Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 220 - Chapter 70: ICU

Chapter 220 - Chapter 70: ICU

Nasa ganun kaming posisyon nang biglang sumulpot si Tito sa kanilang kusina. "Bamby?.." nagtataka syang tumingin sakin. Umawang ang labi ko sa gulat. Di ko inasahan na darating sya ng maaga. Ang sabi kasi ni ate. Mga ala una pa sya uuwi. Alas dose palang. Yumuko ako upang punasan ang luha saking pisngi. Matapos kong ayusin ang sarili. Nilapitan ko sya saka nagmano. "Hi po.." magalang kong sabi. Tumayo akong nakayuko pa rin. Nahihiyang ipakita ang mukha.

"Hindi ko nabalitaan na uuwi ka hija.. kailan ka pa dumating?. Sinong kasama mo?.." sunod sunod nitong tanong. Bigla akong kinabahan. Galit ba sya?.

"Ah.. biglaan lang po tito.. gusto ko lang pong makita si Jaden.." yakap ko ang bigay sakin habang sa sahig pa rin nakatingin.

Nagpakawala sya ng buntong hininga.

"Hindi mo ba sinabi Catherine?.." bing nya sa anak.

"Sinabi nya po tito.. kaya po ako umuwi.." Ayoko sanang maging bastos pero kailangan kong ipaliwanag na walang kasalanan si ate. Kaya ako na ang sumagot.

Nag-angat ako ng tingin ng ilang minuto na ang nakalilipas pero wala pa ring syang sinasabi. Doon ko nakita na, malaki nga ang problemang kinakaharap nila. Yung dating medyo may laman na braso at tyan nya. Ngayon, wala na. Lawlaw na ang damit nya na dati ay kulang nalang pumutok sa kanyang katawan. Napagtanto ko rin na matagal na syang nakatitig sakin.

"Okay lang po ba kung ako muna ang magbabantay sa kanya?.. namimiss ko na po kasi sya.." dire diretso kong sambit. Wala na akong pakialam kung pagalitan nya ako. Basta, payagan nya lang akong makita ang anak nya. Ayus na yun sakin.

"Nasa ICU pa rin sya.." malungkot nyang himig bago nagbaba ng tingin at tumalikod samin. Sinundan ko sya ng tingin. Dumiretso ito sa mahabang sofa at duon humiga. Bakas ang pagod at puyat sa kanya.

"Pagpasensyahan mo nalang sya Bamby.. pagod at puyat kasi kaya ganyan.." hinawakan ni ate Cath ang aking likuran nang sabihin ito.

"Ayos lang po ate.." sagot ko sa kanya nang di sya nililingon. Tinapik nyang muli ang balikat ko bago pinuntahan ang ama saka inakay sa may kusina kung saan ako naroroon. Pinaupo nya ito at pinagsilbihan. Ultimo tubig at manggang dilaw ay hinati na nya. Habang pinapanood ko si ate sa mga ginagawa nya. Nag-offer ako ng tulong sa kanya pero hindi nya pinayagan.

Di agad kumain si tito. Nakatingin sya sakin ng mariin. Di ko matukoy kung galit o inis iyon. Dahil doon. Nahiya na talaga ako. "Pasensya ka na sakin hija.. kulang ako sa tulog kaya mainit ulo ko.." paliwanag nya bigla.

Ngumiti ako bago tumango. "Ayos lang po.." ayos lang po kahit pagalitan nyo ako. Sigawan. Payagan nyo lang po akong masilayan ang inyong anak. Gusto ko itong idugtong pero naisip ko na mainit nga pala ulo nya. Baka mas lalong uminit pag nagkataong sabihin ko pa.

Inihanda ni ate ang lahat ng aming idadala sa ospital. May isang back pack na iniabot nya sakin. Ang sabi nya. Mga damit nya raw iyon. I want to open it. Tignan at amuyin kaso kinakain ako ng hiya. Imbes na gawin ang nasa isip. Nilagay ko nalang iyon sa likod nang kotse bago kami tumungo.

Malapit lang naman ang ospital na kinaroroonan nya. Sa totoo lang, alam ko kung paano pumunta roon. Sadyang, gusto ko lang humingi ng pormal na permiso na kung pwede akong pumunta doon. Nagtext sakin sina Karen at Winly na di raw sila makakapunta ngayon dahil pareho silang abala sa school papers nila. Naiintindihan ko naman. Sinabi kong ayos lang kahit ako na muna ang mag-isa. But after a minute na sinend ko iyon. Pareho silang tumawag. They asked kung asan daw ba ako. Sinabi ko sa kanilang umuwi ako for him. Sinigawan pa nila ako pareho. Bakit di ko raw sinabi na umuwi ako. How will I?. Paano ko iispin ang ibang tao kung sya lagi ang tumatakbo saking isip?. Mahirap kayang magdouble think.

Binilin nila na susunod nalang raw sila sakin. Nagkaroon na naman ako ng lakas ng loob ng pumasok ng ospital. Naglakad kami sa hallway na tahimik. Di ko nga maintindihan kung bakit nag-rereklamo itong puso ko kahit sobra naman ang katahimikan sa paligid. Sa dulo ng nilalakaran namin. Tanaw ko ang isang babaeng nakaupo sa gilid. Hawak nito ang ulo. Mukhang malaki ang problema.

Habang kami'y papalapit. Lalong lumalakas ang kalabog ng aking dibdib. "Ma.." nag-aalalang tumakbo si ate Cath sa babaeng biglang nahulog sa sahig. Yung mga gamit na bitbit nito. Agad binitawan. Mabilis ko iyong dinampot bago sya tinulungan.

Di ko alam na si tita pala yun.

"Ma!.." umiiyak na si ateng ginigising si tita. Naguguluhan ako. Di makapag-isip sa kaba. Shit!. Relax Bamby!.. Think!..

Tumakbo ako kahit di alam kung saan pupunta. Kailangan kong maghanap ng nurse o kahit na sino dito sa ospital. "Nurse!.." hinihingal kong tawag sa napadaang nurse. "Kailangan po namin ng tulong nyo.. may nahimatay po.." tumakbo syang di ako pinapatapos. Tinuro ko ang daan patungong ICU. Mabilis syang pumunta doon. "Gosh!.. anong nangyayari?.." bulong ko sa sarili.

Nagmadali akong bumalik sa kinaroroonan nila. Nang paliko na ako. Doon ko sila nakasalubong. Tulak tulak nila si tita na nakahiga na. May oxygen sa bibig. Umiiyak si ate sa kanyang paanan habang tinutulak sya. Sinamahan ko sya kay tita hanggang sa maging okay na ito. Sabi ng doktor. Kulang raw sya ng dugo. Mabuti nalang at magkamatch sila ni ate. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Ngunit si ate. Hindi pa rin mapakali.

"Hindi ko na kaya.. bakit kailangang mangyari pa ang mga ganito?.. si Jaden hanggang ngayon tulog pa rin.. tapos ngayon si mama naman?.. malapit na akong mabaliw Bamby.." tinakpan nya ang buong mukha at duon sya umiyak ng tahimik.

Sa kabila ng katahimikan. Ramdam ko pa rin sa kanyang hikbi ang hirap, sakit at pagod na di nya kayang sabihin. Tipong konti nalang. Susuko na sya. Na kung di pa magigising si Jaden.. Baka sumuko na rin sila.

Iyon naman ang hindi pwede sakin. We need to fight. "Magiging maayos rin ang lahat ate.." I caressed her back. Doon sya lalong umiyak.

Ano bang dapat kong gawin?. Gusto kong puntahan si Jaden kaso hindi ko sya pwedeng iwan. What to do?. Nahihirapan na ako. Gosh!.. Kuya help me!.. Babe wake up!!..

"Puntahan mo na sya.." sinambit nya ito sa kabila ng kanyang mga hikbi.

"Hindi kita pwedeng iwan ate.."

"Pero mas kailangan ka nya Bamby..baka ikaw lang ang hinihintay nya para magising.. please.." she begged. Natagalan ako bago nakapagdesisyon.

"Babalik ako ate.." hinaplos ko ang kamay nya. Tinanguan nya ako habang nakangiti. Kahit may luha pa sa kanyang mata. Damn!. Whoa!. Yung puso ko, buo pa ba?. Kanina pa tumatalbog eh.

Kumaway ako bago sya tinalikuran. Ayoko sanang umalis kaso may punto sya. Baka may hinihintay lang syang taong gustong marinig.

Isinuot ko ang mga damit na kailangan bago pumasok. Sa labas palang. Pinagpawisan na ako. Lalo na nung pinihit ko ang pintuan sa pagitan ng kinaroroonan nya. Nanginginig mga daliri ko. Maging ang ilong ko. May butil na rin ng pawis. Nang nakapasok na ako. Maingay na tunog ng makina ang una kong narinig. Kasing ingay ng puso kong kinakabahan. Paglingon sa gawi nya. May tangki ng oxygen sa sulok na nakakabit sa kanyang bibig. Unti unti nang nag-init ang gilid ng aking mata. Kahit nakasuot pa nang face mask. Tinakpan ko pa rin ang bibig upang wag nyang marinig ang hagulgol ko. Binilin ng nurse kanina na, nakakarinig daw Ito kahit tulog.

Ang hirap umiyak nang tahimik. Ang sakit sa lalamunan at dibdib. Sumusikip ang aking dibdib sa bawat patak ng luhang kumakawala sakin. Di ko na matukoy kung ilang minuto o oras na ba akong umiiyak. Ang sakit palang makitang walang malay ang mahal mo. Na mga aparato lang ang bumubuhay sa kanya. "Babe.." hagulgol kong muli. Damn!.. Nanghina bigla ang mga tuhod ko. Tinignan ko sya. Parang natutulog lang ito.

Tulog talaga sya Bamby. Naku!.

"Babe.." hinaplos ko ang buhok nya matapos ang ilang drum na luha. "Babe, akala ko ba sa simbahan tayo pupunta?. bakit naman dito?.." bulong ko. Pinalis ang nahuhulog saking mata.

"Papayag naman ako sa alok mo eh.. inunahan mo lang ako.." muli akong nagpakawala ng tahimik na hikbi. "Kailangan mo nang magising babe.. miss na miss na kita.." at doon ko hinalikan ang kamay nya.