Nang dahil sa naging desisyon nila. Wala akong magawa kundi mag-isip ng mag-isip. Kahit gusto kong maging normal. Yung parang wala lang. Hindi ko pala kaya. Ang hirap magpanggap na okay ka kahit ang totoo ay hindi naman talaga.
"You okay?.." tanong minsan sakin ni Bryce nang madaanan ako sa cafeteria sa loob ng campus. Tumango lang ako sa kanya. Matapos nun, binalewala ko na ang presensya nya. Lumipad na naamn sa kabilang dako ng mundo ang utak at kaluluwa ko.
Last update sakin ni kuya Mark, di pa raw sya nagigising. Isang linggo na ang lumilipas. Sa loob ding iyon. Wala nang naging normal sakin. Kumakain ako pero di na tulad ng dati. Tama na sakin ang dalawang subo. At sa tanghali lang yun. Wala nang kain sa umaga at gabi.
Ngumingiti rin ako pero di na abot mata. Nagpapanggap lang na maayos kahit sobrang nanghihina na ako.
Kinakausap nila ako pero wala nang sigla. Tamang sagot lang sa mga tanong nila.
Alam ko. Hindi dapat ako ganito dahil iniisip lang naman nila ang kapakanan ko. Pero di ko talaga mapigilan. Ikaw nga?. Kung may nangyaring masama sa taong mahal mo, makakaya mo pa bang maging isang normal na tao?. Hinde, di ba?.
"Bamby, mall tayo.." masiglang umakbay sakin si kuya Lance after ng buong araw na abala sa campus. Pauwi na kami ngayon. Yakap ko ang librong gamit ko sabay iling. "Pagod ako kuya.. gusto ko nang umuwi.." sagot ko. Lungkot agad ang bumalatay sa kanyang mukha. Isa rin to. Kahit alam na nyang hindi na normal ang nangyayari sa kanyang paligid. Pinipilit pa rin nya ang kanyang sarili na maayos lang ang lahat. Na okay lang ako. Na, walang nagbago. But deep inside. Gusto na nyang magtanong pero natatakot lang syang baka bumigay na naman ako.
Wala syang nagawa kundi sundin ang gusto ko. At hindi lang sya. Maging si kuya Mark, tuwing nasa sala ako at nakatutok sa telebisyon. Wala na yang imik kung ang channel na pinapanood ko ang tungkol sa discoveries na ayaw na ayaw nya. Uupo nalang sya sa aking tabi. Tas kakain ng popcorn. Wala s
nang tanong gaya ng isa.
"Bamby, akin na yung damit mo na marumi.. idadala ko sa laundry..". isang araw na walang pasok. Di ako umimik. Basta binuhat ko nalang yung basket ng marumi kong damit saka inilabas sa may pinto at doon na nagkulong, buong araw. Hindi nya iyon gawain. Ako ang mismong nagdadala ng mga damit ko sa may laundry shop. Kahit pa ang maglinis ng aking silid. Sya na ngayon. Not a normal thing for me.
Until months passed by.
Ikalawang buwan na mula nang nangyari ang lahat. But damn!. Hanggang ngayon, di pa rin mapalagay ang loob ko. Ang sabi, di pa raw sya nagigising. Pinakita sakin ang huli nyang litrato na marami pa ring tubong nakakabit sa kanya..
I cried again that day. Di na naman ako pumasok ng araw na yun. Hanggang sa isang araw. Nakita ko yung piggy bank sa ilalim ng mesa ko. Just like the old days. Nakasanayan ko na ang mag-ipon.
Umupo ako sa kama habang nakatitig duon. Tinitigan ko sya ng matagal hanggang sa may ideyang tumubo saking isipan. Ideya na ngayon ko lang natanto.
"Shit!.. Alam ko na.." bigla akong nabuhayan ng di oras. Naging masigla at kinuha ang cute na piggy bank. "Ikaw ang sagot sa dasal ko.." niyakap ko ito ng mahigpit. Maingat kong hinanap yung cutter saka ito binuksan.
Matagal ko nang inulit ulit kay papa na gusto kong umuwi. Na wala ang buhay ko rito. Na kailangan nya ako. Pero, ganun pa rin ang lagi nyang sagot sakin. Hinde pwede.
At sa paglipas ng oras. Nakumpleto na ang hinahanap.ko. Sobra pa ang naipon ko sa pamasaheng kailangan ko.
"Kuya, mauna ka nang umuwi.. may kailangan pa akong tapusin.." pinauna ko na syang umuwi para isagawa ang aking plano. I need to buy a ticket.
Nang umalis na sya. Duon ako tumakbo para makakuha agad ng ticket. Kakatapos ng exam namin. Kaya ayos lang kung aalis muna ako dahil break naman.
Mabuti nalang at may natira pang ticket. Agad ko yung tinago saking bag. Pagkauwi. Masigla ang lahat sakin. Kahit ang makipagbiruan sa dalawa kong kapatid. Nagawa ko.
"Sorry to disappoint you, but I have to do this.." bulong ko sarili bago bumaba. Bitbit ang isang maleta at back pack. Sabado ngayon ng madaling araw at ngayon na ang alis ko. Tahimik ang lahat. Mahimbing ang tulog. Habang ako. Hindi na mapakali na makasakay ng eroplano pauwi sa kanya.
Mabuti nalang at may eksaktong taxi na dumaan sa harap ko. Sumakay ako doon ng mabilisan at nagpahatid sa may airport. Kabado akong nakaupo sa may lounge habang hinihintay ang pag-akyat sa eroplano.
"Parating na ako babe.." hinaplos ko ang mukha nya sa wallpaper screen na gamit ko. "Namimiss na kita." I want to cry pero nakakahiya kung bigla nalang akong iiyak dito nang walang dahilan.
Nang sa wakas, makaupo na ako sa loob ng eroplano. Nasa tabi ako ng bintana. Kung saan, tanaw mula dito ang abot kamay ko nang buwan at mga kumikinang na bituin. Doon na ako nakahinga ng maluwag. Hingang ilang buwan kong di nagawa. Gumaan ang dati kong mabigat na dibdib.
Bago kami tuluyang lumipad. Nakatanggap ako ng isang mensahe. Mensaheng mas nagbigay sakin ng lakas ng loob na ituloy ang pagtakas.
"Bamblebie, I saw you.." kinabahan talaga ako sa una nyang text. "Gusto sana kitang pigilan kaso tuwing nakikita ko ang mga ngiti mong kabaligtaran ng sinasabi ng maingay mong mata... nasasaktan ako..." doon ko naramdaman na may kakampi pala ako. "Hindi sa gusto ko ang ginagawa mo. I don't want to spoil you but damn Bamby... mas lalong di ko kayang nakikita kang nasasaktan nang ganito..." pumikit ako upang pigilan ang luha saking mata. Huminga ako ng malalim bago muling nagmulat. "Umalis kang di nagpapaalam.. naiintindihan kita.. but please let papa know.. maiintindihan ka nun.. and.. please!.. always be careful.. susunod ako after days.." isang ngiti na ang pinakawalan ko sa dulo ng kanyang text.
Shit!. Sya ba talaga iyon o ibang tao?.
Lihim akong umiyak matapos mabasa ang mensahe nya. Di ko aakalain na gagawin nya yun. Na hahayaan nya akong umalis?. Ang bait nya ngayon sakin. Don't worry. Babawi ako sa'yo. Bulong ko sa text nya. Di ko na sya nireplyan nang nasa himpapawid na kami. Saka na pag nasa Pinas na ako.
Naiintindihan ko. Tama nga sya. Dapat magpaalam ako kay papa. Oo, gagawin ko iyon mamaya.
Minsan, kailangan mo rin palang gawin kung anong sa tingin mo ay makapagpapasaya sa'yo. Yung tipong kahit pigilan ka pa ng buong mundo, gagawin mo, maging masaya ka lang sa piling ng taong mahal mo.
Ganunpaman. Hindi ko na hinintay pa ang paglapag ko sa Pinas. Pinarating ko na kay papa na safe akong bumyahe. Humingi rin ako ng tawad sa paglabag sa kanilang kagustuhan. Nagreply din ako kay kuya Lance. Nagpasalamat ako sa kanya dahil kung sinumbong nya ako. Hindi ako makakangiti ng malaki ngayon.
"I'm coming babe.." bulong ko habang sinasalubong ang hangin sa labas ng airport. Excited na akong makita sya.