Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 201 - Chapter 51: Tired

Chapter 201 - Chapter 51: Tired

Hindi ko alam kung bakit sobrang lakas ng ulan kahit ilang oras na ang nakakalipas. Wala namang inanusyo na may bagyo pero daig pa nito ang meron. Dinama kong muli ang tubig ulan bago nagpasyang lumilim na. Nanlalamig na ako. Sigurado akong, lalagnatin ako neto. Paalis pa naman kami bukas. Sana lang, hinde.

Hinalughog ko ang compartment ni kuya matapos tumakbo pabalik. Mabuti nalang at may damit at towel sya doon. May pampalit ako kahit papaano. Kinuha ko iyon at saka pumasok sa loob ng sasakyan. Pagagalitan ako nito panigurado.

"Hey!. Nasaan ka?.. Kanina pa galit na galit sina mama.." nag-aalalang himig ni Kuya Mark sa kabilang linya. Uuwi na sana ako kaso mugtong mugto pa tong mata ko. Magtataka sila kung bakit. At.. ayokong sabihin ang naging dahilan. Hindi ko kaya.. Baka, bumigay lang ako sa harapan nila. "Nasa mall ako.." mabuti nalang at hindi basag ang aking boses. Mamaya ako uuwi. Papalipasin ko muna ang oras at ang ulan na hanggang ngayon wala pa ring habas kung bumuhos.

"Saan ka ba kasi nagpunta?.." Eto na yung pinakaayaw ko. Ang sagutin ang kanilang mga katanungan.

Lumiko ako sa isang drive thru at doon umorder ng pagkain. "May binili lang ako.." pagsisinungaling ko. Inaabot sakin ang pagkaing inorder ko saka ako nagmaneho sa kung saan.

Ala sais na ng gabi. Pero pakiramdam ko, Ayoko pa ring magpakita sa kahit na kanino. "Lance, si Jaden ba yun?.." hindi sya sumagot subalit nang sabihin ang pangalang iyon. Parang bumalik na naman lahat ng sakit na binura ng ulan kanina.

Bahagya akong nahilo at nanuyot ang lalamunan.

Nakinig lamang ako sa kanila. Pumarada ako sa mall at doon tumambay. Sa loob ng mismong sasakyan. Hindi ako pwedeng lumabas dahil damit pang-itaas lang ang suot ko. Wala nang kahit na ano.

"Sya nga kuya.. anong ginagawa nya sa labas?.." dinig kong sambit ni kuya Lance. Nagtataka. Nasa parking na ako't lahat, pero itong puso ko. Ang lakas pa rin ng tibok. Bawat pintig nito, sakit. Sakit na di ko aakalain na mararamdam ko pala.

Hindi ko noon naisip na mangyayari pala ang lahat ng ito sa amin. Puro saya at kilig lang ang tanging alam ko noon. Wala iyon sa imahinasyon ko. Nalaman ko lang ngayon na, kaakibat pala ng relasyon ang hirap at sakit. Ang pagsasakripisyo at pagpaparaya. Na hindi pala ganun kadali ang pumasok sa isang relasyon.

"Hello?. Bamby?.." boses na ni kuya Lance ang narinig ko. Parang galit o inis. Ewan ko kung saan nagpunta si kuya Mark. Lumabas yata o umalis. Hindi ko alam.

"Kuya?.." mahina kong bulong. Sapat na para marinig nya. "Umuwi ka na.." sinabi nya ito na para bang nasa malayo ang kanyang boses. Hindi naman bulong. Dahil kung bulong iyon, maririnig ko ang paghinga nya.

Muli kong tinignan yung mga damit na nasa upuan. Basa pa rin ito pero kailangan ko nang umuwi. Hindi pwedeng magpakita sa kanila na walang gamit na salawal.

Ako na ang pumatay sa linya. Kinakabahan ako habang pinapaandar ang sasakyan. Lumilipad na ang isip ko. Ano na kayang nangyayari?. Nasa labas si Jaden kahit umuulan. Baka mamaya tanungin sya kung anong ginagawa nya doon. My goodness Bamby!. Kailangan mo na talagang umuwi.

Hindi ko pa nagagalaw yung mga pagkain na binili. Sumubo ako kanina pero matagal muna bago ko iyon nilunok. Sa madaling salita. Wala akong gana.

Kahit gusto kong liparin ang aming bahay para malaman kung ano nang ginawa nila. Wala akong magawa kundi tiisin ang traffic at magdahan dahan ng maneho. Madulas ang daan kaya kailangan doble ingat.

Muling tumunog ang telepono ko. Sinagot ko gamit ang isang kamay. "Bamby, umuwi ka na.." ani papa. Numero ni kuya Mark ang ginamit kaya ang akala ko ay sya ang magsasalita doon. Hindi ko inaasahan ang nakakatakot na boses na yun.

"Malapit na po ako.." Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang patayin na nya ang linya. Gosh!. Alam na kaya nila?. Damn!

Natatakot po ako!

Pagliko sa kanto kung saan ilang dipa na lamang mula sa aming bahay. May natanaw na akong isang tao na nakatayo sa harap ng gate namin. Nakatingala sya doon na para bang may hinihintay.

Kumalabog ng husto ang aking puso. I knew. Kahit di ko pa lapitan. Alam kong sya yun. The way his standing. Ang hulma ng kanyang mukha. Alam ko. Ramdam ng puso kong, si Jaden yun.

"Anong ginagawa mo dito?.." bumaba agad ako ng pumarada sa gilid ng kalsada. Nagulat ko ata sya dahil bahagya itong napatalon.

Umayos sya ng tayo nang humarap sakin. "Bamby, hindi ko kaya.." nanginig ang kanyang labi nang banggitin ang mga ito. Tumayo lang ako na para bang wala nang pakialam sa kanya. Hinayaan kong mabasa muli ako ng ulan.

Matagal ka na ba sa ilalim ng ulan?. Baka magkasakit ka nyan.. Gusto ko itong tanungin pero damn!. Sinisapawan ako ng pride ko. Pinipigilan ang dila kong gumalaw para sabihin.

Noon ko lang natanto na nakabukas pala anb aming gate. At doon, sa loob noon. Nakatayo sila kuya. Mga nagtatanong ang mga mata. "Anong hindi mo kaya?.." humakbang ako ng isa.

Isa.

Isang hakbang, para mapalapit sa isang taong minahal ko.

"Bamby, wag ka namang ganyan.." naiiyak nyang himig. Kinagat ang ibabang labi bago umiling at nagbaba ng tingin.

"Bakit ano ba ako?.." sarkastiko kong sambit. Lumunok ako ng dalawang beses.

Dalawa.

Dalawang beses para ibsan ang sakit na nadarama ko.

"Mahal kita.. wag mo naman akong iwan.." sa pagitan ng mga hagulgol nya ito isinatinig.

Tatlo.

Tatlong beses na namang tumalbog ang puso ko.

Bumuhos ang luha saking mata. Wala akong magawa kundi iiyak nalang ang lahat ng to. "Mahal kita Jaden..." agad syang nag-angat ng tingin sakin. Mukhang nabuhayan. "Pero..." nag-iwas ako ng tingin. "Nasaktan mo na ako.."

Apat.

Apat na salita na kaysakit sabihin, ngunit kailangang banggitin.

Ayoko mang aminin. May nagawa rin akong mali. Hinayaan ko syang hanapin sa iba ang pagkukulang ko. Kaya siguro nya nagawa iyon dahil hindi ko nga maibigay ang gusto nya.

"Anong nangyayari dito?.." naputol lamang ang tensyon saming dalawa nang lapitan kami ni kuya Lance. May dala itong payong na agad nyang isinilong sakin kahit basang basa na ako. Tinitigan nya ako ng mariin pero nag-iwas lang rin ako ng tingin. Tapos ibinaling nya kay Jaden ang matang matalim kung tumingin. Ilang minutong ganun ang aming posisyon. Nagtitigan sa ilalim ng ulan.

"Lance, pumasok na kayo!.." dinig kong hiyaw ni kuya Mark mula sa loob. Hinawakan na ako ni kuya sa braso. Nagpatianod naman ako. Pagod na ako. Nanlalamig at gusto nang magpahinga. Kaya sumunod na rin ako sa bawat hakbang nya.

"Bamby?.." nagsusumamong himig nya. Hinarangan pa kami.

"Pare, papasok na kami.." si kuya ang nagsalita para sa akin.

"Lance, kahit saglit lang.."

"Umuwi ka na Jaden...aalis na kami bukas.. hindi pwedeng magkasakit ang kapatid ko.."

"Pero--.."

"Umalis ka na..kung ayaw mong basagin ko mukha mo!.." umigting ang kanyang panga matapos itong sabihin. "Umalis ka na..." huling hirit pa nya bago ako tuluyang hinila palayo sa kanya.

Lilingon pa sana ako sa huling sandali. Subalit minadali nyang isarado ang gate. Pinalupot sakin ni kuya Mark ang tuwalya bago inakay sa loob.

Lima.

Limang oras akong umiyak sa harapan nila. Walang nagsalita pero ramdam ko ang galit nila.

Hinayaan nila akong ilabas lahat ng sakit. Lahat ng panghihinayang. Lahat lahat... pero hindi pa rin iyon sapat.