Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 250 - Chapter 20: Make time

Chapter 250 - Chapter 20: Make time

Natapos ang araw na iyon na parang may nakadagan saking puso. Kahit di na ako paalalahanan ni Lance. Alam ko ang bawat kilos ko. Hindi naman ako kumikilos ng di nag-iisip.

"Jaden, anong oras uwi mo?.." Ani ate mula sa kusina. Ngayon ang unang balik ko ng school. Kasama ang magkapatid. Wala akong ideya kung pumayag nga talaga si tita o talagang matigas lang ang ulo ng dalawa. Ginawa pa rin ang ayaw ng ina. Basta ang sinabi lang nila sakin ay sabay na kaming papasok ngayon.

Alas syete ang unang klase ko. Kaya maaga akong nagising ngayon. Matapos mag-almusal. Agad na akong nagpaalam sa kanila.

Dumiretso ako sa building kung saan andun ang department ng engineering. Magkaiba kami ng kurso kaya magkaiba rin kami ng klase. Si Lance sa kabilang gusali pa ang room nya dahil Psychology ang kurso nya. Malapit na sana syang grumaduate doon kaso pinili nya pa rin dito. Gagraduate naman daw sya kalaunan.

"Babe, tapos na ba kayo?.." sinend ko na ang tinipa na mensahe para sa kanya. Kakalabas lang din namin. Ang daming kailangang gawin. Di ko malaman kung magkakatugma ba ang oras naming dalawa.

Higit kalahating oras pa muna bago sya nagreply. Ang sabi nya doon. "Sa Library ako ngayon babe.." nanlumo ako sa kanyang reply. I wanted to go up there pero wala na akong oras. May pasok pa kami mamaya.

Nagpatuloy ang ganuong schedule namin. Sa linggo na lang kami nagkikita sa sobrang abala. "Babe, namiss kita ng sobra.." she hunged her arms around my neck. Wala si Lance. Tinawagan nina Aron na magbasketball. Sasama sana ako kaso wala syang kasama rito kaya nagpaiwan nalang ako. Of course with the warning shot of Lance.

"Namiss din kita.." Niyakap ko sya ng napakahigpit. I miss her scent. Matapang na may pagkasweet. Nababaliw ako pag di ko naamoy iyon. Laging hinahanap ng ilong ko.

Sabay kaming nag-advance reading ng aming aralin. Sa garden kami umupo. Nadatnan din kami nina Lance doon. Parehong pagod silang lima. Sya, sina Kian, Aron, Billy at Ryan. Di rin sumama si Bryan dahil may hinahabol pa raw na papel. Ewan ko kung ano.

"Jaden, pasundo naman si Bamby. May klase pa kasi ako. Salamat." isang mensahe rin ang natanggap ko ilang araw na ang nakalipas. Sa hectic ng schedule namin. Pareho na kaming walang oras sa isa't isa. Eksaktong di pumasok ang professor namin ng oras na yun ng nagtext si Lance. Lunch time na yun kaya inaya ko syang kumain sa may canteen.

"Bamby, paturo ulit mamaya.." kaway ng isang maputing lalaki nang sila'y lumabas ng room. May dimple at matangkad ito. Mukhang pamilyar ang mukha nya sakin. Yung star player ng basketball team ng university. Nginitian lamang sya ni Bamby bago tinalikuran. Patalikod pang maglakad yung lalaki. Pinapanood ang paglakad nya papunta sa gawi ko.

Get lost dude!!

Di na noon natanggal sa isip ko ang mukha ng lalaking iyon. Kaya kahit wala akong oras. Pagod at walang tulog. Sinusundo ko sya at hinahatid sa kanila. Gaya ng gawain ni Lance. Bantay sarado. Nakita ko kung paano lumaki ang mga mata ng kaklase nyang lalaki. Halos lahat pa naman ay mga kalalakihan. Mga kinse lang yata ang babae sa klase nila. At sinasabi kong, sya ang pinaka-napapansin sa lahat.

"Babe, tara na." agad kong kinuha ang mga gamit nya pati ang bag saka hinila ang kanyang kamay upang maghawak kamay kaming maglakad. Lahat napapalingon. Nakakainis!. Mamatay kayo sa inggit.

"Saan tayo pupunta?.." anya sabay ngiti. Nilipat ko ang kamay sa kanyang baywang saka sya hinapit palapit sakin. "Date tayo.. masyado na tayong busy eh.. nakalimutan na yata nating gawin iyon.." bulong ko. Kinawit nya rin ang kanyang braso saking baywang saka ako kinurot doon. "Oo nga eh. excited na ako.. tara.."

Kumain kami sa malapit lang na restaurant. Hinatid ko rin sya pagkatapos pabalik ng room nila. After class. Gumagawa ako ng paraan para maihatid sya. Sabi pa nya. Baka di na raw ako pumapasok sa klase. Di naman. May vacant time kami tuwing hapon kaya pwede ko pa syang ihatid.

"Drive safely babe.." masuyo nyang sambit nang bumaba saking motor. Iniabot nya sakin yung suot na helmet kanina. At tumayo sa aking harapan.

"Yes baby.." kindat ko pa.

Inikutan pa ako ng mata. Susmaryosep!

"Tsk.. seryoso ako babe.."

"Mas seryoso ako mahal ko.." pinindot ko ang ilong nyang may iilang butil ng pawis. Here she is again. She rolled her eyes habang nakahalukipkip. Humalakhak ako sa ikinilos nya.

"I need to go.." paalam ko. Mabilis nyang ibinalik sakin ang paningin.

"Mag-iingat ha.." pinitik pa ang noo ko. Susmaryosep! Wag ganyan babe. Baka di na talaga ako babalik ng school neto. Hinuli ko naman ang kamay nya saka iyon dinala saking labi. "Opo boss.. mag-iingat na.."

"Mahal kita."

"Kung mahal mo ako. Kiss ko nga.." ngumuso pa ako ng todo. Umiling sya. Hindi makapaniwala. Ganito naman kami lagi. Tuwing hinahatid ko sya o sinusundo. Kailangan may isang halik. Ilang sandali lamang syang tahimik. Mukhang nag-iisip. Tapos hahalikan nya na rin ako sa labi. Hindi iyon tumagal ng isang minuto dahil nasa labas pa kami. Pero pag nasa loob na ng bahay. Yun ang medyo matagal tagal.

Kinikilig ako ng sobra pag ganun.

Gaya ng dati umalis ako sa harapan nyang may suot na malaking ngiti. Nabigyan na naman ako ng lakas upang tuparin ang mga pangarap para saming dalawa.