Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 241 - Chapter 11: Finally home

Chapter 241 - Chapter 11: Finally home

Almost three months din akong tumira sa ospital. Akala ko na talaga doon na ako titira. Mabuti nalang at naging maayos na rin ang lahat sakin. Nag-aalala na ako sa mga bayarin. Alam kong di na biro iyon dahil sa matagal na kami doon. Masyado rin akong nag-aalala kila mama at papa. Pareho na silang may edad na at di na sana pwedeng magpagod. Kaso, alam kong wala silang ibang pagpipilian kundi ang magsakripisyo nalang. Tama nga si ate. Utang na loob ko ito sa kanila lalo na kay Bamby. Kung wala sya na tumulong sa kanila. Baka matagal na silang bumigay o sumuko sakin. Sinabi rin sakin ni ate na tumulong din sila sa mga ilang bayarin. Ayaw sanang tanggapin ni mama kaso raw wala na silang ibang mapag-utangan. Gusto kong mahiya at magtago nalang subalit mas lalo yatang hindi maganda iyon. Lahat ginawa nila para sakin. At dapat, suklian ko rin iyon ng nararapat. Siguro, babawi nalang ako kapag totally okay na ako.

"There.. ingat babe.." si Bamby at Lance ang umalalay sakin papasok ng bahay. Hindi naman ako pilay o baldado pero bakit kailangan pa akong alalayan?. Di ko na isinatinig pa iyon dahil baka maoffend sila. Tumulong na nga sila. Pagsasabihan mo pa Jaden. Asan nalang ang konsensya mo?.

"Salamat.." pareho silang pagod na tumayo matapos akong tulungang umupo. Namaywang si Lance habang tinitingala ang ceiling ng bahay habang pinapakawalan ang isang malalim na hininga.

"Namiss ko yatang tumambay dito ah.." hindi ito tanong. Nasabi nya lang siguro dala ng katotohanang matagal na syang di nakakapunta dito sa bahay. Sa pagkakaalam ko. Huli nyang punta ay noong ikalimang kaarawan pa ni Niko. Two years ago. Grabe ang bilis ng panahon. Parang hindi taon ang dumaan. Parang araw lang.

"Salamat Lance.. Bamby. heto't magmeryenda muna kayo.." inilapag ni mama ang dalawang baso ng orange juice at biscuit. Saka iminuwestra sa kanila ang upuan sa aking harapan.

Bago pa maupo si Bamby sa pang-isahan na upuan. Kaharap ang kapatid. Hinila ko na ang palapulsuhan nya. Bahagya syang natigilan maging si Lance pero hindi ko iyon pinansin. Sa kay Bamby pa rin ang atensyon ko. Inginuso ko lamang ang space sa aking tabi.

Hindi sya gumalaw noong una. Mukhang humingi pa muna sya ng opinyon sa kanyang kapatid bago muling bumaling sakin.

Hawak ko pa rin ang braso nya ng umupo sya saking tabi. "Thank you.." bulong ko. Nakita ko kung paano mamula ang kanyang pisngi. Mabilis ko syang dinaluhan. "Ayos ka lang ba?.." tumagilid ako kay Lance. Paharap kay Bamby. Hinawi ko ang takas na buhok at inipit sa kanyang tainga. Mas lalo yata syang namutla.

Kagat ang labing tumango sya sakin. Naghumirinda ang puso ko. Gustong halikan ang labi nya pero natatakot ako sa tahimik na presensya ni Lance. Saka lamang nawala ang paningin ko sa kanya nang biglang magsalita si ate. "Dito na kayo maghapunan Lance.." pinal na sabi ni ate saka nya ako binigyan ng warning look. What?. Wala naman akong ginagawa ah. Tinaasan ko sya ng kilay but she just ignored it and walked away from us.

Susmaryosep!

"Nasa labas pa ba yung kubo nyo Jaden?.." binasag ni Lance ang nagyelong pagitan namin simula nang umalis si ate. Tanging ang paghinga lamang ang bumalot sa pagitan naming tatlo. Gusto kong magsalita pero natatakot ako sa sobrang katahimikan ni Lance. Pawang may gusto syang iparating sa pamamagitan noon. Kaya pinili ko na lamang manahimik. Di ko alam kung pareho ding takot si Bamby na magsabi ng kung anong iniisip nya sakin. Prente lang itong nakaupo. Nakapandekwatrong babae habang ang mga braso ay nakatupi sa kanyang dibdib. Sa may telebisyon ang tingin kahit patay naman iyon.

"Wala naman pinagbago ang bahay.. andun pa rin.." paniniguro ko kay Lance. Tumayo sya't hinawakan ako sa ulo. Ginulo ng bahagya ang buhok ko. "Sa labas muna ako.. andun ba si Tito?.." anya. Sa kapatid nakatingin nang tiningala ko sya.

"Wala si papa. Lumawas ata ng Batangas.." di ko siguradong sagot saka nya lamang itinaas ang kanang kamay. Dumiretso na sa labas. Si Mama, abala sa kusina. At si ate naman, binabantayan yung dalawang bata na siguradong nagalalaro sa taas.

"Gutom ka na ba?.." Susmaryosep! Kinakabahan talaga ako. Ewan ko ba. Dala siguro ng anesthesia.

Tinignan nya ako sa gilid ng kanyang mata. At ngumuso. Kingina! What with the pout?. Stop that or else I will kiss you.

"Busog pa ako." mahina nyang bulong. Umusog pa ako ng kaunti sa gilid nya upang magkalapit talaga kami.

Bakit kaya di sya makatingin sakin?. May nagawa na naman ba akong mali?. Jaden naman kasi. "Bamby, can you look at me?.." masuyo kong sambit.

Hinaplos ko ang braso nya pero siniko nya lang ako. Susmaryosep! Ano bang gagawin ko?. "I can't.." she whispered again.

She can't?. Why?.Kinain na ako ng masamang kaba. Damn!

"Bakit?. May nagawa ba akong mali?. tell me please.."

Huminga sya ng malalim bago umiling. Nalito ako masyado. "Then why baby?.." di ko mapigilang tawagin syang ganun. She's so cute white pouting!

"Di ko kayang tumitig sa'yo kasi... nalulusaw ako sa mata mo.." talagang mahina nya itong binigkas. Sapat lang para saming dalawa. Para sakin.

Fuck!. We're on the same page baby. But, let me tell you that you have the pair of eyes who can only tame my pounding heart. It's just you.

"But baby, kailangan ko ring makita ang mata mo para pakalmahin itong puso kong...binihag mo ng todo.." doon sya gumalaw. Agad kumalabog ng husto ang aking puso ng makita ang napakaganda nyang mukha.

Akala ko matatahimik na ako. Kabaligtaran pala noon. Lalong nag-ingay ang masaya kong puso. Namuo ang butil ng pawis sa noo ko nanuyot bigla ang lalamunan ko. Susmaryosep! Calm the shit up boy!.

"Naaalala mo na nga ako.." hindi nya ito tinanong. Nasabi nya lang siguro dala ng kanyang damdamin para sakin.

Nangilid ang luha sa kanyang mata. Agad kong sinalo ang mga iyon noong pabagsak na. "Yes babe.. sorry kung pinahirapan kita ng todo.. sorry rin kung nasaktan kita ng sobra .. sorry dahil pinaghintay kita ng matagal.. sorry kasi.. nakalimutan kita.." nag-init rin ang gilid ng aking mata.

"Ssshhhh..." pinigilan nya ako sa aking sasabihin pa sana. "I know.. I know.." hinaplos nya ang pisngi ko. "We'll buy time.. wag kang mag-alala sakin.. I'm okay.."

"Sorry kung pinahirapan kita.." dugtong ko.

"Babe, stop it.. I'm your girlfriend and it's my duty to care for you.. to care about you.. always.."

"Babe.." niyakap ko sya ng mahigpit. Sobrang higpit na kung pwede lang di ko na sya papakawalan pa.

I'm finally home babe. With you.