Magdamag akong umiyak matapos nilang ibinalita sakin ang nangyari. Ni hindi ako bumaba para kumain. Kahit ang magpalit ng damit o kahit ang makinig sa nag-aalalang tawag nila sa labas. Binalewala ko iyon na parang walang narinig sa lahat. Huminto nang wala sa oras ang ikot ng mundo ko. Di ko alam kung saan ako dapat kumapit. Lahat gumuho. Walang ibang nakikita kundi kulay abo. Lahat ng kulay sa paligid ko naging abo. Nabura na parang bula ang lahat na meron noon sa paligid ko. Nagdilim na parang may bagyo. Niyanig ng malakas na lindol, na sanhi ng pagkalubog ko. Kakaisip sa kanya.
"Bamby, tara na.." boses ni kuya Lance ang tumawag sa labas. Bumalikwas lang ako pero di bumangon. Ang bigat ng aking pakiramdam. Parang may nakadagan na ilang sako ng semento saking katawan. Lalo na sa aking dibdib.
Paano ako babangon kung ang kalahati ng puso ko, nakaratay sa ospital?.
"Bamby, kanina pa kuya mo sa baba.. papasok ka ba?.." marahan ang bawat katok ni mama sa may pinto.
Di ko na naman napigilan ang pagluha. Lagi nalang. Bawat patak ng segundo at minuto sa orasan. Laging bumabalik sa alaala ko ang huli naming pag-uusap. Lagi nyang sinasabi na pakasal na kami. Di ko alam na mangyayari pala ang ganito sa kanya. Umoo nalang sana ako kahit ayaw pa ng pamilya ko.
"Nak?.." muli. Sa likod ng pintuan, nagsalita si mama. "Papasok ako ha.." paalam nya pa bago tuluyang pinihit ang saradura at pumasok.
Itinago ko ang mukha sa ilalim ng unan at kumot. Sa likod nun. Pinapalis ko na ang walang humpay na luha saking pisngi. Di ko kayang pigilan ito. Para itong sirang gripo na di ko kayang ayusin. Naramdaman ko nalang ang pag-upo nya saking likuran.
Sumisigaw ang loob ko. Pero sa kawalan ng loob para ilabas iyon. Nabubuo nalang ng luha ito kung kaya't walang tigil ito sa paglandas.
"Hindi ka ba papasok?.." she asked after a long minutes.
Humihikbi akong umiling kahit hindi nya naman nakikita kasi nasa ilalim ako ng kumot. I'd rather hide.in this blanket than cry on her shoulders. Makikita nya akong umiiyak. Lagi nalang.
"Bamby?.." isang boses ang lumitaw sa haba ng katahimikan saming dalawa. Alam siguro ni mama kung anong ginagawa ko sa likod ng kumot. She knew me well. At hindi ko sya maloloko. Lalo na't alam nya ang nangyari sa kanya.
"Akala ko nakaalis ka na?.." I heard mama's voice asking kuya. Tumayo pa sya dahilan para bumalik sa dating hulma ang aking hinihigaan. Doon ko nakuhang kumalma. Andito si kuya Lance. Ibig sabihin, di rin sya pumasok. Bakit?.
"Ate Catherine's on the line.. gusto kang kausapin Bamblebie.." he said. Lumabas akong hindi nag-iisip. Alam kong mugto pa ang aking mata kaya siguro nagulat sila sakin nang makita ako.
"Where is she?.." tanong ko sa tawag ni ate Cath. Walang pakialam sa mga mata nilang nang-uusisa.
Basta iniabot na nya sakin ang cellphone nang walang imik. Tinalikuran ko sila nang mahawakan cellphone. It's not an voice call. It's a video call.
"Ate.." nakangiti kong kaway sa kanya habang ang traydor kong mata. Nag-init na naman. Umiiyak akong nakangiti. Damn!.
Hindi sya nagsalita. Tinanguan nya lang ako na para bang may gustong iparating na di ko mahulaan kung ano.
"Bamby.." garalgal ang kanyang boses nang subukan na nyang magsalita sa likod ng kalahati nyang ngiti.
"Ate, si Jaden po?.." I asked kahit may ideya naman na ako.
Tumingala sya upang wag ipakita ang luha sa kanyang mata.
Kinagat nya ng mariin ang ibabang labi bago pinindot ang screen ng cellphone. Pumikit ako upang pakalmahin ng bahagya ang sarili. Nang nagmulat. Doon ko nakita ang kalagayan nya.
"Oh my God!!.." natutop ko ang bibig sa nakita. Maraming tubo ang nakakabit sa kanya. Walang malay at may gasgas sa iba't ibang parte ng katawan. At ang ulo. Nakabenda.
.....
I'm damn speechless!..
Kumawala sakin ang hagulgol na matagal kong itinago.
Ang sakit tanggapin na di nga sila nagbibiro. Ang sakit talagang isipin na nangyari sa kanya ang ganun. Paano kung mawalan sya ng memorya at di na ako maalala?. Shit! Crazy hell!!. No way!!.
"Ma, gusto ko pong umuwi.." humagulgol ako sa harap ni mama. Gusto kong andun sa tabi nya. Gusto kong samahan sya sa paghihirap nya. I want to be him. Kahit ngayon lang.
I begged.
I cried!.
Subalit, "Nak, hindi pwede.." she answered. Lumuhod sya't pumantay sakin. Hinagod nito ang buhok ko.
"Mama, please!.." No words can express how much I'm hurt. Di ba nila ako maintindihan?. Nakaratay sya sa ospital, kailangan nya ako. I know, he needs me.
But damn!!. Bakit di pwede?!.
Pero, puro iling lang ang sagot nya sakin. Umiiling akong umiiyak. "Kahit ngayon lang ma.. Jaden needs me.."
"But we need you here too.." she just answered. With finality. "Walang aalis.. andun ang pamilya nya Bamby.. hindi sya pababayaan duon.."
"Kahit na ma, please!!.." I tried my last luck but nothing's changed. Iyon pa rin ang desisyon nya.
Aalalayan sana ako ni kuya pero tinanggihan ko. Kaya kong tumayo. Di ko kailangan ng tulong mo. Galit na sigaw ng aking isip. Lahat ng luha saking mata naubos bigla. Basta pagkatapos nun. Nanghina ako ng todo. Di na nila binalik sakin yung phone. Nagising nalang ulit ako, hapon na. Mama is with my side. Nakaupo sya sa sahig habang nasa kama ang ulo at dalawang braso.
I sat silently. "Sorry kung pati kayo nadadamay sakin." bulong ko. Naawa sa posisyon nyang matulog.
Dahan dahan akong tumayo. Lumabas at dumiretso sa opisina ni papa. I knocked on the door. Nadatnan kong nagkakape sya duon. Bahagya pa itong natigilan nang makita ako. "Anak.." nag-aalala nitong tanong. Tumayo nang di oras.
Naglakad ako papalapit sa kanya. Magkahawak ang kamay sa likod. Kung ayaw ni mama. Sasabihin ko kay papa. Wala namang mawawala kung susubok ako diba?.
"Pa, gusto ko pong puntahan si Jaden.." diretso ko nang sabi. Pagod na akong magsalita. Bahagya syang natigilan. Tinitigan nya ako ng malalim bago iminuwestra sakin ang upuan sa kanyang harapan. "Nak, alam na ba ito ng mama mo?.." mabilis akong tumango tapos umiling na rin. Nakuha nya naman ang ibig kong sabihin. Bumuntong hininga sya sakin. "Ang desisyon nya ay desisyon ko rin.." anya na naging dahilan ng muling pag-init ng gilid ng aking mata. Mabilis akong nagbaba ng tingin nang nag-uumpisa na namang mamuo ang tubig sa gilid ng aking mata. Kalaunan. Di ko na napigilan pa ang pagbagsak ng mga iyon.
Tahimik sya. Di ko sya tinignan nang muli akong tumango. Matapos nun, bastos akong lumabas nang walang paalam. Bumalik sa silid saka nagkulong sa loob ng banyo. Inopen ko ang grupo saka duon ibunuhos muli ang luhang di maubos ubos.
Bad day!!.