Binuksan ko ang messenger matapos iexit ang facebook app. I need to ask him now. Di na naman ako makakatulog kakaisip nito pag pinagpabukas ko pa. Sana lang online sya.
"Gising ka pa?.." hating gabi na sa Pinas ngayon. Chinat ko sya agad nang makita ang status nya.
"Inantay ko ang chat mo babe.." with winking emoji. O gosh!. Mabubura nito selos ko. Agaran pa kung magreply. Typing palang ako, may reply na sya.
"Bat di ka nalang natulog.. Hating gabi na dyan diba?.."
"Hmmp.. yeah.. di ako makakatulog hanggat di kita nakakausap eh.." Whoa!.
"Call me then.." nagsusungit ka na naman Bamby!. Umayos ka nga!.
"Babe, pasensya.. ubos na load ko..Kung bakit kasi ang mahal ng overseas call eh.."
"Ganyan talaga.. kapag mahal mo ang isang tao.. lahat gagawin mo makausap lang ito.."
"I know that...bibili sana ako ng load kaso sarado na tindahan dito.." I breathe in. Tiwala Bamby. Makinig ka sa paliwanag nya. Maniwala ka sa mga sinasabi nya.
"Okay.." reply ko. Kailangan kong tanungin ito ng harapan kaya pinindot ko ang video call. Ikatlong ring nya ito sinagot.
"Babe.." kaway nya sakin sabay hagod na naman ng kanyang buhok. "Gosh Jaden!. Wag ka ngang magpagwapo sa paningin ko.. natutunaw ako eh.." banat ko para atleast mabura ang kabang pilit akong pinapatay sa takot. Kingina!.
"Hahaha.. nainlove ka ba ulit?.." I just pouted at his remarks.
"I'm still inlove with you, babe.... forever.." sinsero kong sagot sa kanya. Hinawakan nito ang labi tsaka hinaplos at binasa. "Umuwi ka na nga.. pakasal na tayo.." mariin nyang sambit. Kinagat pa ang labi na para bang karne. Natakam tuloy ako. Suskupo Bamby!. Magtigil ka!!.
Siguro kung may kapangyarihan lang ako. At iyon ang ay lumipad o magteleport kahit saan. Matagal na akong nakauwi sa piling nya. Kayakap sya ng mahigpit at mahalikan ng mariin. Gosh!.. Ramdam kong nag-init na naman mga pisngi ko.
Pareho kaming natahimik. Magsasalita na sana ako nang unahan nya ako. "May sasabihin ka?.." he asked. Napansin nya atang natigilan ako kanina.
"Meron pero mamaya nalang. ikaw, may sasabihin ka ata? ano yun?.." he fixed his self before speaking.
"About sa post ni Winly..." OH!. There. Di ko na kailangan pang magtanong. He's explaining now.
"What about it?.." tanong ko. Kahit ang totoo ay alam ko naman na. Gusto ko lang malaman kung pareho nga kami ng iniisip.
"Kasama namin si Veberly.." he paused again. "Aron, invited him.." paliwanag nya pa.
"I see.." now I get it.
"Nakita mo?.." Dahan dahan akong tumango sa kanya. "Yep. kanina lang.." maikli kong sagot.
"Di ko gustong tumabi sakanya. Doon lang may space sa gilid ko kaya doon sya pinaupo ni Aron.."
"Hmmm... I see.."
"Galit ka ba?.." kinagat ko ang labi bago umiling.
"Galit ka eh..babe, di ko sya kinausap kahit kinakausap nya ako.. promise.." tahimik lang ako. I want to hear it more.
"Nangako ako sa'yo.. ayokong balewalain iyon.." Yeah boy!!.
Nag-aalala na nyang sambit. Huminga ako ng malalim bago ko sya ngitian. "Calm down babe.. di ako galit.." Doon lang rin sya nabunutan ng tinik. Nagpakawala ng hangin. Hangin na kanina nya pa ata pinipigilang lumabas. Natatakot sa akin. Di naman talaga ako nagalit. Noon ko lang naisip ang payo ni kuya na makinig muna bago magsalita. Tsaka, wag pangunahan ng galit ang taong nagpapaliwanag. Kalma lang. Para di ka magsisi sa huli.
"Bakit di ka nagsasalita?.." nahihirapan nyang tanong.
"Gusto ko lang makinig sa mga paliwanag mo.." natigilan sya. "Naisip ko lang na, walang maidudulot na maganda kapag nagalit o nagselos ako bigla ng di pa naririnig paliwanag mo.." unti unting sumilay ang maganda nyang ngiti. Damn boy!.. I miss your handsome smile. "Ayokong maulit muli yung nangyari satin noon.." Ayoko talaga. Gusto ko sya eh. Matagal na. At, tatagal pa iyon.
"Na ano?.." nakangisi na sya.
"Na agad akong nagalit sa'yo.. nagconclude at umiwas nang di nakikinig sa'yo patungkol sa totoong nangyari.." ngumiti sya ng todo. Di ko rin maiwasang ngumiti sa kabila ng malakas na kalabog ng aking dibdib.
"Thank you babe... salamat at natutunan mo nang makinig at magtiwala sakin.."
"Hmmm...di naman nawawala tiwala ko sa'yo eh.. sa nasa paligid mo ako, walang tiwala.."
"Babe, sakin ka nalang magfocus.. wag mo na problemahin ang iba.."
"Opo na po.. hehe.."
"Magtiwala ka sakin babe.. mahal kita.. at mamahalin pa.. pangako ko yan.."
"Mahal din kita babe..babye na.."
"Babe naman.. Kinakausap pa kita eh.." reklamo nya.
"Babe, matulog ka na...naagpupuyat ka na naman eh.."
"Sa'yo lang naman ako napupuyat eh.. mamaya mo na ibaba babe.. gusto pa kitang makausap eh.." and our conversation went on and on and on....
Sometimes, you have to listen first before you judge, speak or assume anything.
Seryoso, may matutunan ka. Doon ka matututong umunawa at unawain ang mga bagay bagay..sa pamamagitan ng pakikinig.