto naman sa kanya. Sa akin. Lalo na sa sarili mo.. Babae ka. Di mo dapat ginagawa ito.." natauhan yata sya kaya bigla syang natahimik.
"Alam ko ang salitang respeto. Sadyang gustong gusto lang kita. At di ko yata kaya kapag di kita nakuha.." Shit!!.. Kumuyom ang aking mga palad sa inis at iritasyon. Mabilis ang galaw nya't tumingkayad sakin upang humalik. "Hahabulin kita hanggat may hininga pa ako Jaden..." huling hirit nya bago ako nilayasan.
Damn!. Malulutong na mura ang naglaro saking isip. Kulang pa yata ang salitang mura sa pinaggagagawa nya..
I have no idea on how to handle a girl like her. Inuubos nya ang katiting na respetong natitira mula sakin.