Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 206 - Chapter 56: Love

Chapter 206 - Chapter 56: Love

Sabihin nyo na po akong marupok. Mahina. Hindi matibay. Madaling nadadala ng emosyon. Pero yun po talaga ako eh. Marupok kapag nagmahal. Walang lakas kapag hindi sya kasama o makausap man lang. Nanghihina pagdating sa kanya.

Katunayan. Hindi talaga ako marupok. Nagmamahal lang ako.

Unang kita ko palang sa kanya noon. Ramdam ko na. Nahanap ko na ang the one ko. Sa tibok palang ng aking puso, na parang kinalabit ng kuryente tapos kiniliti ako?. That's it!. Doon na hindi nawala sa isip ko ang pangalan nya. Jaden, na parang sirang plaka saking tainga. Gustong gustong marinig. Kahit paulit-ulit.

"Ano itong narinig ko!?.." inis na pumasok itong aking kapatid saking kwarto. Nakadapa ako sa kama habang nanonood ng kdrama. Kulang ata yung tanong nya. Asan yung Bamby?.. Tsk!.

"Ano na naman?.." I asked without looking at him. Tutok pa rin ako sa nasa screen. Pagod syang bumuntong hininga. "Binalikan mo?.." he asked out of the blue.

Alam na nya?.. Ang lakas naman ng pang-amoy ng taong to. I wonder kung kanino nya nalaman. Si Kuya Mark siguro. Imposible namang kay Jaden. Eh, galit iyon doon.

"Why not?..." matigas kong himig. Still. Not giving him any attention.

"Bamby naman.. talaga oo?!.." nauubusan nitong sabi. Namaywang sya saking gilid. Kita ko pa kung gaano na kasama ang hulma ng kanyang mukha. Di ko sya nilingon. Sa gilid ng mata ko lang sya tinignan. "Hindi ka ba nag-iisip?.. Sinaktan ka na nga, binalikan mo pa?.."

Alam ko kung bakit sya ganyan magreact. Ayaw nya lang akong masaktan o umiyak na naman.

"Mahal ko eh.." the best words to stop his rants.

Loving him is my only way to cure my broken soul.

Mahal ko eh. Mas mahal ko pa nga sya kaysa sa sarili ko.

"Bullshit!.." malutong nyang mura. Sinipa pa ang ilalim ng aking kama.

Muntik nang lumipad ang kaluluwa ko sa kabilang bahay ng bigla itong magmura ng magmura. Malutong pa. Nakakagulat. Tangina!

"Mahal?.. Tanginang yan!!.. wala kang mapapala sa pagmamahal na yan.. di mo ba nakikita?.." I didn't utter anything. I just stared at his disappointed face. Hindi ko nakikita kung bakit ka ganyan magalit..basta ang tanging nakikita lang ng aking mata ay ang kagustuhang mahalin sya. "Manloloko sya.. sinaktan ka nya.. bakit--?.."

"Pwede ba kuya?.." I cut his words. Close my eyes then breathe. "Hindi sya manloloko.. at lalong hindi nya sinadya iyon.. sino ako para di sya patawarin?.."

"Akala ko ba masakit ang ginawa nya?.. Nabura nalang ba iyon na parang bula ha?.." umiling ako. Syempre hinde no. Umayos ako ng upo at humarap sa kanya kahit bakas sa kanyang mukha ang galit, inis at disappoinment. "Sabihin mo nga sakin, para saan yung mga luha mo kung ganun ha?.."

"Hindi madaling magpatawad kuya. pero kung talagang mahal mo ang isang tao... lahat gagawin mo.. kahit mahirap pa sa'yo.."

Natigilan sya't natulala saking mukha. "Please naman kuya.. kahit ngayon lang.. suportahan mo naman ako.."

He looked away. "Sinuportahan kita noon, pero nasaktan ka lang. at kasalanan ko iyon dahil pinayagan ko sya..."

Now I know. Iyon pala. Sinisisi nya ang kanyang sarili kung bakit ako umiyak noon. Kaya pala, kulang nalang basagin nya mukha ni Jaden noong pumunta sya sa bahay bago kami umalis. Kaya pala.

"Normal lang ang masaktan kapag nagmamahal ka kuya..you don't know the true value of love without knowing the feeling of pain..."

Kinamot nito ang ulo at batok. Halatang nauubusan na ng pasesnya sakin. "Bahala ka..basta kapag sinaktan ka nya ulit.. wag ka nang iiyak sakin ha..binalaan na kita.." iyon lang at umalis na sya.

Nagtapos ang araw na iyon na di nya ako kinausap. Hanggang ngayon na isang linggo na ang nakalilipas. "Babe, kakausapin ko sya.." Ani Jaden nang sabihin ko sa kanya na nagtatampo na ako kay kuya.

"Wag na.. ako nalang.. baka lalo lang syang magalit sa'yo.." nag-aalala kong sagot sa kabilang linya. Tinawagan ko sya dahil naubusan na raw sya ng load.

"Hinde.. sakin naman sya dapat magalit eh.. hinde sa'yo.. ako nang bahala babe..Talk to you later.." paalam nya bago binaba ang tawag.

Lumipas muna ang dalawang araw nang bigla nya nalang ginulo ang buhok ko. Nakaupo ako sa may sala. Kumakain ng pizza ng bigla syang pumasok. Sa galit nga sya sakin. Di ko rin sya pinansin nung una. Pero nang guluhin nito ang buhok ko. Doon na humaba ang aking nguso. "You idiot!.." nangilid agad ang aking luha. Umapaw nang yakapin ako.

"Di ko lang kayang makita kang nasasaktan kaya ako galit.. kapatid kita at lahat ng ginagawa ko ay para lang naman sa ikabubuti mo.." tumango ako sa kanyang yakap. Basa na ng luha ang kanyang balikat. "He already talked to me.. and he also promised.. basta.. wag ka lang ulit nya paiiyakin.. baka mabasag ko na mukha nya nang matuluyan.."

"Ang sama mo.." sinuntok ko sya.

"Hahaha.. gusto lang kitang protektahan.. masama na ba yun?.." ngumuso ako. Walang masabi sa kasweetan nya. So cheesy eh!.. Bakt di kaya nya subukang manligaw nang may pinagkaka-abalahan naman sya. Kami lagi pinagdidiskitahan eh.

"Tsk... namiss kita Bamblebie.. tarang botanical garden.." Doon na naging maganda ang panahon sa nagdaang mga araw ko.

Namasyal kami kahit saan. Tinuruan pa nya akong magskate board. Hinayaan ring makipag-usap kila Bryce at maging ang pumunta ng club sa gabi. Sinasama na nya ako.

Hindi nya talaga ako binibigo. He always shows me how he loves me. How they love me. I'm so loved!. I have Jaden back. Kuya Lance's trust. And my family. I'm damn complete again.