"Come on.. it just a drink.. not any hard liquor.." Katabi ko itong si Bryce na kanina pa nangungulit na tikman ko raw ang inumin na nasa aming harapan. Kaarawan nya kasi. Ayaw sana akong isama ni kuya dahil sinabunutan ako noon ng isang estrangherong babae nang.isang gabing lumabas kami. Laisng na lasing itong naglakad papunta sakin at hinila nalang bigla ang buhok ko. Pinagbintangan akong kabit ng boyfriend nya. The hell!.. Loyal kaya ako sa mahal ko. Bigla nalang susugod nang di nagtatanong?. Damn bitch!!.
"Bryce, I'm warning you!.." pangatlong banta na yan ni kuya. Na agad ring tumungga ng shot. Lasing na to mamaya. Gumalaw ako at gumawa ng space sa pagitan naming dalawa.
"Dude, cut that off.." pang-aasar ng iba kay Bryce habang nasa ibaba. Nagtawanan pa sila. Ngunit di nya ito pinansin. Sa taas kami nakaupo dahil walang masyadong tao. Tahimik pa. Tsaka iwas gulo lalo na sakin. Wala naman akong ginagawa pero laging ako ang puntirya ng mata ng mga kababaihan dito.
Sa huli. Wala syang nagawa kundi tumunganga nalang sa tabi. May matalim na mata ang laging nakamasid sa kanya eh. Si kuya Lance. Noong una palang, sinabihan na nya akong, oo isasama kitang night life but, no to drinks, and especially, boys!.. Tumango akong nakangiti. Hindi naman ako alcoholic. Tsaka, boys?. Nah ah!.. Kontento na kaya ako sa mga lalaki sa paligid ko.
Tuwing sumasama ako sa kanila. Nakikipagsayawan lang ako. Kwentuhan. Tas taga hatid ng mga lasing. Yan ang trabaho ko.
May isang gabi na sobrang lasing ni kuya. Biglang sinigawan ang isang lalaki. Di ko kilala. Basta matangkad ito. Malalim ang mata. Makapal ang kilay. Gwapo ang pinakamabilis na deskripsyon sa kanya. Napatayo ako at kinabahan. Nasa taas ako't hinahagod ang likod ni Bryce dahil sumusuka ito nang madinig ang tili nya. Nagmadali akong bumaba para sana hilain sya, but too late. Nagsuntukan na ang dalawa. Mabuti nalang at mabilis dumalo yung mga bouncer. Tinulungan nila akong ilabas sya.
"Damn bastard!!.. anong inaagaw?. Psh!.. akala nya naman kagandahan gf nya.. fucking shit!!.." Bulong bulong pa nito habang kami'y naglalakad. Suray pa ito kung maglakad kaya hirap talaga akong buhatin sya.
"Lasing ka lang.. umuwi na tayo.." Wala syang sinagot sakin. Parang wala pa ngang narinig dahil yung lalaki pa rin ang bukambibig.
"Ang bigat mo kuya, can you please move forward?.." tinulak ko pa sya sa loob ng kotse para umayos sya ng upo pero shit lang!!.. Pinakit lang ang mata nang di pa naipapasok ang kanyang katawan sa kotse. Ang laki nyang tao, tapos sa liit kong to?.. Magpapabuhat sya sakin?. Damn boys!! That's why I hate hard liquors. Ayoko rin sa mga lasenggero. Yung amoy kasi eh, nakakasuka. Gross!.
Buti nalang gumalaw sya kalaunan tsaka na ako nagdrive. Sa kabila ng mahinang tugtog ng radyo. Marami syang binubulong.
"Joyce.." iyon lang ang kaisa-isang naintindihan ko sa mga sinabi nya na tumatak saking isipan. Who the hell is Joyce?!.. Nalilito kong tanong. Isa lang naman ang kilala kong may pangalan na ganun. Oh damn!! Posible bang ang isang iyon din ang tinutukoy nya. My goodness!!..I can't!!.
"Joyce, sorry na.." damn! Di ko maiwasang magmura sa mga ibinubulong nya. My gosh!.. Parang ayokong maniwala pero itong kutob ko, hindi ito kailanman nagbiro. Ramdam ko. Yung bestfriend ko at yung Joyce na yun ay iisa..
But I need some evidence.
Pagkatapon ko sya sa kanyang kama. Sobrang bigat kasi eh. Wala sina kuya Mark. Out of town sila agad ni ate nang bumalik sila dito. Si mama naman, siguradong tulog na yun dahil sa pagod. Si papa, sure pa rin akong nasa office pa. Marami raw kasi silang project na tinatapos. Kaya wala talaga akong mahingan ng tulong ngayon sa bahay. Kinuha ko yung phone na nahulog sa kanyang bulsa.
There you go!!..
Di ko na kailangan pa ng kumpirmasyon dahil sa wallpaper palang ng kanyang cellphone. Mukha na nila ng kaibigan ko ang andun. Magkadikit ang pareho nilang pisngi habang nakangiti.
What the hell!!
Di pa rin ako makapaniwala. Paano naging sila?. Kating kati na akong malaman ang kanilang kwento pero wala akong ibang mapagtanungan.
Shit!..
My goodness Bamby!!.. Paanong hindi mo ito alam?. At... gusto kong pumalakpak sa galing nilang magtago. Di naman ako against sa kanila. Bat kailangan nilang itago ang kung ano mang meron sa kanila?. I wonder why kuya did that.
Bigla nalang akong nag-init. Sa tantya ko. Kinikilig na naeexcite. Amp!. Isang taon na rin kaming di nagkakausap na dalawa. Tapos malalaman ko lang ito ngayon na sila pala ng kapatid ko. Susmaryosep!.
"Sorry na.. mahal kita.." natutop ko ang mismong bibig nang bumalikwas ito bigla at muntik nang mahulog. Yumakap sa unan na nasa kanyang braso. "Kailan mo ba ako kakausapin ulit?.." dagdag nya. Iyon na ang huli nyang binanggit bago tuluyang natulog.
"May pasikreto ka pang nalalaman.." iling ko habang nakangising nakatingin sa walang malay nyang mukha. Nakatayo ako sa gilid nya't nakahalukipkip. "Wala kayang sikreto na di nabubunyag.. ngayon, humanda ka paggising mo.. ikaw naman ang igigisa ko."
Tatawa tawa akong lumabas sa kanyang kwarto. "Babe, may balita ka ba Joyce?.." tanong ko nang mahiga na ako saking kama. Nakatingala sa kisame. Binibilang kung may butiking dadaan.
"Wala eh.. bakit?.." sagot nya matapos ikwento ang mga ginawa sa natapos na araw.
"Ganun ba.. namiss ko lang sya bigla.." kalahating kasinungalingan at katotohanan. Gusto ko sanang malaman kung anong balita na sa kanya subalit di nya rin alam. Kay kuya ko nalang tatanungin. Tural sila naman.
Di ko rin ikakaila na, sobrang miss ko na ang best friend ko. Sana paggising ng lasenggo o di kaya'y broken hearted, Sana sabihin nya rin sakin kung anong kwento nila ng bestfriend ko. Excited na akong magising bukas. Kuya!!