Kinaumagahan. She came back. Hindi ko iyon inasahan dahil hapon lang ang alam kong oras nya para dalawin ako. Kahapon. Bago sya umalis. Binilin nyang baka di sya makapasyal sakin ngayon. Sasamahan nya raw ulit ang kanyang kuya. Malungkot akong pumayag sa kanya pero itinago ko iyon. Pero, anong ginagawa nya rito?. Hindi ba sya sumama sa kapatid nya?. O hindi na sila natuloy sa pupuntahan nila?. I wonder. Baka kaya?.
"Napaaga ka hija. Hindi ba kayo natuloy sa lakad nyo?.." salamat kay mama dahil sya na ang nagtanong sa gusto kong sabihin. Inaayos ni mama ang unan sa bandang ulo ko habang ako naman ay nagpapanggap na tulog. Eto lang ang tangi kong paraan para marinig ng pirmi ang kanyang boses. Tuwing magkaharap kasi kami. Pareho kaming walang masabi sa isa't isa. Tipong gustong sabihing mahal kita ngunit napanghihinaan ng loob. Naduduwag o sabihin na nating natatakot.
"Ah opo tita. Bigla pong kinancel ni kuya lakad eh..kaya pumunta nalang po ako dito.. si ate Catherine po?.." mas lalong naging buo ang boses nya sa aking pandinig. Parang lumapit ito sakin. "Ako na po dyan.." huli ko nang natanto na nilapitan nya nga ako. Amoy na amoy ko ang kinababaliwan kong pabango nya. Kapag naaamoy ko ito. May mga pangyayari na bumabalik sakin kasama sya.
"Umuwi muna.. Umiiyak daw si Klein. Hinahanap sya.." sagot ni mama sa kanyang tanong kanina. Hindi pa rin kumakalma ang puso ko sa taglay nyang bango. Parang kumapit na ito saking ilong. Di na mawala waka.
"Maiwan muna kita dito hija.. bibili lang ako ng inumin.."
"May dala akong pagkain dito tita.."
"Salamat hija.." iyon lang at narinig ko na ang langitngit ng pintuan. Lumabas nga si mama. Heto na naman kaming dalawa.
Maraming gumugulo saking isip ngayon pero wala akong maintindihan kahit na isa sa kanila. Patuloy pa rin sya sa pag-aayos ng kumot sakin kahit hindi naman yata magulo. Tuloy pakiramdam ko. Pinapunan nya ang mga blangko na di ko kayang sagutin. Mga katanungan na di ko pa kayang bigyan ng kasagutan.
I want to ask her kung ano nga ulit kaming dalawa. Kung totoo nga bang kami nga. At kung totoong niligawan ko sya. Torpe kasi ako. Alam ko iyon noon pa. Kaya nga di ako naniniwala ngayon dito. Subalit lagi akong nauubusan ng lakas para magsalita tuwing nakangiti na sya sa harap ko. She turn my whole thoughts down in an instant. Oo, wala akong maalala ngunit hindi nagsisinungaling itong puso ko. Alam nya at ramdam nyang may namamagitan saming dalawa.
"Babe, kilala mo ba kung sinong kinababaliwan ni kuya ngayon?.." bigla ay tanong nya sa lumipas na mahabang katahimikan. I remain. Nakapikit kahit gusto nang dumilat. She laughs a bit before continuing. "Si Joyce.. my bestfriend.." dugtong nya.
Babe?. Bat ang sarap nyang pakinggan?. Say it again babe!
Mabilis akong lumunok. Ewan ko. Pawang pamilyar sakin ang pangalang binanggit nya. Bestfriend nya diba?. Kakasabi nya lang boy!. Oo nga. Bestfriend nya. Pero di ko talaga matandaan ang mukha nya. At teka. Si Lance?. Talaga ba?. Bestfriend ng kapatid nya?. Pinatulan nya?. Why not Jaden?. Kailanman. Hindi mo matuturuan ang puso mo kapag tumibok na ito sa isang tao. Kapag nahanap ng puso mo ang kapareha nito. Di na magbabago iyon.
"Hahaha.. nakakagulat diba?. I know. Baka nakalimutan mo na rin si Joyce, ako nga eh?.." kumalabog ng malakas ng dalawang beses ang aking puso. Kinakabahan sa susunod nyang sasambitin.
Sorry! Sambit ko na lamang saking isip. Soon. Masasabi ko rin sa'yo ang bagay na yun. "Actually, tuloy kami ngayon.." patuloy nya. So she lied? Why?. Hinawakan nya ang buhok ko saka hinaplos iyon ng dahan dahan. Bakit sya andito kung ganun?. Tama ba akong di sya sumama dahil sakin?. Let me know please. I wanna hear it. Tumayo na naman ang balahibo ko sa batok dahil sa paghaplos nya naman ngayon saking pisngi. Susmaryosep Bamby! "Nagpaiwan ako dahil alam kong hahanapin mo ako.." Oh boy! I'm so speechless!!
"Unfair naman kung sasama ako sa kanya tapos andito naman isip ko?. useless akong kasama pag ganun.." she continued. Damn!. Pano ko nga ba pipigilan ang damdamin ko para sa kanya?. She's so sweet and kind. Wala akong maipintas. Unti unti kong idinilat ang aking mata. I don't mind kung nasa tabi ko sya o nasa harapan pa mismo. Gusto kong makita ang mukha nya. Ang mata nyang kumikinang lagi na kapag nakatingin ako doon. Parang nasa iba akong demensyon.
Mabilis nyang tinanggal ang kamay saking pisngi. Nahihiya. Nag-iwas sya ng tingin ng pasadahan ko ang mukha nya ng tingin. "Ayos lang sakin kung sumama ka. basta di lang ako mawala sa isip mo.. solb na ako dun.."
Dahan dahan syang nag-angat ng yingin. Nangingiliran na ng luha ang gilid ng kanyang mata. Damn! Don't cry please!
Pinilit kong umupo para maabot ang makinis nyang pisngi. Kahit puno pa ng luha ang kanyang mata. Tinulungan nya pa rin ako. "Babe, naaalala mo na ba ako?.." humikbi sya. Nahabag ako. Don't cry Bamby!. I wanted so much to utter those words but fuck!.. I'm too nervous. Natatakot ako sa mga luha nyang parang mga bolang crystal. Na kapag nahulog at nabasag na sa sahig. Hindi na iyon mabubuo muli. I don't want to break her, again. If I already did. Wala ako sa tamang katinuan noon. Ngayon, alam ko na ang halaga nya sakin.
Hinaplos kong muli ang kanyang mukha. "Hindi man kita naaalala sa ngayon.. ramdam kong, may parte ka na rito.." nagbaba ako ng tingin sa bandang dibdib ko. I know that she already stole my heart. That she's already in there. And that, she's always mine.
Isang mahigpit na yakap ang binigay nya sakin. Nawala ako sa katinuan. Niyakap ko rin sya ng mahigpit. Umiyak sya saking balikat habang binubulong ang, "Please get well as soon as possible.. I miss you more babe.." ramdam ko ang sinseridad. Takot at pangungulila sa kanya.
Gusto ko na ring maalala ka. I wanted to go home. And that home is, her.