Alas kwatro ng madaling araw. Bigla akong nagising. Pakiramdam ko. Nanaginip ako pero di ko na matandaan. Hinanap ko si ate. Andun sya sa may sofa. Nakahiga ang kalahati ng kanyang katawan subalit ang paa'y nasa sahig. Ang hirap ng ganung posisyon. Paniguradong masakit likod nito mamaya. Tahimik kong inalis ang kumot saking paa, maging ang paghila ko sa may stand ng dextrose ay dahan dahan. Naglakad ako papunta sa gawi nya.
"Sigurado akong masakit likod mo neto.." bulong ko sa sarili habang nilalagay ang kumot sa kanya. Mapait akong ngumiti saka naglakad papasok ng banyo.
Ano kayang ginawa ni Bamby kahapon?. Bakit di na nya ako pinuntahan?. Aware ako sa mga ginawa ko noong nakaraang araw. Masyado nga iyon. Sumobra ka nga Jaden. Ngayon ko lang natanto gayong tapos ko ng ginawa. Nasa huli pala talaga lagi ang pagsisisi. Sana, hindi nya ako sukuan. Sana, di nya rin ako iwan. I wish that she'll still hold on to me. Not leaving me even if I'm this naive. Takot ako mamaya pagkasikat ng araw. Baka di na nya ako puntahan o dalawin man lang. Kapag nangyari iyon. Laking talo ko. Higit pa sa loto.
Naglakad ako't lumapit sa may bintana. Mahina ang hilik ni ate na pati ang tunog ng tsinelas ko ay aking naririnig sa sobrang tahimik. Hinawi ko ang medyo kulay abo at mahabang kurtina. May tali sa gilid nito kaya itinali ko na rin. Noong matapos kong ayusin ang kurtina. Tumambad sakin ang madilim pang kapaliguran. May mga bituin pa sa kalangitan. Iilang ilaw sa kabahayan. Maging ang buwan ay buo rin. Kumikislap sila na parang mga bombilya. Tiningala ko sila at kinausap na para bang ibibigay nila sakin ang sagot na gusto kong marinig. "Bakit sya pa ang nakalimutan ko?.."
Bakit sa dami ng tao sa buhay ko, sya pa ang nawala sa alaala ko?.
"Hindi mo sya nakalimutan. andyan pa rin sya sa puso mo.. kailangan mo lang itong hanapin.." bigla ay narinig kong sagot sakin ni ate. Noong lumingon ako sa kanya. Tulog naman sya. Di kaya nagsleep talking, o baka naman, di talaga sya tulog?. Nagpapanggap lang?.
"Ate?.." nagtataka kong tanong dito. Hindi sya gumalaw o umungol man lang. Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa mata nyang nakapikit. Ganun pa rin ang ayos nya. Hindi nagbabago. Kahit ang kanyang hininga'y mahinahon pa rin. Tulog nga talaga sya.
Hinayaan ko na lamang sya para makapagpahinga pa ng husto. Pagod sya at tulog nga ang kailangan nya. Di nya man sabihin saking napapagod na sya. Ramdam ko iyon.
Bumalik muli ako ng higaan at muling natulog. Hindi na nawala sakin ang imahe ni Bamby. Sya na ang tumatakbo sa isip ko simula pa kahapon.
"Masaya akong bumalik ka.." dinig kong bulong ni ate sa di kalayuan. I wonder kung sinong kausap nya.
"Hehe.. opo ate. Pasensya na. sinamahan ko si kuya kahapon kaya di na ako nakabalik dito.." biglang may nagliwanag saking mundo ng marinig ang boses na yun. Bumalik nga sya!. Bamby! Gusto kong tumalon sa kama papunta sa kanya para bigyan sya ng mahigpit na yakap. Gusto kong tumakbo papunta sa kanyang bisig pero susmaryosep! Nahihiya ako. Naduduwag ako. Puro lunok nalang ang nagagawa ko sa pagpipigil ng totoong nararamdaman ko.
"Mabuti.. alam mo.bang hinanap ka nya?.." kumalabog ang puso ko sa rebelasyon ni ate. Susmaryosep!!
Wala akong narinig na naging tugon nya. Siguro nagtaka o nag-isip sya kung bakit ko sya hinanap. Excited akong marinig ang maging sagot nya pero... wala. Wala talaga. Dismayado akong huminga ng lihim sa ilalim ng aking pagkakahiga.
Siguro nga. Nasaktan ko sya ng higit pa sa iniisip ko. Di nya nasagot si ate eh. Malamang, hirap syang kumpirmahin kung natuwa ba sya o hinde.
Kailangan ko talagang humingi sa kanya ng tawad kahit di nya ako kausapin. Bigyan nya lang ako ng tamang oras para makapaghanda. Wala pa akong lakas para salubungin ang ngiti nya.
Nakatagilid akong nakahiga. Nakapikit pero hindi naman totoong tulog. Naramdaman ko ang presensya nya sa likod ko. Alam kong sya iyon dahil sa gamit nyang pabango. Naaadik ako. "Hinanap mo ba talaga ako?.." isang haplos ang iginawad nya saking likod na nakapagpatayo sa lahat ng natutulog kong balahibo.
Hindi lang isa ang binigay nya kundi marami pa. Lumipat sa braso ko saka huli saking ulo. "Natutuwa ako dahil hinahanap mo na ako.."maging ako ay natuwa sa sinabi nya. Malaking bagay pala iyon sa kanya. Lihim akong ngumiti. Segundo lamang. Baka makita nila. At aaminin ko ring. Higit rin ang dulot ng prensya nya sa akin. My heart's jumpiing with joy. Celebrating her presence.
Iyon lamang at umalis na sya. Gabi ay nakangiti akong kumain kahit walang lasa ang pagkain. "Mukhang masarap tulog mo ha?.." tukso sakin ni ate. Nginisihan ko lamang sya saka inalok ang pagkain na nasa aking harapan. Umiling sya't ipinakita rin ang pagkaing nasa kandungan nya. Binili nya ata.
"Bilisan mo nang magpagaling para mas lalo kang kiligin.." kindat nya pa sakin bago nagpatuloy sa pagkain.
Di ba dapat ako ang nagpapakilig?. Bat baliktad ata sinabi nya?.
Alas dos ng hapon ay naalimpungatan ako sa langitngit ng pintuan. Idinilat ko ng mabagal ang aking mata. At tumama agad sa likod ng isang pinong babae. Mahaba ang buhok. Suot ang shorts na maiksi at maluwag na damit. Alam kong sya to!. I felt it!
Isang ngiti agad ang iginawad nya sakin nang magtama ang aming mata. Her genuine smile that makes my heart flutter. Imbes magsalita sya. Mas pinili nyang kawayan ako habang suot ang magandang ngiti. Lumitaw ang nagtatago nyang dimple. Lumiit ang maliit nyang baba na mas lalong bumagay sa kanyang magandang mukha.
Isang maliit na tango at totoong ngiti ang iginanti ko sa kanya. This is how you should do Jaden. Be kind always.
"Gutom ka na ba?. May dala akong pagkain.." tapos itinaas nya yung dalang basket. Hindi ko iyon napansin kanina. Masyado akong nasilaw sa suot nyang ngiti.
Sabay kaming kumain. Hindi kami nag-usap pero atleast may improvement. Di ko na sya pinalabas o sinigawan. Normal lang ang lahat samin. Pero itong puso at isip ko. Kanina pa ako binabaliw kakaisip sa kanya.
Sana. Sa tamang panahon. Bumalik na ang alaala ko. Kasama sya