Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 221 - Chapter 71: Champion

Chapter 221 - Chapter 71: Champion

Flashback 1.0

Tumayo ako sa tabi nya habang hawak ang kamay nya. Pinisil ko iyon at nilaro. "Diba gusto mo akong makita babe?." simula ko. Nilaro pa ang kanyang palad. Gumuhit ng hugis puso doon. "Andito na ako... kaya sana magising ka na please... miss na miss ko na boses mo.. ang ngiti mong lagi akong nilulunod sa kilig.. yung korny mong joke tsaka yung mga biro mong di ko masakyan dahil naiinis na ako. Gising na babe please... nag-aalala na sina tita sa'yo...si ate Catherine at Tito.. lagi ka ring tinatanong ni Niko samin.." mangiyak ngiyak kong bulong.

Biglang bumalik ang nakaraan sakin. High school days.

Tuwing nakikita ko sya noon na nakangiting naglalaro ng basketball. Tumatalon ang puso ko habang pinapatalbog nya ang bola sa sahig. Tuwing tinatapunan nya ako ng tingin pagkatapos nyang ihulog ang bola sa basket. Namimilipit talaga ako sa kilig. Pinagsasabihan pa ako ni Joyce na wag oa. "Wag masyadong oa Bamby.. baka masaktan ka lang.." eto na naman sya sa mga paalala nya. Di ko sya pinansin at nilunod ko lang ang sarili sa kilig na nadarama.

"Shit!. Go Jaden!.." muli kong sigaw nang makahulog sya ng bola mula sa malayo. Three points baby!.. Nagtatalon talon ako sa harap ni Karen na umiiling lang sakin. Disappointed. But I'm happy bes. Support me please just for now.

"Ang gwapo nya lalo bes.. nakita mo kung paano sya kumindat sakin?.. Oh my gosh!!.." tili ko mismo sa kanyang harapan. Tinakpan pa ang mukha dahil pakiramdam ko, pulang pula na ako.

"Alam mo bes.. hindi ikaw yun...sya un oh.." sabay turo nya kay Denise na transferee. Tahimik itong nakaupo sa taas namin. Diretso ang tingin sa mga players. Ang sama. Kaibigan ko ba sya o hinde?. Bakit di nya ako masuportahan?.

"Grabe ka naman.. di ba pwedeng suportahan mo nalang ako?.." nguso ko sa kanya. Kinawit ang aking braso sa nakahalukipkip nyang braso.

"Paano kita susuportahan kung masasaktan ka lang?.."

"Hindi kaya.." ngiti ko dito. Nasa mga naglalaro pa ang kanyang atensyon. Di ko mahulaan kung nanonood ba sya o may tinitigan. Seryoso kasi sya kung tumingin eh.

"Tskk.. Ewan ko sa'yo.." nilubayan ko nalang sya at pinagpatuloy ang pagsigaw sa pangalan nya.

Ikalawang araw na ng intrams namin. Una yung pageant na sinalihan ko. At swerteng napanalunan ko rin. Tas ngayon, ay mga sports naman. Sasali sana ako sa volleyball kaso mainit sa venue nila. Kaya di ko na tinuloy.

Nagsaya ang lahat sa pagkapanalo nila. Natalo ang naman grupo nila kuya. "Whoa!!.." hinila ko pababa si Winly na tumitili rin. "Bilis.. batiin natin sya.." masaya kong sabe habang nagmamadaling makababa. Nag-tutulakan ang ibang estudyante na bumati sa kanila. Nilinga ko ang paligid. Walang tao sa kabilang side kaya doon ako dumaan. Nakapila silang lahat sa bleachers nila. "Gurl, ano ba?. teka lang naman.. nasisira na beauty ko.." maarte pa nyang reklamo. Di ko sya pinakinggan. Hinila ko sya sa kabilang side. "Saan ba tayo pupunta?.."

"Sa kanila nga.. babatiin lang natin.."

"Sus.. babatiin o gusto mo lang titigan?.." tinakpan ko ang kanyang bibig. Ngunit naglaro ang nang-aasar nitong mga kilay. "Ang daldal.. baka marinig ka gurl.. maisyu pa ako..tsk.." pigil ko sa kanya. Ramdam kong humaba ang kanyang nguso kaya mabilis kong inalis ang aking kamay sa bibig nya. "Tara na kasi.." kung pwede lang akong lumuhod sa harapan nya. Gagawin ko. Kaso, nagmamadali kasi ako. Baka di ko na sya mabati.

Dahan dahan akong naglakad sa may bleachers kung saan may ibang players na nakaupo pa doon. Umiinom ng tubig. Ang iilan naman. Nagpupunas ng pawis. Tanaw kong nasa dulo sya nakaupo kaya mas binilisan ko ang bawat hakbang. "Hi.." tangina!.. nanginginig talaga ako. Lumingon sya sakin nang may bote.pa ng tubig sa kanyang labi. Natigilan sya at tinanggal agad ang nakalagay sa kanyang bibig. "Hello.." oh damn!... naghello sya!!!. Waaaa!!... Natataranta pang tumayo.

Chill Bamby!. Breathe in. Breathe out.

"Ah hehe... Congratulations.. panalo tayo.." tumawa ako para ibsan ang pagkailang at kaba sa kaibuturan ko. Damn it!.. Jaden, you're so near yet so far.. Suskupo!.

Champion ka rin sa puso ko!.. Bang!.

Tumatawa ako pero kalahati lang dahil kinakain na nang kaba ang buong sistema ko. Kung saan saan na ako dinadala kasama sya. I'm a big fat day dreamer.

"Salamat..hehe.. congrats din sa'yo kahapon.." inilahad ang malapad nyang kamay sakin. Tumunganga ako ng ilang minuto. Parang baliw na nakatingin lang sa kamay nya. Sinasabi ko naman. Di ako makapag-isip ng maayos dahil sa kaba.

"Ehem.." may biglang tumikhim saking likuran. Tapos biglang sumulpot si Winly na hindi masukat ang ngiti. "Gurl, baka mangalay si boy Jaden.. kamayan mo na.." lintik!.. Kumindat pa sya sakin. Suskupo Bamby!. Nananaginip lang ba ako o totoo na to?..

Nanlamig ang kamay ko nang abutin ko ang kanyang kamay. "Salamat Jaden.." My goodness!!.. Walang hiyang dila. Nautal pa.

Ilang sandali lamang naglapat ang aming mga palad pero ramdam ko ring nanginginig sya.

Whoa!. Kinakabahan rin ba sya sakin?.

Oo ang sagot nya roon. Gusto nya na rin daw ako matagal na. Nga lang. Dahil sa katorpehan, hindi nya masabi sabi.. Kaya pala ganun nalang ang panginginig nya. He's into me too. Shit!.

Iyon ang unang beses kong nahawakan ang kanyang kamay. Parang may kuryenteng dumaloy galing sa kanyang palad papunta sakin. Kapag naaalala ko ang panahong iyon. Bigla nalang akong nangingiti na parang baliw.

Katulad nalang ngayon. Imbes, may luha saking mata. Heto ako ngayon. Nakangiti sa harap nyang parang baliw. "Babe, gusto kong hawakan mo ulit ang kamay ko habang tayo ay naglalakad sa may kalsada..proud ako tuwing nasa ganuon tayong posisyon.. holding hands while walking.. sweet kasi.. at alam mong gustong gusto ko ng mga matatamis.." I paused. "Marami pa akong gustong gawin kasama ka.. kaya sana, bumalik ka na.." muli kong hinaplos ang kanyang kamay bago sya hinalikan sa noo at lumabas na.