Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 240 - Chapter 10: Right time

Chapter 240 - Chapter 10: Right time

Lumipas ang oras na binalikan ko lahat ng alaala naming dalawa. Simula noong unang kita ko sa kanya sa aming bahay. Sa bata nyang mukha hanggang sa nagdalaga, pagtungtong namin ng high school. Simula sa maliit na kanyang baba. Katamtaman na ilong at mapupungay na mata. Lalo syang gumanda. Di ko noon inamin sa sarili ko na may gusto ako sa kanya. Tuwing andyan sya sa paligid. Lagi akong natataranta. Kinakabahan o nanlalamig. Akala ko noon, nahihiya lamang ako sa kanya. Iyon pala, hindi lang pala simpleng pagkagusto ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko na pala sya.

Ilang araw syang bumalik para bantayan ako. Natuwa ako na parang nabigyan ng maraming bitamina dahilan para maging malakas ang pangangatawan ko. Sinabi sakin ng doktor na baka sa makalawa ay pwede na akong umuwi. Kung ganun, wala na ba akong sakit?. Bakit may parte pa rin akong di maalala?. Hindi lahat ay naalala ko na. Iilan lamang. Pili. At sa pagkakaalam ko. Yung pangyayaring gusto ko pang kalimutan ang kusang bumabalik sakin.

"Malapit ka nang umuiw Jaden.." masiglang anunsyo sakin ni ate. Dala nya sina Klein at Niko na madalas daw akong hinahanap. Tumalon si Niko sakin sa gitna ng maliit na kama kahit sinaway na sya ni ate.

"Kuya, kailan ka ba uuwi?. Nakita ko si ate Bamby kanina.. Magalalaro sana tayo ng taguan.." he mentioned about hiding.

Naalala ko na minention sakin ni Bamby ang tungkol sa taguan. Panahong gusto kong magpaliwanag pero di nya ako binigyan ng oras. I clearly remember that. Parang kusang nadurog ang puso ko. Di ko sinasadyang saktan sya ng ganun. I'm no control of what certain things happen. Hindi ko tinawag si Veberly o pinaunlakan na pumunta ng bahay. Nagtataka pa nga ako kung paano nya nalaman ang aming address. Basta nalang syang nagpakita doon at sa maling pagkakataon pa. Mali pala. Talagang mali na ang ideyang puntahan nya ako sa bahay. Di ko sya lubusang kilala. Noon ko lang nalaman na pinsan pala sya ni Bamby. I didn't know that they're blood related. And that, her true motive.

Bumalot ang ingay ng dalawang bata sa kwarto. Kahit may laman na ang bibig. Di pa rin sila tumigil kakadada.

"Ate Bamby!.." doon pa lalong nag-ingay ang dalawa.

Nakangiti syang pumasok kasama ang kanyang kapatid. Parehong may bitbit. Isang supot kay Bamby ng prutas. At nakakahon naman ang kay Lance. Saglit lang dumapo ang mata nya sakin bago nalipat kay Niko na hinila ang kanyang braso. Naku Niko!!

"Tita, may dala po kaming pagkain.." itinaas agad ni Lance ang hawak. Pinapakita sakin imbes na kay mama. Kinindatan ako ni Lance bigla na di ko alam kung para saan.

"Pare, kamusta?.." nilapitan nya ako. Nilagpasan ang kapatid na abalang nakikipag-usap na sa madaldal kong kapatid. Dinaig pa ako. Susmaryosep!!.

"Medyo maayos na.. Kamusta rin?.." tanong ko na ang paningin na ay nasa kanyang kapatid. Humahalakhak ito dahil sa kiliti ni Niko.

"Talaga?.." tumigil sya kung kaya't nilingon ko ang pwesto nya. Nagtataka akong tumingin sa kanyang mukha. Nakataas na ang isang sulok ng manipis nyang labi habang palipat lipat ang tingin samin ni Bamby. He's probably thinking about something else. Di ko lang alam kung ano. Tinutukso ako sa kung anuman. "Ayos lang ako. Eto rin ba?.." sabay turo nya saking dibdib. "Maayos na?.." dugtong nya.

Tumitig lang ako sa kanya. Ngumisi sya. Napapailing sa katahimikan ko. At sa pagkakatulala ko. Tinapik nya na lamang ako sa balikat. Saka tinanguan bago lumipat sa maingay na gawi.

That day, made me realize how lucky I am to have them. Also her, with us.

Natapos ang araw na iyon na masaya ang lahat. Agad nagpaalam ang magkapatid samin. Kasabay naman nila ay sina mama. Sya na ang nag-uwi sa mga bata. Si ate ang naiwan sakin para magbantay.

"Jaden, anong naramdaman mo nung nakita mo si Bamby na nakikipaglaro kay Niko at Klein?.."

Curiousity hits me. Anong pinupunto nya?.

Walang akong naisagot. Maraming gumugulo sa isip ko pero hindi ko iyon maisatinig.

"Naalala mo na ba sya?.." sa isang iglap. Natanto ko kung anong ibig nyang sabihin.

Kumurap ako. Bago sya tinanguan ng dahan dahan. "Totoo!?.." histerya nyang sambit. Niyugyog pa ako sa braso. Bigla tuloy akong nahilo ng wala sa oras.

"Shit!.. Dapat malaman na ito ni mama.. Lalo na sya.."

"Ate?.." pigil ko sa kanya. Nagtatanong ang kanyang mata.

"Bakit?.." hawak ang cellphone sa kanang kamay habang ang isa ay nasa aking braso.

"Pwedeng ako nalang ang magsasabi kay Bamby.." hiling ko. Gusto kong ako ang mismong magsabi sa kanya. Gusto kong makita ang reaksyon nya. Namiss ko iyon ng.sobra.

Pumayag si ate. Pero di ko na sya napigilan pa sa pagsasabi nya kila mama. Deserve naman nila na malaman iyon. Lalo na't marami silang nasakripisyo para sakin.

Kinaumagahan, dumating muli sya. Nakahiga ako pero gising na gising ang diwa kahit nakapikit. Naramdaman ko ang mainit nyang haplos saking ilong papunta saking pisngi hanggang saking labi. Agad nag-init ang katawan ko sa naidulot nyang iyon.

"Akala ko di ka na darating?.." Bawat ikot ng mahabang kamay ng orasan. Natatakot na ako. Na baka sa susunod na pitik nito. Wala na sya.

"Natakot akong baka di ka na babalik.."

hinawakan ko ang kamay nya saka hinaplos iyon. Matapos ko syang hilahin upang maupo sa mismong harapan ko kumalabog na ng husto ang puso ko. Di na mapigilan ang sarili sa kanyang presensya

Malungkot akong ngumiti sakanya bago ko pinahinga ang aking noo. sa kanyang balikat. "Pwede mo ba akong hintayin?.." kahit di ko yata hilingin ito sa kanya. Matik na gagawin nya na dahil sya yata si Bamby. Ang babaeng lahat, gagawin. Kayang liparin ang kalahating bahagi ng mundo para sakin. Kayang suwayin ang utos maging maayos lang ako. Wala na yata akong mahihiling sa buhay ko.

"Hindi ko yata kayang mawala ka saking tabi. " totoo. Ayokong mawala sya sa paningin ko. "Can you wait for me?.." I begged kahit di na kailangan. Hinaplos nya ang aking likod saka sinabing hihintayin nya ako kahit anong mangyari.

Wala na nga akong maipintas sa kanya. Wala na rin akong ibang masabi kundi ang, sana totoo ang pang habambuhay na sa amin.

At naniniwala akong mangyayari iyon sa tamang panahon.