We make out that day. Yes oh yes! We did.
Pareho kaming naghabol ng hininga nang kumawala sa mga labi. Hindi ko malaman kung tutulungan ko ba syang umalis sa kandungan ko o pabayaan nalang sya doon. I'm already torn. Nanghihina sa dulot ng mainit nyang halik. Damn baby!!
"Bamby!!.." kanina pang inis na tawag ni Lance ang umeecho sa buong bahay. Halatang galit iyon dahil sa tono ng boses nyang bahagyang mataas.
Huminga ako ng malalim saka sya binuhat at pinaupo sakng tabi. Hindi rin sya makatingin sakin. Pawang nahiya sa nangyari. Don't be shy baby. Promise it's worth it!.
"Doon muna ako.." she's stuttering. Aligaga pa syang tumayo. Inayos ang damit bago humugot ng napakalalim na hininga. "I don't know how to operate this damn oven. Faster please!.." muling boses ni Lance ang umalingawngaw.
Parang ngayon lang rin ako nakaramdam ng hiya. Susmaryosep!! Bakit kaya ganun umasta si Lance?. Nakita nya ba kami sa ganuong posisyon?. Naku naman boy!! Patay ka nyan!! Hindi mo ba alam na andyan lang sya sa paligid?.
"Damn boy!. Mukhang may nakita nga sya.." bulong ko sabay sabunot sa buhok habang nakayuko. Susmaryosep!. Nagpapagood shot pa naman ako.. Tsk!!
That day. Kinain ako ng sandamakmak na kahihiyan. Kaya imbes doon ako kumain ng hapunan. Nagpaalam na ako sa kanila. Kumontra pa sakin si Bamby dahil hindi ko nga dala yung motor ko. Gabi na raw at mahirap kumuha pa ng masasakyan. Ngunit, hindi na ako nagpadaig sa gusto nya. Umalis pa rin ako kahit ayaw nya. Tinanguan lamang ako ni Lance na parang walang pakialam. Doon ko nalaman na, maaaring nakita nya nga kami.
"Ang tanga mo naman kasi Jaden. Alam mong andyan yung tao. Gumawa ka ng kagaguhan.." lihim kong kinutusan ang sarili nang nasa labas na ng gate. Tinanaw ko na lamang ang malaki nilang bahay sa labas bago nagpasyang umuwi na. Nilakad ko ang bahay nila hanggang sa may main road upang makasakay ng pampublikong sasakyan. Di pa naman hating gabi. Kaya siguro may sasakyan pa.
Isang araw makalipas. Nagkataong nagkasalubong kami ni Lance sa isang barber shop. Nauna syang ginupitan bago ako. "Ayoko nang maulit yun.." bigla nitong sambit. Nalito ako noong una ngunit napagtanto ko rin kung anong tinutukoy nya. Damn Jaden!!. Nakita nya kayo. Magtago ka na.
Natulala lang ako sa kanyang mukha sa salaming nasa aming harapan. Matalim ang kanyang titig. Tumatagos hanggang buto ko. "Dahil kung hindi.." kumurap ako bago lumunok ng mariin sa paghinto nya. "Ako mismo ang kakaladkad sa kanya pabalik ng Australia.."
I don't know what to say. Nawalan ako ng lakas ng loob para magsalita, para magpaliwanag, para humingi ng tawad. Nabali na naman ang salitang ipinangako ko sa kanya.
Ganyan nga talaga yata ang buhay. Promises are made to be broken.
"Isa pang ganun Jaden, Isa pa.." madiin nyang banta. Kumurap muli ako't naikuyom nalang ang mga palad sa ilalim ng itim na tela.
Hindi naman na kami mga bata. We both know our limits. And I also know my limitations. Lalong may respeto ako sa kapatid nya. I don't do anything na maaaring makasira sa mga pangarap nila para sa kanya. Hindi ako nagmamadali. Ayokong gawin ang isang bagay na wala pang hinahawakan na kasiguraduhan. Yes, of course. I have this needs pero wala akong balak na gawin iyon sa kanya. Not until we're married. And we both want that need. Hindi pa naman ako baliw para pagsamantalahan sya't bastusin. Mahal ko sya bilang sya. At lahat ng pagkukulang nya ay kaya kong hintayin hanggat dumating ang araw na kaya na nya iyong punan.
Matapos syang gupitan. Iniwan na nya ako. Nagbayad lang sya't lumabas na nang shop.
Kamusta kaya sya?. Pinagalitan ba sya?. Wag naman sana. Ako naman ang may kasalanan. Kaya ayos lang yung mga warning nya para magising ako.
Alam kong nahihiya sya sakin ngayon pero kailanman wala akong pinagsisihan doon. I stand what I did. Paninindigan ko iyon dahil ginusto ko naman talaga. I told you. It's worth it. Kahit pagalitan at suntukin pa ako. Wala kahit isang kahibla ng pagsisisi sakin. I love the ways her lips dance with mine. Iyon lang ang unang halik namin na matagal. Wala naman nang ibang nangyari. Hanggang doon lang.
"Lance?.." nagtataka kong himig nang matanaw pa rin sya na nakasandal sa magara nyang sasakyan. Ang buong akala ko kanina pa sya nakaalis. Andito pa pala sya. Hinintay pa ako. Susmaryosep!! You're dead boy!! Mabilis syang lumingon. "Pwede ba tayong mag-usap?."
Kingina! Yung kaba ko. Tagos na hanggang talampakan. Hindi makagalaw aa lakas ng kabog ng aking dibdib.
Gusto kong sagutin sya ng pasarkastiko kaso baka lalong magalit. Totohannin pang ilayo ang mahal ko. Kaya behave nalang Jaden. Best way. Nilapitan ko nalang sya.
"Usapang lalaki pare.. hindi ko gusto yung ginawa nyo.." wala nang preno. Basta diretso nya itong sinabi.
Kumibot ang labi ko. Gustong sabihin lahat ng nasa isip pero naduduwag ako. "Pasensya na, pero hindi ko pinagsisihan ang bagay na yun.. mahal ko ang kapatid mo.." iyon lang ang namutawi sakin sa dami ng gustong banggitin.
"Mahal mo?. Kung di ko pa sya tinawag baka sumobra na kayo." kulang nalang umusok ang kanyang ilong.
Kalmado akong tumingin sa kanyang mata. "Hindi ko magagawa iyon hanggat wala pa kaming kasiguraduhan.. malaki ang respeto ko sa kanya tulad ng sa inyong pamilya."
huminto ako't lumanghap ng hangin.
"Wag kang mag-alala. Alam namin ang aming limitasyon.." seryoso pa rin syang nakatingin sakin.
A goddamn warning look!!.
"Mahirap maniwala sa limitasyon na yan. Ganunpaman. Ang tiwala ko sa inyo ay buo. Tandaan mo boy. Kung sakaling mabasag man ang baso. Hinding hindi na yun mabubuo kagaya ng dati.." malalim nyang sambit. Nakuha ko naman ang gusto nyang iparating doon.
Kapag basag na ang tiwala, mahirap na nga iyong ibalik pa sa dati. Kahit pilitin mo pang iayos. Hinding hindi na yun maibabalik pa sa dating anyo.