Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 200 - Chapter 50: Goodbye

Chapter 200 - Chapter 50: Goodbye

Humakbang ako ng paisa isa. Hindi ko malaman kung tatakbo ba ako o sisigaw. Hindi ko talaga alam.

Lalong lumakas ang buhos ng ulan na sinabayan rin ng paghagulgol ko. Tinakpan ko ang bibig para hindi nila marinig. Di naman nila maririnig dahil sa lakas ng ulan. Pero ginawa ko pa rin. Tangina! Nangako sya diba? Nangako syang hindi magpapaapekto sa tukso?. Ano ngayon yung nakita ko?. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano sya magpakalunod sa tukso. Nangako sya. Kumapit ako doon. Mali bang maniwala ako sa pangako nya?. Naniwala ako. Buo. Malaking tiwala ang binigay ko. Pero bakit ganito?. Bakit, kung kailan minahal ko na sya ng todo?.

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?.

Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan.

Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko.

"Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat.

"Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon..

"Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam.

"Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap.

"Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak.

"Hindi ko alam..."

"Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.."

Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.."

"Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura.

"Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako.

Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.."

"Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..."

"Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanya kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya.

Tinalikuran ko sya at naglakad palayo sa kanya. Nilampasan ang sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada..

Mas mabuti sigurong lumayo muna ako. Baka masigawan ko lang rin sya.

"Bamby!.." dinig ko ang mabibigat nitong hakbang. Binalewala ko iyon. Ilang sandali lamang ay may humawak na saking palapulsuhan. Pinipigilan akong lumayo.

Agad bumuhos ang luha saking mata. Di ko kayang makita syang nasasaktan Pero, bakit ako ngayon ang lubos na nasasaktan?. Bakit?.

"Mag-usap naman tayo.. pag-usapan natin to.." tinitigan ko lang sya. Minememorya ang bawat sulok ng kanyang mukha. "Basang basa ka na.. pumasok na muna tayo sa loob.." mahinahon nyang sambit sabay hila sa kamay ko pero di ako nagpatinag. Matigas akong tumayo sa kinatatayuan ko. Sinasabing, dito lang ako pero sa paraan ng pagkilos.

"Paano ako papasok sa loob kung...andun ang babaeng pinsan ko.."

Nalaglag ang kamay nya na nakahawak saking braso. Umawang pa ang kanyang labi. Pagkakataon ko na rin iyon para bahagyang lumayo sa kanya.

"Veberly Eugenio Perez.. Babaeng pinsan ko, na hindi ko kailanman nakasundo.."

"Hindi ko alam.."

Sarkastiko akong tumawa. "Hindi mo na kailangan pang malaman.. dahil, tapos na tayo.." piniga na naman ang puso ko sa mga salitang nabanggit. Damn!

"Bamby, wag naman.."

"Simula ngayon, pinapalaya na kita.. malaya mo nang magagawa muli ang lahat ng gusto mo... nang wala ako.." huling beses akong tumitig sa kanyang mata bago tuluyang tumalikod sa kanya.

Muling bumuhos ang luha saking pisngi. Ayoko sanang gawin ito, pero kung ito lang ang paraan para mapatawad natin ang isa't isa. Magpaparaya ako.. para sa atin.

Kahit nanghihina. Kahit, nanginginig. Pinilit kong buksan ang pintuan ng sasakyan. Walang lingon lingon akong sumakay saka pinaharurot paalis sa lugar na iyon. Habang papalayo ang sasakyan, habang paliit sya ng paliit sa salamin. Lalo kong naramdaman ang pagkawala ng kalahati ng pagkatao ko. Ang kalahati ng puso ko. At ang... kalahati ng kaligayahan ko.

Nagmaneho akong hindi malaman kung saan tutungo. Hanggang sa narating ko ang park sa aming village. Doon ako umupo. Naligo at nagpakalunod ng iyak. Sa gitna nang malakas na hambalos ng ulan..Madilim na kalangitan. Sumigaw ako ng napakalakas sa unang beses ng buhay ko.