Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 211 - Chapter 61: Jealous

Chapter 211 - Chapter 61: Jealous

Talagang hindi pa rin ako makapaniwala. Seryoso pala sya. Akala ko nantritrip lang. Tinanong ko kung paano at kailan sya nagkagusto dito. Imposible kasing nagkagusto sya sa kanya ng bigla nalang. I need further explanations.

"Naaalala mo nung araw na natisod sya sa may gate ng school natin?.." pilit kong inalala ang araw na yun. Umiling ako. Mahina talaga akong memoryahin ang mga pangyayari. Madali kong nalilimutan ang lahat.

"Tinawag mo pa sya kung makikisabay ba sya satin o hinde, na mabilis naman nyang tinanggihan saka tumakbo palabas?.." patanong nya itong kinuwento.

May parang bombilya na umilaw saking utak. Natatandaan ko na. Iyon yung kahit ang lapit ng bahay nila, gusto nya paring sumabay samin. I wonder why.

"Tanda mo na?.." tanong nya. Tumango akong nakangiti.

"Doon ka nainlove?.." binatukan nya agad ako ng mahina. Tsong naman!!..

"Psh... doon ko sya unang napansin.." he looked away then smile. Mukhang may iniisip.

"Eh?.. paano mo sya niligawan kung ganun?.." Doon nya sinabi ang buong kwento. Panay tili na naman ako kahit pilit nyang pinipigilan ang pagbukas ng aking bibig. Ang sabi pa nya, matagal na sila. Apat na taon. Whoa!. Pumalakpak pa ako sa tuwa. Buruin mo, tumagal sila ng taon?. Ang tagal nun ha. Nakangiti pa syang nagkwento. Ngunit nang tanungin ko kung bakit naging kumplikado ang lahat sa kanila. Ang tanging isinagot nya lang ay, wala syang tiwala sakin.

Ang sakit lang pakinggan. Parang Kusang nadurog ang kalahati ng puso ko para sa kanya. Sa kanila. The girl of his dreams. Nakuha na nya eh. Sumubok sila ng patago. Lumaban, pero sumuko ang isa. Kaya, naging magulo ang lahat.

Tiwala ang pundasyon ng isang relasyon. Kung sakaling, nawasak o nawala na iyon. Game over.

"But I'm trying my best to win her back.." Anya saka ako inayang bumalik na ng hotel. Pareho kaming basa. Buti nalang at nasa bukana si papa. May kausap na staff. Humingi sya agad ng towel dito.

Natuwa ako sa huli nyang sinabi. So he's really willing to be with her. He's so damn inlove tsong!.

Matapos kong maligo at nagbihis. Inopen ko ang account ko sa Facebook na matagal nang di nagagamit. Nagskwat ako sa may sofa habang nakapatong sa aking mga binti ang isang bowl ng popcorn.

Nakita ko ang mga post ni Karen kasama ni Kian. Nakatayo si Karen habang nakatitig naman sa kanya si Kian na nakaupo sa kanyang bike. Ewan ko kung sinong kumuha ng litrato. Pero nang basahin ko ang mga comments dito. Si Winly. Sya ang photographer nila.

"Ang sweet.." iyon ang comment ko. May kasama pang tatlong heart.

May isang video na post rin ni Winly ang napanood ko. Mukhang nag-iinuman ang mga ito dahil nasa mahaba silang mesa at nagtatawanan. "Ang saya.. I miss you guys.." may malungkot na emoji ang dinagdag kakabit nito.

Paulit ulit ko iyong pinanood hanggang sa nakita na ni kuya Lance. "Sinong mga yan?.." dinungaw nya yung phone ko. Pinindot ang play button at tahimik na nanood.

"Mga baliw.. si Winly talaga promotor ng kalokohan.." Anya sabay iling.

"Sinabi mo pa kuya...nakakamiss sila."

"Hmm...wait!.. is this Veberly?.."agad akong tumayo nang mahimigan ang pagtataka sa kanyang boses. Kinuha ko yung phone na nasa kamay nya saka inilapit ng husto ang screen upang makita ko kung totoo nga ang tinutukoy nya.

"Iyon oh.. pagitan nina Jaden at Aron.." instop nya ang video saka tinuro ang tatlong bulto. Kung paanong hindi ko iyon naaninag. All I thought si Karen iyon.

Bumigat na naman ang paghinga ko. "Bakit di ko napansin?.." agad bumalatay sakin ang selos.

"Kasi nga, sa iisang tao ka lang nakatingin...paano mo nga naman makikita?.." he's pertaining to Jaden. Ginulo nya ang buhok ko bago tumalon papuntang sofa para umupo. Ang tamad lang nya maglakad.

Sa comment section. Maraming nagbigay ng komento. Pero iisa lang ang umagaw ng aking pansin.

"Thanks sa invite.. I enjoyed.." anang pinsan ko. Nagreply sina Aron at Billy dito. "Kami ang nag-enjoy. Sa uulitin.."

Inis kong binaba ang phone ko. Saka padabog na pumasok ng banyo. Naiinis ako. Bakit di sinabi ni Jaden sakin na kasama nya pala ito?. Naghilamos ako para kumalma.

Bumalik akong sala na hindi pa rin maayos ang pakiramdam. "Bamby.." nadatnan kong hawak na ni kuya yung phone ko. Agad nyang iniabot sakin matapos akong makita.

Umupo akong muli saka tinignan ang nakailaw na screen ng phone. Umawang ang labi ko sa nakita. Katabi sya ni Jaden habang kumukuha ito ng litrato. Nagselfie sila? Great job couz!!. Really great!!

"Hindi nya ito sinabi sakin.." Wala sa sarili kong sabi. Naiiyak na naman ako. Kingina!.. Ang babaw ng aking luha..

"Ask him.."

"Bakit di nya sinabi?. Kailangan ko pa bang magtanong?. Nagsinungaling sya.. Sinabi nyang ako lang.."

"Hmm.." naglinis sya ng lalamunan. "Bamby, magtanong ka muna bago mag-isip ng kung anu ano..dyan ka nasasaktan sa iniisip mo eh.. hindi sa ginagawa nya.."

"Di ko na kailangan pang magtanong.. Dapat sinabi na nya agad.."

"Yan... dyan kayo magaling eh.. ganyan kayong mga babae...agad nag-aassume.. gumagawa ng pangyayari sa isip kahit di naman totoo.." disappointed nyang sabi.

"Paano mo malalaman ang buong side nya kung di ka magtatanong?. hahayaan mo na lang ba na lamunin ka ulit ng selos at galit mo?.." he has the point. Natahimik ako. "Kung gusto mong tumagal kayo, kailangan matatag ang pundasyon ng inyong relasyon.. tiwala.. yan ang pinakauna sa lahat.. kung wala kang tiwala sa kanya.. sa mga salita nya.. sa mga pangako nya.. hindi kayo magtatagal.."seryoso nyang sabe. Nakatingin pa saking mata.

"Go, ask him.. wag pangunahan ng galit ang paliwanag.. makinig muna bago magsalita... para di ka magsisi sa huli.. payo ko lang bilang kapatid..." tinapik nya ang aking ulo bago lumabas na ng kwarto.

Sa lahat ng babae. Sa kanya lang ako nagseselos ng ganito dahil alam kong may motibo ito kay Jaden. Tama nga si kuya. Magtanong muna ako bago magconclude.

Related Books

Popular novel hashtag