Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 248 - Chapter 18: Sweet

Chapter 248 - Chapter 18: Sweet

Kumain kami sa labas pagkagaling ng school. Pinagtatawanan pa ako netong si Bamby dahil muntik na akong matisod kanina sa may gate. Paano akong di mabubuwal?. Naglalakad kami. Magkahawak kamay tapos may itinuro syang babae na mas maiksi pa sa suot nya. Hindi ko na napansin ang dinadaanan ko nang may biglang sumundot sa pwetan nung babae. Gawa nung napadaang lalaki. Ang bastos! Nakupo! Kung sakanya ito nangyari. Baka nakapatay na ako. Kaya dapat bantay sarado sya lalo na't agaw pansin pa naman sya. Hahabulin ko sana yung lalaki kaso natisod pa ako. Mabuti nalang at hawak nya ang kamay ko. Iniharang nya ang kanyang sarili para wag akong sumubsob sa sahig.

"Okay ka lang?.." anya sa pagitan ng kanyang mga braso. Nakatingin pa rin ako sa lalaking tumatakbo na. Umalis na rin yung babae. Kung bakit naman kasi ang hilig magsuot ng mga maiiksing damit ang mga babae?. Hindi ba nila alam na maraming mga hayop sa paligid?. Hindi naman sa ayaw ko. Sadyang, mahirap na lalo na kapag nasa ganitong pampublikong lugar Talagang mapapahamak ka.

"Bakit ka kasi tumingin sa iba?. Yan tuloy muntik ka ng madapa.." may nakatagong ngiti sa kanyang labi. Ngumuso ako. "Tinuro mo eh.."

Kinawit nya ang braso saking baywang. "Sakin ka nalang kasi tumingin, wag na sa iba.." nagbaba ako ng tingin sa kanya. Kaya nagsalubong ang aming paningin.

Susmaryosep!! Di naman talaga ako titingin sa iba. Nacurious lang ako sa itinuro nya. Baka kung ano na. Iyon pala. Kapahamakan.

"Saan tayo pagkatapos?." Ani Lance habang kami'y kumakain sa isang restaurant.

"Ikaw na bahala kuya. Ikaw driver eh.." si Bamby na ang sumagot para sakin. Sa Laguna sana kaso tulad nga ng sabi nya. Sya ang driver. Kaya sya nalang ang bahala.

Sa huli. Sa mall lang kami nagtungo. Nanood ng sine bago pumunta ng grocery store. Humiwalay samin si Lance. Titingin raw sya ng sapatos.

"Babe, anong masarap dito sa dalawa?.." tanong nya sakin. Tulak ko ang cart habang sya naman ay namimili. Nasa food section kami. Kumuha sya ng dalawang klase ng junk food. Tapos ipinakita sakin. "This one or this?.." patuloy nyang tanong. Nalilito sa kung anong kukunin. Pero hinde ako nagsalita. Pinakatitigan ko lamang sya.

Napansin nya yatang di ako umimik kaya sinamaan nya ako ng tingin. "Babe, are you still mad?.."

Hindi ako galit. Konting inis lang. Pinagtripan ako eh.

"Babe.." binalik nya yung hawak na pagkain bago ako nilapitan. "Sorry na.." nagpuppy eyes pa. Susmaryosep!! Wala na naman. Nabura na yung konting inis na meron ako. "Tinuro ko lang naman kasi nagagandahan ako sa damit nya. Gusto ko ng ganun.."

"No!!.." Doon na sumilay ang tinatago nyang ngisi sa mabilis kong sagot.

"Bibili akong ganun.." kulit na naman nya.

"Hindi pwede.." pigil ko.

"Bakit naman?. Maganda kaya.."

"Babe, hindi nga pwede.."

"Bakit nga?. Ayaw mo ba akong magsuot ng maganda?.."

Bumuntong hininga ako. Di ko talaga alam kung saan na patungo tong usapan namin. Ang kulit.

"Babe, kahit di ka pa magsuot ng ganung kaikling damit. Maganda ka pa rin sa paningin ko.."

Bumusangot ang mukha nya. "Ayaw mo lang akong pasuutin eh.." Nagkamot ako sa ulo. Si Lance nalang kaya ipakiusap ko rito. Nang matapos na. Asan na ba kasi yun?.. Luminga ako para hanapin ang kasama naming kanina pa nagpaalam.

"Kung tayong dalawa lang ang tao.. pwede siguro babe.. pero kung sa school o sa kahit na anong pampublikong lugar. hindi talaga pwede.. makikitaan ka duon babe.."

"Sige na nga.. Basta ba wag ka ng tumingin sa iba ha... akin ka lang.." kinawit nya ang braso saking leeg. Mabuti nalang walang gaanong tao ngayon. Kagat ang labing nagpigil ako na halikan sya. Tumango nalang ako. Subalit huli na ng matanto ko ang balak nya. Hinalikan nya ako sa labi ng ilang segundo. Hindi iyon nagtagal pero agad iyon kumalat saking katawan na parang nagbabagang apoy. Sumilab at gumatong hanggang sa talampakan ko.

Babe naman kasi!. Nagpigil na nga ako. Tuloy lahat ng balahibo ko nagtayuan. Maging ang bagay na di dapat.

Maya maya. Nagpatuloy kami sa pagpili. Wala pa sa kalahati ang laman cart ng dumating si Lance. Wala raw itong matipuhang sapatos. Babalik na lang daw sya. Pagkatapos mamili at kumain ulit. Nagpasya na silang umuwi. Tinulungan ko silang ibaba ang mga pinamili bago pumanhik sa loob. Maging sa pag-aayos sa kabinet. Tumulong na rin ako.

Noong natapos. Pagod kaming umupo sa malambot nilang sofa. Si Lance nasa kusina pa rin. Sya raw ang magluluto ng paborito nyang adobo. Kaya andito naman kami para magpahinga.

"Nakakapagod.." sambit nya. Tinanggal nya yung suot na tsinelas saka humiga. Kinuha ko ang paa nya saka ipinatong saking binti. "Ikaw, hindi ka ba pagod?.." dugtong nya.

"Samahan ka?.. Hindi.." iling ko sabay masahe sa kanyang paa.

Hindi sya nagsalita. Kaya lumingon ako sa kanya. Nagtataka. Noon ko lang natanto na nakatitig pala sya.

"May dumi ba ako sa mukha?.." tanong ko. Kinapa ang bandang pisngi, baba at noo. Wala naman ah. Bakit kaya sya nakatitig?.

Ngumiti lamang sya't umiling. "Bakit ganyan ka makatingin?. May kasalanan na naman ba ako?.." kinakabahan kong tanong. Isang iling na naman ang isinagot nya. Susmaryosep! Hulaan ba tayo?. Mahina ako dyan babe.

"Ano babe?. Tinatakot mo naman ako dyan sa titig mo eh.." nag-iwas ako ng tingin. Pinagpatuloy ang pagmamasahe sa kanyang paa.

"Wala lang.. gusto lang kitang titigan.. ang sarap mong panoorin eh.." Susmaryosep!! Tumalon na naman sa tuwa ang puso ko. Akala ko na kung ano. Mabuti nalang gwapo ako. Yabang boy!

Umusog sya sakin. Kaya nagdikit ang aming katawan. "Ang gwapo mo kasi kaya di ko maiwasan ang manitig sa'yo.." masuyo pa nyang bulong.

Pumikit ako para pakalmahin ang bulkang pumutok. "Pwede ba kitang halikan?.."

Hindi na ako nakapagtimpi. Hinuli ko ang baywang nya saka sya ipinatong saking kandungan. Agad kong ginawaran ng halik ang labi nyang kanina pa ako inaakit.

Damn baby!!.. My love for you is getting deeper. Let's get married please.