"Jaden, andito na sina Bamby.." iyon ang tumambad sakin bago ako nagising . Mahina naman ang katok ni mama sa likod ng pintuan pero narinig ko pa rin iyon. Bumalikwas ako't marahang idinilat ang mga mata. Mataas na pala ang sikat ng araw. Bahagya pang tumatama saking paa. Kaya pala kanina pa ako pinagpapawisan dito. Susmaryosep!. Ano nga ulit yung sinabi ni mama?. Hindi ko gaanong naulinigan eh.
Bago kasi umalis sina Lance kagabi. Nakipagkwentuhan muna sila samin. Ang dami nilang kwento tungkol sakin na nakakatawa. Di ko tuloy mapigilang humalakhak sa katorpehan ko. Bumalik naman na ang alaala ko pero masarap palang balikan ang nakaraan kasama ng mga taong andun mismo sa pangyayaring iyon. Nakakatawa dahil parang walang nagbago samin. Panahon lang at edad ang nagbago sa lahat.
"Matulog ka na babe.." bago sila tuluyang nagpaalam. Hinatid muna ako ni Bamby sa aking silid. Susmaryosep!!. Ang lambing pa ng pagkakasabi nya. Kinilig na naman ang puso ko. Nabuhay ang inaantok kong diwa.
"Samahan mo muna ako.." masuyo kong himig. Tinignan nya lang ako na parang walang narinig. Inuna pang asikasuhin ang higaan ko kaysa sa sagutin ako.
Ngumuso ako sa kanyang likod. Nakatayo ako sa tabi ng kamang inaayos nya. "Babe.." paglalambing ko.
"Hmmm?.." malambing pa rin nyang sagot. Damn!. Stop that baby!.. Kanina pa ako nagpipigil rito.
"Sige na babe, please, .." kulit ko. Lalong pinahaba ko ang aking nguso. Nakita kong pinagpag nya yung unan bago tuluyang humarap at mamaywang saking harapan. Kahit may butil pa ng pawis sa kanyang noo at ilong. Ang ganda nya pa rin. Nakakaakit ang labi nyang kumukurba. Idagdag pa ang pulang kulay nito. Susmaryosep Jaden!! Kakalabas mo palang ng ospital. Umayos ka boy!!
Isang matinding pag-iisip muna ang ginawa nya bago sya tuluyang tumango sakin. Di ko alam kung yayakapin ko ba sya ng mahigpit o hahalikan. I'm too excited! Damn baby!!
Inalalayan nya akong humiga bago sya sumiksik saking tabi. Noong una, parang nagdadalawang isip pa sya kung gagawin ba ang sinabi o hinde. Siguro natatakot o nahihiya sa mga taong nasa baba o di kaya'y sa akin. Naman kasi Jaden. Bakit iyon pa ang hiniling mo?. Alam mo namang mahiyain yung tao. Tsk! Tahimik kong kinurot ang sarili sa ginawa.
"Matulog ka na.." anya. Imbes sana mahiga sya saking tabi. Mas pinili nyang maupo nalang. Hinarap ako saka pinagsalikop ang aming mga palad. Nakatupi ang isa nyang paa na nakapatong sa higaan tas ang isa naman ay nasa sahig pa rin. "What?.." tanong nya nang mapansin ang paninitig ko sa kanyang mukha.
"Ang sabi ko, mahiga ka sa tabi ko.. hindi ang panoorin ako.." tunog nagtatampo. Mabilis nyang kinurot ang tungki ng ilong ko.
"Babe, hindi magandang tignan pag nagtabi tayo.. ano nalang ang sasabihin nila pag nakita nila tayo?.."
"Sasamahan mo lang naman akong matulog babe.. uuwi ka rin naman pag nakapikit na ako.." pilit ko pa rin. Mukhang nag-isip na naman sya bago pinagbigyan ang aking hiling. Kahit ngayon lang babe. Gusto kong bumawi sa mga araw na pinahirapan kita. Dahan dahan syang humiga. Sa braso ko sya pinagpahinga. Nakatagilid ang katawan paharap sakin. "Ang kulit lang.. oh ayan.. matulog ka na ha.." pinisil nito ang aking pisngi. Di ko maiwasang tumitig sa malaanghel nyang mukha.
"Opo babe.. matutulog na.. good night.. I love you.." hinalikan ko sya sa kanyang buhok bago tuluyang pinikit ang mata.
Pakiramdam ko, nasa ulap ako ng mga oras na yakap ko sya saking bisig. It really warms my heart. Nawala lahat ng alalahanin saking isip.
"Jaden, gising ka na ba?. Andito na si Bamby oh.. papasok na sya.." nagbabanta ang himig ni ate Catherine sa labas. Kaya walang pakundangan rin akong tumayo at nag-ayos ng hinihigaan.
Nilagok ko ng mabilisan ang isang bote ng tubig na nasa mesa. Kinakabahan ako. Baka magalit sya dahil matagal akong gumising.
"Ate, maghihintay nalang ako sa baba.." dinig kong mahinang sambit nya. Kumalabog ang dibdib ko. Kaya gumawa ako ng malalaking hakbang upang marating agad ang pintuan. Kasabay ng paggalaw noon ay ang paghawak ko rin. Muntii na akong nauntog kung di lang ako umatras ng mabilis. "Gising na pala eh.. hay naku!.." heto na naman ang ate. Inirapan na naman ako ng hard.
"Good morning.." nakangiting bati ng mahal ko. Nakaligo na sya tapos eto pa rin ako. Nakakahiya ka boy!. Wala naman kaming pupuntahan. Sinabi nya lang na papasyal sya dito ngayon. Di ko alam na ganitong kaaga sya pupunta.
"Good morning babe.." ngiti ko saglit bago bumaling sa nakabusangot na mukha ni ate. "Dali na boy!. Sinusundo ka nya. Punta raw kayo sa bahay nila.."
"Huh?.." bangag kong tanong na di na nila sinagot. Akmang magsasalita pa sana si Bamby nang hilahin na sya ni ate palabas ng kwarto. Naku talaga!. Mga babae nga naman!
"Dali na Jaden!.." minadali na naman ako ng mahal kong ate. Ewan ko ba kung bakit nagmamadali sya. Wala namang silang binanggit kung anong meron sa bahay nila. Tsaka. Kakalabas ko lang ng ospital diba?. Anong meron kung ganun?.
Imbes kulitin sila. Mas pinili ko nalang na magmada gaya ng gusto ni ate. Di ko sya maintindihan kung bakit lagi nya akong minamadali. Kainis!
Pagkatapos maligo at magsuot ng shorts at puting t-shirt na may puso sa gilid nito ay bumaba na ako. Kinse minuto ko lang ginawa ang maligo at magpalit. Di tulad ng nakasanayan kong kalahating minuto.
"Sunod ka duon ate.." bilin pa nya kay ate na tinulak na ako palabas ng bahay. Asan ba sila mama?. Kung andito lang yun. Baka kanina pa napagalitan ito sa pang-aapi nya sakin.
"Ready babe?.." inagaw ni Bamby ang atensyon ko mula sa nakangisi kong kapatid na kumakaway mula sa loob ng bahay.
"Bakit babe?. Anong meron?.."
"Basta.. sakay na.." matapos kong sumakay sa magara nyang sasakyan. Pinaharurot na nya ito papunta sa kanilang bahay.
"Isuot mo muna ito.." Anya. Bago pa ako makapagreact. Piniringan na nya ako. Di ko pa alam kung anong meron. Pero base sa mga kilos nya. Mukhang may ginawa nga sya.
"Babe, anong meron?.."
"You'll see later.. slowly babe." inakay nya ako sa kung saan sinasabing wag magmadali sa paglalakad. Kinakabahan ako. Baka kung ano ito.
"Welcome back!!.." sumalubong sakin ang sabay sabay na sigaw ng mga kaibigan at kaklase ko ng tuluyan na nyang alisin ang aking piring. Andun ang buong tropa at mga kaklase noong high school. "Surprise!.." ngiti nya sakin nang lingunin ko sya. Sobrang ganda ng kanyang ngiti kaya di ko na naman napigilan ang aking sarili na yakapin sya sa harap ng maraming tao.
"Babe, I love you!.." isang matamis na halakhak ang ginawad nya sakin bago lihim na hinalikan sa pisngi. Sa bandang di nila makikita.
You made my day complete babe!.