I never thought na darating ang pagsubok na ito sa amin. Na isang araw, bigla nalang kaming mapipilay ng ganito. Ang hirap pala. Daig ko pa nakipaghiwalay sa kanya. Noong bahagyang nagkatampuhan kaming dalawa. Di ko maikakailang. Nasaktan ako ng todo, maging sya. Pareho kaming nasaktan nang di namin sinasadya. Pinili naming magpatawad dahil ganun namin kamahal ang isa't isa, At nangako kaming, wag basta bumigay sa mga pagsubok. Pero yung ganitong sitwasyon?. Nakakapanghina pala. Tipong, kahit pilitin mo pang maging malakas sa paningin ng ibang tao, may hangganan rin pala.
"Si Jaden.. ang tagal nyang magising.." hagulgol sakin ni ate Cath. Tinulungan ko syang pumasok sa kanilang bahay para doon sya kausapin. Subalit tuwing binubuksan nya ang kanyang bibig. Pinapangunahan ito ng mga luha sa kanyang mata na kayhirap pagmasdang bumagsak. Kung pwede ko lang saluhin ang bawat patak?. Gagawin ko. Wag lang itong mahulog o mabasag sa sahig na parang mga bolang crystal na mahirap nang mabuo ulit.
Ang luhang, kahit wala namang timbang. Ang bigat paring tignan tuwing lumalabas sa mata ng mga tao.
Ngayon ko natanto na, hindi lahat ng walang halaga ay wala talagang halaga. Ang totoo. Ang wala pang halaga ay ang mas nakaka-angat sa lahat. Tulad nalang ng luha. Wala syang timbang pero bakit ang bigat nito tuwing bumabagsak? I just realized that, lahat ng bagay may halaga. Ngunit makikita mo lamang iyon sa tamang panahon. Not now. Not tommorow. But maybe soon.
"Malapit na akong sumuko Bamby... gusto kitang tawagan pero nahihiya ako sa'yo.. ayokong abalahin ka pero...wala na kaming makapitan.. bawat araw.. nauubos ang aming lakas.. tuwing nakikita namin syang.. wala pa ring malay..." umiyak na naman ito. Walang humpay na iyak ang ginawa nya sa harapan ko. Kulang nalang lumuhod sya't maglupasay.
Pero sa kabila nun. Hindi ako umiyak. Gusto kong ipakita sa kanila na malakas ako. Na andito ako upang tulungan sila. Gusto kong malaman nila na wag dapat silang sumuko sa kanya. Dahil hanggang ngayon. Lumalaban pa rin sya. "Wag kang panghinaan ng loob ate, dahil lumalaban pa rin si Jaden..." I cut myself off. Pinagsalikop ang aking mga palad nang ituko ko saking mga binti. Umupo ako ng tuwid kahit ay totoo ay kulang nalang dumapa ako sa sahig at maglupasay ng iyak na parang bata. "Kilala natin sya bilang mabagal na tao... too slow to move.. too slow to speak.. and even confessing his real feelings.. mabagal pa rin.. hahahaha.." natawa ako sa katorpehan nyang iyon. Napansin kong hindi sya umiiyak. Tumingin sya sakin na parang nadiligan na halaman. Nabuhayan sa mga salitang narinig. "Niloloko ko pa ngang pagong minsan..." I laughed. Iyon ang tawag ko sa kanya tuwing naiinis na sa kabagalan nya. Tinatawanan nya lang din ako pero laging may kapalit. Isang nakaw na halik.
"At bakla... hahaha.." dagdag nya sakin. Natatawa habang nagpupunas ng kanyang luha.
Gumaan ng bahagya ang bigat sa aming paligid. Pakiramdam ko kasi. Parang may nakataling sako sakong bato saking leeg dahilan upang hirap akong huminga. Hindi makapag-isip ng maayos.
"Teka... kailan ka pa dumating?.." Doon nya lang napagtanto ang presensya ko. Nagtataka kung bakit bigla akong lumitaw sa kanilang gate. "Nasa Australia ka diba?.." natawa ako sa sunod sunod nyang tanong. Kinawayan ko sya at nginitian ng todo. Muli. Dahil sa di maipaliwanag na saya. Niyakap nya ako ng mahigpit saka humalakhak na may halong tubig galing sa kanyang mukha.. Tears of joy. Doon rin nangilid ang luha saking mata.
Inexplain ko sa kanya na hindi ako pinayagan nina mama nung una. Pero wala na ring nawaga nang nakarating na ako. Nagalit sya sakin?. Oo. Bakit ko raw ginawa iyon?. Hindi ko daw dapat sinuway mga magulang ko. Ang tanging sagot ko lang sakanya. "Hindi ako mabubuhay doon ate dahil nakaratay ang kalahati ng puso ko dito.." umawang lang ang kanyang labi.
Natahimik sya at mukhang napaisip. "Wala akong mahanap na salita upang ipaliwanag ang pagmamahal ko sa kanya..na kung pwede lang.. lahat gagawin ko... maging okay lang sya.."
"Salamat Bamby... kung di ka pa dumating, baka nakatulala pa rin ako ngayon...di alam ang gagawin.."
"Sorry kung natagalan ako.."
"Hindi.. ako o kami ang dapat humingi sa'yo ng paumanhin dahil naabala ka namin.."
"Ate, kahit kailan..hindi kayo naging abala sakin.. pamilya ko na kayo simula pa noon.." hinaplos nya ang braso ko. Pinisil habang nakayukong nakatingin doon. Hinawakan ko rin ang kamay nyang medyo nangangayayat na. Pinisil ang puso ko sa isiping nahihirapan nga sila. Sobra ang ikinabagsak ng kanyang katawan. Paano pa kaya sina tito at tita?.
"Wag na kayong mag-alala.. magiging okay rin ang lahat.. maniwala lang tayo.." mga salitang kailangan nila ngayon. Kailangan nilang maniwala na magigising rin sya balang araw. Hindi naman sya sumusuko hindi ba?. Kaya dapat, ganun din sila. Kami. Ako. Dapat, laban lang.
Kalaunan. Sinabi ko sa kanyng pupunta sana ako ng ospital. Kaso, ang sabi nya. Mamaya na kapag umuwi na si tito. Kami ang papalit na magbantay.
Tumayo ako't tinulungan syang magluto para kila tita. "Wait lang.." bigla ay sambit ni ate Cath. Abala akong maghiwa ng repolyo para sahog sa karneng baboy. Nagsasaing sya ng biglang umalis at umakyat sa kanilang silid.
Bigla tuloy akong kinabahan nang wala sa oras. Ano kayang problema nya?. Natatakot ako.. Lihim kong hinaplos ang bandang puso na malakas ang bawat kalabog.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa nang madinig ang kanyang mga yabag sa may hagdanan. "Here.." Anya sabay abot sakin ng isang bagag na nakabalot.
"Malayo pa ang Christmas ate?.." ngiti ko sabay abot ng regalong nakalahad sakin.
"Para sa'yo talaga yan.. diba monthsary nyo nung katapusan?.." mabilis akong tumango habang pinipigilan ang luha. Kinagat ko ng mariin ang labi bago sya tinignan. "Ipapadala nya sana yan sa'yo... kaso.." suminghot sya. "Nabangga sya sa may intersection..." doon na naman sya umiyak.
Damn!. What?!.
Natutop ko ang bibig. Nag-unahan ang luha pababa saking pisngi. Hinawakan ko nang mariin ang regalo nya sakin bago niyakap ito ng sobrang higpit. "Babe.." bulong ko sa regalo. Parang baliw na kinakausap ito. Tahimik na umiiyak doon.
Si ate, nilapitan nya ako at niyakap sa likod. "Sketch mo yan na ginawa nya buong magdamag..gusto ka nyang surpresahin.." bulong nya sakin sa kabila ng mga hikbi nya. Di ko na napigilan pa ang humagulgol.
Nagpuyat pa sya para sa regalong ipapadala?. So much appreciated babe.
Lalo mong ipinakita sakin na worth it ang pag-uwi ko rito.
You are truly worth it. Babe.