Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 245 - Chapter 15: Hard headed

Chapter 245 - Chapter 15: Hard headed

Lumipas ang ilang araw o mahigit dalawang linggo na rin simula nang araw na yun pero hanggang ngayon di ko pa rin alam kung bakit sya nakipagtalo kay tita. May pakiramdam ako pero napakaimposible naman.

Imposible naman kasing dahil sakin, ayaw na nyang umalis dito. I mean. Sino naman ako diba?. Oo. Alam kong dahil sakin, umuwi sya. Nagpapasalamat ako doon. Pero etong ayaw na nyang bumalik ng Australia?. Umiling ako sa naiisip na baka ako nga. Naguguluhan ako. Gusto ko syang tanungin kahapon kaso masyado syang masaya para gawing malungkot ang araw nya.

Kung ako man ang ugat ng tampuhan nila. Di ko na siguro alam ang gagawin.

I'm torn between letting her go or keeping her up with me. Syempre ayaw ko syang umalis kasi gusto ko syang makasama dito. Sabay pumasok ng school at baka magkaklase pa. Ngunit, kung ang pag-alis nga nya ang sagot para maging okay sila ni tita. I'll let her go even if I'm not into it. Iyon lang ang nakikita kong paraan para maging maayos ang lahat. Well, sa pananaw ko iyon. Di ko lang alam kung anong iniisip nya. Tuwing may iniisip kasi syang malalim. Lagi iyong tahimik o nag-iisa. Out of the world ang isip kahit kasama pa nya ako. Hinahayaan ko lang sya pag ganun. Ayokong maging maramot para sa kanyang sarili. Kahit kami man. Dapat at kailangang may oras pa rin sya para sa sarili nya.

In every relationship there must be a space between. Pagitan para sa pansarili ng bawat isa. Hindi sa puntong hihiwalayan mo na sya. Puwang lang para sa mga bagay na pribado para sa inyo. Oras para makapag-isip o makipaghalubilo sa ibang tao. Para makapulot ng aral o pananaw sa maraming bagay. Hindi naman kawalan kapag may ganuon hindi ba, Ika nga nila. You attrack what you fear. Kung talagang mahal nyo ang isa't isa. Hindi ka matatakot na agawin sya ng iba kahit may puwang sa inyong dalawa.

"Babe, may architecture ba na course sa university nyo?.." isang hapon. Naitanong nya ito. Pumasyal sya sa bahay kasama sina Lance, Aron at Kian. Pareho kaming nakaupo sa may kubo.

"Hmm..Bakit?.." tanong ko rin habang binabalatan ang manggang hilaw na gusto nya. Nilabas ito ni ate kanina bago kami umupo. Kasama ng bagoong.

"Wala lang.." anya at nag-iba na sya ng topic. Kumukuha lang ako ng tyempo para pag-usapan iyon subalit mahirap yatang umasa sa tyempong iyon. Ang tagal.

Dumaan ang isang linggo, na iyon pa rin ang pinoproblema ko.

"Nak, may problema ba?.." napansin siguro ni mama ang pananahimik ko. Tanaw ang malayong lugar sa tabi ng aking bintana. Maalinsangan pero pinili kong dito pa rin tumambay.

"Pwede po bang magtanong?.." I asked without glancing.

"Ano iyon?.." Anya saka nilapag sa kama ko ang mga natuping damit.

"Para po kasing ayaw na ni Bamby ang bumalik ng Australia. " umpisa ko. Di alam kung itutuloy ba ang sasabihin o wag nalang.

"Paano mo naman nalaman?. Nag-away ba kayo?.." nilapitan nya ako't hinawakan sa balikat. Umiling ako. "Hindi po.." maikli kong sagot.

"Kung ganun anak. Tanungin mo muna sya bago ka gumawa ng desisyon.. mahirap nang pangunahan ang lahat.." iyon nga ang ginawa ko.

Hinintay kong lumipas muna ang ikalawang linggo bago nagkaroon ng lakas ng loob para itanong sa kanya. "Pare, tara kila Lance.. Shot daw.." tinawagan ako nitong si Kian. Mabuti nalang at tumawag sya. May dahilan na rin ako para pumunta sa kanila. Lagi naman akong welcome sa bahay nila Sadyang nahiya lang ako nitong huli dahil nakita ko silang nagtalo sa bagay na may kinalaman sakin.

"Pre, may problema ba sila Lance?. mukhang napapadalas yata pag-inom nya ha?.." tanong naman bigla sakin ni Aron. Umurong ng wala sa oras ang aking dila. Di malaman kung sasagot ba o tatahimik nalang.

At naisip ko nga na. Mas mabuti nalang ang manahimik. Sagot rin naman iyon.

"Babe, anong problema?.." masuyo kong tanong nang pareho kaming naiwan sa kanilang kusina. Nagluluto sya ng fries. Nang dumating kami. Agad ko syang nilapitan nang lumabas na yung tatlo.

"Wala babe.." linyahan na nya yan sa lumipas na linggo.

"Alam kong meron.. ano iyon?.." tinignan nya lang ako. Kukunin ko sana yung sandok sa kanyang kamay nang ilihis nya ito para di ko makuha. Umawang ang labi ko. Sa kilos palang nya. May problema nga sya. "Babe.." malambing kong himig. Pinapakalma ang nag-iinit nyang dugo.

"Gusto na ni mama na bumalik na kami doon..." matagal na katahimikan muna ang lumipas bago nya sinabi ito. Sinandok nya yung fries na luto na, na para bang walang gumugulo sa kanyang isip. Naglagay muli sya doon bago huminga ng malalim at humarap sakin. "Pero, ayoko.."

I knew it!!

"Gusto kong mag-aral na dito.." dugtong nya habang nakatitig saking mata.

"Bakit babe?. Hindi ba maganda doon?.. mas malayo ang mararating mo kapag doon ka mag-aaral.." natulala sya sakin. Hindi makapaniwala sa aking sinabi.

"Gusto mo ba akong umalis?." kumunot ang kanyang noo.

"Yes!!.." maagap kong sagot. Pero sa likod ng aking isip. No!. Ang gulo mo boy!. "No!..I mean.." malakas ang kalabog ng dibdib ko ng ihabol ko ito. Natulala sya sakin. Naguluhan rin siguro. Ako na ang unang nagpaliwanag. Baka mamisinterpret nya. "Babe, ayokong umalis ka."

"Pero gusto mo nga?!.." tumaas ng bahagya ang kanyang tinig.

Kinakabahan ako. Susmaryosep!!

Di ako umiling o tumango.

"Babe, Ayoko talagang umalis ka." nag-iwas sya ng tingin sakin. Inabala ang sarili sa niluluto. Nagpatuloy ako kahit nilulunod na ng kaba. "Gusto kong lagi kang kasama.. pero hindi ba selfish iyon kung sasabihin kong wag kang umalis at suwayin nalang ang mama mo?.." hinaplos ko ang kanyang pisngi.

"Hindi pa ba sapat na dahilan ang gusto kitang makasama para payagan mo akong dito nalang tumira?.."

"Babe.. hindi ganun iyon.."

"Ganun yun.." mabilis nyang tugon.

Susmaryosep!. Eto na nga bang sinasabi ko. Tsk!.

"Ang sakin lang babe.. ayaw kong sinusuway mo sina tita para sakin.."

"Di ba nagawa ko na dati ang suwayin sila para lang mapuntahan ka?.." nasampal ako ng todo. Damn! Oo na!. pwedeng labas muna yun?.

"Alam ko naman iyon babe. Kung nagkamali ka noong una. Hahayaan mo bang ulitin ulit iyon para sakin?.." mahinahon ko pa ring tugon. "Oo.." matapang nyang sagot sa mismong mukha ko.

"Paano naman sila babe?. Makakaya mo bang saktan ulit sila?.." dahil kung ako ang papipiliin noon. Di ko sya hahayaang umuwi para lang alagaan ako. Di ko isususgal ang future nya para lang bantayan ako. Ayokong syang mahirapan nang dahil lang sakin.

Masama nya akong siniringan ng tingin. Hindi nagpapatalo sa kanyang opinyon.

"Babe naman.."

"Basta sinabi kong ayoko Jaden. Ayoko.. tapos.." Susmaryosep!. Malaking problema nga to!.. Matigas pa naman ulo nya. Kung anong gusto nya. Iyon na. Nakupo!!