Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 247 - Chapter 17: University

Chapter 247 - Chapter 17: University

Nanatili ako sa kanilang bahay ng gabing iyon. Kumain at nakipagkwentuhan sa kanila hanggang madaling araw. Ang kwento nila. Ganun raw talaga si tita. Kontra lang sa umpisa pero papayag din sa huli.

Sana nga.

Umaasa akong papayag sya nang hindi magagalit sa kanila, lalo na sa akin. Hindi pa naman ako matapang tulad nila.

"Papayag ba talaga si tita?.." sambit ko habang nakahiga na sa malaking sofa ni Lance. Nakatitig sa kisameng madilim. Oo. Andito nga ako sa silid nya. Ayaw nyang mahiga ako sa guest room nila na katabing kwarto ng kapatid nya. Baka raw pumuslit ako habang tulog sya. Susmaryosep!! Ang advance nya namang mag-isip.

"Papayag yun. Akong bahala.."

"Baka sakin naman sya magalit?.." parang babae kong himig. Hay naku boy!

"Matulog ka na nga. Ang daldal mo.." siring nya sakin bago tinalikuran at matulog na.

Paano naman ako makakatulog kung hirap akong pigilan ang sarili sa pag-iisip. Base sa mga sinabi ni Lance. Sigurado na sya na papayagan sila. Subalit kingina!! Di pa rin ako mapakali hanggat hindi nanggagaling kay tita ang desisyon. Kinakabahan ako na natatakot na ewan. Basta nakakalito.

Di ko alam kung anong oras na ako nakatulog. Basta noong nagising na ako. Bumaba ako sa kanilang kusina para magluto ng almusal.

Alas syete na siguro ng bumaba si Lance. "Ang aga mong nagising?.." bati nya sakin habang humihikab pa. Namumunay pa rin ang mata nyang maglakad papunta sa refrigerator.

"Pupunta kasi akong school ngayon.. kailangan kong mag-inquire.."

"Hmmm.. anong oras ba?.."

"Ngayon na sana.."

"Sabay nalang tayo mamaya.. pupunta rin kami doon." kumuha sya ng baso saka nagsalin nang tubig doon. Mabilis nya itong nilagok nang walang hinga. Lumunok ako. "Wala nang magagawa si mama kapag nag-enrol na kami rito.." sabi nya sabay tikim ng piniritong itlog.

"Gisingin mo na si Bamby para makapaghanda na.. dadaan nalang tayo sa inyo para makapagpalit ka." agad umawang ang tikom kong labi sa dire diretso nyang utos. Mataman nya akong pinanood. Parang natanto nya ata ang kanyang utos. Ayaw nya akong pumasok sa silid ni Bamby diba?. Bakit ngayon?.

"Ako nalang pala.." bawi nya saka nagmartsa paalis. May binulong pa sya ngunit di ko na narinig.

Nang bumaba sila. Pareho na silang bihis. Suot ni Lance ang puting t-shirt na sinamahan ng leather na jacket kahit mainit. Lalong lumakas ang dating sa kanyang suot. Si Bamby naman. Kulay pulang sleeveless dress na hanggang tuhod ang suot. Bahagyang hapit pa ito sa katawan nya, napalunok ako ng sobra. Susmaryosep!! Ang ganda nya!

Nakatali ang buhok nya sa likod pero may iilang hibla na natitira sa kanyang mukha na lalong nagpadagdag sa taglay nyang karisma. Mapula ng kaunti ang pisngi at ng pino nyang labi. Mas bumagay sa kanya ang lahat.

May tumikhim sa kanila. Di ko matukoy kung sino dahil sa pagkakatulala. "Kumain na muna tayo bago umalis.." natanto kong si Lance ang kanina pang nagsasalita. Tikom kasi ang bibig nya subalit may suot na nakakalokong ngisi.

"Good morning.." Mahina nyang bulong bago ako lampasan patungo sa upuan. Nakaupo na sila ng kapatid nya't lahat. Tulala pa rin ako. Walang masabi o di kayang magsalita sa harapan nya. Napipi na yata ako. Nakupo!

Matapos kumain. Sumabay nga ako sa kanila. Nakasunod sa kanilang sasakyan. Mabilis lang din akong nagbihis bago nagpaalam kina ate.

"Excited na ako.." biglang tili ni Bamby sa likod ko. Si Lance ang nagdrive. Baka raw kasi maibangga namin pareho ang sasakyan nya pag kami pa ang nagdrive. "Ang bagal mo kuya.. bilisan mo kaya.." matigas na utos pa nito sa kapatid. Hindi naman sya pinakinggan neto. Yung motor ko pala. Pinaiwan na nila. Sayang lang daw sa gas pag ginamit ko.

Sa school.

Umagaw na ng pansin ang magarang sasakyan ni Lance. Sports car pare!. Ang gara. Iba na talaga kapag mayaman.

"Dahan dahan.." inalalayan ko syang bumaba. Kung bakit kasi ang iksi ng damit nya?. Susmaryosep!!.

Natanaw ko pa kung paano bumalik muli ang mga mata ng bawat napapadaan sa aming gawi. May bagong dating sa parking lot na lalaki. Hinagod nya ng tingin ang kabuuan nya kaya mabilis akong humarang sa kanyang mata. "Babe, tara na.." bulong ko sa kanyang likod saka hinawakan ang kamay nya. Hinila palayo sa lugar na iyon. Sumunod din naman samin si Lance.

Nagreklamo pa ito sakin kung bakit raw namin sya iniwan doon. Ginawa kong palusot nalang ang baka mababa na ang pila sa may registrar. Nagkamot sya ng ulo saka tumango. Habang naglalakad. Hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay. Ayaw pakawalan. Baka mapunta sa iba. Di ko yata kaya. "You look tense.. anong problema?.."

"Maraming nakamasid.. di ko kaya.." garalgal na himig ko. Ehem boy!!

"Bakit ka pa lumabas kung ganun?.. hahaha.." susmaryosep! Humalakhak pa sya. Alam ba nyang sya ang tinutukoy ko?.

Tumiim ang bagang ko sa pagiging sarkastiko nya. Huminto ako't tinitigan sya. Nagugulat naman silang huminto. Nagtataka sa bigla kong pagtigil. Malaki ang ngiti nya nung una ngunit napawi iyon nang bahagya akong yumuko sa kanya upang sabihin ang punto ko. "Di ko kayang umupo nalang kung ganitong karaminng mata ang nagpipyesta sa'yo.." natameme sya sakin. Kaya ako naman ngayon ang malaki ang ngisi. Umayos ako ng tayo. Nagmamalaki sa kanya. "Kinulong na kita rito kaya wala ka ng kawala.." kindat ko sabay turo sa aking puso.

"Hays!!.. umayos nga kayo.." pagpaparinig ni Lance sakin. Noon ko lang napagtanto na kasama pala namin sya. What the hell Jaden!!

Sa buong araw. Naikot namin ang kabuuan ng university. May nadaanan pa nga kaming kaklase ko. As usual. Dumikit na naman ang mata sa kanya. Sarap tusukin!!

"Boy Jaden!! Long time no see.. naaalala mo pa ba kami?.." agaw pansin ng isang grupong kakilala ko dahil sa basketball. Tinanguan ko lamang sila. Wala yung dalawa. Nasa office pa. Kinakausap nung dean.

"Balita ko, yung jowa mo lang daw ang di mo maalala.." hindi naman ito tanong ngunit parang ganun na rin iyon dahil sa pagsang-ayon ng iba pa sa kanya. Mukhang tanong ng lahat. Isang tango na naman ang tanging naisagot ko sa kanila.

"Ang malas nya naman. Nakalimutan mo pa sya.."

Kumulo na parang pinainit na tubig ang dugo ko. Umakyat iyon lahat saking ulo. Parang masarap manapak. Subukan ko kaya.

Imbes gawin anh nasa isip.

Umiling nalang ako at ngumiti. "Hindi.." pagtanggi ko. "Maswerte pa nga ako dahil meron AKONG, tulad NYA na hindi kayang sumuko..." pagdidiin ko saming dalawa. Anong gusto nilang palabasin?. Na wala akong kwenta?. Na dapat hiwalayan na?. Mga gago!!.

May sasabihin pa sana sila nang tumalikod na ako. Baka masapak ko pagmumukha nila kung di pa ako lalayo. Pero bago pa ako makalayo doon. Sumalubong na sya sakin. Malaki ang ngiti. "Tara na.. naghihintay na si kuya.." kumikinang ang kanyang mata habang nakalahad ang mga palad sakin.

Damn!. Ang swerte ko talaga!.

Mahal ako ng taong mahal ko.

Kinuha ko ang kamay nya saka sya inakbayan. "Kanina pa kayo tapos?.." bulong ko. Tipong kulang nalang halikan ko ang pisngi nya. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang grupo. Mga nakatayo at awang ang labing nakatingin samin.

What now huh?.. Pagyayabang ko saking sarili. Susmaryosep!. Umalis na nga kayo dyan boy. Baka iwan pa kayo eh.