Mahal ko sya. Laging yan ang laman ng utak ko kahit saan man ako magpunta. Kahit sinira nya ang tiwala ko. Kahit sinaktan nya pa ako. Mahal ko pa rin sya.
Hindi iyon nawala o nabawasan man lang kahit katiting. Hinde.
"Mahal pa rin kita.. sana patawarin mo na ako.. nagsisisi na ako sa nagawa ko.. please give me another chance.." linyahan nya yan sa loob ng isang buwan. Kahit mahal ang magtext o tumawag sa ibang bansa. Tinitiis nya pa rin para lang sakin. Sinabi ko sa kanyang huwag na syang magpadala ng text o tawag pero nagpumilit pa rin ito. Ginawa ang kanyang gusto.
Na, gustong gusto ko rin naman. Stupid love!.
Tuwing umuuwi ako galing school. Tawag nya agad ang bumungad sakin. Kahit di pa ako nakapagpalit o nakapagpahinga ng minuto. Diretsong sagot sa telepono ang ginagawa ko. Kung bakit laging iyon ang oras nya?. Ang sabi nya minsan sakin. Tinanong nya raw kay kuya Mark yung schedule ko. Kaya ayun. Laging ontime kung tumawag.
"Bamblebie ha!?.." banta na naman sakin ni kuya noong minsan na sya ang sumagot sa tawag nya. Di ko alam kung may sinabi pa sya dito o wala. Basta sinabihan na nya lang ako na, "Ayan ka na naman?.." ngumuso lamang ako sa pagbabanta nya.
What should I do then?. Mas masakit kayang magmahal kapag hindi mo pinatawad taong mahal mo diba?. Lahat naman tayo nagkakamali. Kaya, sino naman ako para di sya patawarin?. Di nya ba alam iyon?. Ay, wala pa pala syang lovelife, paano nya naman malalaman?.
"Hi?.." Ilan sa mga araw na nagmadali akong umuwi.
Madilim na sa paligid nya. Hating gabi na sa kanila. Nakaupo raw sya sa kanilang bubong. Nililipad ng hangin ang buhok nyang bahagyang humaba. Nakikita ko mukha nya dahil may ilaw syang gamit. Flashlight daw.. "Malakas signal dito.. tsaka pakiramdam ko, mas malapit ka lang sakin kapag ganitong nasa bubong ako.." tinawanan ko lang sya
"Ang haba na ng buhok mo..." imbes batiin rin sya. Iyon ang una kong pinuna. Kinagat nya ang labi bago mabagal na tumango. Mahina na naman ang signal. "Oo, magpapagupit na ako bukas.." sabay hagod dito patalikod. Damn boy!. You should!. Dahil mas lalong maiinlove mga babae sayo kapag ganyang mahaba ang buhok mo. Gusto ko itong sabihin kaso lang naunahan talaga ako ng hiya.
The other day. Nakita kong nagpagupit na sya. Clean cut. Better!. Ayokong masyado kang gwapo.. Sa sarili ko pa rin sinabi ang mga iyon dahil napanganga na ako sa kanyang ngiti.
"Gwapo na ba ako?.." kindat pa nya.. Binasa ang mga labi bago nangalumbaba.
My goodness!. Yung puso ko. Tinamaan na naman ni kupido.
Naningkit ang aking mata. "Bagay.." bagay na bagay.. pero mas bagay tayo.. Naku!.. Ayan ka na naman Bamby!..
Di na naman nya ako tinigilan sa mga kwento nya. Nakikinig lang rin ako. Minsan sumasagot ngunit sya ang madalas nagsasalita. "Kung andito ka lang, ipapakilala kita sa Lola ko. " he once said. I asked him why. Mahilig raw sa halaman ang lola nya kaya gusto nya akong ipakilala. Ipakilala bilang ano?..
Mas lalong naging magulo ang paligid nya ng agawin bigla ni Niko ang cellphone nya. Bumati ito at nangamusta. Nagbilin pa ng tsokolate. "Pasensya ka na sa kanya ha.. makulit lang talaga.."
"I know..namimiss ko na nva sya eh.." totoong namimis ko na sila. Lalo na sya. Ang mainit na yakap nya. Ang halakhak at ngiti nyang parang ako lang ang nakikita. Ugh!.. Those days?. I want to get back.
"Ako ba, hinde mo namimis?.." malungkot nyang sambit. Di ko nakita ang mukha nya dahil biglang nagdilim ang camera nya. Tinakpan nya ata.. Sadya nya o hinde. Basta ewan.
Pumikit ako at huminga ng malalim. Bahala na!!.
"Miss na kita... sobra!." sa isang mahinang boses ko ito sinabi. Kinakabahan. Sobra!
Ito ang pinakatotoo sa lahat ng nararamdaman ko ngayon. I miss him so much!. Nag-init na naman ang gilid ng aking mata.
"Damn babe!.." isang mura ang pinakawalan nya. Doon na umayos ang kanyang camera. Umayos rin sya ng upo. Natataranta. Baka mahulog ka riyan.. Sita ng puso ko sa mga galaw nya. Habang humuhugot ng malalim na hininga. Namumula ang kanyang mukha at pawisan.
"Bakit ka namumula?.." out of curiosity.
"Ano nga ulit yung sinabi mo?.." sambit nya nang di ako sinasagot. Naglalakad na ito papasok sa kanyang kwarto.
Oh boy!.. I hate repeating words. But if you insist?. Then, I'd no choice. I'll do what you want.
"May second chance pa ba ako?.." Itinikom ko ang bibig dahil biglang dumaan si kuya saking likod.
What the hell kuya!.. Gusto ko syang sigawan kaso nawala na sya bigla. Sinadya atang dumaan para ipaalala yung bilin nya.
"Promise me first.."
"I promise.." agap nyang sagot. Itinaas pa ang kanang kamay. Itinapat sa kanyang dibdib.
"Patapusin mo muna ako.. atat masyado eh.." ngiti ko.
Humalakhak sya. Gosh!.. His sexy voice. Paano ko kaya natiis na balewalain ng ilang araw ang ngiting iyon?. Naku naman Bamby!..
"Promise me, no lies.."
"I won't lie.." di ko talaga mapigilang ngumiti. Shit lang!.
"No other girl...s.." sinadya kong ihabol ang s sa dulo pertaining to not just one girl.
"No other girls.."
"And, please don't make me cry again at the middle of heavy rain.."
"Sorry, I made you cry.." my heart gets warm. Pinunasan ko ang luha saking mata. "Sorry, kung nagkamali ako.." ahit!. Yung luha ko. Nag-unahan na.
Naputol bigla ang linya. Connecting data!. Sucks!. Mabuti nalang din para kumalma ako.
"Can I call you?.. Ang hina ng signal.." he chatted. Mabilis ko syang nireplayan ng oo. Bago noon, nakita ko kung paano tumingin sakin si kuya sa may kusina. Matalim ang titig nito. Nagbabanta talaga!..
Nagfinger heart lang ako sa kanya para di na sya bitter. Matapos nun, pumasok na ako sa kwarto ko at nagkulong.
"So, pwede bang tayo na ulit?.." bungad nya sa tawag. Umupo ako sa kama habang kagat ang ibabang labi.
"Damn you Jaden!.. oo na!.." nagsaya na naman ang aking puso. Nakuha nya ang kanyang gusto
"Yes... hahaha.. Thank you babe.."
"Wag mo na ulit gagawin yun ha?. Ang sakit sa puso eh.. Alam mo yun?.."
"Yes po boss.. I love you.."
"Mahal din kita... mahal na mahal.." pikit mata kong sambit. Dinadama ang sayang nadarama.
Gustuhin ko mang sundin ang uniuutos ng utak ko na, wag mo syang balikan. Lolokohin ka ulit nyan. Subalit, mas malakas ang pintig ng puso ko na kung saan, sya na ang nagdikta na sabihin ang totoong nararamdaman ko. Iyon ay ang balikan ang taong mahal ko.