Nag-aagaw na ang dilim at liwanag nang nakatanggap ako ng tawag na pumunta raw ako sa bahay nila. Lumipas kasi ang araw na di nya ako nirereplyan o tinatawagan man lang. Nag-alala na ako. Baka kung ano nang ginawa nya.
Sa ilang ulit na pangungumbinsi ko kasi sa kanya. Iyon pa rin ang desisyon nya. Ang manatili rito.
May bahagi sakin ang nadiriwang sa katotohanang ayaw na nyang umalis. Ganunpaman. Hind rin nawawala sakin ang mamroblema. Sapagkat, pamilya nya pa rin iyon. Hindi nya dapat sila kinalakaban just to keep me.
Ako ang dahilan kung bakit nya sinuway mga magulang nya. Ako pa ba tong magiging dahilan ulit upang lumallim ang agwat sa pagitan nila?. Hindi dapat ganun. Dapat pantay lang. Iyon ang punto ko na di nya makuha. Ayaw nyang pakinggan. Kaya naman namin ang long distance relationship eh. Bakit kaya?.
"Nag-away ba kayo?.."salubong sakin ni Lance sa may gate nila. Tinawagan nya ako para makipag-inuman tsaka kausapin na rin ang kanyang kapatid na hindi pa raw kumakain simula kahapon.
"Parang..." nahihiya kong tugon dito. Sinipat nya ako suot ang nakakailang nyang mata.
Hinayaan nya muna akong ayusin ang aking motor sa tabi ng mga sasakyan bago muling kinausap. "Bakit?. Ano na naman ang pinag-awayan nyo?.."
Wala akong ibang maisip na gawin kundi ang kamutin nalang ang likod ng ulo sa harapan nya. Ganyan ako kapag kinakabahan. Susmaryosep!
"Pare kasi, alam mo rin siguro kung bakit ayaw nyang bumalik ng Australia?.." mataman nya akong tinignan. Dumoble tuloy ang kaba ko.
"Hmmm.." tanging sagot nya.
Kaya kabado akong nagpatuloy. "Hindi ko gusto ang kanyang ideya. Ang gusto ko sana ay bumalik sya doon.. makipag-ayos kay tita.."
Matagal syang nanatiling tahimiik. Nilunod ako ng takot at lungkot. Takot sa kung anong magiging opinyon nya tungkol sa opinyon ko. At lungkot rin sa katotohanang, ginagawa ko ang ayaw gawin ng taong mahal ko.
Mahal mo ba talaga sya Jaden?. Tanong na paulit-ulit ko ring sinasagot ng oo. Hindi lang mahal. Mahal na mahal ko sya. Inaalok ko na nga sya ng kasal hindi ba?. Paanong hindi ko mahal?.
"Alam mo ba kung anong mga isinakripisyo nya para lang umuwi dito at puntahan ka?.." malamig na himig ng taong kaharap ko. Wala sakin ang kanyang paningin. Kundi nasa itaas. At noong sinundan ko ang pinapanood nya. Andun pala sya sa may terasa. Baluktot ang parehong tuhod. At doon ipinahinga ang kanyang baba. Malayo ang tingin na kung susumain ay may malalim syang iniisip.
"Hindi.." mahina kong tugon habang nakatingala kagaya nya.
"Alam mo rin ba kung bakit ako andito?.."
"Para bantayan sya?.." hindi na yun bago sakin. Noon pa man. Lagi nyang bantay lahat ng kilos ng kapatid nya. Kaya nga walang nakakalapit na kung sino lang na gustong makipagkilala dito eh. Dahil nakapaligid sya lagi.
"Para gabayan sya.." pagtatama nya. Nagbaba ako ng tingin para tignan sya. Nasa taong prenteng nakaupo pa rin ang mata nya. "Noong una. Nagalit ako kasi mali ang ginagawa nyang pagtakas sa bahay at umuwi rito.." kwento nya kaya nakinig ako ng husto. Saking mga paa na nakatingin. Nahihiyang salubungin ang kanyang titig. Ibinulsa ko rin ang mga pawisang palad upang maibsan ang kaba nito. "Pero kalaunan. Naiintindihan ko na kung bakit sya ganun.."
"Bakit?.." wala sa sarili kong tanong.
"Nagmamahal lang sya kaya nagagawa nya ang mga bagay na di nya naman dating gawain.." huminto sya. "Sinuway nya man si mama. Alam kong alam nya ang ginagawa nya. Hindi iyon nagdedesisyon nang walang kasiguraduhan.." napalunok nalang ako. Walang mapiling salita para sabihin.
"Noong tumakas sya ng bahay. Nalaman ko na baka hindi na sya babalik. Bukambibig nya lagi ang umuwi rito at dito nalang mag-aral. Pareho lang naman daw. Ayaw nya raw doon dahil lagi naman daw syang mag-isa at naiiwan sa bahay." hindi ko alam. Paano mo naman malalaman boy kung di ka nagtatanong?. Psh! Ewan sa'yo!
"Naguilty ako dahil totoo namang mag-isa lang sya sa bahay tuwing regular days. Linggo nalang siguro kami nagkikita kita ng buong pamilya. Ganun kami kaabala doon.."
"Pero hindi ba. Iba pa rin pag andyan ka sa tabi ng iyong pamilya?.."
"Kung sana, laging nagtatagpo ang oras namin.. ganun siguro iyon. Pero hinde. Kaya siguro naisip nyang dito nalang tumira dahil pareho lang naman pag andun sya tapos mag-isa din.."
"Paano si tita?.. Anong sinabi nya?.. Narinig ko kasing parang pinagalitan sya.." tinapik nya ang balikat ko saka nginitian. "Wag ka nang mag-alala.. ako nang bahala kay mama."
"Anong gagawin mo?.."
"Sasabihin kong dito na rin ako mag-aaral ulit para may kasama sya." sa sinabi nyang iyon. Parang may biglang lumipad na mga fireworks at pumutok nalang sa kung saan. Nagliwanag ang puso't isip ko. Salamat bayaw!. Bayaw?. Fuck Jaden!! In your dreams!.
"Wag mo nang problemahin si mama. Ako na bahalang kumausap sa kanya. Sya nalang atupagin mo.." nginuso nya ito. "Nang makakain na.. kahapon pa yang walang kain pare.." hinawakan nya ang likod ko saka tinulak papasok sa kanilang bahay. "Go!. Settle your worries.." anya. Di ko mapigilang ngumiti sa pinapakita nyang kagandahang loob sakin at sa kapatid nya. Ngayon ko natanto na, hindi sya palasalita pero pag nagsalita. Laging mahiwaga ang lumalabas sa kanyang labi. Pinapatayo balahibo ko. "Puntahan mo na.. basta hanggang terasa lang ha.. bawal pa rin sa kwarto Jaden.." tunog pagbabanta ang kanyang himig. Wala akong ibang maisip na sabihin. Sinaluduhan ko na lamang sya bago humakbang paakyat sa terasang kinaroroonan nya.
Kinakabahan ako sa bawat hakbang na ginagawa. Madilim na ang paligid pero kitang kita ko pa rin ang taglay nyang ganda. "Anong sinabi ni kuya?.." bigla nyang tanong. Hindi ko alam na nakita nya pala kaming nag-uusap.
Malamang bahay nila yan boy! Nagtaka ka pa.
Hindi na ako sumagot. Basta naglakad nalang ako papunta sa kinaroroonan nya saka sya niyakap patagilid. "Please stay.." now I'm doomed! Ang gulo mo nga boy! Kurutin kita eh.
Hinaplos nya ang aking brasong nakapulupot sa kanyang kamay. "Ang gulo mo ha?. Gusto mo ba akong umalis o hinde?.."
"Hinde babe.. ayoko!.." iling ko sa kabila ng mahigpit na yakap sa kanya. Subsob ang mukha sa mahaba nyang buhok.
"Di ba sinabi mong, oo?.e di aalis nalang ako.."
"Babe naman. Ayoko talaga.." parang batang naagawan ako ng candy sa iniasta. Nakakatawa ka boy! Kingina!!. "Stay please.. I love you.." mahina syang humalakhak saking tainga. Saka nya ako hinalikan sa pisngi. "I love you more..di naman talaga ako aalis.. babe.." niyakap nya ako ng higit pa sa pagyakap ko sa kanya.
Salamat Lance. Kundi dahil sa'yo baka wala akong kayakap ngayon.